CHAPTER 8.1- KARYLLE, VICE AND JAKI

VICE POV

Kasama ko si Anne bilang co host dito sa last part ng segment ng showtime ay ang Miss Q and A. Alam ko naman ay isa ito sa mas pinakaaabangan ng mga madlang people, hindi ko ba alam dahil ba sa bago sa mga mata nila o nagustuhan talaga nila ang chemistry namin ni Jaki dahil alam ko naman alam ng mga madlang people na parang unti unti na ngang nawawala ang tambalan namin ni Karylle.

Hindi na kami tulad ng dati.

Nakakamiss man pero kailangang tanggapin. Hanggang dito nalang siguro kami ni Karylle. Pero tatanggapin ko kahit na masave man lang ang friendship naming dalawa, kahit iyon na lang. Alam ko naman kasi na naiilang ang ibang host dito sa amin ni Karylle lalo na sila Anne, Vhong dahil kaibigan namin sila ni Karylle.

Masakit ang pagtanggi sa akin ni Karylle pero mas masakit kung mawala sya ng tuluyan sa akin. Ayokong mangyari iyon! Martir na kung martir pero mahal ko sya eh. Sya nalang siguro ang huling mamahalin ko na babae. Ayoko na magmahal pa. Nakakatakot na. Sobrang sakit. lahat ng bad energy malalanghap mo kapag nasaktan ka.

Isang buwan narin siguro ako bitter. Isang buwan ko narin sinusubukan ang mag move on. Aminado ako first week mula ng nalaman kong kinasal si Karylle sa ibang lalaki ay sobrang sakit. Wala akong kibo. Wala ako sa mood at palagi akong nakainom pero pumapasok parin ako at pinipilit na maging masaya para makita lang si Karylle sa studio at makapasaya ng mga tao.

"Okay ka lang?" tanong sa akin maya maya ni Anne dahil alam nya sabay papasok si Jaki at Karylle mamaya at aminado ako na kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko mamaya dahil hindi pa naman talaga kami nakakapag usap ni Karylle ng maayos

"Oo kaya ko to" nginitian ko si Anne at nagsimula na nga ang palabas ng Miss Q and A

Pinakilala namin ang bawat kandidato at nagtalent portion narin sila. Nang magtatanungan na ay

"Jaki pasok" tulad ng dati pagkatawag ko palang kay Jaki ay tilian na agad ang mga madlang people. Naka pink dress si Jaki at nakalugay din ang mahaba nyang buhok

"Hi Jaki" ewan ko lang basta ang gaan agad ng loob ko sa babaeng ito

"Hi Vice" siguro kung hindi ko minahal si Karylle posibleng mahulog ako dito kay Jaki

"Mamimiss kita Jaki, dalawang araw tayong hindi magkikita" sabi ko na malungkot kay Jaki

"Pwede ka naman pumunta sa bahay eh" napangiti ako sa sinabi ni Jaki

"Pwede ba?" tanong ko

"Oo naman, ipakilala kita kay mama"

"Hep" nakalimutan ko na kasama pala namin si Anne at nag hohost pala kami ngayon

"Bago nyo sarilihin ang mundo at makalimutan nyong dalawa na nandito ako ay may ipapakilala ako sa inyo" Si Anne na pumagitna sa amin ni Jaki

"Pasok Karylle" dugtong ni Anne at naghiyawan ang mga tao ng rumampa si Karylle at parehas sila ng damit ni Jaki at may hawak din si Karylle ng fish bowl. bumalik naman sa pwesto nya si Anne.

Anne - Vice - Karylle. nasa gitna ang contestant at si Jaki

Grabe ang hiyawan ng mga madlang people ngayon sa pagpasok ni Karylle

"Magandang hapon madlang people" masiglang sigaw ni Karylle "Hi Vice" at mas lalong nagtilian ng magkaharap kami ni Karylle

Ang Lakas din ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako at the same time ay kinikilig. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko, natatameme ako.

"Nawala lang ako saglit may bago ka na agad?" Dugtong ni Karylle

"Hi Jaki?" Bati naman nya kay Jaki

Bago pa kami makapagsagutan ay pumagitna na si Anne

"Wooaaah its so hot in here diba madlang people but bago sumabog ang mga nagbabagang apoy ay contestant number 1 please pick a question"

3RD PERSON POV

Nang makapili ng question ang contestant number 1 ay sabay na umalis sila Jackie at Karylle. Hanggang sa ang contestant number 2 naman ang pipili

"Hello Karylle, bakit bumalik ka pa?!" Iyon naman ang mga katagang binitawan ni Jackie at inawat nanaman sila ni Anne

At ang contestant number 3 naman

"Wala akong bago Karylle ikaw ang kusang umalis!" Iyon naman ang katagang binitawan ni Vice Ganda

At bago matapos ang showtime

"Okay madlang people, grabe ang mga katagang binibitawan nila Vice Ganda, Karylle at Jackie kaya abangan nyo pa next week ang palabas nila" sabi ni Anne

Nakangiti namang pumagitna ang tatlo at sabay sabay na nagbow

"Dito lang yan sa" at sabay sabay na ngang lumapit ang ibang host ng showtime sa stage

"Its Showtime" sabay na sabi ng lahat ng host

"See you next week madlang people" paalam pa ng mga host

Nagsilapitan naman ang mga audience ng showtime sa mga host para magpapicture sa kanilang mga idolo hanggang sa unti unti na silang nagsisialisan

"Good job Jaki, Vice at Karylle" palakpak sa kanila ni Direk Bobet

"Trending kayo ngayon" balita sa kanila ni tyang Amy habang nagsesearch online

May ibang mga host kasi ng showtime ang hindi alam ang totoong nangyari kela Vice At Karylle, tanging sila Anne, Vhong, Jhong, Ryan, Billy at Coleen at ngayon nga si Jackie ang may alam.

Sinabihan kasi sila ni Direk Bobet na gumawa ng munting palabas nila na mag aagawan sila Jackie at Karylle kay Vice sa loveteam bilang Vicerylle at Vicejack ngunit lingid sa kaalaman ng direktor at ng ibang mga host maging ang mga madlang people ang tunay na nangyayari.