Chapter 7
“WAIT!” tawag ko kay Akira nang tumalikod na siya at akmang tatakbo palayo sa akin. Huminto siya sa paggalaw at nanatili lamang na nakaharap ang likod niya sa aking gawi. Nasundan iyon ng katahimikan sa pagitan namin.
Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang aking sunod na sasabihin. My hands were cold and tears started flooding from my eyes. To be honest, I don’t really feel afraid of him despite of him becoming a werewolf—but I’m really getting emotional. Nagsisimula na akong mag-overthink.
Anong mangyayari sa kaniya kapag nalaman ng iba na gan’yan ang tunay niyang pagkatao? Paano na lang kaming dalawa? Natatakot ako sa katotohanang magkaiba pala ang mundo namin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko at kung maniniwala ba ako sa lahat ng nasasaksihan ko ngayon.
Maybe this is just only a dream. Oo, tama! There’s no such thing as werewolf. They’re just fictional beings.
Ngunit sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nagbabasa ng tungkol sa ganiyang klaseng nilalang. And I never encountered a topic about that for the past few days. Kaya walang dahilan para mapanaginipan ko ito.
“Totoo ang nakikita mo at hindi isang panaginip lamang,” I heard Akira’s voice from my head. He can read my mind and he can also talk to me in telepathy. This is, WOW!
Unti-unting lumingon sa akin ang lobong anyo ni Akira. As soon as I saw his terrifying fierce eyes, I looked down on my heels. I tried to manage and calm my heartbeat. Ayokong isipin niya na kinatatakutan siya ng kaniyang mismong girlfriend.
“I love you, Akira,” tanging nasambit ko sa pagitan ng aking pag-luha. Mahal ko pa rin siya at walang magbabago kahit isa siyang taong-lobo.
But I can’t face him. Nahihirapan akong tingnan ang kaniyang bagong anyo. He’s a big white, fury wolf at nagmumukha akong isang one year old na bata sa harap niya. At ang hirap pa ring tanggapin sa aking sistema na ang boyfriend ko ay isang malaking lobo. And anytime he wants, he can eat me alive. No! He won’t do that to me. I know him.
“And I love you more,” tugon niya gamit ang kaniyang kakayahan sa telepathy.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. At nang magtama ang aming mga mata ay nanikip sa una ang aking dibdib. Isang normal na reaksyon ng isang tao na kaharap ang isang out of this world na nilalang.
Unti-unti akong humakbang papalapit sa kaniya. Ngunit napatigil ako nang gumalaw siya. Kakaripas na sana ako ng takbo palayo sa kaniya dahil baka may balak siyang kainin ako, ngunit mali ang naging hinala ko. Dumapa siya sa damuhan at pagkatapos ay iginalaw-galaw niya ang kaniyang mahaba at mabalahibong buntot. Napangiti ako nang wala sa oras.
May kaunting pangamba man ay tuluyan na akong lumapit sa kaniya at walang ano-ano ay ibinagsak ko ang aking katawan sa kaniyang malapad na likod. Para lamang akong humiga sa malambot na kama dahil sa napakakapal niyang balahibo.
I decided to smell his fur. Akala ko ay may amoy rin yun na kagaya ng sa aso, but I was wrong. With his fur, I can smell the essence of the forest. Napapikit ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaginhawaan na idinudulot ng kaniyang amoy.
Moments later, iminulat ko nang muli ang aking mga mata. Npahawak ako sa aking dibdib habang nakatanaw sa kabilugan ng buwan. Tila namamanhid ang aking mga kamay habang ang aking dibdib ay nakararamdam ng sakit dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko kanina. I then realized that my tears had already stopped leaving my eyes red and sore.
“Bakit hindi ka tumakbo?” tanong sa akin ni Akira.
“Because I want to stay. I want to hear the truth from you. At iintindihin ko ang lahat ng sasabihin mo dahil girlfriend mo ako,” I assured him.
“Isa akong taong-lobo,” pagsisimula niya. I can’t help but roll my eyes at him behind his back.
“Yeah, you’re stating the obvious,” I sarcastically responded to him. “Later mo na lang ikwento ‘yan. I’m sleepy na , eh,” dagdag ko pa. Namimigat na ang mga talukap ng aking mga mata. Hindi ko na rin mapigilan ang aking paghikab.
Idinipa ko ang aking mga braso at tuluyan na akong nagpatangay sa aking antok. Nakakapagod ang gabing ito. Hindi ko na nagawa pang hintayin ang tugon ni Akira. My mind and body were drained and I badly want to sleep to have a rest right now.
