CHAPTER 39

Months passed and Thunder and She are living like they want. She was so happy when Ivy and Krelton married for the second time. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging emosyon lalo na’t nakita niya ang kaibigan na naglalakad papunta sa altar habang nakasuot ng magandang wedding dress.

Bigla niyang naisip kung ganito rin ba kasaya ang mommy niya noong ikinasal sa daddy niya. She became curious how it feels to be married but still marriage is not on her mind.

Remember? She’s scared to marriage because of what happened to her parents.

There’s so many what if’s was on her mind.

Nasa reception na sila kanina pa at masayang kumakain habang patingin-tingin kay Ivy na masaya ngayon.

“How about you two? Kailan ang kasal?” Naiangat niya ang tingin kay Ivan nang magtanong ito kay Thunder. Napaubo pa siya saglit dahil sa gulat dahilan para mapatingin sa kaniya si Vixxie.

“Hey! You know that marriage is not existing in her vocabulary,” Vixxie joked. It’s a joke but a half truth. She frozed a little because of the truth Vixxie told. Mukhang nagulat naman si Ivan dahil hindi na ito nagsalita. Naramdaman niya rin ang pagtingin sa kaniya ni Thunder kahit hindi niya ito tinitingnan.

Napatikhim si Vixxie dahil siguro napansin na nag-iba ang ihip ng hangin. She felt awkward suddenly.

“K-kumusta na kaya si Olivia ‘no? I hope she feel better now,” pag-iiba ng topic ni Vixxie. Agad naman siyang nag-react at napatango rin.

“Magiging okay rin ‘yon, matatanggap din ng lolo niya ang lahat,” ani niya rito. They found out that Olivia and Red relationship is in risk right now. Nalaman na ng pamilya nito ang komplikadong relasyon ng dalawa. Nag message naman sa kanila si Olivia para sabihin na okay lang ito pero kailangan nitong mapag-isa. Nanghingi pa nga ng sorry ang kaibigan lalo na kay Ivy na ikinasal ngayon dahil hindi ito makakapunta.

Wala naman iyon sa kanila dahil naiintindihan nila ito. Maski siya ay sumasakit ang ulo dahil sa komplikadong lovelife nito.

“Do you want some dessert? Kukuhaan kita?” tanong sa kaniya ni Thunder. They are freely to act like a real couple because all of the guest in Ivy and Krelton’s wedding are families. Thunder is Ivy’s boy bestfriend at nasa isip din ng mga ito na close lang sila lahat. Ang tanging nakakaalam lang ng totoong relasyon nila ni Thunder, bukod sa mga kaibigan ay kapatid lang ni Ivy na si Ivan.

Hinawakan nito ang kamay niya sa ilalim ng table. Marahan nitong pinisil iyon kaya napatingin siya rito.

“It’s fine, busog na rin ako,” ani niya at ngumiti.

Nag-picture taking silang magkakaibigan nang natapos na ang celebration. She congratulate Ivy and Krelton again. Sobrang saya niya para sa dalawa dahil marami rin itong pinagdaanan.

After the celebration they went home at Thunder’s house. Sa bahay na nito siya matutulog dahil kung sa bahay niya ay susunod din ito sa kaniya. At least sa lugar kung saan nakatira ang binata ay mas mahigpit ang security.

“I want to marry you.” Natigilan siya sa pagpupunas ng buhok dahil sa sinabi ni Thunder. Kakatapos lang nila mag-shower ng sabay at kasalukuyang nagpapatuyo siya ng buhok habang nakatutok sa salamin habang ang binata ay nakatayo sa likod niya habang nakatitig sa kaniya. Pansin niya na ito kanina pa na may gusto sabihin dahil ilang beses niyang nahuhuli itong nakatitig sa kaniya pero wala namang sinasabi.

“Thunder… I… I am still not thinking about that. You know how I hate marriage, right?” marahan na ani niya rito. Still the trauma is in her heart.

Nakatitig ito sa kaniya ng malalim na parang binabasa pa ang mukha niya. Iniwas niya ang tingin dito mula sa salamin at binaba ang towel na hawak.

