Chapter fifteen
Seirin Giou
Pinagkaguluhan ako nina Agneta, Maria at Aika masaya sila sa kinanta ko ang sarap pala sa pakiramdam na makapag patugtog uli ng piano.
Namiss ko din kahit medyo kinabahan ako sa umpisa tumingin ako kay Kazami na parang malalim ang iniisip kinuyom pa niya ang kamay niya ano kaya problema niya?.
Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin bigla siyang ngumiti at sinenyas na umupo sa tabi niya kaya umupo ako sa tabi niya.
"I'm so proud of you Sweetheart, I didn't know that you knew how to sing."
Napatingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay ko at dinala sa labi niya at hinalikan namula ako sa ginawa niya pero napangiti ako ng biruin siya ng mga kaibigan niya na tinawanan na lang niya.
Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito nagpaalam ako kay Kazami na sagutin ko muna ang tawag tumango lang siya kaya tumayo ako nakita ko na si Kyoya pala ang tumatawag.
"Allia sorry hindi ako makakapunta sa yo may biglaan akong misyon pumunta ako ngayon sa hongkong." Bungad niya pa lang parang nagmamadali siya at rinig na rinig ko ang tunog ng eroplano.
"Okay lang Kyoya basta mag-ingat ka palagi at bumalik ka dito bye." Medyo nalungkot ako dahil may binigay nanaman na misyon da kanya marahil si Kuya Seiran. Minsan na nga lang kami magkita ay ganito pa.
"I'm so sorry love." Malungkot niyang turan kaya lalo akong nalungkot.
"Ano ka ba sabi ko okay lang basta may utang ka sa akin." Pinasigla ko ang boses ko kaya natawa siya at nagpaalam na.
Sunod-sunod naging sagot niya kaya napatawa ako bago niya pinatay ang tawag hindi pa rin siya nagbabago.
Nang ma-off ko ang tawag ay bumalik ako kay Kazami na nakakunot ang noo.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Susunduin ka na?"
Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi kasi may urgent meeting daw siya." Sagot ko sa kanya kaya napangiti na siya dahil sa sinabi ko tinawag na kami nina Maria kaya lumabas na rin kami ng music room.
"Saan tayo mamaya?" Tanong sa amin ni Aika na halata ang saya sa mukha nakita ko na napailing lang si Shin habang nakatingin sa kanya.
"Kayo guiz saan niyo gusto kumain?" Tanong sa amin ni Maria.
"May resto na bagong bukas kaya doon tayo kakain mamayan para sa hapunan." Si Justine yata iyon na biglang nagsalita sumangayon naman ang iba sa kanya kaya nag-settle na sila doon.
Nagkanya-kanya na muns sila ang iba nilang kaibigan ay lalabas na muna daw ng school baka daw may makakita sa kanila na teacher.
Samantala kami nina Aika ay tapos na ang klase namin kaya punta muna kami sa library, at sina Maria at Agneta ay may isa pa na klase kaya hihintayin na lang namin sila sa library.
Habang naglalakad kami ay may biglang tumawag kay Kazami isang babae kaya napatingin kami lahat dito para bang nagulat sila sa pagdating ng babae.
Ganon na lang gulat ko ng bigla siyang yumakap kay Kazami kaya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"I miss you Keita." Sabi ng babae kay Kazami habang nakayakap sa kanya.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong dito ni Kazami na tinanggal ang pagka kayakap ng babae sa kanya at napatingin sa akin.
"You don't even miss me?"
Malamyos na turan ng babae
tumingin siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa atsaka inilapit sa akin ang kamay para makipag kamay.
Hindi ko nagawang igalaw kamay ko kaya naghintay siya. Pero ibinaba din niya para hindi mapahiya.
"Oh! Well, it seems I am not wellcome for you. By the way, I'm Yuka, Keita's girlfriend. Nice to meet you." Bigla akong namutla sa sinabi niya kaya biglang sumikip pakiramdam ko hindi ko kaya. Kaya napaatras ako at tiningnan si Kazami pero walang emosyon ang mata niya bigla akong tumalikod at tumakbo tinawag ako nina Aika pero hindi ko na sila pinansin.
