CHAPTER 20

Dumating ang linggo at alas tres pa lang ng hapon ay nag simula na siyang mag handa ng kaniyang susuotin at mga acessories na kaniyang gagamitin sa party. She knows that there's a lot of people will be there at the party. Mostly ‘yong mga ka sosyo ng kaniyang ama sa trabaho. Her father owned Marketing agency.

Wala siyang kapatid, iisang anak lang siya at wala rin siyang balak ipatakbo ang company nito.

Nag-shower na siya at pagkatapos ay tinuyo niya ang kaniyang buhok. Nakasuot lang siya ng roba habang nakaupo sa tapat ng vanity mirror. Inabot niya ang kaniyang cellphone at nakipag video call kay Thunder. Naka ilang ring ito bago nito masagot.

Sumalubong ang abs nito sa camera. Nakita niyang lumayo ito sa cellphone, mukhang pinatong nito sa kung saan ang cellphone. Nag pupunas ito ng buhok at tiyaka umupo nang makaayos.

"Hey, hon."

"Kakatapos mo lang pala maligo, sakto ang tawag ko," sambit niya. Sinuklay niya ang natuyo niyang buhok. Nag-skin care siya habang naka video call pa rin silang dalawa.

"Don't be so pretty tonight, I don't want to punch someone again." Napatingin naman siya rito, napansin niyang nag-aayos na ito ng buhok, habang naka-topless pa rin.

"Huwag ka rin magpa-gwapo! kung ayaw mong may sabunutan ako mamaya," inirapan niya ito pero tawa lang ang tugon ng binata.

"Don't worry, I'll stick beside you like a bubble gum," he chuckled then continued what he was doing. Tumayo naman siya at tinanggal ang kaniyang bathrobe, tanging panty lang ang suot niya dahil ang one shoulder slim dress niya ay may built in bra na.

"Hon! for damn sake! You are naked in front of the camera!" nilingon niya ito habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Ano naman?! parang hindi mo pa nakikita ang katawan ko ha!"

"You are teasing me," he clicked his tounge.

"I'm not! magbibihis lang ako ‘no!" halos pasigaw niya, wala nga sa isip niya na i-seduce ito. Narinig niya ang pag daing nito at nakita niyang napatingala pa ito habang dinidilaan ang ibabang labi.

"Go dress up! we might not go to your father's birthday party. Ikukulong na lang kita riyan pagkarating ko," rinig niyang sambit nito. Nag-init naman ang kaniyang pisngi at hindi na nagsalita. Mabilis siyang nagbihis at nag ayos. Nakita niya ring naka suot na ito ng turtle neck na black longsleeve at black pants. Napatitig siya ng nagsuot ito ng black and white na coat, hindi ito nakatingin sa kaniya dahil busy ito sa ginagawa.

Malinaw ang camera nito kaya nakita niya pa ang pag flex ng kamay nitong maugat ng sinuot nito ang rolex na relo. Napahinto lang siya sa pagkatulala niya ng nagsalita ito.

"I'll go now to your house," sambit nito at inangat ang camera, nag-ayos naman ito ng buhok.

"Ang gwapo mo... Nakakaasar ka!" Sigurado ako pagkakaguluhan ka mamaya! "Huwag na kaya tayo pumunta sa party? sosolohin na lang kita? what do you think?" ngumiti siya ng malawak dito.

"I love that too but it's your dad's birthday. Kailangan nandoon ka." Ngumuso naman siya at napatango na lang.

"Okay, drive safe!" Nagpaalam ito sa kaniya at in-end na ‘yong tawag. Nagsimula siyang mag lagay ng simpleng makeup, ‘yong babagay sa White fitted dress na suot. May kaiksian ang suot niya pero sakto lang naman.

Naglagay siya ng nude lipstick at nang makuntento siya ay binalik niya na ang lipstick sa pouch niya. Kinuha niya ang kaniyang shoulder bag at nilagay roon ang kaniyang lipstick, wallet at cellphone.

Bumaba na rin siya agad nang matapos na siya sa pag-aayos. Saglit lang siya naghantay kay Thunder, dumating na rin naman agad ito.

Thunder looks so expensive and hot in his outfit. Parang mas guma-gwapo ito sa paningin niya lalo. Parang ayaw niya na talaga pumunta sa party at gusto na lang niya itago ang binata sa kwarto niya.

Sinalubong siya nito ng yakap at halik sa labi.

"Let's go?" Tumango siya rito at pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. Umikot din ito agad para makasakay sa driver seat ng audi. Pinaandar nito ang engine, medyo kinakabahan siya at naghahalo ang emosyon niya. Ngayon na lang ulit siya makakapunta sa bahay nila.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana nang maramdaman niyang hinawakan siya ni Thunder sa kaniyang kamay.

