Chapter 19
“Isa ka lamang Luna ngunit ang lakas na ng loob mo na harapin ako sa isang laban. Hindi ka ba natatakot para sa iyong buhay?” Mapang-uyam na saad sa akin ni Amara.
I was a daughter of a two unmated individual that later on died of sickness because of having me born in this world. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking ama na nagkataon ay isang mataas na opisyal na kawal ng aming Alpha noon na siyang ama ni Akira. Lumaki ako na nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko na walang pagtutol ni isa mula sa aking ama-amahan.
Nang unang makita ko ang mate ko na si Akira ay kaagad akong nagkaroon ng paghanga sa kaniya na habang tumatagal ay nagiging mas malalim. Loving him from afar is more than enough for me because I know by myself that at the end of the day, he will come to me and love me back. Ngunit nagkamali ako. Nagmahal siya ng ibang babae. Natakot ba ako na mawala siya? Hindi. He deserves what he loves and I deserve a man who will love me back not just because we were mated and we are urge to love each other back because of the unwilling attraction made by our mate bond.
At ngayon na kaharap ko na si Amara, wala akong nararamdaman na takot na mamatay sa kaniyang mga kamay. Ang tanging bagay lamang na ikinakatakot ko ay may maiiwan akong tao na masasaktan kapag nawala ako. Alam ko kung anong pakiramdam ng nasa ganoong sitwasyon. It was like you had experiencing all different kinds of pain without knowing when would things back to being okay.
“Sad to say, hindi!” Nang-aasar kong tugon. I was already in my human form, naked. Ngunit wala akong pake. Si Amara lang naman ang nakatingin sa hubad kong katawan.
Nag-tumbling ako patungo sa kaniyang kinatatayuan at pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang malakas na sidekick sa kaniyang kanang bahagi ng mukha ngunit mabilis na naiwasan niya iyon. Nahawakan niya ang kaliwang paa ko at malakas niya na hinataw ang aking tuhod gamit ang kaniyang isang braso. Nang binitiwan na niya iyon ay napatumba ako sa lupa. Pakiramdam ko ay nabali ang buto ko sa aking binti.
Halos mangiyak-ngiyak ako habang hinahawakan ko ang kaliwang binti ko na ngayon ay namimilipit sa sobrang sakit. This bitch! Bigla ko tuloy naalala si Papa. Asan na kaya siya ngayon? Para akong bata ngayon na hinahanap sa pagilid ang aking ama upang magsumbong.
Ilang minuto pa akong nagtagal sa ganitong sitwasyon. Ito ang unang beses na nangyari ang ganito sa akin. Pagdating sa one-on-one na pakikipaglaban ay wala pang nakakatalo sa akin at ni minsan ay hindi ko pa nararanasan na ako iyong mas masasaktan sa pagitan namin ng kalaban ko, ngayon lang. Nag-angat ako ng tingin kay Amara na walang emosyon na nakatingin sa akin.
Pagkatapos ay napatingin ako kina Vince at Clara. Ginagamot pa rin ni Clara ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang kapangyarihan habang maingat na nakaalalay sa kaniya si Vince.
“Hindi na dapat siyang gumaling pa,” saad ni Amara na nakatingin na rin pala sa direksyon kung saan ako nakatingin.
Napatingin ako sa kaniya at nang makita kong humahakbang na siya palapit sa pwesto ng dalawa ay pinilit kong tumayo upang harangin siya. Alam kong kahit mapantayan ko siya sa pisikal na pakikipaglaban ay wala pa rin akong kakayahan na matalo siya dahil napakalakas ng kaniyang itim na kapangyarihan. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay bigyan pa ng mahabang sandali ang dalawa mula kay Amara. I’ll gonna buy her time for the meantime. Sana lamang ay gumaling na kaagad si Clara bago pa ako mapatay ng babaeng ito.
“Oops! Tapusin mo muna ako bago ka makakalapit sa kanila.” Nakangisi kong saad. Itinatawa ko na lang ang sitwasyon ko ngayon upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa aking kaliwang binti.
All my life I was trained to become a master on battle combat. Nagawa nitong palakasin ang pain tolerance ko. Ang gusto ni Papa ay mamana ko ang kaniyang kagalingan sa pakikipaglaban upang kahit saan man ako pumunta ay magagawa kong ipagtanggol ang aking sarili. Alam niya kasing layas ako lalo na at lagi pa akong pumupunta sa mundo ng mga tao upang masulyapan lamang si Akira.
“Kailangan na kitang tapusin!” Matigas na saad niya. Sumalubong sa akin ang kaniyang itim na itim na mga mata. Para akong nakatingin sa isang lugar na walang kahit ano. A place that is empty and dark.
“PAPA, ayos lang po ba kayo?” tanong ko kay Papa. Nakasalubong ko siya sa daan habang naghahanap pa ako ng ibang mga taong-lobo na gagamutin at tutulungan na madala sa isang ligtas na lugar.
