CHAPTER 15

Sa ginawang pag amin sa akin ni David na mahal niya ako, instead na mailang ako or mahiya. Mas lalo kaming naging close. As in close.

He's been busy for a weeks now kase andaming gusto siyang kuhanin as a lawyer since nag top siya sa BAR exams, but he really make sure that he have a time for me. Sinabi ko naman sa kanya na okay lang at naiintindihan ko.

"Birthday mo na bukas. This is your first birthday na makakalapit ako sa'yo. This is the first birthday na kaya kitang tingnan sa malapitan. Thank you for letting me to be part of your life." He smiled at me while caressing my hair.

Mas lalo siguro siyang sasaya kapag sinabi ko sa kanya bukas na mahal ko siya. Na sobrang mahal na mahal ko siya. He really proved himself more than anyone could do.

"So ikaw 'yon. Yung lagi kong naramdaman na nakatingin sa akin ha? " Tinaasan ko siya ng kilay at nag astang galit galitan.

Sa itsura palang niya alam ko na ang sagot.

"Eh.. hehe.. sorry na mahal ko. Wala pa talaga akong balak na umamin sa'yo. Kaya tiningnan nalang kita sa malayo. " Kamot batok niyang sagot. Nahihiya.

"Kelan mo pa 'ko simulan sundan?" I asked him.

" College." He answered shortly.

College... so that means...

"I'm sorry." I whisper.

"Why are you saying sorry?"

"Alam kong nasaktan ka.. dahil dun kay Carlo. If you were stalking me since College.. alam mo kung paano siya nanligaw... alam mo kung..." Hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil nasasaktan ako para sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"It's okay. Wala ka dapat ihingi ng sorry. Yeah, nasaktan ako.. sobrang nasasaktan ako habang nakikita ko kayong magkasama. Sobrang nasaktan ako nung nalaman kong kayo na. Tapos ni legal mo pa siya sa magulang ko at... in front of my face. Feeling ko that time dinudurog ang puso ko kase yung nag iisang babaeng minahal ko ng ganito may mahal na iba." I felt his tears on my shoulder. He's crying. My Nolan is crying. "But when i saw him once cheating on you. Aamin ako na naging masaya ako, sinabi ko sa sarili ko na baka chance ko na 'to. Baka chance ko na 'to na ako naman. Hindi siya, ako naman. Lagi kong ipinapanalangin sa Diyos na sana ako naman. Sana maging akin ka. Na sana makita mo ako. " Nanginginig ang kamay kong hinaplos ang likod niya. He's starting sobbing like a kid. Sa sitwasyong ito alam kong sobra siyang nasaktan.

"I'm really really sorry, Nolan. Thank you for waiting for me kahit na nasasaktan ka na. Maraming salamat kasi hindi ka sumuko sa akin. So crying hmmm.. shhh... stop  crying I don't want to see you like this." Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi. Namula din ang kanyang ilong.

Kung sa iba ang pangit kapag umiiyak but he's... he's handsome even he's crying.

"I love you, Serenity. Hinding hindi ako susuko. Hinding hindi ako titigil hanggat hindi ka nagiging akin. Hanggang sa mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo." He smile at me.

"I'm sorry for crying. Nagmukha tuloy ako bakla haha. Kalimutan mo nalang na umiyak ako. Nahihiya ako haha." Halata nga ang hiya sa mukha siya.

"No it's okay to cry. At hinding hindi ko kakalimutan 'yon dahil hindi kahinaan ang pag iyak. Sobrang tatag mo para hintayin ako even though it hurts you. Ang swerte kong babae."

"No I'm the one who's lucky. Kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka. Na maiparamdam ko sa iyo na mahal kita. " He smiled at me widely. "Patuloy kitang hihintayin, mahal ko. At hinding hindi ako magsasawang mag hintay sa iyo."

After that talk. Naghanda na kame dahil aalis kame ngayong gabi para pumunta sa beach resort namin kung saan ko ice-celebrate ang birthday ko. I'm just with my family and his family, of course Bella is also be right there. Pero bukas pa ng hapon. She said she's gonna do something important.

Papunta na kame sa beach resort namin and I'm with David. May sarili siyang kotse kaya sa kanya na ako sumabay. Sila mommy nakasunod lang sa'min.

Kuya Silas and Kuya Stephen will also be there. He cleaned their schedule for my birthday.

It's 6 hours away from our house. Kaya nag drive thru muna kami, since hindi na kami nag dinner.

"Ano gusto mo?" David ask me.

"Just uhmm.. cheese burger, sundae, and fries."

"That's all?"

"Yeah."

After makuha ang order, nagbyahe agad kame. Sinusubuan ko siya ng jolly hotdog na in- order niya.

"Dream." He whispered at hindi ko naintindihan yon.

"Ano 'yon?" I'm curious.

"Wala sabi ko kumain ka na. Tama na subo saken baka mawalan ka pa ng pagkain. Gustong gusto mo pa naman ang kumakain."

Kinain ko lang ang pagkain ko and after that nakaramdam ako ng antok.

"I'm just gonna take a nap." I whisper bago makatulog.

I just woke up ng may nararamdaman akong humahaplos sa buhok ko. I opened my eyes and i see David, smiling at me.

"We're here. Btw, ang cute mong matulog hehe."

Inirapan ko lang siya. Bumaba ako at muli siyang hinarap.

"Go, take a rest. I know you're tired." Sabi ko sa kanya.

"No, it almost midnight. Malapit na ang birthday ng mahal ko. At gusto kong salubungin ito kasama ka."

I look at my phone and it's 11:30. Antagal ng byahe namin. He's right it's almost midnight.

Nagpunta lang kami sa buhanginan at naupo. Naupo siya sa tabi ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. He looked tired. 6 hours of driving alam kong nakakapagod 'yon tapos wala pa siyang kausap.

I started caressing his hair.

"Rest, i know you're tired." I whisper.

"Hmmm.. not really. " He look at his wrist. "It's 11:50. 10 minutes sana akin ka na." Bulong niya pero narinig ko.

Tumawa lang ako, dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang lakas ng loob. Wala pa rin siyang lakas ng loob tanungin ako bilang girlfriend niya.

"Sabihin mo saken kapag 11:59 na ha."

I just wait for a few minutes, when he said it's already 11:59.

"Can you be my boyfriend?"