CHAPTER 3 /T H E B L A C K E N V E L O P E/

MARHI's POV

Sabay kaming pumasok ni Kadan sa loob ng bahay at sinamahan na rin kami ni yaya Muning.

Medyo hindi pa rin ako maka-get over sa boses ng lolo ni Kadan. He's a sweet lolo as what I've known him, pero ngayon ko lang nakita ang seryoso at authoritarian na side niya. Kahit nga si Kadan ay hindi naka-angal sa kanya.

I'm not sure if we'll be able to divorce peacefully because our grandparents seem so invested in this marriage.

Nakita ni Kadan ang isang black envelope na sa tingin niya ay ang papeles na tinutukoy ng lolo niya kanina. Umupo kami sa sofa at tinitigan ito. I have a feeling that something bad will be revealed on that envelope. Kulay itim ba naman kasi.

Si Kadan na ang kumuha sa envelope at nagbukas dito dahil hindi ko naman ito ginagalaw.

"It's a letter from them." Saad niya.

Lumapit ako ng bahagya sa kanya upang sabay naming mabasa ang nakasulat.

Sa loob ng envelope ay isang papel na may logo pa ng mga pamilya namin sa gitna. Binuklat namin ang papel at sabay na binasa ang nakasulat dito. 

We, the Deserna and Dazila family heads, agreed to provide our grandchildren, Marhi Deserna and Kadan Dazila, with a joint account card. As a lawful wife and husband with each other, this will be the source of their funds and money. 

We paused and looked at each other, puzzled by what we had just read. Sa reaksiyon ni Kadan ay sigurado akong wala rin siyang alam tungkol sa card na tinutukoy ng mga matatanda. 

Nobody dares to speak up, so we continue reading the letter.

In accordance with this, all existing cards, including bank accounts owned separately by the two, will be suspended. Their allowances will be directed to the joint account that we provide as well.

"What?!"

Saglit naming tiningnan ang isa't isa at bumalik ulit sa pagbabasa. 

I'm hoping that everything is a joke.

Their individual cards and bank accounts will be released only if they split up. They will only be able to access the released funds after 5 years then. They can also use our consent and signatures to file a release of funds on their respective cards and accounts. We will only sign if a new generation of Deserna and Dazila is born, regardless if they decided to break up or not. We have the authority to freeze the accounts because the funds on all of the cards and bank accounts are coming from the family's company, which we own.

Any argument against this statement will be ignored.

Good luck and God bless.

Nanghina ako sa nabasa ko. I do not have cash since I depend so much on my cards. 

Hindi ako nakapag-react agad sa nabasa namin. I heard Kadan cuss beside me and started calling someone. He always ends up saying "Shit" at the end of the call.

Naramdaman ko ang kamay ni yaya sa balikat ko at inabot sa akin ang cellphone.

"Lahat ng accounts and cards mo ay temporarily disabled anak."

Hindi ako nakasagot kay yaya. Hindi ako makapaniwala na nangyayari lahat ng ito ngayon. Kanina ang saya-saya ko pa pero biglang nag-shift agad ang emotion ko tapos wala pa akong pera. Kung ang kapalit naman pala ng sariling bahay ay makasama ang lalake na'to at ma-freeze ang mga cards at accounts ko ay mas pipiliin ko pa ang bahay namin nina lolo at lola.

I look at my yaya and she feels sorry for me. Alam kong naaawa siya sa akin ngayon, pero if I know she probably receives orders from lolo. At kapag lolo ko na ang nag-utos, dapat talagang masunod, or else, you will never step a foot inside our house again. Gaya na lang ng paborito kong driver noon, si Mang Kanor, asawa ni yaya Muning. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari, pero pagkatapos ng libing ng mga magulang ko ay hindi na nag-report sa trabaho si Mang Kanor. I ask my lolo about it and I will never forget what  he said: We do not tolerate disobedience Marhi. We paythem that's why they should obey us. Kung hindi nila kayang sumunod, walasilang lugar sa posisyon nga trabaho sa pamilya natin. I have always obeyed my grandparents since that day because I am afraid of losing my yaya as well.

After sometime, nagpa-alam na rin si yaya na aalis siya at kami na ang bahalang mag-usap sa arrangement namin sa bahay. Bago sila umalis ay pinagbilin ko kay yaya na i-arrange na lamang sa loob ng kwarto ko ang mga furniture na puwde kong gamitin, because there is no way that I will eat in a black table with Kadan Dazila.

