Chapter eleven

Habang nakaupo siya at nakaupo lang ako sa kandungan niya at ewan ko ba hindi siya nangangawit sa posisyon namin gusto kong magtanong pero nahihiya akong magsalita mahigpit pa rin siyang nakayakap sa akin.

Naalala ko tuloy ang halik kanina napa buntong hininga ako kaya napaangat siya at tumingin sa akin ng mataman.

"Nangangawit kana ba sorry napatagak ako sa pagkakayakap sayo." Bigla na lang akong napayuko sa sinabi niya. Ako nga itong dapat magtanong sa kanya dahil nakaupo ako sa kandungan niya.

"Ako nga dapat magtanong sayo." Nakalabi kong sabi sa kanya napatawa siya sa sinabi ko kya napasimangot ako bigla niyang pinisil ilong ko kaya nagulat ako sa ginawa niya.

"Ang cute mo talaga, tara punta tayo banda dun nandoon ang pagkain." Tumayo na siya at bago iyon ay inayos muna niya ang damit ko at damit niya. Ang sweet niya, tapos ay inakay ako papunta sa may lamesa na may pagkain isang candlelight dinner ang nakahanda at ang paligid ay medyo dim light lang at may mga maliliit na kandila sa paligid.

Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa paligid napatingin ako sa kanya ng hinila niya ang upuan at inakay akong paupo at pag upo ko ay pumunta siya sa may maliit na lamesa at kinuha ang isang ipod at nagpatugtog ng isang soft rock music.

Pamilya sa akin ang kanya sa background isa sa mga paborito kong musika.

"Nagustuhan mo ba? Sina Maria at Agneta ang gumawa ng lahat ng ito."

Napakamot siya sa batok niya habang sinasabi niya iyon na habit na niya noon pa man kapag nahihiya siya.

"Nagustuhan ko lahat kahit medyo nabigla ako sa ginawa nila pero gustong-gusto." Sagot ko sa kanya at muling tumingin sa paligid ito marahil ang ginawa nila kahapon dahil nagpaalam sina Maria at Agneta na may aasikasuhin lang daw ito pala iyon kaya pala ang saya-saya nila kahapon pa.

"I like the kiss too." Bigla niyang sabi kaya namula sa sinabi niya kaya nahihiya akong napayuko.

"Silly Sweetheart, tumingin ka sa akin i love seeing your face." Naglalambing niyang turan kaya napatingin ako sa kanya at yinaya na niya akong kumain.

Masarap ang mga pagkain.

Habang kumakain kami ay nagsimula kaming magkwentuhan tungkol sa mga nakaraang araw na hindi kami nagkita nakangitiang siya habang nakikinig lang na naging maayos naman ang lahat kahit wala siya.

Naikwento ko din na malapit na yung intramurals namin tapos isa ako sa mga representative sa Ms. Intram, Art Contest, Archery, at Tennis na sina Aika ang dahilan kaya nakasali ako dun.

"Teka bakit parang marami naman yata? ang sasalihan mo baka naman mapagod ka niyan." Nag-aalala niyang sabi.

"Kasi naman hindi ko pa nararanasan ang sumali sa isang school festival, home schooled ako since middle school kaya sabik akong subukan ang lahat atsaka don't worry i can handle it sanay akong mag laro ng archery at tennis kasi sina Papa at Lolo ang lagi kong kalaro nung nasa Romania pa ako natalo ko na nga sila."

Mahaba kong paliwanag sa kanya na ikinabigla niya.

"Wow! ang dami mong talent." Mangha niyang turan na napatigil sa pagkain nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ikaw naman ang magkwento ano ang mga ginawa sa nakalipas na buwan?"

Nakangiti kong tanong sa kanya kanina pa ako nagkukuwento tapos siya nakikinig lang ang unfair naman yata.

"Wala naman masyadong nangyari sa loob ng dalawang buwan kong pag-uwi ipinagpatuloy ko lang yung pag aaral ko tapos may part time job ako sa isang car company gusto ko kasing nagkukumpuni ng mga sasakyan, aral, trabaho, at bahay lang ang naging routine ko.

