CHAPTER 29
**4 years later**
Huminga siya ng malalim nang makalabas ng airport, pagkadating na pagkadating niya pa lang ay na-stress na siya. Her new assistant called her that their client is re-scheduled the meeting and it's tomorrow! Okay lang sana kung simpleng meeting lang ang gagawin nila, eh hindi, dahil kasama sa meeting na 'yon ang pagsusukat ng dinesign nila na damit at hindi pa 'yon tapos dahil nagkaroon ng problema sa tela.
"Hey, you look so pissed." She rolled her eyes when she saw Gino. I know you guys are shocked but yeah, the long story short we are close now.
"Uh-huh, hindi ko pa nga kilala ang client ko pero ito pinapainit niya na ang ulo ko." Sumakay siya sa sasakyan niya nang malagay na nito ang lahat ng gamit niya.
"So, what do you feel that you are back here?" nagkibit balikat siya.
"Wala, ano bang gusto mo ma feel ko? Oh yeah! I'm stress." Minessage niya ang assistant niya na si Carrie, para sabihan ito na dederetso siya sa office nila para asikasuhin na ang suit.
"Kumusta naman ang pagiging businessman?" tanong niya kay Gino. Nag-stop na kasi ito sa modeling 3 years ago.
"Better, I mean better than modelling? the news, the issue are less. Nakakapagod ding maging sikat." Mabilis itong lumingon sa kaniya at kinindatan siya.
"Eyes on the road, mister." Humalakhak pa ito bago ibalik agad ang tingin sa daan.
"So... any news about your lovelife?"
"None, I don't do dates."
"Because he's still the one," he chuckled.
"Shut up."
"Hindi mo pa rin na c-clear ‘yong misunderstanding? oh god, can't believe that we are going to be close because of that," tumawa na naman ito.
"Agree, hindi rin ako makapaniwalang naging close ko ang isang matandang playboy na katulad mo." Inirapan niya ito.
"Nagbago na ako and our age gap is only 6,"
"Because you fell in love, but the girl didn't choose you!" pang-aasar niya rito. Nakita niyang hindi ito nakasagot kaya mas lalo siyang natawa. Nakarating din sila sa bahay niya at sobrang na-miss niya talaga dito... just the good memories not the bad one.
"Ilalagay ko lang ‘yong mga gamit ko sa living room then ihatid mo ako sa office namin."
"Are you paying for my gas? nagpasundo ka na nga magpapahatid ka pa sa'kin," he mocked. "Why don't you call your ex-"
"Oh gosh, Gino! shut your mouth. Gusto mo tawagin ko si ate Be-" natigil siya ng tinakpan nito ang bibig niya, agad niya itong sinipa at sa tuhod kaya muntikan na itong matumba. Inabot din sila ng ilang minuto dahil nag-asaran pa sila ni Gino.
Buti na lang hindi traffic at nakarating din agad sila sa office. Sumama rin sa loob si Gino dahil makikitambay raw muna ito, pagkatapos nitong magreklamo wala rin naman pala itong gagawin.
"Ms. Yessha, kakarating lang po no’ng tela," tumango siya rito at kumilos na lang. Dapat wala siyang maaksaya na oras dahil kailangan na 'to bukas.
"Want some drinks?" kumunot ang noo niya at napalingon nang makitang kinakausap ni Gino ang assistant niya na si Carrie, sakto naman ang pagbaling agad ng tingin sa kaniya ni Gino.
"What? I'm just asking her! iba na naman ang nasa isip mo. I want to order some drinks kaya tinatanong ko siya if she also want." Umiling-iling na lang siya nang nagpaliwanag ito.
"Strawberry latte for me," sambit niya rito at pinagpatuloy na ang ginagawa.
"A-ako rin po, gano’n na lang din," rinig niyang saad ni Carrie.
"Okay, 2 strawberry latte for the 2 beautiful ladies..." Hindi na talaga mawawala rito ang pagiging mabulaklak ang mga salita. Alam naman niya na nagbago na ito dahil sa ate Bella niya. Yes, doon ito nahulog kaya naging close sila pero binusted ito ng ate Bella niya, hindi niya rin alam kung may pag-asa pa ba 'to.
"Ms. Yessha, gusto ka raw po makausap ng CEO ngayon, papunta na po siya." Naibagsak niya ang gunting na hawak at tumingin kay Carrie.
"What? why? don't tell me there's another surprise project for me? malapit na akong ma-stress! hindi ba nila alam na kakarating ko lang ngayong araw?" pagra-rant niya agad dito.
