Chapter 20: Disappear

“Rackhie anong gusto mong malaman tungkol sa amin?”

Matamis ang mga ngiti nila sa akin. Tawa nang tawa si Ravenne at Lester habang naghahabulan paikot-ikot sa bonfire. Sina Renzo at Wendy ay nagsusubuan pa ng mga marshmallows na ininit doon sa apoy.

Napaisip ako sa tanong ni Carmen. “Hmm…”

“Ayoko ng tungkol sa love life! ‘Wag po tayong bastos sa mga single rito!” Natatawang sabi ni Shivani habang kumakain din ng marshmallows.

“Anong pangarap niyo sa buhay?” tanong ko.

“Gusto kong maging tao ulit!” nauna agad si Shivani sa pagsagot.

“Same!” sunod si Wendy.

“Gaya-gaya kayo akin ‘yan eh!” kunwari’y galit pa ang mukha ni Ravenne.

“Me too!” pag-antabay pa ni Celine. “I really want to sleep. Nakakamiss lang.”

“Me three! Wish ko lang!” Si Carmen naman.

“Me four,” halos pabulong na sabi ni Siquiera.

Tinabihan siya ni Celine. “Hala Siquiera nahihiya ka pa rin ba sa ‘min? ‘Wag! Mabait kami! Hindi ka namin aanuhin!”

“Oo nga Siquiera! Mabait kami, hindi lang halata!” humalakhak si Ravenne na umupo sa tabi ko. Umupo rin sa tabi niya si Lester.

“Sige itong tanong na lang,” nag-isip ulit ako. “Kung tao pa rin kayo ngayon, anong dream job niyo? At bakit iyon ang gusto niyo?”

“Damn, ang ganda talaga kapag naging officer ka. May privilege!” Pabirong sabi ni Carmen na nasa harapan ko lang din. “Gusto kong maging astronaut!” nakangiting sabi niya. “Bata pa lang ako pangarap ko na iyon kaso gusto ni Mama na matuto akong magpiano kaya hindi ko na napursue.”

“Kawawa ka naman. Pero atleast ‘di ba, natuto kang magpiano,” nang-aasar na umiling-iling si Ravenne. “Gusto kong maging astrologer o runway model. Matagal na akong interesado sa astrology pero bet ko ring rumampa.”

“Bagay sa ‘yo ‘yun. Gusto kita makitang rumampa,” nakangiting sabi ni Lester sa kanya.

Medyo nangiwi pa si Ravenne, halatang kinikilig din. “Pwet.”

Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.

“Ikaw Lester? Ano sa ‘yo?” tanong ko.

“Law. I want justice.” Simpleng sagot niya.

“Ulol! Ang sabihin mo para makapag-away ka ng legal!” kontra ni Ravenne.

Nagkibit-balikat na lang si Lester at inakbayan si Ravenne na hinawakan ang kamay niya.

“Model din ako. Iyon ang gustong-gustong job ng parents namin ni Kuya para sa amin. Anything na connected sa camera. Kaya nga nag-artista si Kuya eh.” Sagot ni Wendy na dalawang tao ang layo sa akin. “Eh ikaw, Rackhie?”

“Model din! Gusto kong sumunod sa yapak ni Mommy,” sagot ko naman sabay tingin kay Siquiera. Hindi siya makapagsalita. Wala kasi si Lycus ngayon kaya hindi siya umiimik.

Nakita niya ‘ata ang tingin ko sa kanya kaya agad niya akong nginitian. “Flight Attendant. Noong nakaraang birth chart reading sa akin ni Ravenne ay isa iyon sa nire-recommend ng Midheaven ko. Gusto ko rin ‘yon since birth.”

“Ako rin Ravenne! I-reading mo ‘ko!” sigaw ni Celine kay Ravenne na halos nasa tabi niya lang din naman. “Gusto kong maging… doctor? Nurse. Anything na nakakatulong sa paggamot.” Sagot niya. “Too bad I can’t resist blood…” humina ang boses niya.

“Naku! One day keri na natin ‘yan! Lahat may paraan!” pampalubag loob ni Carmen. “Ikaw Boss Renzo? Ano sa ‘yo?”

“Engineering? If not maybe Mathematics or anything related to languages.” Sagot naman ni Renzo.

Sumipol si Ravenne. “Sana all gets ang math!”

“Same! Naloloka ako sa Calculus!” sipat pa ni Wendy.