Umiiyak akong tumakbo palabas ng school nakita ko sina Usui at Gavin na nakatayo sa nakaparada nilang kotse. Umiiyak akong yumakap kay Gavin sa gulat niya saka niya ako inakay papasok ng kotse na hindi nagsasalita. Umiiyak ako habang nasa byahe nakatingin lang sa akin si Gavin at Usui pero hinayaan lang ako na umiyak.
"Seirin who makes you cry?" Malumanay pero may diin na tanong ni Gavin napatingin ako sa kanya nakahinto ns pala ang kotse niya, lumabas si Usui at nakita ko na nagsindi ng sigarilyo na namulsa.
"Ang sakit ng dibdib ko Kuya Gavin." Umiiyak kong sumbong sa kanya kinabig niya ako payakap at bumuntong hininga.
"Part of love is the pain Princess..." Makahulugan niyang turan at hindi na nagsalita pa.
Ikinwento ko sa kanilang dalawa kung bakit masakit ang dibdib ko at kung bakit ako umiiyak, wala silang sinabi pero nakahinga sila ng maluwag dahil iyon lang daw pala ang dahilan.
Gusto daw niya ng suntukin si Kazami pero dapat daw ay kausapin ko muna si Kazami at paliwanagin kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nagpahatid na lang ako sa kanila sa apartment gusto pa sana nila akong samahan pero sinabi ko na lang na ayos lang ako dahil kumalma na ako.
Nasa kabilang apartment lang sila kaya panatag silang dalawa.
Pagpasok ko sa bahay ay huminga ako ng maluwag at pumunta sa kwarto ko para magbihis.
Naghahanda ako ng hapunan ng marinig ko sina Aika na kadarating lang nag-uusap usap sila tungkol dun sa babaeng bigla na lang yumakap kay Kazami.
Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko bigla akong umalis kanina dahil sa sama ng loob dahil hindi man lang siya nagpaliwanag sa nakita ko kung bakit sinasabi ng babaeng yun na boyfriend niya si Kazami sa sobrang inis ko ay umuwi ako dito sa bahay and worse hindi man lang ako sinundan.
"Sei nandito ka lang pala akala namin ay wala ka dito." Mahinang turan ni Maria tiningnan ko lang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Umupo sila at nakatingin lang sa akin marahil ay nananantiya lang kung ano ang sasabihin.
Tumingin lang ako sa kanila at naghihiwa ng gulay ayaw ko munang makipag-usap dahil baka bigla nalang akong maiyak ayaw kong makita nila na naapektuhan ako.
"Bessy naman kausapin mo naman kami." Lumapit sa akin si Aika na humawak sa kamay ko.
"Ano ba sasabihin ko?"
Tanong ko ng pabalang bigla nalang yumakap sa akin si Maria at sinabing hindi iyon totoo dahil dun ay tuluyan na akong napaiyak nagsilapitan sila sa akin at yumakap din.
"Baby girl tahan na hindi yan totoo." Sabi ni Agneta na humigpit ang yakap sa akin.
"kasi naman hindi man lang siya nagpaliwanag." Sabi ko sa kanila habang umiiyak.
Hintayin ko na lang daw na magpaliwanag si Kazami dahil baka inadikaso pa niya ang ginawang gulo ng babaeng iyon. Isa din iyon sa mga miyembro ng grupo nila at ang kapatid ni Yoko.
Tumango na lang ako at tinulungan na lang ako nina Aika na maghanda ng hapunan.
Naging maayos naman ang naging hapunan namin pinilit kong kalimutan yung nangyari kanina, nasa kama ako ngayon at nanonood ng pelikula ng pumasok sina Aika na may dala silang popcorn at juice.
"Movie marathon tayo." Sabi ni Aika at timabi sa akin.
May pasok bukas pero kinalimutan nila iyon para manood ng paborito naming pelikula, absent na lang daw kami kung tanghali na kami magising bukas.
Napatawa ako sa kakulitan nila at sabay-sabay kaming nanood kaya lang nakakaiyak namatay yung dalawang bida.
Romeo and Juliet kasi maraming beses na namin itong napanood kaya lang walang sawa sina Agneta sa panonood kaya wala akong nagawa kundi ang makinood na rin.
Nakaramdam ako ng antok kaya nag-paalam ako sa kanila na idlip muna.
Nagising ako na may humahaplos sa pisngi ko.