Sagot niya at nagkibit balikat lang napatingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala sigurado ba talaga siya?.

"So walang car racing? hindi ka nakikipag bugbugan sa mga kalaban mong grupo? walang underground battle? hindi ka inuumaga sa internet cafe para maglaro ng video games?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya bigla na lang siyang napatawa sa mga tanong ko.

"Saan mo nalaman yan? wag munang sagutin alam kong kay Aika." Natatawa niya turan at napapailing pa pero hindi naman siya galit kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko magagalit siya sa mga tanong ko.

"Hindi ka ba galit?" Mahina kong tanong sa kanya kaya napatigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin ng mataman.

"Rin that was before, noon ganyan ang routine ko wala na nga akong oras para magpahinga but when i met you again i realise that i should stop what i am doing because i want you to know that i can change for you." Paliwanag niya namangha ako dahil sa mga sinabi at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Maya-maya pa ay tumayo siya at linahad ang kamay niya sa akin tiningala ko siya na nagtataka.

"Dance with me Sweetheart, tara mahaba pa ang gabi sulitin natin." Tinanggap ko ang kamay niya at dinala ako sa gitna at hinawakan niya ang bewang ko at ipinatong naman ang kamay ko sa balikat niya at nagsimula kaming sumayaw ng dahan-dahan. Napalitan na ng malamyos na piano piece ang tugtog na sinasabayan niya.

Humilig na lang ako sa dibdib niya at pumikit sana ay hindi na matapos ang gabing ito dahil napakasaya ko.

Naalala ko nung una kaming magkakilala para siyang isang goon na puro itim ang suot at nakatingin sa akin ng mataman at malalim ang mga mata niya na parang nangi hipnotismo.

"Sweetheart?" Tawag niya sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya hinaplos niya ng dahan-dahan ang pisngi ko na mali kong nakapikit dahil sa ginagawa niya masarap sa pakiramdam.

"Kazami mananatili ka ba dito?" Tanong ko sa kanya ng idilat ko ang mga mata ko nakangiti lang siya na nakatingin sa akin.

"Oo, Rin mananatili ako dito hangga't nasa tabi kita." Muli akong yumakap sa kanya at nagpatuloy kami sa mabagal na pag-sayaw.

Pumikit akong muli at dinama ang tibok ng puso niya masarap pala sa pakiramdam na nasa tabi ka ng taong mahal mo para sa akin ay ito ang pinakamasaya kong sandali na ngayon ko lang naranasan.

Nang matapos yung kanta ay hindi pa rin nya ako binitiwan bagkus ay siya ang kumanta ng mahina natawa ako sa kinakanta niya.

"Sorry Sweetheart wala akong alam na love song."

Natatawa na lang ako sa sinabi niya pero maganda boses ang niya kaya hinayaan ko na lang siya.

Medyo nagtagal pa kami sa ganoong posisyon at hindi na namin namalayan ang oras.

"Ayaw ko pa sana tumigil tayo pero magpapast-ten na ng gabi kaya iuuwi na kita." Tumango na lang ako sa kanya pero bago iyon ay may kinuha siya na parang kahita sa bulsa niya at ibinigay sa akin.

"Ano ito?" Tanong ko sa kanya na nagtataka pero may ka ba dahil sa box na binigay niya.

"Buksan mo hindi siya ganun kamahal pero sana magustuhan mo, naalala mo ang unang kwintas na binigay ko sa iyo?." Napatango ako sa kanya may pag-aalangan pa siya pero naman sa akin ay hindi naman mahalaga kung mahal o mura akala siguro niya ay sanay ako sa mga mamahaling bagay. Mayroong mga alahas na regalo sa akin ang mga magulang ko, ang mga kamag-anak namin lalo na ang dalawa kong uncle na kapatid ni Mama mamahalin lahat ng ibinibigay nila sa akin pero never ko naman iyong sinuot.

Kinapa ko ang kwintas ko na unang binigay niya sa akin at inilabas ko ito sa damit ko kaya nahulat siya sa pinakita ko.