“ANGEL! Gising ka na po!” I heard someone whisper in my ear. I half-opened my eyes as I adjusted to the light of the surrounding. I yawned and got up from the blanket— Oh! Where did this blanket come from? Ang inaasahan ko ay sa damuhan ako nakahiga o kaya naman ay sa likod ni Akira.
I was stretching my arms while looking for the handsome man who woke me up from my comfortable sleep. Ngunit hindi ko inaasahan ang senaryo na tatambad sa akin. I immediately closed my eyes as soon as I saw his nakedness. For heaven’s sake! Ang napaka-inosente kong mga mata!
Pero aminin mo, self! Gusto mo rin naman ang nakita mo, eh.
With the thought of that, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kilig at tila may nagliliparang mga paru-paro sa aking tiyan. My cheeks were burning and I can imagine my face turning red.
“Oh, crap! Nakalimutan ko!” tila nagpa-panic na saad ni Akira. Dahan-dahan akong sumilip sa pagitan ng aking mga daliri na bahagya kong pinaghiwalay. I saw him hiding his sword with his two hands. He then immediately grab the blanket and wrap it around his naked body.
“Kunwari tinatakpan ang mata,” I heard him say in a playful tone. Doon ko lang na-realize na nakatingin na pala siya sa akin.
Nagdadabog na tinanggal ko ang aking mga kamay mula sa pagkakatakip nito sa aking mga mata. I rolled my eyes at him and he just laughed at me. “Wala naman akong nakita,” I defended myself.
Tumalikod ako sa kaniya at tumanaw sa medyo madilim pang kalangitan. Madaling araw pa lamang kaya naman hindi pa gaano kaliwanag ang paligid. Malamig din ang klima lalo pa at nasa itaas kami ng bundok. Mabuti na lamang at makapal ang aking gown kaya naman hindi ako ngayon nangangatog sa lamig.
Narinig ko ang kaniyang mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. He hugged me tightly from my back. Pinapakalma niyon ang puso kong hanggang ngayon ay nakararamdam ng pagdududa at pangamba. I can feel his warm breath lingering on my neck.
“Let’s dance,” bulong niya. That’s when I faced him with a smile on my lips.
“Right now?” paniniguro ko. Tanging pagtango lamang ang tinugon niya sa akin. Tumitig sa akin ang kaniyang ngayon ay namumungay nang mga mata.
We positioned ourselves. Ipinatong ko sa magkabila niyang mga balikat ang aking mga kamay while he placed his hands on my waist. We looked into each other’s eyes and as soon as we made an eye contact, we started dancing on our feet. Ang huni ng mga kuliglig at ang ihip ng hangin ang tila nagsisilbing musika namin.
“Hindi mo ba ako tatanungin?” tanong niya sa akin sa pagitan ng aming pagsayaw.
“Let’s save that for later,” tugon ko. Ayoko munang isipin ang komplikadong bagay na iyan. The atmosphere right now was romantic at ayokong sirain yun. This is what I needed for my debut. Though tapos na nga, pero ang sayaw na ito ang pinaka-pinangarap kong mangyari sa araw na ito.
“I love you,” he softly muttered.
“And I love you, too, Akira.” I genuinely smiled at him. I held his face, reassuring him that I won’t turn my back on him no matter what his true identity is. And the next thing happened, he leaned down to kiss me on my forehead. I slowly closed my eyes and hugged him tightly as I can.
“Thank you for staying,” he mumbled.
“Kahit anong mangyari, pipiliin ko pa rin ang manatili sa tabi mo,” I told him. Ganito yata talaga kapag mahal mo talaga ang isang tao. Through their good and bad side, gugustuhin mo pa ring manatili sa tabi nila. It’s not about enduring, it’s all about loving everything about them.
“Sunset na. Panoorin natin,” pagbasag niya sa matinding katahimikan na namayani sa pagitan namin.
Tuluyan na akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. We faced the east direction and watched the sun show itself. This is the first time I had experience this beautiful event. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na gumigising nang napakaaga at kung sakali man na mangyayari iyon ay marahil nananatili lamang ako sa loob ng aming bahay.
“Happy birthday, Jennifer,” bati sa akin ni Akira.
“Late na ‘yang bati mo,” pambabara ko sa kaniya. I heard him laugh and I smiled by hearing his voice.
Hinintay namin na matapos ang pagsikat ng araw bago namin napagpasyahan na bumaba na ng bundok. Now, it’s time to face the real world. Nagsisimula na naman akong lamunin ng pangamba sa mga maaaring mangyari sa aming dalawa. I hope that this thing about him wouldn’t ruin what we have for each other.