"You okay?" tanong nito at hinalikan ang kaniyang kamay habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa harapan.

“Hmm. I don't know, I feel nervous and something." Ilang taon niya na ba hindi nakikita ang ama? Her dad is 52 years old today.

"I'm here, hon. I will by your side, don't be nervous." Her heart melt because of Thunder's sweet tongue. Siguro kung hindi ito kasama, hindi niya kaya pumunta mag isa roon sa party.

Nakarating sila at medyo dumidilim na dahil ala-sais na ng gabi. May mga guards sa labas ng malaking gate ng bahay nila at maraming kotse ang naka-park sa labas at meron din sa loob. They have a huge house and it has a huge garden. Sa labas na rin sila nag park ni Thunder para hindi na rin hassle kung uuwi sila.

Nauna lumabas si Thunder at pinagbuksan siya nito, huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng kotse. Inalalayan siya ng binata at kumapit naman siya rito ng husto. Naglakad sila papasok ng gate at bumungad sa kaniya ang mga tao na nakikipag-kwentuhan. Dumeretso sila sa loob ng bahay at nakita niya ang matagal na kasambahay nila roon.

"Si dad?" tanong niya rito.

"Nandoroon na po sa garden at nakikipagkwentuhan sa mga bisita," medyo na gulat pa itong nakatingin sa kaniya at sa lalaking nasa tabi niya. Tumango siya rito at nagpasalamat. Bago pa sila tumungo sa garden ay nakita niya na ang ama na papasok sa loob ng bahay habang may kausap na dalawang lalaki at isang babae. Napahinto lang ito nang makita siya.

"Yessha! my princess is here," nagagalak na sambit nito at nilapitan siya, bumitaw siya kay Thunder at sinalubong ng yakap ito, medyo mabilis lang iyon dahil hindi siya close sa kaniyang ama. Hindi niya nga natatandaan na naging malambing siya sa mga bisig nito.

"Happy birthday dad," she said and handed her gift to him. Ngumiti naman ito at kinuha ang paper bag na bitbit niya. Umatras siya at kumapit ulit sa bisig ni Thunder kaya napatingin na rito ang kaniyang ama.

"Who's this guy my princess? You are familiar," sambit ng ama ng bumaling kay Thunder.

"Happy birthday sir. I'm Thunder Jimenez—"

"He's my boyfriend," agad na sambit niya sa ama. Natigilan naman saglit ito at tumawa rin tiyaka tumango tango.

"Nice to meet you, you are a model, right?" nakipag kamay ang kaniyang ama at tinanggap naman agad iyon ni Thunder.

"Yes sir."

"That's why you are familliar, mukhang nakita na kita sa mga advertisements. I own a marketing agency," pagk-kwento nito. Inabot naman ni Thunder ang regalo nito sa kaniyang ama. "Thank you for the gift!" masayang sambit ng ama niya at inabot ang paperbag na hawak sa isang kasambahay.

"Pwede na kayo pumunta sa garden, may kakausapin lang ako," tumango lang siya rito at at hinatak na si Thunder palabas.

"His looks are so intimidating, is he strict to you?" tanong sa kaniya ni Thunder habang patungo sila sa isang bakanteng table, nakita niya pa ang paglingon ng ibang bisita kay Thunder, lalo na ang mga kababaihan.

"No. Kahit si mom ang nasa abroad at si dad ang kasama ko noon, mas madalang ko siya nakikita kaysa kay mommy. Mom always do a video call with me and talk to me, while dad is nowhere to be found," she plainly said. Umupo sila sa upuan at may nag-serve naman ng water sa kanila. May catering kasi at may mga servers.

"Oh my gosh! Thunder Jimenez?!" She rolled her eyes when her cousin approached Thunder. Pinsan niya ito sa side ng daddy niya at ito ang hindi niya ka-close sa lahat at hindi niya kasundo. Kung maarte siya at mataray sa tingin ng iba, ito naman ay sobra-sobra. Simula bata pa lang sila ito ang laging umaaway sa kaniya, natatandaan niya pa na lagi siya nitong binubully noong naging magkaklase sila noong elementary sila.

Why? Because all of their classmates likes her and not Lucy. Gusto nito mas sikat ito at gusto nito nakukuha ang mga gusto niya.

"Yeah," simpleng saad ni Thunder habang hindi pa rin nito tinatanggal ang magkahawak nilang kamay.

"Magkakilala pala kayo ng pinsan ko?" pekeng tawa nito at napansin niya ang paglandas ng tingin nito sa magkahawak nilang kamay na nakapatong sa hita ni Thunder. Umupo naman ito sa kabilang upuan ‘yong bakanteng upuan na katabi ni Thunder.