"Nasa iyo pa ang kwintas na binigay ko?" Namamangha niyang tanong kaya napatango ako at ang ginawa ko ay hinubad ko ito at tinanggal ko ang pendant at binuksan ko ang ibinigay niya sa akin at isinama ko ito sa bagong bigay niya na necklace atsaka ko isinuot ang kwintas hinawakan ko ito at tumingin sa kanya.

Isang dog tag pendant na naka-engrave ang pangalan niya ang bago niyang binigay na kwintas at ang dati ay isang maliit na susi. Pangalan niya ang naka-engrave at sa likod ay ang endearment niya sa akin.

"Salamat ang ganda." Sabi ko sa kanya at muling tiningnan ang kwintas.

"Meron din ako." Pinakita niya sa akin yung sa kanya na suot na niya may nakalagay din doon na pangalan ko at magkapareho sa likod.

"Salamat dito kazami iingatan ko ito katulad ng dating kwintas na binigay mo." Yumakap ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kung gaano ako kasaya at sa yakap ko na lang binuhos ang lahat.

Napakasaya ko dahil ito ang unang date namin ni Kazami at ito ang pinaka-memorable dahil mayroon na naman siyang binigay sa akin na mahalagang bagay na nanggaling sa kanya.

Nang makalabas kami ng gate ay nakita kong may mga taong naghihintay sa amin mga nasa pito sila at puro lalaki hindi ko sila kilala kaya napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Kazami at bahagyang nagtago sa likod niya napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Relaks they are my brothers." Turan niya medyo nawala ang kaba ko at nakahinga ng maluwag.

"Salamat sa effort niyo lalo na sa ginawa niyo kahapon." Pasasalamat ni Kazami sa mga ito na napailing lang ang karamihan sa kanila.

"Boss naman bumiyahe pa kami dito para makita ka namin matagal ka din namin na hindi nakita kaya pinatulan namin ang kakornihan ni Maria at Agneta para sa date mo." Sabi ng isa sa kanila na naka-cap at may hawak na sigarilyo at nakasandal sa isang sport car. Ang iba niyang kasama ay nagtawaman.

Hinawakan ni Kazami ang kamay ko at tumingin sa mga lalaki.

"Brothers, this is Seirin."

Nakangiti niyang pakilala sa akin sa kanila na nag sipulan lahat.

'Yoh!'

'Hi!'

'Hello!'

'Konnichiwa!'

Sabay-sabay nilang bati yung iba ay sumaludo lang sa akin.

Nakita ko si Irham at Shin na galing sa loob at kumaway at nakangiti sa akin.

"And sweetly these are my brothers Allen, Hayato, Lui, Yuno, Justine, Rhyme, at si Mirano. They are part of my group Guren Organization." Pagpapakilala din niya sa mga ito kahit hindi maintindihan ang huli niyang sinabi ay hindi na lang ako nagtanong.

"Hello sa inyong lahat ikinagagalak ko kayong makilala." Ngumiti ako sa kanila at muli silang nag-sipulan at may mga sinabi pa kay Kazami na bagay daw kami na ikinapula ng mukha ko.

Yakap na lang niya ako sa baywang at nakitawa sa mga kapatid niya lahat sila ay mukhang mabait at halata na lahat sila ay mataas ang respeto kay Kazami.

"Boss tara na kailangan na nating umuwi tinadtad na ako ng text ni Maria." Biglang sabi ni Shin na nagkakamot ng ulo habang pinakita sa amin ang cellphone niya.

Nakatawang tumango si Kazami sa kanila na isa isang nagpaalam at sumakay sa mga sasakyan nila pinasakay ako ni kazami sa kotse niya na si Shin ang nagmamaneho nasa harap sila ni Irham at kami ni Kazami sa likod.

Dahil sa napagod ako ay hindi ko namalayan na nakatulog ako pero naramdaman ko na lang na humalik si Kazami sa noo ko at pinasandig niya ako sa balikat niya at kinabig ako payakap hinayaan ko na lang siya at tuluyang nakatulog.