Epilogue

Tiffany

Nakakunot ang noo ko, habang nakatingin sa cellphone ko. Magmula kasi kaninang umaga ay wala pa akong natatanggap na text, tawag o chat man lang galing kay Travis.

Kasalukuyan akong nasa biyahe ngayon papuntang Baguio. Pero sa pagkakataong ito ay kasama ko na si Jairus at siya ang nagmamaneho.

"Bakit ba hindi maipinta ang mukha mo riyan? Hindi ka ba excited? Magiging modelo ka na," kantiyaw niya pa.

Napanguso ako at nakahalumbaba na tumingin sa labas ng bintana. Nabanggit sa 'kin ni Travis noon na hangga't maaari ay ayaw niya akong mapapasok sa mundo ng industriyang ginagalawan niya.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang isinuhestiyon niyang maging kapalit ng modelo na makakasama niya dapat sa isang photo shoot. Nang tinanong ko siya kung bakit hindi si Jela ay may ibang commitment daw kasi ito kaya hindi puwede. Sa gulat ko ay sumang-ayon din si Migz at maging ang managament ng clothing line raw na kumuha sa kanya bilang endorser.

Well, the news about us being together spread like fire in social media and in the showbiz industry. But I'm glad that they respected our privacy. Our relationship is very private, but no longer a secret. Contrary to our belief, I didn't receive much of hateful words from his fans. Most of them are actually happy and wishing for us to have a strong relationship.

Ngunit bukod sa pagkuha nila sa 'kin bilang kapareha ni Travis para sa photo shoot ay may isa pang bagay na bumabagabag sa 'kin ngayon.

Ang hindi pagkontak man lang sa 'kin ni Travis. Ni hindi rin siya sumasagot sa mga ipinadala kong mensahe kahit tuldok man lang. Wala nga akong ideya kung nandoon na ba siya.

"Masyado ba siyang abala para hindi man lang magparamdam sa 'kin?" wala sa sarili kong tanong.

Natawa naman si Jairus. "Magulat ka kapag bigla talagang nagparamdam 'yon sa 'yo."

Hindi ko siya pinansin. Pinanatili ko na lang ang atensyon sa labas.

"Matulog ka muna kaya. Malayo-layo pa naman ang biyahe natin."

Bigla akong napangiti nang maalala kung saan kami papunta ngayon. Kung may isang bagay man na nakapagpapayag sa 'kin na gawin ang bagay na 'to ay nang malaman ko na sa Baguio gaganapin ang photo shoot.

That place has a very special place to my heart. Lalo pa at doon kami nag-umpisang maging malapit ulit ni Travis sa isa't isa. Idagdag pa ang mga naging adventure namin.

"Nope. I want to enjoy the view."

"Okay."

Nang may madaanan kaming fast food ay tumigil muna kami sandali para kumain. Para naman kahit papaano ay hindi kami ganoon kagutom pagkarating doon. Isa pa ay para medyo makapahinga rin si Jairus.

Napansin kong napapatingin sa direksyon namin ang iba pang mga customer dito. Marahil ay pamilyar sila sa 'kin at nagtataka kung sino ang kasama kong lalaki.

"Just don't mind them. Masanay ka na sa atensyon na ibinibigay sa 'yo, lalo pa at may kasama kang guwapo." Kumindat pa ang loko.

Napairap na lang ako sa kanya. "Feeling ka naman. Abangan mo lang panigurado pati tayo damay na sa mga tsismis."

He shrugged. "I don't really mind."

Napailing na lang ako, bago nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos ay muli kaming nagpatuloy sa biyahe. Ilang oras pa ang lumipas at sa wakas ay narating na rin namin ang siyudad ng Baguio. Dahil nakababa ang bintana ay agad na binalot kami ng lamig.

Sa pagkakaalam ko ay sa yellow trail na matatagpuan sa Camp John Hay ang lokasyon sa pagkakataong ito. Kaya nagsalubong ang kilay ko nang dumiretso siya sa tila isang villa.

"Teka, anong ginagawa natin dito? Ang sabi ni Travis ay diretso na raw sa venue, 'di ba?" nagtataka kong tanong sa kanya.

