Chapter 7

Tiffany

My mouth parted, and I felt that my lips went dry the moment our eyes met. I can’t even make a single blink, because I’m afraid that he might be gone in just a snap. Even my heart started to beat faster against my chest, as if it suddenly recognized who he was.

I’m not dreaming, right? He is really standing right in front of me now.

Unconsciously, I lick my lips to quench its thirst with his sweet kisses. Then he looks down to it and suddenly, his face darkened.

I swallowed the lump in my throat. When I realize that we are actually surrounded with their whole crew and staff, I feel alarmed.

Damn. He never failed to make me feel a mixed emotion in just a short span of time.

Ngunit kumunot ang noo ko nang mapansin na nagtatagis ang kanyang bagang. Hindi ko maintindihan kung bakit tila may giyera siyang nilalabanan sa kaloob-looban niya.

Mukhang napansin na rin ako ng ilan sa mga staff nila dahil napalingon na sila sa direksyon ko.

“Who is she?”

Ito ang pangkaraniwang tanong na narinig ko mula sa bawat isa sa kanila. And the last thing that I want to happen right now is for my name to be drag out in a rumor. Hindi ko rin kasi alam ang magiging epekto nito sa karera ni Travis kapag nagkataon.

I need to pursue my plan away from the sharp lenses of those tricky cameras.

Pilit ko silang nginitian nang sa wakas ay nahanap ko rin ang boses ko na tila nawala nang makita ko siya.

“Pasensya na. Hindi ko sinasadyang makaistorbo. Napadaan lang ako. Galing din ako sa isang prenup shoot sa kabila,” hingi ko ng paumanhin sa kanila.

I was about to turn around and leave when suddenly, a familiar voice called out my name.

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses niya. Hindi man kami naging malapit sa isa’t isa noon ay nasisiguro kong siya ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon.

Dahan-dahan akong napalingon sa direksyon na pinagmulan nito. Bakas sa maamo niyang mukha ang pagkabigla nang makita ako.

“Oh, my! It’s really you! What are you doing here?”

Malawak siyang nakangiti na para bang masaya talaga siyang makita ako, bago mabilis na lumapit sa ‘kin.

“Do you know her, Jela?” tanong ng isang matangkad na lalaki na magkasalubong ang kilay. He must be their manager.

Agad siyang napatango. “Yeah. She’s a friend. Ako na ang bahala rito. Tapos naman na ang shoot.”

Hindi ko naiwasan ang mapataas ng kilay. Just since when did we become friends? And why the hell is she acting as if we’re close?

Pinasadahan ko siya ng tingin. It seems that they’re still wearing the upcoming designs of the clothing line that they’re promoting.

She’s wearing a white top with brown leather jacket, black skinny jeans and a black high boots. Nakalugay naman ang kulay blonde at kinulot niyang buhok. Para rin siyang si Snow White nang dahil sa kinis at puti ng kanyang balat.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Travis. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila anumang oras ay bigla na lang niya akong susugurin na parang leon.

Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa suot niya. Ngayon ko lang ito napagtuunan ng pansin dahil masyadong nawindang ang buong kamalayan ko sa pagkakakita ko sa kanya kanina.

He’s wearing a blue polo underneath the brown blazer, black chinos and brown leather shoes.

Their outfit may seem casual. But it is also fitting to wear in this chilly month of December.

“Napadaan lang ako. May photoshoot din kasi kaming ginawa kanina sa Tent Chapel kaya naisipan kong maglibot pagkatapos. Nabanggit naman sa ‘kin ni Jairus na may nagaganap nga rin daw na photoshoot dito so I got curious,” sagot ko sa kanya. Well, hindi naman ako gano’n kamaldita.

Unti-unti namang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tila may nasabi akong hindi niya nagustuhan. Pero nagkibit balikat lang ako.

“But no worries. I am not here to start some sort of scandal. In fact, I was about to leave already. So if you’ll excuse me.” I gave her my famous fake smile.

Napakurap naman siya. “No—”

“Jela, just let her go. Mag-asikaso ka na dahil paalis na rin tayo. Nasasayang ang oras natin dito,” iritableng aniya ni Travis.

Tila piniga ang puso ko nang dahil sa narinig. Halos ganito rin ang naging trato niya sa ‘kin nitong mga nakaraang araw.

Gano’n na ba talaga ang tingin niya sa ‘kin ngayon? Aksaya sa oras niya?

Bakas ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Jela ng tumingin siya kay Travis.

“Okay. Sandali na lang.”

Nagulat na lang ako nang bahagya pa siyang lumapit sa ‘kin at bumulong.

“Travis has been a pain in the ass of the photographers. Lalo na sa tuwing may mga trips, mall shows, photoshoot at kung ano-anong event pa kaming pinupuntahan. Hirap silang makuhaan siya ng tamang anggulo nang dahil sa tigas ng ulo niya. Naiilang kasi siya magpakuha ng shot. Kaya kahit sa ganitong klase ng photoshoot ay halos maikli rin ang pasensya niya.”

Nagsalubong ang kilay ko. “And what does it have to do with me?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

She bit her lower and gave me a playful look that made me suspicious of her intention.

“I heard that you’re now a photographer, and you have your own photography studio as well. Malaking tulong sa career mo at sa business mo na rin kung ikaw ang magsisilbing personal photographer ng isang Travis Vernon.”

Napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. What the hell?

“Personal photographer?” hindi makapaniwalang bulalas ko sa kanya.

“Yes! Do you have a calling card?”

Napatango naman ako at wala sa loob na kinuha mula sa sling bag ang wallet ko kahit naguguluhan pa rin ako nang dahil sa sinabi niya. Well, I always have my calling card with me just in case I bumped with an unexpected client.