“Are you saying that we’ll just stay in a boyfriend-girlfriend thing? We’re getting older, Yessha— “

“I know, Thunder, I know, but still, I didn’t think about it. Can we not talk about it for now? Please?” she bit her lips. She don’t want to have a fight with him now.

“You love me but you don’t want to trust yourself and your heart to me,” he murmured. Hindi siya nakapagsalita kaagad at nasundan na lang ito ng tingin nang lumabas ito ng kwarto.

Napabuntong hininga siya at ginulo ang buhok. Oo nga’t mahal niya si Thunder, sobra sobra pero hindi niya pa kasi naiisip ang kasal. She’s happy with the other’s marriage but when she think about that she’ll get married she don’t know what to feel.

Marriage, family and child. Kaya ko na bang maging responsableng asawa at ina? Kaya ko na bang gampanan ang tungkulin na iyon? At higit sa lahat kaya ko bang kalimutan ang mapait na alaala na nangyari sa mommy ko?

Binagsak niya ang katawan sa malambot na kama ng binata. She reached her phone and call someone.

“Hello? Nakauwi na kayo?” salubong sa kaniya ni Vixxie.

“Oo, kanina pa.”

“Bakit ka napatawag? May problema ba? Tungkol ba sa nasabi ko kanina? I’m sorry, you’re too open with anyone about marriage is not in your vocabulary that’s why I said that. Nagulat ako na parang nag-iba ang ihip ng hangin kanina. It was supposed to be a joke.”

“How’s your life after you get married to your first love, Vixxie?” tanong niya rito bigla. Vixxie fell in love first with Ivan and still in love when Vixxie found out that Ivan has a girlfriend. Pero dahil sa nangyari sa dalawa ay nagbunga iyon kaya pinakasalan ni Ivan si Vixxie pero nahulog din naman talaga si Ivan sa kaibigan.

“Are you curious now in marriage life?” she teased. “Well, anyways, marriage is not always happy. Hindi ko sinasabi na lagi akong malungkot ha, hindi sa gano’n. Pag nagpakasal na kasi kayo at may plus one na, dito na papasok ang mga responsibilidad mo. You should act like a wife and a mother to your child. Mawawala na ‘yong party na nakasanayan natin at ‘yong mga puyat dahil sa inuman. Mapapalitan na ‘yon ng puyat dahil sa pag-aasikaso sa bahay pati sa asawa’t anak mo.”

“Are you happy with that life? Are you contented? Alam ko namang masaya ka dahil nakikita ko ‘yon sa’yo pero gusto ko lang malaman ang pananaw mo,” she asked seriously. Humiga siya ng maayos sa kama at napatingin sa kisame.

“Of course, I am happy and contented with my life than before. Alam mo ‘yong saya na hindi mapapalitan ng materyal na bagay o kung ano? Magising lang ako na makita ko na katabi ang asawa at anak ko ay masaya na ako. Lalo na alam kong mahal na mahal ako ng asawa ko. I trust him, Yessha, at dahil pinagkatiwalaan ko siya ng buong-buo hindi ko inaakalang magiging masaya ako ng ganito. Oo, may mga pag-aaway at tampuhan pero hindi kami natutulog ng hindi inaayos iyon. Normal lang naman na ang away at tampuhan sa mga magkakarelasyon.”

“Hindi ko alam… alam niyo naman ang takot ko sa nangyari kay mommy ‘di ba? Hindi ko alam kung kaya ko —”

“Mahal mo si Thunder ‘di ba? Kaya mo bang iwanan siya ulit? Hindi ‘di ba? You can be a wife and a mother, Yessha. Gayahin mo ang mommy mo na maalaga, ang 'wag mo lang gayahin 'yong maling tao na napili niya. Thunder is a good man and we all knew that. Alam naming hindi ka papabayaan ni Thunder. Remember? He wants to let go his career just to stay beside you when your life is down."

Natahimik siya at natulala na lang sa kawalan. Tama nga ito, sigurado naman siyang sa tamang lalaki siya napunta. Kaya nga naisip niyang hindi siya nito deserve dahil lagi niya na lang ito nasasaktan.

Bumuga siya ng malakas at napatango-tango sa sarili.

“Vixxie, can you help me?”