Chapter 5 Remember
Humihingal na napabangon ako sa kama ko. Natigilan naman ako ng mapagtanto kong nasa kama na ako, ang huli kong natatandaan ay nakasandal ako sa likod ng pinto.
Napatulala ako ng ilang segundo, nabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang isang tikhim. Agad kong hinanap kung saan galing iyon hanggang sa dumako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa sofa habang nakasandal ito, parang hari kung umasta.
"What are you doing here?" I asked
"Binabatayan ka. Nightmare?" He said casually
"Ikaw dapat ang nagpapahinga, Hercules. Makakaalis kana, go to your room," malamig na sabi ko sa kaniya at mabilis na umalis sa pagkakahiga.
Napansin ko ring iba na ang damit na suot ko agad na bumaling ako ng tingin ko sa lalaking nakaupo Naunuring tinignan ko siya ng makita kong ngisi sa labi niya.
"Sinong nagdala dito sa'kin? At saka sinong nagbihis sa'kin?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya pero ngumisi lang 'to sa'kin.
He chuckled, "I'm the one who dressed you.
Nanlalaki ang mata ko at dahan dahang tumingin ako sa kaniya. Napapikit nalang ako para kalmahin ang sarili kong masigawan siya. Dahil sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari kagabi.
Alam kong gulat na gulat si Ylona dahil sa pag sigaw ko sa kaniya na hindi ko ginawa sa kaniya dati. Hindi na ako katulad ng dati na lagi inaalila niya, na laging sinisigawan at kapag nagkamali ay sasaktan.
I came back to myself when someone touched my cheek. I looked up and our eyes immediately met. Masuyo niya niyang hinawakan ang pisngi ko at marahan akong hinila papalapit sa kaniya. Hindi ko magawang magpumiglas dahil sa mata niyang nagbabagang, kaakit akit na berdeng mata niya. Bumaba ang tingin sa ilong niya hanggang sa mapupulang labi niyang na kay sarap halikan.
Akma nitong ilalapit ang mukha niya sa'kin ng mabilis ko siyang tinulak kaya bahagyang napaatras ito.
Biglang kong naalala ang ginawa ng isang taong mahalaga sa'kin na hindi rin ako makapaniwalang magagawa niya sa'kin.
"N-No... L-Lumayo ka sa'kin," sabi ko sa kaniya sa nanginginig na boses ko. He tried to approach me again but I moved away quickly.
Kumikibot ang kaniyang labi na parang may gusto sabihin pero sa huli ay tinikom nalang."D-Dito ka nalang muna, maliligo lang ako," sabi ko sa kaniya at mabilis na iniwas ang tingin sa kaniya.
Mabilis na naglakad ako patungo sa banyo at agad na ni-lock 'yon. Natatarantang naghanap ako ng matalim na bagay sa banyo. Nang wala akong mahanap ay napaupo nalang ako sa sahig habang mahinang humihikbi.
Napapadyak nalang ako ng paulit ulit kong naalala ang nangyari ang gabi iyon. Ang paghawak niya sa'kin, ang patuloy kong pag mamakaawa na huwag niyang gawin iyon ngunit isang tawa niya lang ang sinukli sa pagmamakaawa ko.
No! He can't come near you anymore, Talitha! Please!
Napaatras ako ng marinig ko ang katok galing sa labas. "Talitha? What's happening? Opened the door! Please!"
Mas lalo akong napahikbi ng marinig ko ang boses ni Hercules. Tamang dapat lang na nag hiwalay kami ni Hercules. Hindi na babagay sa kaniya ang isa kong tulad na nakakadiring babae.
"Talitha, ang daming basketball player na taga business ad, 'no?" Kinikilig na sabi niya habang nakatingin sa mga player na nakatambay sa cafeteria.
Tumingin naman ako sa kaniyang tinitignan. Agad kong iniwas ang tingin ko ng makita kong nakatingin sa'kin ang naka jersey na number 20, hindi naman nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sa kanila dahil sa angkin kagwapuhan nila.