"Why don't you just focus on your own business? ikaw pa ang boss," inirapan niya si Gino. She's planning to do that pero she love her job now, her position and salary is high than others. Plus, dalawa pa ang kita niya, she has her own clothing line and she's also a fashion designer from known company. Bago lang din siya sa company na pinasukan niya, 3 months pa lang kaya nga napauwi siya sa pilipinas dahil dito siya in-assign ngayon. She's working for celebrities pero hindi niya pa alam kung sinong celebrity ang mapupunta sa kaniya. She hope someone decent and kind celebrity.
Wala na siyang nagawa at nang dumating ang CEO, which is na meet niya na rin naman ito no’ng bagong dating siya —dahil ito mismo ang nag hire sa kaniya.
"Hi Yessha, I know kakadating mo lang today but this is really important. For the company sake and for you too. I already assign you to a celebrity, magiging personal fashion designer ka niya," tuloy tuloy na sambit nito, hindi man lang siya nakabati. Well, para sa kaniya ay good news naman 'yon dahil mag fo-focus na lang siya sa isang tao.
"Its fine because it is good news for me too, when I can meet her? or... him?" she asked.
"You can meet him tomorrow."
"We have a meeting tomorrow for the owner of the suit? is it after the meeting or —"
"Oh, don't bother to do it! Mr. Manzano move the date again, puwede ka na mag chill at sa iba ko na rin ipapatuloy 'yan, but don't worry because it's your design so the credits will be yours." Napatango naman siya roon, it's good to know dahil patapos na rin naman ‘yong suit, hindi niya lang alam kung bakit paiba iba ang date no’ng customer nila which is si Mr. manzano pala, he's a comedian.
"Can I ask who the celebrity Mrs. Hartly?" tanong niya sa CEO. Ngumiti ito ng malawak na parang nae-excite na naman.
"A very famous model, I know you know him— well a lot of people know him, sino ba namang hindi makakakilala sa number 1 top male model in Asia, right?" muntikan na siyang masamid sa sariling laway dahil sa narinig. Bigla siyang nakaramdam ng panic dahil hindi niya alam kung pano haharap dito.
"I trust you with this Yessha, I saw all of your works, your clothes for women and men and all of it is really an art! They asked me if I can recommend a fashion designer and I chose you! aren't you happy?" natutuwang sambit nito. Hindi siya nakasagot pero nang tingnan siya mabuti nito napilitan siyang ngumiti dito. Mrs Hartly is a kind CEO, 3 months pa lang siya sa company nito pero napakarami niya ng natutunan kaya nga ginusto niya rito, bukod sa sikat na company maganda ang pamamalakad.
Pero hindi ata siya natuwa sa ngayon na sinabi nito, she can accept surprise and rush projects pero ang I-assign siya kay Thunder Jimenez?!! Yes, it's Thunder... Years passed and Thunder Jimenez became the top 1 male model in Asia, and he is one of the highest paid model in the world.
"Can I not accept this?" natigil naman sa pagsasalita ang kaharap niya.
"You're rejecting this kind of offer? you didn't know Thunder Jimenez?! are you not fan?" she was shocked. Yeah, it's normal because that kind of offer is really great, you will possibly be a famous fashion designer too because of Thunder. At higit sa lahat sino ba namang hindi tatanggi sa offer na 'to? tanga lang ang tatanggi sa offer na 'to, at siya 'yon. Oo! tanga na kung tanga pero she don't know how to face Thunder.
"I'm sorry Mrs Hartly but I can't do it—"
"Is it because he's your ex?" Literal na napanganga siya sa harapan nito nang marinig niya ang mga sinabi nito. "I did some research you know? and I don't care to your past but I care for my company and for you Yessha, you should be professional, or hindi ka pa nakaka move on?" Nanlaki ang mga mata niya sa mga narinig, sumakit pa ata ang ulo niya. Nakalimutan niya atang open minded itong CEO nila at mala-spy, madami laging nalalaman katulad na lang noong nakaraang buwan, mayroon kaming client na business man at hindi naging maganda ang mga paguusap dahil masiyadong rude ang client na 'yon kaya hinarap ng dakila nilang CEO na si Mrs. Hartly at pinagsasabi nito ang tungkol sa kabit ng client na 'yon.
"Mrs Hartly..."
"Resign or accept it? I'm 52 years old at mahilig talaga ako sa mga dramas, I was shocked that you are his ex-girlfriend! exciting 'di ba? but anyways bukod sa exciting kaya kita napili because karapat dapat ka pa makilala. I love all your works, remember? ako ang nag hire sa'yo." Napabuntong hininga na lang siya, ayaw niya namang mag-resign dahil lang hindi siya naging professional, and about if she already move on?
Of course! I did... I think... I did... yeah, I did. I'm just not sure…
Napatango na lang siya rito bago magsalita. "I will do it."
Napapalakpak naman ito sa tuwa. Siya naman parang nanlumo dahil hindi niya alam kung pano ito haharapin bukas.
Alam niya kaya na ako ang magiging personal fashion designer niya?