Pinagmasdan ko ang lobo ni Papa. Maliksi pa siyang kumilos at parang wala namang nangyari sa kaniya. Wala ding mababakas na sugat sa buo niyang katawan o kahit dugo mula sa kaniyang naghilom na sugat.
“Ano bang nangyayari anak? May bagyo ba? Ngayon lang yata nagkaroon ng bagyo sa mundo natin.” Nagtatakang saad ni Papa. Palinga-linga siya sa paligid.
“Hindi po,” malungkot na saad ko.
“Eh ano? Asan na pala iyong apo ko? Ayos lang ba siya?” tanong pa niya sa akin. Nag-uusap kami gamit ang aming kakayahan sa telepathy.
“Wala na po siya,” tugon ko. I was crying deep inside of my heart. Nasasaktan ako. Paano ko magagawang kamuhian ang isang tao na ang nangingibabaw ang ala-ala ko sa kaniya ay pawang puro masasaya lamang.
“Huwag kang magbiro ng ganiyan, Akira.” Hindi makapaniwalang saad sa akin ni Papa.
Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. “Siya si Amara. At siya ang nagdulot ng sakunang ito ngayon lang,” pagbubunyag ko sa kaniya ng katotohanan na ikinatahimik niya. Hindi na siya muli pang nagsalita.
Tumalikod siya sa akin. Habang ako ay tahimik din na sumunod sa kaniya. Patuloy lamang kaming naglalakad na hindi alam kung saan kami ngayon tutungo. Parehas kaming lumilipad ang isip. Naiipit kami parehas sa pagitan ng pagmamahal na nararamdaman namin kay Light at sa galit na nararamdaman namin kay Amara.
Sana ay panaginip na lamang ang lahat ng ito. Bakit kailangan umabot pa kami sa ganitong sitwasyon. Bakit kailangan pa namin na makilala si Light? Sana sa mga oras na ito ay nasa eskwelahan ako at kasama iyong dalawa kong kumag na kaibigan. Bigla ko tuloy na-miss si Mama. Ano na kayang ginagawa niya sa mga oras na ito?
Alam ni Mama ang buong nangyari sa akin at alam niyang nagawa ko pang mabuhay dahil dinalaw siya isang beses ni Papa upang ipaalam sa kaniya ang sitwasyon ko. Ayaw rin kasi niyang mag-alala ng todo sa akin si mama at baka yun pa ang ikamatay niya ng maaga.
“Akira?” Pagtawag sa akin ni Papa ng bigla-bigla ay tumakbo ng matulin ang aking lobo papunta sa isang siguradong direksyon.
Bigla akong nakaramdam ng masakit sa aking puso at tila nahihirapan ako sa paghinga. Alam ko na ngayon kung anong nararamdaman ko. Nasa matinding panganib si Dani. Hindi na ako nakasagot kay Papa dahil sa pagmamadali. Ngunit nararamdaman kong nakasunod siya sa akin sa likod.
Sinugod ko si Amara na nakahanda ng pugutan ng ulo si Dani gamit ang kaniyang nagliliyab sa itim na usok na espada. Nakahigang bumagsak siya sa lupa at napailalim sa malaki kong pigura. Tiningnan ko ang kaniyang itim na itim na mga mata. Umaasa akong makikita kong muli si Light ngunit nabigo ako. Hindi na ako nakapaghanda ng maglabas siya ng matinding pwersa patungo sa akin at nagawa ako nitong itilapon ng malakas sa di-kalayuan sa pwesto namin kanina.
Napaungol ako sa sakit na naramdaman ko ng malakas na bumagsak ang aking likod sa isang matulis at malaking bato. Nakakaramdam ako ng awa sa aking katawan. Nakakainis! Ito na ang pangalawang beses na tumilapon ako at talagang sa mabatong lugar pa ako sumasakto ng bagsak.
Binalak muli ni Amara na lapitan si Dani na ngayon ay hinang-hina ang katawan ngunit wala naman siyang kahit anong sugat. Maingat na pinasasakay ni Papa si Dani sa kaniyang likod upang ilayo sa lugar na ito. Kahit papaano ay nakakakilod pa naman si Dani, iyon nga lang ay napakabagal at parang walang lakas.
Bago pa man tuluyang makalapit siya sa dalawa ay hinarang siya ni Ate Clara at Kuya Vince na mukhang nakabawi na sa kanilang mga lakas. Alam ko na kung bakit ngayon ay nakasuot na ng pang-digma si Dani. Siguradong gawa iyon mula sa kapangyarihan ni Ate Clara.
Sinimulan ng pagtulungan na kalabanin ng dalawa si Amara. Napakabilis ng kaniyang mga galaw na halos hindi na ako makasunod sa pangyayari. Habang si Dani naman ay tuluyan ng nakasakay sa likod ni Papa.