Nang idilat ko mata ko ang mga mata ko ay si Kazami ang nakita ko na nakaupo sa gilid ng kama ko.
"Ano ginagawa mo dito?"
Gulat ko na tanong sa kanya pero ngumiti lang siya habang pinagmamasdan ako.
Sinundot-sundot ko pa ang pisngi niya na para bang ang lalim ng iniisip na pabalik lang siya sa sarili niya ng pindutin ko ilong niya.
"Sorry sweetheart natulala kase ako sayo." Nagulat ako sa sinabi niya at namula.
"Ang ganda-ganda mo pala talaga pag bagong gising." lalo akong na mula sa sinabi niya kaya bigla kong tinakpan ang mukha ko ng unan na ikinatawa niya.
"Kazami naman nambola ka nanaman." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Totoo naman sinasabi ko sweetheart." Kahit na sinabi niya iyon ay bigla kong naalala ang nangyari kanina kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi masakit pa rin.
Nataranta siya ng manahimik ako napasinghot pa rin ako kahit pinipigilan ko.
"Hey! Rin wag ka nang umiyak please."
Niyakap niya ako kahit may unan sa pagitan namin nakadagan siya sa akin pinipigilan lang niya na hindi ako maipit kaya medyo napalakas tuloy iyak ko.
Unti-unti niyang tinanggal ang unan na nakapagitan sa amin at tsaka dahan-dahan akong hinila paupo atsaka ako pinakandong sa kanya niyakap niya ako ng mahigpit atsaka ibinaon yung mukha niya sa leeg ko nakayakap na lang din ako sa kanya at bumuntong hininga siya tsaka nagsalita.
"Sweetheart i'm so sorry kasi hindi ako nakapag paliwanag sayo kanina nabigla ako kanina sinubukan kitang sundan pero hinarangan ako nina Maria. Katakot Takot na sermon narinig ko sa kanila kesyo sinaktan daw kita kaya hindi nila ako hinayaan na masundan kita i'm really sorry Rin hindi ko girlfriend si Yuka maniwala ka never. Kaya please wag ka nang magtampo okay nahihirapan ako pag nakikita kang umiiyak dahil sa akin.
Ngayon na narinig ko na ang paliwanag niya ay parang nawala yung bigat ng dibdib ko kaya yumakap pa ako ng mas mahigpit sa kanya.
"Kazami sorry din kasi bigla akong umalis kanina alam kong hindi rin tama ang ginawa ko masama ang tumalikod sa taong kausap mo." Napatawa siya ng mahina at lalong nag sumiksik sa leeg ko.
Paborito talaga niya ang leeg ko kahit nakakakiliti ay hinayaan ko na lang siya gumaan na ang pakiramdam ko dahil nakipag paliwanag na siya sa akin.
Napaangat kami ng tingin ng may kumatok sa pinto kaya inayos ni Kazami sarili namin bigla nahiya tuloy ako pero ngumiti lang siya sa akin at lumapit sa pinto linock pala niya yung pinto.
Bumungad sa pinto sina Agneta na may mga ngiti sa labi namula tuloy ako at nahiya sa kanila.
"Patulugin mo na si Sei boss may pasok pa bukas." Sabi ni Maria sa kanya.
Napangiti na lang ako sa kanila para bang pinagsasabihan lang nila si Kazami na parang bata.
"Oo na sige na bababa na ako." Tumingin siya sa akin at sabay kindat kaya namula ako at napayuko.
Pero muli siyang lumapit sa akin atsaka ako hinalikan sa noo kaya napapikit ako.
Inayos pa niya pagkakahiga ko at kinumutan sa maliit niyang gesture ay lalo akong napapalapit sa kanya lalo.
"Goodnight Sweety kita tayo bukas." Bulong niya atsaka siya naglakad palabad ng kwarto ko.
Nang makalabas siya sa kwarto ay nagulat ako nang bigla na lang magtilian sina Aika atsaka ako dinamba ng yakap. Sila na magagalit-galitan tapos sila naman number one na abot langit kung kiligin.
Isa-isa silang nag-goodnight sa akin atsaka lumabas ng kwarto ko.
Haaay mukang magiging masaya ang panaginip ko ngayong gabi naaalala ko mukha ni Kazami at tsaka ko ipinikit ang mga mata ko.