"Wala naman mga pogi r'yan." Hindi ko pinahalatang interesado ako katulad nila dahil alam kong aasarin din lang ako ni Caitlin.
"Ows? Talaga? Wala talaga?" Sabi niya sa nanunuksong bosesMahinang natawa naman ako bago umiling. Kahit gusto ko man mag ka interest sa lalaki ay hindi puwede dahil para sa'kin ay sagabal iyon.
"Wala, hindi ako interesado sa mga ganiyan. Ituloy mo na nga 'yang ginagawa mo," nasabi ko nalang sa kaniya.
Muling sumulyap ako sa mga lalaking nakaupo malapit sa'kin, nanlaki naman ang mata ko ng makita kong nakatingin din sa puwesto namin ang lalaking may berdeng mata.
Hindi ko alam pero napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kong pagbilis ng tibok ng puso ko. Napailing nalang ako bago ko tinuloy ang ginagawa ko.
"Sana kapag nag intern tayo sa ibang school, magkasama pa rin tayo," sabi sa'kin ni Caitlin. Hindi ako sumagot at nagkibit balikat nalang. Kahit ako ay gusto ko rin na makasama ko si Caitlin, para kahit papaano ay may kakwentuhan ako minsan.
"Tignan natin, baka magkasama talaga tayo," aniya ko sa kaniya.
Kung ako papapiliin kung saan ko gusto mag intern ay sa Luis Aguado National High School ko gusto.
"Tapos kana ba riyan sa ginagawa mo?" She asked
Tumango naman ako bago sinulat ang panghuli at nilapag na ang ballpen ko. Nakangiting nag-angat ako ng tingin kay Caitlin na ngayon ay hawak hawak ang cellphone niya habang may kausap.
Tumayo na ako at inayos na ang gamit naming dalawa. Dahil alam ko namang busy ang katabi ko ay ako na ang gumawa.
"Tali, sama ka mamaya? Bar tayo!" Maligalig na sabi nito
"Hindi ako puwede, Caitlin. Siguradong hindi ako papayagan ni tatay na umalis," aniya ko sa kaniya.
"Pumayag kana, please? Ipagpapaalam kita kay Tito Alfred, sasabihin ko mag sleep over tayo sa bahay!" Masayang sabi niya sa'kin.
Muli akong umiling dahil sa sinabi niya. "Ayoko talaga, caitlin. Kaya tara na dahil may susunod pa tayong klase," ani ko sa kaniya at sinukbit ko na ang bag ko sa balikat.
Sabay kaming naglakad palabas ng cafeteria ngunit natigil din kaagad ng may isang malamig na boses ang nagsalita sa likuran namin.
"Miss, I think this is yours?" Agad ko namang hinarap ang nagsalita nun. Gano'n nalang ang gulantan ko ng malapad na dibdib ang bumungad sa'kin kaya agad akong tumingala para makilala ko kung sino 'yon.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, hindi naman siguro namamalikmata ako. Ang naka jersey number 20 ay nasa harap ko ngayon. Bahagyang tumingila ako muli para magtama ang mga mata namin.
Napaigtad naman ako ng may kumurot sa likuran ko at bahagyang tinulak ako papalapit sa lalaki kaya kaunti nalang ang distansya naming dalawa. Sinamaan ko kaagad ng tingin si caitlin na nasa likod ko. Muling tumingin ako sa lalaking nasa harap ko at tinignan ang nilahad niya. Ang libro na hiram ko lang din sa library. Kaagad kong kinuha 'yon at bahagyang ngumiti.
"Maraming salamat," aniya ko sa kaniya.
"I'm Hercules, and you are?" Pakilala niya at nilahad ang kamay niyaMy lips parted because of what he said.
Damn! I think I'm dream. Napakagat naman ako sa labi ko bago ko tinanggap ang kamay niya.
"Talitha Rosania," pakilala ko rin.