“I can help you if you want,” malambing na suhestiyon naman ni Renzo sa kanya.

“’Wag na oy! Magmumukha akong boba!” bawi agad ni Wendy.

Saktong dumating si West at Lycus matapos noong tanong na ‘yon. May dala silang isda na hinuli nila mula sa dagat. Ang sabi niya sa amin kanina ay mag-uusap lang daw sila ni Lycus? Namimingwit na pala sila ng mga isda.

“Ano ‘yan?” tanong ni Ravenne sa kanila.

“Isda, hindi mo kita?” Balik tanong ni Lycus.

“Lycus,” pagbabanta ni Siquiera rito. Nagpeace sign na lamang si Lycus sa kanya at kay Ravenne na inirapan lang siya.

“Ihawin natin,” inilagay iyon ni West sa isang plato na wala ng laman. Naubos na ang marshmallows doon kaya doon na lang niya inilagay. “Malinis na ‘yan, nilinis ko na,”

“Marunong ka maglinis niyan?” tanong ko sa kanya.

Malamang! Kaya nga nalinis ‘di ba?

Proud itong ngumisi. “Syempre, ako pa ba?”

Kanya-kanyang tusok sila roon. Gustong-gusto talaga nila ang ganitong klase ng isda, hilaw pa. Halong tilapia at tulingan ang nakuha nila. Iyong iba sa amin na hindi ko kilala sa pangalan na mga duressa ay kinakain na ‘yon nang hindi pinapainit—ganoon din si Ravenne.

“Nasa’n si Midnighte? Nakita niyo ba siya?” tanong ni Shivani.

Isa-isa kaming nagsi-ilingan.

Tumayo siya at nagpagpag ng maong niyang shorts. “Hanapin ko lang ah.”

Mabilis na naubos iyong mga isda sa plato kaya hindi ako nakakuha. Kinuha ko na lang ang tubig ko para uminom na lang. Pagkababa ko ng tingin ko ay may isda na ulit doon sa plato.

Halos mapatalon ako sa inuupuan ko nang sumulpot si West sa harapan ko.

Napahawak ako sa dibdib. “Huy!”

He chuckled. “I’m sorry! That’s for you. Ginalingan ko ang paglinis diyan.”

“Special treatment! Madaya!” reklamo ni Ravenne na hinalikan bigla ni Lester sa pisngi. Mahina niya pang sinampal ang boypren niyang namumula. Maging siya ay namumula!

Hindi siya pinansin ni West. “Kain. Gusto mo bang initin ko or hindi na?”

“Ako na,” kinuha ko ‘yon.

“Sure ka?” tanong niya pa.

“Oo?”

“Okay,” nginitian niya ako. Pinapanood niya lang ako habang iniinit ko ‘yung isda.

“West,” tawag ko sa kanya. Humarap naman siya agad na may ngiti pa rin sa labi. Kitang-kita ko mula rito ang nanlalaking iris niya. “Anong pangarap mo?”

“Marami eh. Saang pangarap ba?” tanong niya.

“Sa sarili mo.”

“Job? I heard you talk about that earlier. Hmm… like my sister said, anything related to cameras. Actor, model, photographer, director. Anything.”

“Iyon ba talaga ang gusto mo? Hindi ka napilitan?”

Natawa siya sa tanong ko. “Huh? No. I actually didn’t like it at first but I learned to love it when I started working in the film industry. I loved it.” Aniya. “I heard you like modeling too?”

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako.

“Uh, oo?”

“They’ll love you,” he said. Inilayo niya ang kamay ko roon sa apoy. “Baka masunog ang kamay mo.”

Ngayon ko lang napansin na sunog na halos ang kabilang side noong tilapia. Tatawa tawa lamang si West habang ako ay hiyang-hiya. Palihim ko siyang inirapan sa ginawa niya.

“Rackhie,” tawag niya naman sa akin nang matapos na akong kumain.

“Huh baket?”

“Let’s reach our dreams no matter what. Let’s reach it together.”

--

“R-Rackhie, I’ll find you,”

Bumagsak siya sa sahig matapos niya iyong sabihin.

Hindi na ako makapagsalita. Pati ang hikbi ko ay wala na ring tunog. Tulo na lang nang tulo ang luha ko. Pakiramdam ko ay mawawala na ang paningin ko sa sobrang pag-iyak.

“J-Just tell us what the fuck do you guys want,” pinilit ni Ravenne na magsalita nang diretso.

