CHAPTER 26: Deserve

BRENT

“ is this how you play?!!!” ngumiti ng malawa si nancy.

“ you deserve this… I already warned you na huwag kang gagawa ng ikakagalit ko” ngumisi ako.

“ sa tingin mo babagsak ako ng ganun lang?? Hindi mo alam na mas---”

“ ang pinagmamalaki mo ba ay ung investor mo na mayaman?? Huh! Sorry kana lang kasi baka ngayon nag crash na ang airplane kung nasaan siya so if I were you, come back to me and start a new happy family my husband” umigting ang panga ko.

“ your too young para talunin ako, sa tagal ko sa ng may hawak sa kompanya andami ko ng pinataob” kinindatan pa ako.

“ so anong plano mo??” tinignan ko siya ng masama.

“ you cant control me anymore nancy” tumalikod ako at umalis na, sumakay ako sa kotse at pumunta sa kompanya.

Hindi naman sunog lahat pero malaking pera ang mailalabas para maayos at paano pa ung mga stocks? Ung mga kontrata? Andaming mahahalagang papel na nasunog.

“ sir kanina pa po tumatawag si olivia”

“ Tell her na busy ako” focus na muna ako sa kompanya ko, dugot pawis ko ito kaya hindi ko basta pababayaan lang.

Tinawagan ko ang lahat ng share holders at investors, madaling araw na at gising parin ako. Nasa kompanya ako na pilit inaayos ang lahat.

Bumaba ako para umuwi saglit, maka ligo at mag palit ng damit pero habang naglalakad ako nakikita ko ung mga sunog na parte ng kompanya. Nanlumo ako, kahit pala ubusin ko ang pera ko hindi na din ako maka balik ng tulad ng dati.

Nagsisimula pa lang ako, si nancy ay may paraan na para pabagsakin ako. Akala ko kaya ko na, akala ko kaya ko na siya pero ganito pa lang talo na niya ako, napa upo ako at iniisip kung anong gagawin ko.

“ sir ang papa niyo nasa kulungan” tinignan ko siya.

“ sa kasong rape” napailing ako at biglang pinagsisipa ang mga bagay sa harap ko.

Pinuntahan namin siya, tinignan ko ang kalagayan niya na bugbog sarado.

“ seriously…. Rape??” tanong ko sakanya.

“ its was a frame up” seryoso lang akong naka tingin sakanya.

“ frame up?? For what reason?” simula kasi nong nawala si mama kung ano ano na ang pinag gagawa ni papa.

“ bakit kailangan ba ng rason---”

“ hindi nila gagawin yan sayo kung wala kang ginawa sakanila” kinuwelyuhan ako ni papa, maski nasa kulungan kaya niya parin gawin saakin ito.

“ pinagtanggol ko lang naman ung babae at ngayon jowa ko na kaya ung ex niya inis na inis saakin kaya hayan kung ano ano na ang ginagawa para lang malayo ako don sa ex niya” sabay bitaw saakin.

“ wala akong ginawang mali” dagdag niya, tinignan ko si diego

“ willing daw maki areglo sir” sumakit ang ulo ko, pera lang pala ang habol.

“ sige sabihin mo” tumalikod na ako.

“ huwag mong sasabihin kay---”

“ sinabi ko na” sakto naman na dumating si benjie, iniwan ko na sila para asikasuhin ung kaso ni papa.

Natapos ko ng asikasuhin ung kaso kay papa at papalayain na siya, lumabas na ako sakto na andon na sila sa labas kaya nilapitan ko sila.

“ umayos kayo dahil hindi laging andiyan ako para sulosyonan ang problema niyo” tinignan ko silang dalawa.

“ wala naman akong ginagawang---”

“ macy want an annulment with you kapag hindi ka pa titigil sa kahibangan mo kay olivia at ipapabayad ang lahat ng ginastos niya sayo” nanlaki ang mata niya

“ pinapasundan kana niya matagal na kaya umayos ka, kayo” sabi ko, nag lakad na ako papunta sa may sasakyan ko.

Nang maka pasok ako ay napa hilamos ako ng mukha, andami ko ng iniisip tapos sasabay pa sila. Inutos ko na dumiretso muna kami sa bahay at hintayin ako saglit dahil maliligo lang ako.

Pagka pasok ko sa kwarto wala si olivia, lumabas ako at hinanap siya pero wala siya. Pumunta ako sa kusina at andon si manang.

“ si olivia manang?”

“ Hindi ko din alam iho… kahapon pa nga siya wala ang alam ko magkasama kayo kasi wala ka din, hindi ba??” umiling siya, kinuha ko ung phone at tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot.

Mamaya ko na uli tatawagan at maligo pa ako, natapos na ang lahat ng ginawa ko, nag hintay pa ako sakanya na imbes nasa kompanya na ako. tinawagan ko uli si olivia na saktong dumating siyang parang pagod na pagod.

“ olivia saan ka ba galing?!”

“ may---”

“ olivia pwede bang huwag kang dumagdag sa iniisip ko?! Dahil kahapon ka pa wala at hindi ko alam kong saan ka hahagilapin wala akong magawa kundi mag hintay dito na dapat nasa kompanya ako!” naka tingin lang siya saakin.

“ please stay here… kung may kailangan ka mag sabi ka lang kay manang hindi ung aalis ka tapos hindi sinasabi kung saan ka napupupunta” dagdag ko pa.

“ brent may sasabihin---”

“ what do you need money?? Here… aalis na ako” ibinigay ko agad ung pera sakanya tsaka ako umalis, andami ko pang hahabulin na mga investors.

OLIVIA

Naka tingin ako sa pera na binigay niya, hindi sa lahat ng bagay pera ang hinihingi . Kaya ako wala kahapon ay dahil nag stay ako sa clinic ni doc, hindi ko kasi maintindihan kong nilalagnat ba ako o hindi kaya pumunta ako sakanya at ayon nga dahil sa sakit kaya pina stay muna ako don para mabantayan niya, sinabihan din ako na sabihin ko na sa asawa ko para alam niya pero heto nga uli hindi ako nabigyan ng pagkakataon na mag salita.

Maglalakad ako ng biglang nanlambot ang tuhod ko, napa kapit ako sa sofa. Nakita ako ni manang kaya mabilis na nilapitan ako.

“ manang pwede mo ba akong tulungang umupo” tinulungan niya ako, hawak hawak ko naman ang tiyan ko.

“ ano ba nangyayari sayo??” hindi ko na lang siya sinagot at nginitian na lang.