Chapter 11
Isang buwan na simula nang iwasan ko siya at isang buwan na rin nung magsimula ang pag-intern ko sa Luis Aguado National High School.
Sa isang buwan nun ay hindi ko siya nakita. I just heard that he left Cavite and went to Manila to maybe help his father in their company.
Kaya't hindi na nakakapagtaka na siya rin ang uupo bilang CEO ng kompanya nila.
Smiling, I arranged my things because it was time to go home. Napatingin naman ako sa relo ko, maga-alas sais na pala kaya pala wala nang masiyadong estudyante ang narito. Paglabas ko ng classroom ay magdidilim na.
I stopped walking when I saw Aaron and Caitlin bickering while walking. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Simula nang mag intern kami rito ay puro bangayan nalang tuwing uwian ang nangyayari sa kanilang dalawa.
"Nag-aaway na naman kayo?" Mabilis na natigil silang dalawa sa bangayan nang magsalita ako. Mabilis na lumapit sa'kin si Caitlin at kinawit ang kaniyang braso sa'kin.
"Ayan kasi, oh! Inaaway ako!" Sabi ni Caitlin at tinuro pa si Aaron na kumakamot na sa kaniyang batok
"Hindi naman kita inaaway, eh!" Segunda pa ni Aaron
"Anong hindi? Pati estudyante mo inaasar ako at shini-ship sa'yo!" Sagot na naman ni Caitlin.
Ako ata ang naririndi sa pag-aaway nilang dalawa, eh. Parang aso't pusa. Hindi na ako magtatakang magkatuluyan sila.
"Gustong-gusto mo naman, ah!" Mabilis na tinaas ko ang dalawang kamay ko inalagay iyon sa mukha nilang dalawa.
"Magsitigil nga kayo! Parang kayo pa ang estudyante niyan," asar na aniya ko sa kanila. "Halika na, nagugutom na ako!"
"Labas tayo bukas, Talitha! Sabado naman, eh!" Anyaya sa'kin ni CaitlinMabilis na umiling ako sa kaniya.
"Kain tayo sa kainan bukas! Do'n sa Kulambo Grill." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Restobar 'yon, 'di ba?
"Sige. Bukas punta tayo ro'n," sang-ayon ko sa kaniya.
"Ako? Hindi niyo ako isasama?" Si Aaron
"Ikaw? Huwag kana! Hindi ka naman invited!" Natawa naman ako bago nagsimula na maglakad. Bago ako nakalabas ng building ay narinig ko na naman ang bangayan nilang dalawa.
Habang palabas ng school ay may nadaanan pa akong mga teacher na pauwi na rin. Nakangiting binati ko 'to at kinamusta. Hinintay ko sa labas ng school sila Caitlin at Aaron habang ako ay naghahanap ng masasakyan ko.
Si Aaron ay malayo ay kalapit ko lang na barangay habang si Caitlin naman ay sa village siya nakatira pero mas gusto niya raw mag-isa kaya rumenta siya sa kalapit na bahay namin.
Nang matanaw ko na sila na palabas ng school ay natawa nalang ako sa mukha ng kaibigan ko. Si Caitlin ay nakasimangot habang si Aaron ay ngisi ngising inayos ang nagusot niyang uniform.
Naningkit ang mata ko habang pinagmamasdan silang dalawa.
"Bakit ang tagal niyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
Hindi sumagot si Caitlin at umiwas lang ng tingin sa'kin kaya tumingin ako kay Aaron at tinaasan siya ng kilay.
"Diyan lang," simpleng sagot niya.
I nodded before looking at Caitlin again until my gaze dropped to her neck. I came a little closer to her so she looked at me.
"Ano 'yang nasa leeg mo? Bakit namumula? Hickey ba 'yan?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya habang tinuturo ang leeg niyang namumula.
Nanlalaki ang mata habang namumula ang magkabilang pisnging umiwas siya ng tingin sa'kin.
"H-Ha? A-Ano ka ba! May kumagat lang na malaking insekto," aniya sa'kin.
Dahan-Dahang tumango ako bago sumulyap kay Aaron. Namumula ang tenga nito hanggang sa bumaba rin ang tingin ko sa labi niya namumula na tila kinagat hanggang sa bumaba ang tingin ko sa leeg niyang namumula rin katulad nang kay Caitlin.