“They’re fine,” bumuntong-hininga si Khalida.

Hindi kami nagsalita. Ilang minuto pa bago nagproseso sa utak ko ang sinabi niya. “A-Ano?”

She looked at me. “They want you,” then glanced at Ravenne. “You, Celine and Shivani. Gusto niyang kayo mismo ang magpabagsak sa pinaghirapan niyo. Sirain niyo ang isla.”

“W-We will never do that,” matalim ang tingin ni Ravenne sa kanya.

Lumapit sa kanya si Khalida. “You and your friends—kayo na lang ang natitira. Pinatay na nila ang clan niyo. Alam nilang sasalungat si Midnighte at Shivani sa plano kaya bumuhay sila ng abo para akalain niyong kumpleto pa kayo at mamanmanan namin ang galaw niyo.”

“Akala niyo hindi namin alam?” sarkastikong tumawa si Ravenne. “Alam na namin iyon. Simula pa lang noong dumating si Rackhie. Inubos niyo na kami. Hindi lang kami gumaganti dahil gusto namin ng kapayapaan pero sinisimulan niyo kami.”

“Well aside from that,” muli siyang pumitik. Isang upuan ang biglang lumitaw. Umupo siya roon. “I know how much you love your boyfriends so much,”

Doon mas lalong nagalit si Ravenne. “Don’t fucking touch him! Fuck you!”

Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko kaya hindi na rin ako makapagsalita. Hinahayaan ko na lang silang magsalita.

“Matapang ka ‘di ba, Ravenne? I want you to choose. I want Rackhie first so you choose. Rackhie’s child or your relationship with your boyfriend?”

Hinanap agad ni Ravenne ang mga mata ko. “Child?”

“N-No…” hindi manlang ako nagkaboses nang nausal ko iyon.

“Your boyfriend lied to you, right?” Khalida asked. Natiklop si Ravenne sa tanong na ‘yon ni Khalida. “Choose now.”

“I’m not going to choose anyone,” matapang na sabi ni Ravenne.

Umirap si Khalida. “Yeah I know. Boring.” Hinugot nito ang baril sa bulsa niya at mabilis na ipinutok ito sa ulo ni Ravenne. She looked at me. “Don’t worry, she’s still alive. I just want to talk to you first.” Ibinulsa niya ‘yung baril.

“N-Not my child,”

“Yes, I know. So choose.” Bumuntong-hininga siya. “Dalian mo. Marami pa akong i-interviewhin. Ang dami niyo kasing magkakaibigan tangina bawasan ko kaya kayo?”

“Please not my child---”

“Icarus want you to stay away from West. Get out of here. Go abroad. Disappear with that fucking thing and beg for his forgiveness. Give up your position. Leave Duressa too. Your friends. We’ll let you live. About them, their lives, their choice so I can’t guarantee you that they’ll live too. You can live normally like you guys wanted. Normally.”

Disappear? They want me to stay away from my friends and my child’s father.

“Bilis!” Inis na sigaw niya.

Bigla akong binababa noong nakahawak sa akin. Tinanggal na nila ang lubid na nakakapit sa akin pero hindi ako makatayo nang maayos dahil nanlalambot ang tuhod ko. Napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak.

“Your child and your boyfriend’s safety… or your friends? Choose!” Ulit niya pa.

Lumakas na ang hikbi ko nang lumapit siya sa akin.

“My c-child! I c-choose my child! P-Please let us go. We’ll disappear. Promise. Let us live. P-please…” Umiyak na ako sa harapan niya. Pinagdikit ko pa ang palad ko para lang magmakaawa.

“Are you sure? You can still think. Five seconds.”

“I-I choose my child. Let us go.”

“Say it again,”

Kahit nanginginig ang boses ay marahas akong bumuntong-hininga. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. “I choose… West and I’s child.”

“Did you hear that, West?”

Pumitik bigla si Khalida. Sa isang iglap ay nasa harap ko na si West. Sinubukan ko siyang lapitan dahil puro bugbog at dugo ang mukha. Pumutok din ang labi niya at ang mga mata niya ay namamaga na.

“West!” hindi pa rin ako makatayo. Nanlalambot pa rin ang mga paa ko.

“W-We have a child?” tumulo ang luha niya. “Bakit hindi mo sinabi sa a-akin?”

“W-West…”

“And y-you chose to leave me with our child?”