“Change of plans. Nagbago raw kasi ang lokasyon last minute,” kampanteng sagot niya.

Nanlalaki ang mga mata na nilingon ko siya. “Bakit hindi ko man lang alam? Kailan niya sinabi?”

Umusli naman ang nguso niya. “Kagabi.”

Napahilot ako sa sentido ko at pilit na pinakalma ang sarili. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng inis dahil para bang ako lang ang hindi updated sa mga bagay-bagay.

I suppose to know everything!

Ilang sandali pa ay huminto na kami sa tapat ng isang villa. Pagkababa ay agad kaming sinalubong ng isang bakla.

"Finally! You're here. Let's go," maarteng aniya niya, bago ako hinila.

Naguguluhang nilingon ko si Jairus na nakasunod lang sa 'min.

"Don't worry. Aayusan ka lang naman nila. Maghihintay ako sa labas," paniniguro pa niya.

Nagtataka man ay nagpahila na lang ako. Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang kuwarto.

Si Jairus naman ay umupo lang sa upuan na nandito sa labas.

Pagkapasok namin sa kuwarto ay bumungad sa 'kin ang medyo may kalakihan na salamin, ang mga nakahilerang make-up at maging ang rack na mayroong nakasabit na iba't ibang klase at kulay ng dress.

"Alright. You just sit here and relax," aniya ng isang babaeng may katangkaran nandito at iginiya ako paupo.

Ilang sandali pa ay sinimulan na nila akong ayusan.

Sa totoo lang ay hindi ako mahilig maglagay ng make-up. Kaya naman ay gano’n na lang ang gulat ko nang makita ang sarili sa harap ng salamin pagkatapos. Halos hindi ko nakilala ang sarili nang dahil sa make-up at ayos na rin ng buhok ko. Para akong fierce tingnan.

"Actually kahit hindi ka na ayusan ay pak na pak ka na girl! Ang haba ng buhok mo para mabihag ang isang Travis Vernon. Paniguradong mapapanganga siya pagkakita sa 'yo," maarteng aniya ni Betty na siyang sumalubong sa 'kin kanina at naglagay ng make-up ko ngayon.

"Salamat." Nginitian ko siya, maging ang isa pa niyang kasama na nag-ayos sa buhok ko. Kinulot nito ang tuwid kong buhok na hindi ko akalain na babagay rin pala sa 'kin.

Nang makuntento na ang bawat isa sa ayos ko ay pinasuot na sila sa 'kin ang isang kulay krema na formal at lace dress. Lampas tuhod ang haba nito. Binigyan din nila ako ng isang pares ng kulay krema rin na stiletto. Medyo napangiwi pa ako dahil hindi rin ako sanay magsuot ng ganito.

"Ready to go ka na girl! Goodluck!" tila nagpipigil na aniya ni Betty.

Muli ko naman silang nginitian at pinasalamatan.

Pagkalabas ay naabutan ko si Jairus na nagbabasa ng magazine. Pero agad na nag-angat siya ng tingin sa 'kin, bago pinadaanan ng kanyang mga mata ang kabuuan ko.

"What do you think?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. Hindi naman kasi ako nag-aayos at nagsusuot ng ganito.

Ngumisi ang loko. "Mukha ka ng tao. Babae ka pala."

Inirapan ko siya. I shouldn't have asked for his opinion.

Tumayo na siya. "Let's go. Hinihintay ka na nila."

Napatango naman ako. Habang naglalakad kami sa isang mahabang pasilyo ay sinubukan ko ulit na tawagan si Travis.

But he cannot be reached now. Hindi katulad kanina na tumutunog pa ito.

Ang inis na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pag-aalala. “Is he really okay? His phone is turned off now.” I started to panicked.

“Baka na-lowbat lang phone niya. Wag kang mag-aalala masyado,” tila balewalang sagot niya.

Doesn't he find the situation right now suspicious?

Napamaang ako nang tumigil kami sa tapat ng dalawang may kataasang pinto. Binuksan naman 'yon ni Jairusbat iminuwestra ang kamay na pumasok ako sa loob.

