Chapter 12 Marites
The fuckers made a commotion.
“Ah? Iyung maingay? Huwag niyo silang pansinin dahil kaibigan ko sila. Sige, ganito na lang. Kapag naubos itong paninda ko ngayon ay ipapakita ko sila,” Noah said to his viewers, “oo ma’am gwapo sila like me. Hindi po sila pwedeng i-mine pero pwede silang i-take out."
“Mahal ka ba?” Pang-aasar ni Keran kay Nick.
Tumayo si Nick at tumabi sa kanila.
“She hate me so damn much and I don’t know why. We were a childhood friend, at pagkauwi ko galing ibang bansa ay iba na ang pakikitungo niya sa akin. We were close back then.”
Enzo sight when he heard the confession of his friend.
“Good luck with your marriage, fucker. If you need a lawyer for the process of your annulment just call me. And if you kill someone and need a lawyer, call my fucking crazy twin brother.”
“Fuck you! We won’t get annulment!” Nick hiss.
“Kakasal lang annulment kaagad sinasabi mo Enzo!” Sorin scolds him, “bigyan mo muna ng three months,” sabay tawa nito.
“That woman hates you so much,” Enzo repeated.
“I don’t care,” walang emosyong sagot ni Nick.
**
Malungkot na naglalakad papasok ng mansion si Azaria, kailangan niya ng pera para makapagsimula. Walang-wala siya, at kailangan na niyang tumayo mula sa pagkakabagsak.
“Nanny, nasaan po si lolo?” Tanong niya sa kasambahay na nakita niya.
“Nasa hardin po, ma’am,” magalang na sagot nito sa kanya. Hindi na siya sumagot at malalaking hakbang na naglakad siya.
“Tanda!” Tawag niya ng makita niya ito na kumakain ng durian, favorite ng lolo niya.
“Azaria, napadalaw ka? Bakit hindi mo kasama ang asawa mo?”
Nasusuka siya kapag naririnig niya na asawa na niya ang lalaking iyon.
“Baka naman pwedeng pautangin mo ako ng pera,” daretsong sabi niya.
Nag-iba ang expression ng matanda, “ikaw bata! Wala ka na magawang maayos at tama sa buhay mo. Ano na naman ang gagawin mo sa pera?! Binayaran na lahat ng asawa mo ang mga utang mo, bakit hindi ka manghingi ka ng pera sa kanya?”
Siya naman ang nag-iba ang expression ng mukha.
“Hindi ko naman tinuturing na asawa iyon, noh. Mag-asawa lang kami sa papel. Pumayag lang naman ako maikasal sa kanya para hindi ako makulong at mabayaran ang mga utang ko. Kaya nandito ako dahil kailangan ko ng pera panimula.”
“Hindi na ako natutuwa sa’yong bata ka! Hindi ka marunong humawak ng pera Azaria, ah. Wala na akong pera at kung meron ako ay hindi kita bibigyan o pahihiraman.”
Nainis siya sa sinagot ng kanyang lolo.
“Parang hindi tayo magkadugo! Kailangan ko ng pera panimula sa bago kong negosyon! Pahiramin mo na ako dahil babayaran naman kita,” pagmamakaawa nito.
“Pumupunta ka lang naman dito kapag may kailangan ka.”
Alangan naman pumunta siya dito araw-araw. Matanda na nga ang lolo niya.
“May asawa ka na, hindi na kita responsibilidad. Humingi ka ng tulong sa asawa mo at hindi sa akin.”
Hinawakan niya ang kamay nito pero kinurot siya ng matanda kaya binitawan na niya lang ito.
“Tanda sige na! Nagmamakaawa ako, hindi nga ako makalabas ng bahay dahil wala akong bahay at sasakyan.”
Muling kumain ng durain ang matanda bago siya nito sinagot, “at saan ka kukuha ng ipambabayad mo sa akin? Ni-piso wala ka, iyung pera na pinagpyansa ko sa’yo ay hindi mo pa binabalik. Mabuti na lang mabait si Lanvin at tinulungan ka niya. Doon ka sa asawa mo humingi!”
“Tanda naman ih! Kapag ang ampon mo ang humingi ng tulong ‘oo’ kaagad ang sagot mo! Favoritism ka din! At saka, babayaran kita kapag naging sucessful na ang binabalak ko na business. Isa pa, ayaw ko nga humingi ng tulong sa ampon mo! Masyadong pabibo ang lalaking iyon!” Ismid niya.
“Bakit ganyan mo pag-isipan si Lanvin, ah?!” Piningot nito ang kanyang tenga, “dapat ay magpasalamat ka sa asawa mo dahil siya ang nagbayad sa mga taong pinag-kakautangan mo. Umalis ka na dito dahil kahit na anong gawin mo ay wala ka mapapala sa akin.”
Pinapalaas siya ng matanda? My god!
“Tangina naman! Nakakainis ka naman!” Kita sa mukha niya ang labis na pagkainis, “sige tandaan mo iyan! Kapag naging successful ako ‘who you’ ka sa akin!”
“Tawagan mo ang asawa mo at sa kanya ka manghiram ng pera! Ayaw ko na makipag-usap sa’yo dahil stress lang ang binigay mo sa akin,” inis na sabi ng matanda sa kanya.
Hinding-hindi siya hihingi ng tulong sa lalaking iyon, balak nga niya labanan ang kumpanya nito kapag sucessful siya. Kakalabanin niya ang lalaking iyon!
“Ayoko!” Pagdadabog nito.
“Mamatay ako ng maaga dahil sa’yo. Ikaw ang papatay sa akin, Azaria. Ikaw bata ka, ayusin mo ang pakikiutngo mo kay Lanvin dahil asawa mo siya, swerte ka sa kanya.”