"Kinagat ka rin ba ng malaking insekto, Aaron?" I asked.
Mabilis na napatingin siya sa'kin at pilit na tumawa. Pinagmamasdan ko lang siya habang ang mga mata niya ay umiiwas na ng tingin.
"H-Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi!" tanggi niya.
"Eh, bakit namumula iyan? Kinagat ka ba? Namumula rin kasi ang leeg mo," giit ko.
Mabilis na tinignan ni Caitlin ang tinuturo ko. Nakataas ang kilay ko habang tinitignan silang namumula ang mukha at sabay na nag-iwas sa isa't isa.
Napailing nalang ako bago napangisi.
"Maiwan ko na kayo. Baka naghihintay na sa'kin si Tatay," aniya ko sa kanila nang may makita akong tricycle na papalapit sa'min.
Huminto ang tricycle sa tapat namin kaya kaagad akong sumakay at sinabi kung saan ako ihahatid.
Pagbaba ko palang sa tricycle ay nakarinig na kaagad ako ng sigawan sa loob ng bahay. Napakunoot ang noo ko bago mabilis na nagbayad sa driver. Mabilis na naglakad ako para makapasok na ako.
Agad na nabungaran ko si Mama na nakatayo habang sinisigawan si Tatay na nakayuko. MAbilis na nilapag ko ang gamit ko at nilapitan sila.
"Ma, bakit narito kayo?" Hindi ko rin inaasahang uuwi siya rito sa Cavite.
"Bakit ayaw mo bang narito ang nanay mo, Talitha?" Mataray na ani ng nanay niya.
I shook my head and smiled at little. Hindi naman sa ayaw ko siyang narito pero nakakapagtaka lang na umuwi talaga siya rito sa Cavite.
"Hindi naman po sa gano'n, Ma," mahinahong sabi ko sa kaniya. "Nakakapagtaka lang na umuwi kayo galing Cagayan dahil hindi naman kayo pinapayagan ng asawa niyo."
"Anong gusto mong iparating sa'kin, Talitha? Na istrikto ang asawa ko sa 'kin?" Galit na aniya sa kaniya ng ina niya. Napailing nalang siya bago napabuntong hininga.
Noong highschool siya do'n sila iniwan ng kaniyang ina at sumama sa mayaman. Simula ng umalis siya ay hindi sila nagkaroon ng koneksyon at ngayong taon lang 'to nagparamdam sa kanila. At ngayong malapit na siyang gramduate ay kukunin siya ng nanay para saan?
I cleared my throat. "I did not say that, Mama."
"Pero 'yon ang pinaparating mo sa'kin, Talitha! Ganito ba ang pagpapalaki ng ama mo na walang kuwenta!" Sigaw niya sa'kin.
"Ma, huminahon nga po kayo! Iba po ang pagkakaintindi niyo!" Giit ko
"Pero 'yon ang pagkakaintindi ko! Dapat talaga hindi na kita hinayaan sa ama mong walang kwenta!"
"Mama! Huwag naman kayong magsalita ng ganiyan kay Tatay!" Napatingin naman ako kay Tatay na ngayon ay hawak-hawak ang braso ko na tila pinipigilan niya akong magsalita ng masama sa ina ko.
"At bakit naman, Talitha? Sasabihin ko kahit anong gusto ko sabihin! Totoo naman! Kaya hindi umaasenso ang tatay mo dahil walang kuwenta siya!" Malakas na sigaw ng nanay niya habang dinuduro ang tatay niya
"Hindi 'yan totoo! Hindi mo alam kung anong hirap ang ginawa ni Tatay para sa'kin! Hindi niyo alam kung anong hirap niya sa pagtra-trabaho para matustusan lang ako! Hindi niyo alam kasi hindi naman kayo ang nasa puwesto niya! You don't know anything!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko
"Talitha!" Rinig niyang saway sa kaniya ng ama niya pero hindi niya pinansin iyon. Mapait akong ngumiti bago pinunasan ang luhang tumutulo sa magkabilang pisngi ko.
"Dapat lang talaga na dati na kita kinuha sa kaniya! Sumasama na ang ugali mo, Talitha!" Akma siya nitong hahawakan ng ilagay niya sa likod niya ang dalawang kamay niya para hindi mahawakan ng nanay niya.
"Hindi... Hindi po ako sasama sainyo," garalgal na sabi ko sa kaniya.