"Hanggang dito na lang ako puwede. Pagkalampas mo sa sala ay dire-diretsuhin mo lang ang hallway. Nandoon ang pinakalokasyon sa dulo."

Mahina niya akong itinulak papasok. Magtatanong pa sana ako ng mabilis niyang naisara ang pinto.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi niya. Ngunit nagsalubong ang kilay ko, dahil hanggang sa makarating ako ng hallway ay wala man lang akong makita ni isang tao rito o kahit anong kagamitan man.

Puno ng pagtataka na nagpatuloy ako sa paglalakad. Kahit pa ang puso ko ay nagsisimula ng tumibok nang mabilis sa hindi maipaliwanag na kaba.

Pagkarating ko sa dulo ay natigilan ako. It's a wide and spacious area. Walang ibang nandito maliban sa mga naglalakihang litrato na nakasabit sa pader.

Nahigit ko ang hininga, habang dahan-dahan na naglakad palapit sa mga ito. Napatakip ako sa bibig nang makumpirma kung sino ang mga nasa larawan.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Because right in front of me now are my stolen pictures. Hindi ko alam na palihim pala niya akong kinukuhaan din ng litrato.

Ang ilan ay habang natutulog ako, nagbabasa o hindi kaya ay abala sa kung ano pang bagay. Mababakas din ang iba't ibang klase ng emosyon sa bawat litrato ko. Mayroong masaya, malungkot, naiirita at tila pagod na ekspresyon. Mga klase ng emosyon na natural na lumalabas at hindi kailangan pang gawing peke kapag naghahanda kang tumingin sa harap ng camera.

Ilang saglit pa ay pumailanlang ang isang pamilyar na kanta.

“Akala mo ba ay ikaw lang ang mahilig kumuha ng litrato ko. Siyempre ako rin.”

Mula sa kung saan ay biglang lumitaw si Travis. He looks dashing with his formal suit and killer smile. Naka-brush up pa ang buhok ng loko.

“Anong pakulo ‘to?” naiiyak kong aniya.

“You know what, now that you’re standing right in front of me, I know in an instant that those photographs doesn’t give any justice of how beautiful you really are.” He started to walk towards my direction.

“Sigurado ka bang photo shoot ang pinunta natin dito? Baka naman mamaya ay taping na pala ‘to ng susunod mong teleserye at bigla mo na lang akong hinila para maging leading lady mo. Mahal ang talent fee ko,” pang-aasar ko pa sa kanya. Kahit ang totoo ay gusto ko ng humikbi nang dahil sa umaapaw na emosyon na nararamdaman ko ngayon.

“Hindi na kita kailangan pang hilahin. Dahil ikaw lang talaga ang nag-iisang leading lady ng buhay ko. Sa ‘yo lang lalapat ang mga labi ko at iikot ang rolyo ng camera ng buhay ko. Now...”

Sunod-sunod ng bumagsak ang mga luha ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at may inilabas na maliit na kahon sa kanyang bulsa. Binuksan niya ito at mula roon ay bumungad sa 'king paningon niya ang isang singsing na mayroong maliliit na diyamante na nakapaligid rito.

“You need to marry me. I won't ask you anymore since I will not take no for an answer.” He grinned.

Pinunasan ko ang luha ko at mahinang tinampal siya sa braso. “Bossy as ever.”

Nginitian niya ako at maingat na inilagay sa daliri ko ang singsing. Pagkatapos ay tumayo siya at ipinagdikit ang noo naming dalawa.

“I love you, future Mrs. Vernon," he sincerely said.

“I love you, Mr. Vernon," masuyo kong kinulong ang kanyang mukha sa palad ko.

Kasabay ng paglalapat ng aming mga labi ay ang biglang pagbukas ng mga ilaw sa palid at sunod-sunod na pag-click ng mga camera.

And I just couldn't care anymore. Because right here in my arms is the one and only man that I love and will spend the rest of my life with.

No matter how many times we turned our back to each other, I know that at the end of the day, our hearts will find its way back on the arms of one another.

It's good to be back. And this time, I won't be lost anymore.