CHAPTER 9
After that traumatizing scene. I went home. Naligo agad ako. Todo kuskos ako sa aking balat dahil diring diri ako sa sarili ko.
"Thank you for accepting me sir. Wag kayong mag alala, aalagaan ko ang baby niyo. Hindi ko siya sasaktan dahil mahal na mahal ko siya."
Sinungaling ka!!! May pa I love you ka pa may iba ka naman palang babae. Nakakasakal ka pa.
I look at myself in the mirror, nanatili ang tingin ko sa dibdib ko dahil hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang kahayupan na ginawa saken ni Carlo.
Pagkatapos kong maligo I already went to my bed. I felt really tired. Tulo ng tulo yung luha ko dahil di ko akalain na aabot sa point na sasaktan niya ako, babastusin niya ako, magchecheat siya saken.
Hindi ako bumaba para mag-dinner kahit naririnig kong tinatawag ako ni Mommy. I'm exhausted. Di ko na magalaw ang katawan ko at ang mga mata ko ay maga na dahil sa kaiiyak. Dahil sa kaiiyak sa gagong Carlo Perez na 'yon.
"Aria Serenity buksan mo yung pinto" Narinig ko si Daddy pero hindi ko siya pinapansin. Nanatili lang akong nakatulala sa pader habang iniisip parin ang kahayupan ni Carlo.
Nang biglang may malakas na kalabog ang narinig ko at nakita kong bukas yung pinto.
Nagtalukbong ako ng comforter dahil ayokong makita ako ni Daddy sa ganitong itsura.
"Aria Serenity tell us what happened. Si Carlo kagabi pa nagwawala sa labas. Hinahanap ka."
"Tell him dad na wala na kame. Wala na siyang babalikan. Tapos na kame. Ayoko na. Ayoko na sa kanya. Ayokong malapit sa kanya. Ayoko na siyang makita."
Hindi agad nakasagot si Dad.
"Baby are you ok? Daddy is here. Wag kang mahihiya sa'ken. Tell me what happened."
When I heard that, umiyak ako ng umiyak. Niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan ako sa noo.
"D-daddy h-he... h-he c-cheat-ed on m-me" Hindi ako makapagsalita ng ayos dahil sa hikbi.
Hindi ko sinabi ang pambabastos niya sa akin dahil baka umabot ito sa malaking gulo.
"What? He's cheating on you? Damn that asshole. " When he said that binitiwan niya ako at lumabas ng kwarto ko kaya hinabol ko siya at naabutan ko siya sa labas.
Binubugbog si Carlo na di man lang dipensahan ang sarili. He look like a lost cat. Pero hindi ako nakaramdam ng awa sa kanya. Walang katiting na awa akong naramdaman, ang naramdaman ko... awa sa sarili.
"Walang hiya ka! Gago ka! Pinagkatiwala ko sa'yo anak ko tapos gagaguhin mo lang. I never hurt my baby tapos kita ganon ganon lang. You fvcking cheated on her. Gago ka."
May mga dumating na guard para umawat. Halos hindi nila maawat si Daddy patuloy pa rin itong nagwawala even si Mommy hindi maawat si Daddy. Napa ban na din si Carlo sa subdivision namen. And I felt relief na kahit papano hindi na siya makakalapit sa'men.
Hindi naging peaceful ang dinner namin dahil galit na galit si Mommy at sila kuya. And to my surprise David is also here.
Carlo. Carlo. Carlo. Usapan nila. Ayoko na. Ayoko na makarinig ng tungkol sa kanya.
"Mom, dad, kuya tapos na po ako. Dun lang po muna ako sa garden to have some fresh air."
Hindi ko na sila inantay sumagot. I went to the garden. I sit on a swing. While my tears is streaming down to my face. Nagulat ako ng may nagsalita.
"Ok ka lang?"
And it's David.