"At bakit naman, ah?"
"Hindi ko iiwan si Tatay... dahil sa ganiyang dahilan at saka... Ma... gra-graduate na ako... at dahil 'yon kay Tatay," garalgal na aniya ko. Tinignan ko siya ng seryoso at pilit na pinapatapang ang sarili.
Ayokong maging mahina sa harap ng Ina ko. Ipagtatanggol ko ang tatay ko kasi siya ang tatay ko na nag-alaga sa'kin at nagpaaral.
"Talitha..." tanging na sambit ng kaniyang Ina habang malamlam na nakatingin sa kaniya.
"Kaya sana huwag niyo ng pilitin si Tatay na sumama ako sa'yo kasi hinding hindi mangyayari 'yon, Ma."
I quickly took my bag that was on the sofa and went up to my room. Pagbagsak akong nahiga sa kama ko.
Napabangon din kaagad ng marinig kong tumunog ang phone ko na nasa bag ko. Kinuha ko 'yon at mabilis na binuksan ang phone ko. Sa message kaagad ako nagtungo.
Unknown Number:
I miss you, baby.
Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
Maaga palang ay nagising ako. Inayos ko ang higaan ko at kaagad na bumaba. Napakunoot ang noo ko ng makita kong maingay ang kusina. Mabilis na nagtungo ako. Si mama kaagad ang una kong nakita na nilalapag niya ang plato na may lamang ulam.
"Anong ginagawa niyo po rito?" Tanong ko kaya napatingin siya sa'kin at ngumiti.
"I'm staying here for good." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Kung tungkol po 'to sa nangyari at pagpilit niyo sa'kin. You don't need to do this." Natahimik naman 'to dahil sa sinabi ko. Umupo na ako at nagsimula ng kumain.
Mahal ko si Mama pero hindi ko rin magalit sa kaniya. Dahil sa pag-iwan niya sa'min ni Tatay.
Nang matapos akong mag-agahan ay kaagad akong nagtungo sa kuwarto ko para maligo. Matapos kong maligo ay sinimulan ko ng i-check ang papers ng mga estudyanteng tinuturuan ko.
At nang maghapon ay nakatanggap ako ng tawag galing Caitlin at magkita nalang daw kami Kulambo Grill.
Nagbihis na ako. Wearing cut-out ribbed crop top and front slit skirt. Sinuklay niya ang hanggang balikat niyang buhok. Nilagay na niya ang kaniyang kelangan sa shoulder bag niya at lumabas na sa kuwarto niya.
Pagbaba ko ay kaagad kong nakita si mama na nakaupo sa sofa habang nanood ng tv. Si Mama noong kabataan niya ay nakasanayan niyang marangya ang buhay niya kaya hindi na nakakpagtak na maiwan kami ni tatay at sumama siya sa iba.
Hindi niya ako napansin kaya naglakad na ako diretso. Nag-text ako kay tatay na gabi na akong makakauwi.
I immediately looked for Caitlin inside Kulambo as soon as I entered. Until I looked at a woman sitting while laughing loudly with four men who were very familiar to me.
Mabilis na naglakad ako patungo sa kanila. Dale and Creios noticed me first with a small smile on their lips. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at bumaling ng tingin kay Caitlin.
"Caitlin..."Tawag ko sa kaniyaNapatingin siya sa'kin, agad na nagliwanag ang mukha niya. She stood up and immediately hooked her arm around mine.
"Kanina pa kita hinihintay," aniya sa'kin at hinila ako papalapit sa kanila. Umupo ako sa katabing upuan ni Caitlin habang kaharap ko naman ang dalawang kaibigan ni Dale. Akala ko nandito siya...
"Akala ko ba tayong dalawa lang?" Bulong ko sa kaniya.
She giggled at me before pouring a beer into the glass and handing it to me. I didn't accept what she gave and just raised an brow at her.
"Sorry! Sasabihin ko dapat sa'yo kaso baka hindi ka pumayag," she said. I didn't answered and just shrugged my shoulder. Wala rin naman akong magagawa, e! Nandito na rin naman ako, nakakahiya kung uuwi pa ako.
"Seem like someone is coming," Dale said. He's grining while holding his phone.
Someone? Napaiwas ako ng tingin ng tumingin siya sa gawi ko. Hindi ko alam pero napakurot ako sa daliri ko nang makaramdam ko ng kaba dahil sa sinabi niya.