Inipon ko ang lahat ng enerhiya sa katawan ko para makatayo at malapitan siya. Pero noong yayakapin ko na siya ay bigla siyang naglaho. Naging abo siya bigla.

“Let us go!” Iyak ko na lang ang naririnig doon. “Please!”

Halos nasa paahan na niya ako at nagmamakaawa. 

“Okay. As you wish.”

Hinawakan niya ang mukha ko. Hinaplos niya iyon saglit. Pagkatapos noon ay pwersahan niya akong ihinarap sa isang maliit na salamin na galing sa likuran niya.

Doon ko nakita ang isang mukhang hindi ko pamilyar. Naalala ko na lang ang pagkkwento sa akin ni Ravenne noon.

“Alam mo ba? Nung sinumpa kami na magbabago ‘yung mukha namin? Hinaplos lang ni Icarus iyong mukha namin isa-isa tapos noong ihinarap niya kami sa salamin ay hindi na namin makita ang sarili namin. Iyak nga ako nang iyak noon kasi nasa isip ko na baka hindi na ako makilala ni Lester o baka hindi na niya alo magustuhan pa. Pero ayun gusto pa rin naman niya ako…”

“Para hindi ka na nila makilala, binago ko ang mukha mo. Kapag nalaman naming lumapit ka sa kahit sino sa kanila. Hahanapin ka namin. Tandaan mo ‘yan. Kami mismo ang tatapos sa inyong dalawa ng anak mo. Naiintindihan mo ba?” itinaas niya ang baba ko para iharap sa mukha niya. Nang hindi ako sumagot ay sinigawan niya ulit ako. “Ano? Sagot! Nagdadalawang isip ka ba?”

“O-Oo. Hindi na ako magpapakita sa kanila ulit.”

You wish.

“That’s good then. Tapos na ako sa ‘yo. Doon naman tayo sa iba. A deal is a deal. Get out of here. Icarus will talk to you.” Itinulak niya ulit ako sa sahig. Sinalo naman agad ako noong mga nagsisilbing gwardiya roon. “Dalhin niyo kay boss. Hindi pa raw sila tapos.”

Kinaladkad ako noong dalawang lalaki. Napakalayo pa bago namin marating ang pamilyar na upuan. Doon siya nakaupo noong time na isa-isa nila kaming ginawang halimaw.

“Hello my daughter Rackhie,” bati niya. “How are you? I heard you and Siquiera created a new monster?” nakakatakot ang ngiti nito. Napakalawak.

“My child is not a monster. He’s not like you,” galit kong sabi rito. “Why can’t you just let us go? You got what you guys wanted. What the hell do you want more?”

“I did you all a favor. I made you normal again. Like you guys wished back then. You already know, lahat ng bagay ay may kapalit. You should thank us for letting that monster—that child live. I just hope he’s like us.”

“I hope not,” matigas kong sabi.

“Where do you want to live, Rackhie? Paris, London, Milan, New York, Tokyo… what else..? you can choose. We’ll take you there.”

“I-I don’t need your help,” bumara ang lalamunan ko.

“Hoo! You’re still brave after all we’ve done? Very impressive! What a waste. You would be a great council here too. They made a right choice of choosing you huh. Too smart—but too bad, you don’t want to be a part of my family.” Sarkastiko siyang tumawa. “But it’s fine! You can always return here. We can still talk when you like. We’ll make you a council here, too. Just prove us your loyalty…”

“I will never do that,” nagawa ko pang ngumisi. “Over my dead body, bitch,”

“Well okay. Just choose and you can leave.”

“I don’t want to choose.”

“Okay, I’ll choose for you. What about Mexico?”

“I don’t fucking care where do you want me to go. Just let us go so we can live. We’ll never see each other again.”

Tumayo siya roon sa upuan niya para bumaba palapit sa akin. Katulad ng pagsakal niya sa akin noong ginawa niya akong halimaw ay parehas lang din sa pagsakal niya sa akin ngayon.

“Huwag mo akong iinisin, napupuno rin ako,”

I glared at him. He’s a fucking demon.

“Mexico sounds good. You can always change your location. Just don’t come back here again ever again. Understood?”

Hindi ako sumagot. Sinampal niya ako kaya mariin akong napapikit at tumango na lamang.

“Goodbye, Rackhie. Take care of your demons.”

I’ll never say goodbye. I’ll see them again, sooner. Later. I’ll find you too, West.