CHAPTER 1
“Cabrera, Aria Serenity M. CUM LAUDE. Let’s give her around of applause.”
“Goodmorning everyone, to my schoolmates, classmates, teachers, and of course to my family na hindi nagsawang sumuporta sa’kin, para sa inyo ang tagumpay na ito." I started. "Being a senior highschool student is not that easy. You see in our first year here was very hard. New community, new people, new faces, new facilities and of course new life. I always kept saying na ‘ang hirap naman, ayoko na!’ but when I remember what our Bishop said na that our goals or dreams in our life should be build with a great determination. I must say it’s right hindi isang pagsubok, isang problema, isang sakit susuko ka na, No you should keep and keep being determined to reach your goals. Mas naging diterminado ako na mag strive pa lalo. So today, this is not the end it is just the beginning of us reaching our goals with a great determination. Maraming salamat sa mga teachers, schoolmates and classmates na bumuo ng highschool life ko. And I must say being highschool student is fun. My highschool life is finally completed. Congratulations to my fellow graduate students. Let's strive for more. Huwag tayong makuntento sa kung anong meron tayo ngayon. Let's reach our goal with a great determination. That's all thank you so much.”
Pagkababa ko ng stage sinalubong agad ako ni Mommy at Daddy ng mahigpit na yakap. Niyakap ko din sila pabalik.
Ramdam na ramdam ko na sobrang proud sila sa'kin.
“Proud ako sa’yo anak. Mahal na mahal ka ni Mommy.” My Mom whispered. Ramdam ko sa higpit ng yakap niya kung gaano siya ka-proud sa akin.
“Mahal na mahal ka din ni Daddy, my baby.”Si Dad. I've been always a daddy's girl. I started crying.
Really papaiyakin ba talaga nila ako. Pero sobrang natouch ako sa kanila sila yung taong hindi ako iniwanan, patuloy nila akong sinuportahan.
“Mommy naman pinapaiyak niyo ko. I love you too so much. Mahal na mahal ko kayo ni Daddy. Mahal na mahal ko kayo—. "May kumiliti saken.
“Kame di ba kame kasama sa I love you mo? Pa’no naman si Kuya ha? Magtatampo ako sa’yo, baby."
Oh! My childish brother. Kailan ka magmamature. Kuya Stephen.
“ Siyempre naman kuya, di ko kayo love ni Kuya Sila—ahhh kuya stop it…pleasee HAHAHAHAH stop it. Oo na, oo na love na love ko din kayo ni Kuya Silas.”
"Aba dapat lang. Mahal na mahal ka namin ni Kuya Silas dapat love mo din kameng kuya mo." Ang arte niya talaga. Kala mo naman gwapo.
"Oo naman kuya, mahal na mahal ko kayo. Thanks for always be there for me, hindi kayo nagsawang intindihin at suportahan ako. Spoiled pa 'ko sa inyo. And I'm gonna say you're the best brother in the whole universe." Sabi ko sabay yakap sa kanya. Niyakap din niya ako pabalik.
"Wow maka universe bakit naging kapatid mo ba lahat sa buong universe?" Tinulak ko siya.
See napakawalang kwenta kausap. Kanina napaka lambing pero ngayon nang aasar na siya.
"Both of you that's enough." It's dad.
"Napaka epal talaga kuya. Btw, where's kuya Silas?" I look everywhere nang biglang..
Nagtama ang tingin namin ng nag iisang lalaking naging gusto ko. Nakaramdam ako ng bilis ng kabog ng puso ko. Siya ang nag iisang lalaking nagparamdam saken ng ganito. Ngunit umiwas siya agad ng tingin ng makitang nakatingin ako sa kanila.
He’s “David Nolan R. Garcia” ang nag iisang lalaking naging gusto ko buong buhay ko. He's tall, have a muscular body, he's also gentleman. He’s a Man of God. He’s my brother’s bestfriend, Kuya Silas. He’s also 3 years a head of me.
But I’m not planning to confess my feelings for him, not gonna happen. I always tell myself that.
I hangout with my highschool friends for a while . We just celebrate. I just go home straight.
When I go home it's already 8 pm.
Nakapatay lahat ang ilaw.
"Nasan sila? Tulog naba silang lahat?"
At pagbukas ko ng ilaw...
"SURPRISEEEEE"
"Congratulations baby girl. Paulit ulit kong ipapa alala sa iyo na sobrang proud na proud si Mommy sa'yo. I love you baby"
Oh my gad what's happening?
"Sobrang proud na proud din sa'yo si Daddy. I'll support you no matter what happen. I love you baby girl"
Hindi ko napigilang umiyak. Akala ko we'll have a simple family dinner. Lalo akong napaiyak nung si Kuya Silas na ang nagsalita.
"Patuloy ka din naming susuportahan. Ako yung kuya mo ha. Wag mo kakalimutan yan. Magbago man lahat pero ang pagiging magkapatid natin hinding hindi magbabago. Proud ako sa'yo palagi Aria" Si Kuya Silas.
"Nandito ako para protektahan ka Aria. Kuya Stephen at your service. Wag kang mahihiya sa'min magsabi kung may problema ka. Mahal ka namin Aria."
I hugged them both. I felt lucky to have a brother like them. Wala na kong mahihiling pa. I have a supportive loving parents tapos yung nga kuya ko pa na nandyan din para saken.
When I look at Mom she's crying.
"Mom why are you crying? " I hugged her.
"No I'm just happy. Masaya ako na mas pinili ko kayo kaysa sa career ko. Yung mga anak ko. Nagmamahalan. Wala na kong mahihiling pa. I have a perfect family."
My mom was a singer back then. Kaya naging Aria pangalan ko because it means melody.
And I'm also happy na mas pinili kame ni Mommy, alam kong nalungkot siya dahil maaga siyang nag retire sa pagiging singer pero mas nakikita ko yung saya sa mata niya ngayon. Ang saya na meron kaming, akong magulang na handang palayain ang pangarap nila para sa amin.