Hindi naman siguro siya 'yon?
Nasa Manila siya, malabong umuwi iyon dito sa Cavite. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dale. Imbes na alak ang inumin ko ay nag-order ako ng juice at pagkain. Kapagkuwan ay maya-maya ay may dumating na babae, siguro ay mga girlfriend 'to ng kaibigan ni Dale.
"He's here."
Napatingin ako kay Dale dahil sa sinabi niya. Sino na ang nandito? Napatingin ako kay Caitlin, nakatingin din ito sakin at umiwas din kaagad.
May alam ba siya na hindi ko alam?
"Hey, bro. Kumusta manila?"
"Fine." Parang nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang boses na iyon.
"Hercule! Nandito ka pala, akala ko hindi ka pupunta?" Caitlin said
Napapikit nalang ako dahil inis na nararamdaman ko ngayon. So all this time plinano 'to ni caitlin? Kung oo, ang sarap niyang sambunutan.
Oo. Si Hercules ang dumating na hindi ko inaasahan at dito pa talaga kami magkikita ulit. Napapikit nalang ako dahil inis na nararamdaman ko ngayon.
So all this time plinano 'to ni caitlin? Kung oo, ang sarap niyang sambunutan.
"Dito ka umupo, Hercules! Tabi kayo ni Talitha!" Pinandilatan ko siya dahil sa sinabi niya pero ngumisi lang siya sa'kin. Umusog siya kaya umusog ako para hindi kami magkalapit na dalawa.
Nang makaupo siya ay mas lalo ako nailang ng magdikit ang braso naming dalawa. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango.
Para maiwasan kong mailang ay kinuha ko ang basong iniinuman ni Caitlin at wala pasabing ininom ko 'yon. Napapikit naman ako ng mainom ko iyon, mapait.
"Akala ko ba hindi ka iinom?" Inirapan ko lang siya dahil sa tanong niya sa'kin.
"Hoy, huwag mo'kong irapan d'yan, nandiyan lang si Hercules ginaganiyan mo na ako." Ngumuso pa 'to sa'kin.
Nag-uusap sila ng mga kaibigan niya pero ramdam ko ang titig niya sa'kin. Kahit gusto ko siyang tignan ay hindi ko magawa. Kahit isang buwan lang na hindi ko siya nakita ay na miss ko siya, sobra.
Ilang oras kaming naro'n bago napagdesisyunan naming umuwi na. Alas otso na rin ng isa-isa ng umuwi ang mga kaibigan ni Hercules. Si Caitlin ay umuwi na kasama si Dale. Habang ako naman ay naghihintay ng masasakyan.
"Hatid na kita." Napaigtad ako ng may magsalita sa likuran ko. Mabilis na bumaling ako ng tingin sa nagsalita.
Napalunok ako ng makita kong si Hercules iyon.
"H-Hindi na..."I cleared my throat and smiled at him. "At saka baka hanapin ka ng g-girlfriend mo."
Nakita ko ang pag unti-unting pagtaas ng labi niya kapagkuwan ay tumikhim siya at ngumiti sakin ng malawak.
"Yeah. you're right kaya nga ako umuwi because i miss my girlfriend," he said.
Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Kung anong may kirot sa dibdib ko habang sinasabi niya ang ganoong kataga.
Hindi naman niya kelangan sakin sabihin ng harap-harapan ko dahil alam ko naman na may girlfriend siya.
"That's good. Miss na Miss kana siguro no'n,"i looked away after i said that.
"I don't think so if my girlfriend miss me. She's busying teaching a student."
"Teacher ang nobya mo?" I asked.
Parehas pala kami.
He nodded at me and smiled sweetly. I think he's in love with her.
"Future teacher," he said.
Napatango nalang ako dahil sa sinabi niya at umiwas nalang ng tingin ng marahang titig na naman ang binibigay niya sa'kin.
"A-Aalis na ako, Hercules. Mukhang doon may sakayan,"Aniya ko sa kaniya.
Akma akong maglalakad ng matigilan ako dahil sa sinabi niya.
"Baby... I miss you so much..." Unti-unting lumingon ako sa kaniya. Parang hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya. Ang mga mata niya puno ng pagsuyo at ang boses niyang malambing habang sinasabi 'yon.