Silence embrace the room when Yaya left.

Iniisip ko pa rin kung ano ba ang nagtulak sa mga grandparents ko na ilagay kami sa ganitong sitwasyon. For a year, they never interfered with our lives. Is this something they've been planning? At ano ba ang meron sa mga Dazila parapagkatiwalaan nila ng lubusan? 

"This is the card ," Kadan raised the black card. 

Ngumiwi ako. What's the deal with their family being so obsessed with black? Hindi ba p'wedeng white naman? I will really conclude na napakalungkot siguro ng bahay ng Dazila dahil nababalot ito ng mga kulay itim na mga gamit.

"Isa lang pala ang card." He added. 

Well, there's no way I'll be carrying anything black with me.

"You keep that." Walang gana kong saad. 

I take a seat on the sofa and rest my head. Pero imbes na mawala kahit papano ang stressko ay mas lumalala ito dahil sa kulay nitong gray. Like, seriously? 

"Okay. We need to talk about our arrangement. You know—"

"I know. You don't like this set up and me as well." 

Hindi ko na siya pinatapos pa at nagsalita na ako habang pilit na pinipikit ang aking mga mata.

Hinayaan ko lang si Kadan na magsalita. To be honest simula nang pumasok ako sa bahay na'to parang nawala ang energy ko. Sobrang dry ba naman kasi ng mga colors dito, nakikisabay sa sitwasyon naming dalawa.

Nag-suggest si Kadan ng set-up namin upang maprotektahan pa rin ang privacy naming dalawa. Hindi dapat kami mag-sabay sa pagpasok at paglabas ng subdivision lalo na ng bahay. Sa harap siya dadaan at sa likuran naman ako. Pagdating sa pocket money, 40%-40% kami at ang 20% ay sa groceries. Hindi na ako umangal dahil sigurado naman akong once in a bluemoon lang yata kami kakain dito sa loob ng bahay.

"May gusto ka bang idagdag or baka may hindi ka gusto sa suggestions ko?"

Ibinuka ko ang mga mata ko at dahan-dahang iginalaw ang ulo ko. 

Hindi agad ako nakasagot dahil lahat naman ng nangyayari ngayon ay hindi ko gusto. Napatingin na lang ako sa aquarium na nasa harapan ko at kay Kadan. But before I could say anything ay naunahan na niya akong magsalita.

"No, not my aquarium."

I rolled my eyes.

"So p'wede ba nating ilabas 'yan?"

"No!"

For a long time, I was stunned. Did he just yell at me?

I stared at him and when he realized that he just raised his voice at me ay kunwaring umubo siya.

"I mean, that fish is quite expensive and that's a gift from Sabel, my girlfriend."

Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. Technially kabit niya si Sabel dahil asawa niya ako at ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin ng harap-harapan ang tungkol sa babae niya. Parang nabasa niya naman ang nasa isip ko o baka obvious lang talaga sa mukha ko dahil nag-react naman siya agad sa huli niyang sinabi.

"Well kasal lang naman tayo sa papel at nag-agree naman tayo both na whatever relationship we will have on other people, we won't intervene."

Guilty. 

Wala pa nga akong sinasabe nag-eexplain na. So defensive.

"Then can we at least change the color of the curtains into white? And can we at least have one white table and chair? As you see, hindi mo lang 'to bahay. These colors are ugly and TBH wala ka talagang taste."

Ramdam kong gusto akong duruin ni Kadan pero pinigilan niya ang sarili niyang mga kamay at tinikom ng mahigpit ang bibig. I wonder if his teeth bleed.

"Fine! We'll change the color, but we will keep this aquarium."

"Fine! Itabi mo pa 'yang aquarium ng Sabel mo!" pasigaw kong sagot sa kanya.

Lumaki ang mga mata niya pero bigla rin naman itong lumiit. He's annoyed but whatever, naiinis din ako sa bahay na'to at lalong-lalo na sa kanya.

Nang makita kong bumuka ang bibig niya ay dali-dali ko siyang tinalikuran at naglakad papuntang k'warto ko. Narinig ko pa siyang pinapabalik ako pero hindi ko na siya pinansin. Sino siya para utusan ako?

Humiga ako sa kama at pinikit ng mariin ang mga mata ko. I have a feeling that this will be the worst year of my life.