Chapter three: Know him

Nakaupo ako sa bench dito sa rooftop habang magkasalikop ang mga palad ko habang iniisip parin ang nangyari kanina, parang nagdadalawang isip na ako na mantili sa lugar na ito unang linggo pa lang pero mukhang mahihirapan na ako.

Dito ako dinala ni Keita, kanina pagkatapos niya akong mailigtas kina Vanessa. Iniisip ko ang maaaring mangyari sa kanila oras na malaman ito ng mga kapatid ko at nagdadasal ako na sana ay hindi na makarating sa kanila ang bagay na ito nagtataka lang ako kung bakit walang mga bodyguard ang nakapalibot sa university mula ng dumating kami dito ni Aika ay wala akong nararamdaman na prisensya kahit isa lang sa mga bodyguard ko.

Wala sina Usui at Gavin kahit sinabi ni Papa na susunod sila ay di ko pa rin sila nakikita mula ngayon.

Bigla akong napatayo ng bumukas ang pinto ng rooftop nakita ko siya na may dalang dalawang bottled water, lumambot ang buska nang mukha niya ng makita akong nakatayo na may bakas ng gulat sa mga mata ko.

"Umupo ka ulit sige na wag kang matakot sakin

Sweetheart."

Malambing niyang turan sa akin naupo uli ako dahil sa sinabi niya, umupo siya sa harap ko at hinawakan niya ang hibla ng buhok kong tumabing na pala sa mukha ko napatingin tuloy ako sa kanya. May bakas na lungkot sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.

Parang nasasaktan siya at malungkot siyang nakatingin sakin.

"Salamat sayo Keita."

Napayuko kong sabi sa kanya parang biglang namula ang mukha dahil sa malalim niyang pagtitig.

"Ayos lang sweetheart, buti na lang hindi ako nahuli nang dating dahil kung hindi masasaktan sila sa ginawa nila, ayos ka na ba."

Seryoso niyang turan.

"Heto uminom ka muna." Sabay bukas ng bote nang tubig, kinuha ko naman ito at napatango na lang ako sa mga sinabi niya dahil wala akong makapang isasagot sa kanya.

"Salamat uli sayo Keita." Ulit ko uli nang muli kong matagpuan ang boses ko.

"Walang anuman basta para sayo."

Nakangiti na niyang turan muli akong namula sa sinabi niya, ito ang unang beses na makakilala ako nang ibang lalaki kaya naninibago pa ako, isa sa mga ipinagbabawal sa akin ay ang makipag lapit sa ibang tao lalo na at nasa panganib pa rin ang buhay ko.

"Bakit wala si Aika?" Tanong niya maya-maya. Kaya itinabi ko ang tubig na halos maubos ko ang laman.

"May lagnat siya kaya ako lang pumasok." Sagot ko.

"Kaya ka binully nung mga babaeng yun kung hindi ako dumating sinaktan ka nila nang tuluyan at baka maging kriminal pa ako."

Medyo mataas na naman ang boses niya na ikinapitlag ko.

Pero agad din na nagbago ng napansin niya na nanginginig ako dahil sa sinabi niya.

Bigla siyang lumapit sakin kaya napaatras ako bigla pero kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito lalo lang akong na mula sa ginawa niya.

"I thought I would never see you again, but I'm touching you right now in the flesh."

Napamaang ako sa sinabi niya nakaramdam ako ng kakaibang kaba mula sa mismong puso ko.

Hindi siya takot pero kakaibang kaba.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang may malalim na dahilan.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero humigpit lang ang hawak niya, pero binitiwan naman niya ito maya-maya.

"Bababa na ako may pasok pa ako." Lakas loob kong turan sa kanya.

Tatayo na sana ako pero bigla niya naman akong hinawakan sa bewang dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya sa gulat ko ay nagpapalag ako.

"Please! pakawalan mo ako may pasok pa ako..." Nabibigla kong pakiusap sa kanya.

"No... please stay still sweetheart gusto lang kitang yakapin kahit sandali lang." May lambing ang boses niya na nakikiusap kaya napatigil ako sa pagpalag kaya napahawak na lang ako sa mga braso niya.

Hinayaan ko na lang siya na nakayakap sa baywang ko, pero pareho kaming natigilan nang tumunog ang school bell, hudyat na kailangan naming pumasok sa klase.

Hinayaan na niya akong makawala sa yakap niya kaya napatayo ako bigla at tumuloy sa pag-alis, bago yun ay muli ko siyang tiningnan saka ako bahagya akong yumuko at saka tuluyang linisan ang lugar.

Sa maghapon na iyon ay hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina sa rooftop, nagulat ako sa inasal niya pero alam kong mayroong dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Hindi ko na rin siya nakita mula kanina.

Ang bilis pa rin ang tibok nang puso ko hanggang ngayon buti na lang kahit lumilipad utak ko naintindihan ko pa rin ang mga tinuro ng guro namin.

Nakauwi ako ng lutang pa rin hanggang ngayon dahil sa nangyari kanina.

Naabutan ko si Aika sa kusina kaya dali-dali akong pumunta sa kanya nang makita ko siyang nagluluto.

"Aika bakit ka na tumayo dyan?." Gulat kong turan sa kanya. "Hindi ka pa magaling dapat nagpapahinga ka pa." Pagpapatuloy ko pa.

"Ano ka ba magaling na ako tingnan mo nakakatayo na ako at nakakakilos na" nakangiti niyang turan.

"Kaya heto na luto na ako ng hapunan natin."

Nakangiti niyang sabi halata naman talaga na magaling na siya kaya lang yung magluto siya ok medyo sablay siya, pero pagtyagaan ko nalang para hindi siya masaktan kagagaling lang niya kaya kakainin ko na lang kung ano man ang linuluto niya base sa pagkakaamoy ko ay mabango naman kaya lihim na lang akong napailing.