“Sitting pretty ka diyan! Tulungan mo iyong dalawa sa laban,” natatawang saad sa akin ni Papa. Papalayo na sila sa kinaroroonan namin.
Dahan-dahan akong tumayo at tumulong na rin sa dalawa. Ang laban ay naging sa pagitan ng pisikal na lakas at kapangyarihan. Kahit tatlo na kami ay talagang malakas si Amara dahil nagagawa pa rin niyang higitan kami. Kung sipain niya lamang ang naglalakihang lobo namin ni Kuya Vince at bigyan ng mga suntok na para lamang isang punching bag kami.
Ngunit nabilib ako kay Ate Clara dahil ni isang beses ay hindi pa siya natatamaan ni Amara. Seryosong-seryoso siya sa buong laban nila. Pakiramdam ko nga ay nakikisaling-pusa lamang kami ni Kuya Vince. Sa huli ay nagkatinginan na lamang kami ni Kuya Vince ng hindi na kami nasali sa kanilang laban. Para kaming tanga na nakatayo sa harap nila at nanunuod sa kanilang nakakahilong labanan. Masyadong overpowered silang dalawa.
“VANESSA anong nangyari?” tanong sa akin ni Ate Jenmifer nang magising siyang muli sa kaniyang mahabang pagkawalan ng malay. Pinailaw ko ang flashlight na iniwan sa akin ni Ate Dani upang magawa namin na makita ang mukha ng isa’t isa.
“Nahimatay ka ulit Ate dahil sa paggamot mo sa akin,” tugon ko.
Malawak na ngumiti ako sa kaniya. “Salamat po sa pagliligtas ng buhay ko,” dagdag ko pa.
“You’re always welcome.” Nakangiti rin na saad niya at saka niyakap ako.
Nang kumalas siyang muli sa pagkakayakap sa akin at tumingin siya sa aming paligid kahit wala siyang nakikita. Pagkatapos ay ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin.
“Nasaan na sila?” Nagtatakang tanong niya.
“Pumunta po sila sa kinaroroonan ni Ate Clara at ni Amara. Paniguradong may labanan ng nagaganap sa pagitan nila,” sagot ko. Mabilis siyang tumayo ngunit kaagad din siyang naupo pabalik ng may dumaan malapit sa amin na napakabilis ang pagtakbo. Naglikha iyon upang magsiliparan at sumama sa hangin ang alikabok na ikinaubo namin parehas.
“Kailangan na nating puntahan sila dahil hindi biro ang kanilang kalaban. Baka kung mapano na sila.” Tila nagmamadaling saad ni Ate. Mabilis na nagpalit ng anyo si Ate Jennifer. Sumakay na lamang daw ako sa kaniya upang makapagpahinga pa ang aking katawan.
Nanlaki ang aking mga mata nang itutok ko ang hawak kong flashlight sa lobo ni Ate Jennifer. Napakalaki niyon at kulay violet. Pati ang kaniyang mga mata ay kulay violet at nagliliwanag iyon. Ganito pala ang magiging lobo ng isang mangkukulam. Nakakamangha at halos hindi ako makapaniwala.
Nang tumalikod na siya sa akin ay mabilis na sumampa ako sa kaniyang likod. Pinatay ko muna ang flashlight at isinilid ko iyon sa bulsa ng aking suot na pantalon. Niyakap ko ng mahigpit ang kaniyang malapad na likod at saka lamang siya nagsimulang tumakbo patungo sa lilang liwanag na matatanaw sa di-kalayuan.
NANG marating ko ang lugar ay napukaw agad ang tingin ko kay Amara at sa harap niya ay may isang lalaki na hindi ko makilala kung sino. Bumagal ang pag-ikot ng mundo ko ng magtama ang aming paningin. Kasabay no’n ang paglaro ng mga ala-ala sa aking gunita. Ala-ala ng karumal-dumal at walang awa na pagpapapatay niya sa aking mga magulang.
Pinilit kong alalahanin ang ala-ala namin na masaya nung siya pa si Light ngunit natabunan na naman iyon ng sakit at galit.
“Maaari ka mg bumaba Vanessa?” walang emosyon na saad ko at mayamaya ay naramdaman ko ang kaniyang pagbaba mula sa likod ko.
Mabilis na sinugod ko si Amara at iniwasan ko ang kulay abong lobo na nakatayo lamang sa harapan niya. Ipinagtaka ko ng hindi man lamang siya umiwas sa akin. Nang mapailalim siya sa akin ay iniangat ko sa ere ang aking kamay na kung saan ay nakalabas ang aking mahahaba at matutulis na kuko.
Ngunit bago ko pa ilapat iyon sa leeg niya ay unti-unting naging normal ang kulay ng kaniyang mga mata. At pagkatapos ay binanggit niya ang pangalan ng lalaking binawian niya ng buhay maraming taon na ang nakakalipas.