Chapter 31 I love You More

“Sebe , mababangga tayo.” Nangingilid ang luha at nanginginig ang kalamnan ko sa takot.

Hindi ko siya matingnan , bawat overtake niya parang maiihi ako.  Wala pa yatang dalawang minuto ng makapag park kami sa basement.

Taas-baba ang aking dibdib sa pinipigilang kaba. Kaya ko‘to, kailangan kong makapagpaliwanag. Bawat galaw niya ay mabigat at tila gigil.

Nagmamadali ang bawat hakbang niya habang papasok kami nang condo.

Bigla akong napasinghap nang humarang sa akin ang tatlong media.

"Good morning , miss Natalia De Vera, right? Can we ask you some question about your scandal-".

Napatigil sila ng yakapin ako ni Sebe , tila pinoprotektahan ako nito laban sa kanila. He covered my face.

"She's tired." Bagot na sabi nito.

"Mr. Montemayor just one question please! Is it true that your fiance cheated?"

Sinalakay ako ng kaba. Ramdam ko ang gigil sa pagkakahawak sakin ni Sebe. Halos hindi ako makahinga at napapakislot na dahil sa sakit.

"S-Sebe,  m-masakit."

Tila naging susi naman iyon sa mga kamay ni Sebe at agad niya akong binitawan. Agad ako napalayo ng konti sa kanya.

Kung ang pagsalita niya ay nakakapanindig balahibo. Ngayon na sobrang tahimik niya ay nagbigay takot sa akin.

Sumunod lamang ako sa kanya hanggang sa marating na namin ang suite niya.

Marahas ang bawat galaw niya sa paghubad ng kanyang damit. Nakatayo lamang ako sa gilid . Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang alam ko lang ay umiiyak ako dahil sa kaba at takot.

Bakit nangyayari ito sakin? May kinuha siyang bote ng alak at tinungga iyon.

"Sebe , lets talk p-please." Sa wakas ay nasabi ko.

"Talk." Seryosong sagot nito at umupo sa sofa kaharap ko.

Kinurot kurot ang mga daliri ko para maiwasan ang pamamanhid.

", Y-Yong tungkol s-sa.."  Hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong umiyak.

Nakatayo ako sa harap niya at pinupunasan ang luha. Hindi ko na yata kayang maupo. Tila hindi ko kayang maupo sa kanyang pag mamay ari.

Tinungga niya muli ang alak at tinitigan ako. Kung noon ay bawat luha ko ay siya ang nagpupunas. Ngayon ay tinitignan niya lamang ako. Walang bakas na pag alala at awa ang kanyang mukha kundi purong galit lamang.

"About what?"

"Tungkol doon sa pictures.."

Bawat punas ng luha ay may lumalabas na naman. Kaya sa huli hinayaan ko nalang.

"A-Alam mo n-naman na hindi ko i-iyon magagawa d-diba? Alam mo naman na-"

Natigil ang ang mga sasabihin ko nang balibagin niya ang mesa at ihampas ang vase sa dingding!

Brutal rin itong nagmumura.Kung noon ay tanging kalamigan at walang emosyon ang makikita sa akin ngayon ay kabaligtaran na.

Nakatayo siya hindi kalayuan sakin matapos magbasag ng kahit na ano. Ito yung unang pagkakataon na makita ko siyang ganito.

Nakatayo at nakatingala siya sa ere ,nasa batok ang isang kamay at mabilis ang pag taas baba ng kanyang dibdib.

"Talk." He said breathlessly.

Kaya ba siya kanina sinabihan ni Damon ng ganon? Dahil alam niya na ganito si Sebe magalit?

Kung ganito hindi kami makakapag usap ng matino. Hindi kami magkakaayos  kung ganito.

"U-uuwi na muna a-ako." Agad siyang bumaling sa akin gamit ang makamatay na tingin.

''Bukas na tayo mag-uusap. I-I'm sorry.." Sabi ko na pigil ang hikbi at mabilis ang kilos para makaalis na.

Pero bago pa ako makalapit ng husto sa pinto ay agad niya na akong nahila pabalik. Ipinako ako nito sa dingding.

Kumalabog ng husto ang dibdib ko.

"God damn it! You're not going anywhere from now on!." He said with gritting teeth.

Ang isang kamay ay nasa braso ko habang ang isa ay nasa dingding. Tila bakod iyon para hindi ako makawala.

Sunod sunod naman ang tango ko ng sinabi niya iyon .

"O-oo , ‘wag kang g-ganito.."  I cried.

Ilang espasyo lang ang distansya namin. Ramdam ko ang hampas nang hininga niya sa mukha ko.

"Bakit ako hindi magkaka ganito kung ‘ganon ang nakita ko?" Gigil ang bawat salita niya.

Wala nang tigil ang luha ko. Ang kamay ko ay nasa dibdib ni Sebe na nakarahang sa katawan niyang sobrang lapit sa akin.

"Hindi ko g-ginusto iyon!."  Napatigil ako nang paghampas niya sa dingding .

"S-Sebe naman."

"Patuloy mo." Sabi niya.

"Inimbita niya ako sa birthday niya. Hindi k-ko talaga alam na ‘ganon ang plano niya s-sakin! I'm sorry, dapat kasi hindi ako sumama e. Hindi k-ko alam na pinsan siya ni Eli.”

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Binaon niya ako sa kangang dibdib at niyakap. Habang ‘ganon ang posisyon ay sinabi ko ang lahat sa kanya , walang kulang.Magmula sa mga sinabi ni Mike sa akin hanggang huli.

"Did he touch you?" Naka igting ang panga na tanong niya.

Agad akong umiling

"I was checked.''  Marahan na sabi ko. Ramdam ko ang hapdi sa mata ko dahil sa kakaiyak.

Sabi niya nag hire siya nang tatlong imbestigador sa ibang bansa para mahanap si Mike. Ganon din si Eli.

Sabi ‘rin ni Sebe  sa pag uwi niya palang dito ay gumawa na siya ng paraan. Para hanapin si Mike dahil nalaman niya din na wala dito sa bansa si Mike.

Nakaupo ako ngayon sa kandungan ni Sebe. Nanghihina ako at pagod sa lahat.Nakatingin siya sa aking mukha habang ang mga kamay niya ay nakayakap sa akin.

"I'm sorry." He said huskily.

Umiling ako.

"Ako dapat ang mag sorry. Ano nalang ang sasabihin sakin ng parents mo?"

"Wala na akong pakealam. Ang importante ligtas ka.Magbabayad sila..”

"Ano kaba Sebe! Batas na ang bahala sa kanila! ”

"I will break their bones.. " Sabi niya.

"Shut up." I groaned..

"I' m sorry." Paumanhin nito. “I love baby, so much..”

Napangiti ako.

"I love you more.."  Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.