"Yes, she's my girlfriend." Napangisi siya ng maiba ang mukha nito. Gusto niyang sapulin ang mukha nito gamit ang magkahawak na kamay nila ni Thunder.

"O-oh wow... Uhm... Hindi ko naman alam na pupunta ka pala sa party ni tito, eh ‘di ba galit ka sa kaniya?" baling nito sa kaniya at ngumisi, hindi nakatakas sa kaniya ang saglit na sulyap nito kay Thunder na parang tinitingnan ang expression nito.

So this is what she wants, huh?

"Dad called me, Of course I'll be here because I’m his only daughter," matabang na sagot niya. Nakita niya ang inis na tingin nito sa kaniya pero halatang kinakalma nito ang sarili dahil kasama nila si Thunder.

"Uhm, can we take a selfie? I'm really a fan of you!" medyo patili na sambit nito kay Thunder, siya naman ay sinulyapan ni Thunder para humingi ng permiso. "Ano ‘yan? Strict ba sayo si Yessha? oh gosh, baka masakal ka niyan pagganiyan," pagpaparinig nito. Kumunot naman ang noo niya dahil naiinis na siya sa mga sinasabi nito. Nag-uumpisa na naman ito sa mga kainggitan nito sa kaniya.

Magsasalita sana siya ng naunahan siya ni Thunder "No. I just want to check her if it's okay with her," napabuga na lang siya ng hangin at tinanguan si Thunder. Narinig niya nanaman ang pagtili ng mahina ni Lucy at dumikit ng husto kay Thunder at nagpa-picture. Nakailang shot ito at parang tuwang-tuwa.

Sigurado siya na ipagmamayabang nito ang picture nito kasama si Thunder. Alam na alam niya ang ugali ng pinsan niya.

"So paano kayo nagkakilala?" tanong agad nito ng matapos sila mag picture ni Thunder. "Si yessha ang nag first move ‘no? Kasi before, lagi ko siyang nakikita na kasama ang mga iba't ibang lalaki. She's kind of famous because she's a flirt. Seryoso ba kayo sa relasyon niyo? I mean i'm kinda worried with you Thunder. You deserve to have real relationship, hindi ‘yong puro landian lang, may iba naman diyang babae ‘yong babagay sa’yo—"

"Anong pinapalabas mo? Na ikaw dapat? Stop your shits Lucy, alam ko naman na gusto mo lang agawin si Thunder. Remember? When we are in highschool, lahat ng may gusto sa akin pinapansin mo para kuhain mo. Inggitera ka ‘di ba? pero hindi kita pinapansin noon dahil aksaya ka lang sa oras! Ngayon, isa ka na namang papansin at inaaksaya mo ang oras namin!" Sumabog na siya dahil sa asar dito. Wala siyang pakialam kung siraan siya nito dahil hindi naman nito siya kilala ng lubusan.

"Omg! tingnan mo ang ugali mo! Hindi ka na nahiya?! look Thunder! Ganiyan ba ang gusto mo sa babae? Your fans will get mad at her! walang kwentang babae! Malandi at impokrita—"

"Anong sabi mo!" hahablutin na sana niya ang buhok nito nang hinawakan siya ng mahigpit ni Thunder sa bewang. Medyo may tumitingin na sa kanila dahil napapalakas na ang boses nila. Malakas naman ang tugtog ng music pero rinig na rinig niya ang mga sinasabi nito.

"Thanks for worrying about me. I appreciate that you said that you are my fan, but I love her. You are the cousin but you don't even know her? How can you say that in front of us? in front of your cousin? We are okay, so please, don't meddle with our relationship. And also stop judging people when you don't even know them, it sucks," matigas na sambit ni Thunder habang nakatingin kay Lucy. Kita niya ang gulat sa mukha nito at pagkapahiya. Umupo siya ng maayos at kinalma ang kaniyang sarili.

Ayaw niya sirain ang birthday party para lang sa isang childish na si Lucy. Hindi na niya ito narinig mag salita at nag martsa na lang paalis sa kanila. Kinuha niya ang baso na may laman na tubig at ininom iyon.

"Hon..."

"I'm okay, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. She's always like that, hindi kami close. Lalapit lang siya sa akin para awayin ako. Inggiterang palaka kasi, bwisit!" Mas lalo siyang nawalan ng gana dahil sa epal niyang pinsan.

"Let's go home after an hour?" tumango na lang siya rito. Gusto na rin niya naman umuwi, saglit lang sila dahil baka ma-i-stress pa siya lalo. Hinawakan lang nito ang kamay niya at hinalik-halikan.

Mayamaya may lumapit na sa kanila, ang mga kilala niyang kamag-anak, pinakilala niya lang si Thunder sa lahat.