"Bihis ka na muna bago tayo kumain, kumusta pala maghapon mo? hindi ka ba binully nang mga mukhang hipon"

Bigla niyang tanong sakin kaya kinabahan ako pero hindi ko pinahalata na may nangyari kaya umiling ako sabay ngiti.

"Walang naging problema Aika, sige akyat na ako."

Hindi ko na hinintay na sumagot siya dali-dali akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto ko ay bigla akong napabuntong hininga. Gusto ko man sabihin kay Aika pero nag dalawang isip ako.

Baka may gawin siyang mag palaki pa nang gulo, kilala ko siya masyado siyang over-protected sakin kaya ayokong nang sabihin pa sa kanya ang nangyari, pero sana lang ay hindi mai kwento sa kanya ni Kieta ang nangyari.

Nang gabing iyon naging maayos naman lahat pwera lang sa hapunan namin at-list hindi siya ganoon kaalat, matapos ang hapunan namin ay tinuro ko kay Aika yung mga tinuro ng prof namin kanina para maka-catch up pa rin siya.

*Keita pov*

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi ko siya agad makalimutan lagi na lang siya ang naiisip ko.

Bigla akong napabangon sa kama nang may kumatok mula sa pinto.

"Bukas yan!" Nakita ko na pumasok si Shin.

"Bakit hindi ka pa nakahanda may race tayo ngayon medyo malaki ang pustahan."

Nakangising sabi ng kaibigan ko si Shin Dela Torre.

Magkasama na kami simula nung first year highschool kaya siya na nakasama ko simula ng bumuo kami ng Organization, ang 'Ceres' apat na taon na namin tong itinayo simula noong nasa highschool pa lang kami.

Sa ngayon meron na kaming mahigit isang libong miyembro kung tutuusin maliit lang ito pero mapili ako sa pagtanggap ng mga magiging miyembro ko ayaw ko ng mahina at walang lakas ng loob kaya bago sila makasali katakot-takot na training ang kailangan nilang pagdaanan.

"Magpapahinga na muna ako dito Shin, ikaw na lang at ang iba ang isama mo." Muli akong humiga sa sofa at tumingin sa kisame.

"Pero Kieta hinihintay ka nila doon."

Nakakunot noo siyang nakatingin sa'kin.

"Sabihin mo hindi ako interesado kung lahat naman ang makakalaban ko ay mahihina at tsaka inaantok ako" bagot kong turan sa kanya tsaka ako muling tumingin sa kisame.

"Ok sige ite-text na lang kita mamaya magpahinga kana lang ako na bahala kina Toro." Sumusuko niyang wika at sa malakas na buntong-hininga.

"Shin nakita ko na siya magkakilala sila ni Aika."

Napatingin siya bigla at nagtataka kung ano ang sinasabi ko alam n'yang nandito si Aika, pero si Seirin hindi niya alam.

"Seirin Giou." napasinghap siya hindi niya inaasahan yun kaya nabigla siya kahit ako rin ay ganun din ang naging reaksyon ko noong araw na makita ko sila ni Aika sa Ceres, hindi ko lang pinahalata dahil kilala ko si Aika magtataka iyon.

"Kailangan natin s'yang protektahan kung ganon Kieta, nasa protokol yan" napatango ako sa sinabi niya, nagpaalam na siya sakin at tuluyang lumabas.

Pinikit ko ang mata ko pero isang imahe ang lumabas sa isip ko. Ang mga matang iyon na hindi ko malimutan mula noon hanggang ngayon.

*Seirin pov*

Kinabukasan sabay kaming pumasok ni Aika, dahil magaling na siya

Gusto ko ring kausapin si Keita tungkol sa nangyari kahapon na sana ay huwag na niyang sabihin kay Aika ang nangyari kahapon, mag pinsan sila kaya hindi malabong sabihin niya iyon kay Aika.

"Aika magbabanyo lang ako hintayin mo na lang ako sa room." ayaw niya pa sanang pumayag pero sabi ko ok lang naman nang makita kong pumasok na si Aika sa room nagmamadali akong pumunta sa lugar na iyon at nagbabasa kaling naroon siya.

Dali-dali akong pumunta sa rooftop ng eskwelahan, sana nandito siya dahan-dahan kong binuksan ang pinto at piping nagdasal.

Papasok na sana ako nang may naramdaman ako sa likod ko paglingon ko nakita ko siya.

Nakatingin siya sakin kaya napaatras.

"Anong ginagawa mo dito may kailangan kaba?" Nagtataka niyang tanong na pahinga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

"Gusto sana kita makausap tungkol sa nangyari kahapon sana hindi na makarating ito kay Aika, ayoko kasi siyang mag-alala atsaka ayokong mapaaway siya dahil sakin." Mahaba kong paliwanag napatango na lang siya at sumandal sa pader.

Pinagmasdan ko siya nang pailalim parang pamilyar siya sakin pero di ko maalala kung saan ko siya nakita, matangkad siya at may kahabaan ang kulay itim na itim n'yang buhok matangos na ilong at mapulang mga labi napalunok ako ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya napayuko ako.

"Hindi makakarating sa kanya."

Nakahinga ako ng maluwag sa maikli niyang turan.

"Salamat Kieta, sige babalik na ako sa klase"

aalis na sana ako pero pinigilan niya ako kaya bigla akong napatingin sa kanya.

"Be careful Rin, sige na balik ka na sa klase." mataman niya akong tiningnan kaya

dali-dali ko siyang iniwan doon.

Hanggang sa makababa ako ay ang lakas parin ng tibok nang puso ko, nang lingunin ko siya nakatingin lang siya sa akin.

At may ngiting sumilay sa mga labi niya.