Pero ni minsan ay hindi ko naisip na maaaring siya ang maging kliyente na ‘yon.

Pagkaabot ko sa kanya ng card ay nakangiti siyang umalis. Gustuhin ko man silang lingunin ay hindi ko na ginawa pa at dali-daling nilisan ko na ang lugar na ‘yon.

Hanggang sa makarating ako sa kinapaparadahan ng mga sasakyan namin ay nasa malalim pa rin akong pag-iisip. Hindi ko alam kung ano ang intensyon ng babaeng ‘yon. Pero kapag nagkataon ay maaari kong magamit ang oportunidad na sinabi niya para mas mapalapit ako lalo kay Travis.

“Hey. Naglibot ka lang tapos pagbalik mo ay parang pinagbagsakan na ng langit at lupa ang mukha mo. Hindi ba dapat ay malawak kang nakangiti dahil napalapit ka na naman kay mother nature? May nangyari ba?”

Napakurap ako at napaangat ng tingin. Jairus is giving me a weird look, but I just grinned at him.

“Nothing. Change of plans. May mga gusto pa pala akong daanan. Balak ko sanang puntahan ang iba pang mga simbahan dito.”

Sa totoo lang ay wala naman ‘yon sa plano. Pero gusto ko na ring madagdagan ang mga koleksyong litrato ng camera ko.

Napailing naman siya. “Mukhang simbahan naman ang napagtripan mong maging subject ngayon.”

Nagkibit balikat ako. “Yeah.”

Malalim siyang napabuntonghininga. “Alright. Paunahin na lang natin si Mang Julio. Sasamahan kita at ako na ang magmamaneho.”

I was about to agree when his phone suddenly rang. Napangisi ako nang mapansin ang iritasyon sa kanyang mukha nang makita kung sino ang tumatawag.

Oh. I think I already have an idea on who it was and what was it all about. Too bad.

“Ma,” walang gana niyang sagot mula sa kabilang linya.

Tahimik lang siyang nakikinig sa kung anumang sinasabi nito ng biglang kumunot ang noo niya.

“No. I can’t. Isa pa ay may lakad kami ni Tiffany nga—”

Mariin siyang napapikit at napahilot sa sentido. Mukhang may pagdadaanan na namang pagsubok ang best friend ko.

“Fine! Pauwi na po ako.” Agad na niyang tinapos ang tawag. Nanghihingi naman ng pasensya ang kanyang mga mata na tumingin sa ‘kin.

“Blind date?” Napangisi ako sa kanya.

He rolled his eyes. “Tell me about it. Just when I thought that she finally gave it up.”

Sinimangutan ko siya. “It’s because you didn’t have one until now. Kahit naman ako ay nagtataka na. Kaunti na lang at iisipin ko talagang dumadaan ka sa gender crisis.”

Sinamaan naman niya ako ng tingin. “Seriously?”

Tumango ako at ipinagtulakan na siya papasok sa van. “Sige na at umalis ka na. Hindi magandang paghintayin ang babae sa date n’yo.”

Bigla namang sumeryoso ang kanyang mukha.

“Will you be fine? Alam mo naman na hangga’t maaari ay gusto kong palagi kang nasasamahan.”

I nod at him. “I can manage. Besides, I am not your responsibility. You have your own life too. So please choose to be happy as well,” seryoso kong aniya sa kanya.

Minsan ay gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit hindi pa nagkakaroon ng love life ang matalik kong kaibigan hanggang ngayon. It’s because he grew fond of protecting and taking care of me.

Itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “Fine. Just make sure that you’ll let me know wherever you’ll go. Higit sa lahat ay wag na wag kang magpapatay ng cellphone,” paalala pa niya.

Sumaludo ako sa kanya. “Yes, Sir!”

Labag sa loob na isinara na niya ang pinto ng van at agad itong pinaandar ni Mang Julio paalis. Hinintay ko lang silang mawala sa paningin ko, bago ako dumiretso sa sasakyan ko.

Pasakay na sana ako ng muli kong narinig ang isang pamilyar na boses na tumawag sa ‘kin.

Kunot noong napaangat ako ng tingin. Ano na naman ba ang problema ng babaeng ‘to?

“Tiffany! I thought you were with Jairus?” tanong niya ng makalapit at nagpalinga-linga pa sa paligid. Napansin kong nakasunod lang si Travis sa likod niya.

Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng inggit. Masyado naman ata niyang bantay sarado ang babaeng ‘to? Natatakot ba siya na baka may mang-agaw sa kanya?

Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Parang kailan lang ay ako ang binabantayan niya ng gano’n.

Ako ang kinatatakutan niyang mawala sa kanya.

“Kaaalis lang nila. Nagkaroon kasi ng emergency,” may bahid ng iritasyon kong sagot. “Bakit?”

Nalaglag ang balikat niya, bago sunod-sunod na napailing. “Uuwi ka na ba? Sabay-sabay na tayo.”

Bakas ang pagtutol sa mukha ni Travis na tila naiinis na naman.

“What do you think you’re doing this time, Jela?” May himig ng pagbabanta ang boses niya.

Bago pa makasagot si Jela ay nakisabat na ako. “Pasensya na. Pero may mga pupuntahan pa kasi ako.”

Akmang sasakay na ako ng may maalala. Muli ko siyang nilingon.

“Saka wag kang feeling close sa ‘kin. Lalong hindi tayo magkaibigan,” diretso kong imporma kay Jela na biglang natigilan. Tila hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko sa kanya.

Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa at dali-daling sumakay sa kotse ko.

Pero bago ako tuluyang makalabas ng gate ay nahagip ko pa sa side mirror ang masamang tingin sa ‘kin ni Travis.

It may take time. But you can’t do anything once I come and get you, Travis.