Chapter 10
“Jennifer, hey wake up!” I heard someone’s voice. She was shaking my shoulder trying to wake me up to my senses.
Sinubukan kong gumalaw at imulat ang aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatingin kay ate. Napahilot na lamang ako sa aking sentido dahil kumikirot sa sakit ang ulo ko. Tinulungan ako ni ate na makabangon dahil tila naubos lahat ng enerhiya ko sa katawan.
“Kailangan na nating umalis ngayon,” tila nagmamadali at seryosong saad ni Ate.
Teka, ano bang meron? I tried to look around on my surroundings kahit nahihirapan ako. Tila gumuho ang mundo ko sa nasaksihan ko di-kalayuan sa kinapwepwestuhan namin. Pinilit kong gumapang upang lapitan ang hindi na gumagalaw na katawan ni Akira. At nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay doon ako dumating sa reyalisasyon ko na kagagawan ko kung bakit -no! Hindi pa patay si Akira. He’s a werewolf and maybe they are immortal. Right!
“Akira? Gumising ka na. Pinapatawad na kita. Makikinig ako sa explanation mo. Just please, don’t die! Don’t leave me, please!” I cried. I tried shaking his shoulders but I got no response. Sinubukan ko ding i-CPR siya ngunit wala pa rin.
“Jennifer, I’m sorry but we must leave now!” Ate Clara interrupt. Hinila niya ako palayo kay Akira at dahil naubusan ako ng lakas ay madali lang niya akong natangay.
Habang papalayo ako nang papalayo kay Akira ay mas lalong nawawasak ang puso ko. Nahihirapan akong huminga at wala na rin akong maisip na rason para huminga pa at magpatuloy sa buhay. I just want to be with Akira again. I badly wanted to hear his voice calling me his angel, again.
“Breath, Jennifer!” Natigilan ako nang sigawan ako ni Ate. I found myself riding in a branch of tree habang nasa likod ko si Ate Clara na matindi ang pagkakakapit sakin upang hindi ako mahulog.
Humarap ako sa kaniya na luhaan ang aking mga mata. Mahigpit na niyakap ko siya kasunod ng malakas na paghagulhol ko. Hindi ko kaya! I swear! Hindi ko kayang wala si Akira. I can’t, please. Sana panaginip lang ang lahat ng ito.
“Ate sampalin mo ako,” pakiusap ko sa kaniya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at nakikiusap na tumitig ako sa kaniyang mga mata. Kinuha ko ang kaniyang isang kamay at inilapat iyon sa aking kanang pisngi. I close my eyes and waited for her slap. Lumipas ang mahabang sandali ngunit wala pa rin akong natatanggap na sampal mula sa kaniya.
Mas lalo akong naiyak. Walang humpay sa pagbuhos ang aking mga luha habang nakapikit. Napahawak ako sa aking dibdib dahil halos mapapatidan na ako ng hininga. Hindi ko talaga kaya!
“Jennifer please naman! Huminga ka!” Ate Clara said it again. Marahan niyang hinahagod ang aking likod dahil umaasa siyang makakatulong iyon para makahinga ako ng ayos at kumalma sa sitwasyon namin ngayon. Ngunit nagkakamali siya. Unti-unti ay nararamdaman ko ang paggaan ng aking pakiramdam. Para akong lumulutang sa hangin habang hinihila ng matinding antok. And in a while, I was already sleeping and I don’t have an idea if I will be able to wake up again in this cruel world.
NAPAMULAT ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang mabigat na nakapatong sa aking tiyan. Napatingin ako kay Wolf na mahimbing na natutulog at nakapatong ang kaniyang ulo sa aking tiyan. I looked around and I find myself lying in my bed inside my own room.
Sinubukan kong makaupo ng dahan-dahan upang hindi magising si Wolf. Tumingin ako sa maliit na salamin na nakapatong sa aking lamesa at pagkatapos ay bumaling ako sa painting ng aking mga magulang. I’m now aware that I am a witch and has the blood of a werewolf. I’m not a normal person anymore.
Ibinalik ko sa salamin ang aking tingin at pagkatapos ay pinalutang ko iyon sa ere ng may buong tiwala na magagawa ko iyon. Pinapunta ko ito sa akin hanggang sa mahawakan ko iyon. I smirk. This is kinda a cool thing for me. When I was just a kiddo, I used to sing ‘If I have magic’, a barbie song. And now, I’m in the phase of the lyrics where ‘I got magic’.
Iniharap ko sa aking mukha ang maliit at bilog na salamin, at doon ko nakita ang aking repleksiyon. Namumugto at namumula ang aking mga mata dahil sa matinding pag-iyak. Ang magkabilang pisngi ko ay nanlalagkit dahil sa mga natuyong luha. I really look like a mess. I cried again nang maalala ko si Akira. Bakit pa nga ba ako nagising? Para ano, para araw-araw masaktan? Well, deserve for me!