Bakit ba ang daming nagsasabi na swerte siya sa lalaking iyon? Iyong lalaking iyon ang swerte sa kanya, limited edition siya.
“Ayoko nga! Bakit ba alam mo pa sa akin? Hinayaan na kita mag decide sa marriage ko, huwag ka masyadong pala-disisyon sa buhay ko!” Sikmat nito para mas mainis sa kanya ang matanda.
“Aber! Umalis ka sa harapan ko dahil aatakihin ako sa’yo sa puso!” Pagpapalayas ulit nito sa kanya.
“Marites! Marites! Marites!” Tawag nito sa isang kasambahay.
“Sir, ano po iyon?”
“Tawagin mo si Lanvin at papuntahin mo siya dito ngayon din,” seryosong sabi ng matanda.
“Sige po sir.”
Papupuntahan ni grandpa ang lalaking iyon? Ayaw nga niyang makita ang lalaking iyon! Inis siya sa lalaking iyon! Hindi niya malilimutan ang pag cheat na ginawa nito sa kanya kagabi! He waa flirting with the women in the party! May pasabi-sabi pa itong ayaw siyang iwanan, pero deep inside gusto lang manlandi ng ibang babae.
Azaria looks stressed.
“Aalis na lang ako. Wala na talaga akong mapapala sa’yo,” masamang loob na sabi niya sa kanyang lolo.
“Hindi na kita responsibilidad Azaria at isa pa, ang asawa mo ang dapat na nilalapitan mo, kaya ko siya pinili para sa’yo para may malalapitan ka. Alam ko na tutulungan ka ni Lanvin at hindi pababayan.”
She mimicking at her grandpa.
“Sir, papunta na daw po siya.”
“Bakit ba ang dami mong alam?!” Nakasimangot na tanong niya.
Umiling na lang ang matanda sa kanya.
“Sana huwag kaagad maging puti ang buhok ni Lanvin dahil sa’yo. Isa kang sutil na bata ka!” Gigil na sabi sa kanya ng kanyang loob.
“Ikaw diyan favoritism ka! Ako lang ang hindi mo pinag-aral noon sa ibang bansa! Ako ang kadugo mo pero mas favorite mo sa akin ang mga ampon mo! Pati iyung epal na Camille na iyon na anak ng haciendero ay masyadong mayabang!”
“Ang bibig mo! Hindi ko gusto ang mga sinasabi mo!”
“Totoo naman ah!” Sagot nito.
Umubo ang matanda, aatakihin siya dahil sa pagsagot ni Azaria sa kanya, nawalan na ito ng respeto sa kanya.
“Itikom mo ang bibig mo makakatikim ka na sa akin!” Banta sa kanya ng matanda.
“Ayaw ko naman ikasal sa ampon mo! Parang mas naging miserable ang buhay ko noong pumayag ako sa gusto mo! Tangina naman kasi! Hindi naman ako magkakaganito kung sa akin pinahawak ang kumpanya!”
“Walang ipapahawak sa’yo na business dahil hindi ka marunong humawak! Mabuti na lang ang mga magulang mo ay binigay nila ang kumpanya niyo kay Lanvin, tignan mo ang nangyari? Pangalawa ang kumpanya ng mga magulang mo.
“Bakit sa kanya pinahawak? Hindi naman siya ang tunay na anak! At saka, may naririnig ako na hawak na ni Lanvin ang lahat ng negosyon na meron ang pamilyang ito. At saka, bakit mahal na mahal mo ang lalaking iyon kesa sa akin?!”
“May mga bagay na hindi mo maintindihan at hindi mo alam. Marami kang hindi alam kaya ayusin mo ang pananalita mo.”
“Edi sabihin mo sa akin ang mga hindi ko alam! At saka diba may shares ka sa akin na ibibigay? Ibigay mo na sa akin!” Sigaw ni Chandria.
Grandpa inhaled deeply.
“Ang asawa mo ang makakapagbigay ng shares na iyon.”
Ano? Bakit kailangan manggaling sa lalaking iyon?
“Bakit sa kanya na naman?! Kukunin ko na ang shares ko na binibigay mo sa akin kapalit ng pagpapakasal ko sa lalaking iyon. Ibigay mo na ngayon din!” Sigaw niya, para na niyang kakainin ng buhay ang matanda dahil sa galit niya.
Ano ba ang kinalaman ng lalaking iyon at bakit kailangan dumaan muna sa kanya ang lahat?
“Marites! Marites ilayo mo sa akin itong kausap ko! Tumataas ang dugo ko sa kanya!” Pagtawag ulit ng matanda sa kasambahay.
“Sir!” Patakbong lumapit sa kanila si Marites.
“Nasaan na si Lanvin Nikolai?! Sabihin mo sa kanya ay bilisan niya!” Galit na utos ng matanda.
Naiyak na lang si Azaria nang magalit na ang grandpa niya at iniwan na lang siya nito. Paano siya babangon? Walang may gustong tumulong sa kanya, ang tingin ng lahat sa kanya ay isang scammer. Frustrated na siya at nakakaramdam na ng pressure. Everyone is judging her dahil sa isang bagay na hindi na naman totoo. Hindi siya scammer.
Bakit ba kasi siya pinalaking inggitera?
“Lanvin! Apo, ngayon lang kita nakita ulit. Bakit ngayon ka lang bumisita ulit ah?”
Napatingin siya sa window glass mula sa hardin nang marinig niya ang boses ng grandma niya.
“Grandma,” bati ni Nikolai sa matandang babae at nagmano rito.