Itinapon ko sa pader ang salamin na hawak ko. Naglikha iyon ng malakas na tunog, nabasag ito at nagkalat sa sahig ang nagkapira-pirasong bubog nito. Wolf jumped out from the bed and he bark on the shattered pieces of the mirror. Hindi pa nagtagal ay bumukas ang pinto ng aking kwarto. Mula roon ay humahangos na pumasok si Ate. Tumingin siya sa akin ng may matinding pag-aalala at pagkatapos ay nalipat ang tingin niya sa nabasag na salamin.
Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at iniangat niya ang aking ulo. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Nagsimula na naman akong mahirapan sa aking paghinga.
“Jennifer please, ayusin mo muna ang sarili mo,” pakiusap sa akin ni Ate.
“Para saan pa ate? Wala na si Akira! At kasalanan ko iyon. How could I continue to this fucking life when my boyfriend was killed by my own shitty hands!” I yelled in frustration.
“Naiintindihan kita Jennifer ngunit ayaw mo bang malaman muna ang lahat?” May determinasyon na tanong sa akin ni Ate. Doon ako natigilan. Kulang-kulang nga pala ang impormasyon na nakuha ko sa aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
Pinahid ko ang mga luha ko. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. At nang maramdaman kong handa na akong makinig sa mga sasabihin ni Ate ay sinalubong kong muli ang kaniyang mga tingin.
“Gusto kong malaman ang lahat.” Finally, I said it without breaking down.
“Your boyfriend Akira and his father did not kill our parents. Hindi nila iyon kagustuhan. They were just used by someone to kill our parents,” paliwanag ni Ate. Sa unang rebelasyon na narinig ko mula kay Ate ay para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. And I’m on the verge of fucking breaking down again. Kinda I’m used to swearing, I guess.
Ngunit pinigilan ko ang sarili ko. “Who is that woman behind this?” I asked Ate Clara emphasizing each word that came out from my mouth. Kaya pala may itim na usok na nagtila lubid na nagmumula sa babaeng iyon at kumokonekta kay Akira at sa kaniyang ama. It was like they were being puppet by a witch.
“Si Amara, ang bunsong kapatid ng ama natin.”
“Why would she do that?” Nagtatakang tanong ko.
“Hindi ko alam. Napakabata ko pa noong mga panahon na iyon. The only way to find the answer is to go to the underworld and find her,” tugon ni Ate. Well, I’m not just going to find her. I’ll will take that bitch life away from her.
I stand up from my bed. My heart was beating so fast. Determinadong humarap ako kay Ate na kasalukuyang nilalaro na si Wolf.
“Ituro mo sa akin kung paano ako makakarating sa lugar na iyon.”
Nag-angat ng tingin sa akin si Ate habang umiiling-iling. What? Don’t tell me, hindi niya alam kung saan ang lugar na ‘yon.
“Alam mo ba kung anong meron sa underworld?” tanong niya.
“Tirahan ng mga witch?” patanong na sagot ko.
“Hindi.” Mabagal ang pag-iling na sagot ni Ate.
Ngunit bago pa ako makapagtanong ulit sa kaniya ay napatigil ako ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan ng aking kwarto. Dali-daling bumaba ng kama si Wolf at sinalubong ang kadadating lamang. Sabay kaming hunarap ni Ate sa may pintuan na kanina pa nakabukas. Mula roon ay nakatayo ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita.
“I’m sorry to interrupt. Pero kasi, kailangan ko ng pangbayad doon sa taxi at wala akong pera,” saad niya habang napapahimas sa kaniyang batok. Ate Clara groaned.
So, who is this guy? Boyfriend ni Ate? Well, wow! Finally, naisipan na rin niyang magka-love life hindi ‘yong puro trabaho ang inaatupag niya. She has the looks, the body, the mind pero all these years wala siyang pinapakilala sakin na naging boyfriend niya. Or is her being a witch something to do of her being single for how many years? 25 years.
“Magiging boyfriend ko lang ang Ate mo kung papayag siyang magpaligaw sa akin,” the man said. Shit! Nababasa niya ang naiisip ko. Pinakatitigan ko siyang mabuti simula ulo hanggang paa.
“Ate siya ba ay isang—
“Taong lobo,” pagpapatuloy ni Ate.
“At ikaw naman Vince wag kang magbibiro ng ganyan!” Masungit na saad ni Ate kay Vince.
“So, gusto mo totohanin ko pa?” pang-aasar lalo ni Vince kay Ate na nasundan ng isang ngisi. Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Para akong nanunuod ng isang romantic movie na kung saan ang plot nito ay from hate to love relationship.
Kinuha ni Ate ‘yong pillow ko at ibinato kay Vince na nasalo naman agad ng isa. Then Vince throw the pillow back to Ate at hindi niya iyon nailagan sa sobrang bilis ng pagtapon nito. Sapol siya sa mukha at ng mahulog na ang unan mula rito ay bumungad sa amin ang nakakatakot na mukha ni Ate.
“Hoy lalaki! Magbabayad ka ba o sa police station na tayo magkikita?” Someone shouted from outside the house.