02 | winner and loser
Chapter Two. Winner And Loser.
“How’s your vacation, big boy?”
“Fuck off, David.” Galen faked a laugh. “Very boring.”
Hanggang sa pag-uwi niya sa Pilipinas ay hindi mawala ang poster na iyon sa isip niya. He even searched for the girl’s name. He couldn’t remember it well before, but now… It’s confirmed. The girl he used to play with before, is a murderer.
“Galen, I think my parents wants me to be a doctor. Like my dad! I want to be a doctor, too! I want to treat patients and be a good person.” Sabi ni Vhal habang magkatabi silang nakaupo sa pader ng school habang naghihintay matapos ang isang subject nila dahil nag-cutting silang dalawa. Hindi nila alintana ang matutulis na alambre na pwedeng maging dahilan ng sugat nila pag ‘di sila nag-ingat.
“Hindi ko nga alam kung makakapag-aral pa ‘ko tapos tinatanong mo ako kung anong pangarap ko?” Thirteen year old Galen laughed. “Hindi ko pa napag-iisipan iyan. Pero kahit ano. Wala talaga akong maisip, eh.”
“Mag-abogado ka na lang kaya! Kasi nung pumasok ako ng school, ikaw lagi ang nagtatanggol sa akin noong nabu-bully ako dahil akala nila nakapasok ako rito dahil mayaman ang mga magulang ko.” Vhallerine pouted. Inilagay nito ang hibla ng buhok sa likuran ng tenga niya bago inilapit ang mga mukha kay Galen. “Para ako, may ‘Doc.’ Sa simula ng pangalan tapos sa ‘yo naman, ‘Atty.’, ‘di ba?! Ang cool!”
Inilayo ni Galen ang mukha niya sa kaibigan dahil nag-iinit na ang buong katawan niya. Alam niya sa sarili niya na may gusto siya sa kaibigan pero hindi nga niya maamin sa sarili, sa mismong nagugustuhan niya pa kaya?
“E-Ewan ko kay mama.” Nahihiyang sabi ni Galen.
“One day, magiging successful tayo. Ako ang magiging doctor ng puso mo. At ikaw…” tinuro niya ang dibdib ni Galen. “Ikaw naman ang magtatanggol sa ‘kin.” Sabay ngiti.
Parang mas lalo lang nahulog si Galen sa kaibigan niya dahil sa matamis nitong ngiti. Alam niyang wala siyang magagawa para kay Vhal dahil bukod sa mahirap lang ang pamilya niya at imposibleng makapag-aral pa siya, maraming mayayaman ang nagkakagusto sa eleven year old niyang crush.
“Ang boring pala ng highschool. Akala ko naman, exciting.” Vhal sighed. “Should we go back outside? Huwag na kaya tayong pumasok?” Tanong niya sa kaibigan.
“Tara?” Sumang-ayon naman si Galen at naunang bumaba para maso si Vhallerine. Iniangat niya ang kamay niya, handa nang saluhin ang kaibigan na nakapang-highschool na uniporme.
Tumango si Vhallerine at bumaba na. Pero dahil nagmamadali ito at nakatingin lang sa kanyang mukha mula sa itaas, pagka-angat nito ng tingin sa taas ay sumabit ang buhok niya.
“Galen! My hair!” Sigaw ni Vhallerine.
“Teka, aakyat ako!” Tarantang sabi ni Galen. Aakyat pa lang sana siya pero talagang makulit si Vhallerine at pinilit bumaba.
Mas lalong lumakas ang sigaw ni Vhallerine nang masugatan ang mukha niya dahil sa alambre. “Galen! Galen, ang sakit-sakit!” Sigaw niya at tinakpan ang mukha.
Umakyat agad si Galen at inalis ang buhok ni Vhal doon. Ibinaba niya ang kaibigan na nakatakip pa rin sa nagdudugong mukha hanggang ngayon.
“Vhal? Vhal patingin ako! Dadalhin kita sa clinic!”
“A-Ayoko, Galen! Maga-guidance ka! Pangarap mo pa namang maka-graduate ng may conduct. Hindi ako papayag!” Iniwas ni Vhal ang mukha niya na tinatakpan pa rin. Vhal started crying because of the pain. It stings!
“Vhal, ayos lang… Ayos lang, patingin ako!”
Nanginginig ang kamay, unti-unting tinanggal ni Vhallerine ang kanyang kamay sa duguan niyang mukha. Bumungad kay Galen ang mahabang sugat nito mula kanang noo hanggang sa pisngi.
“Tatanggap ka na ng kaso?” Napabalik sa wisyo si Galen dahil sa tanong ni Atty. Tamizen. “Ako, hindi muna. Next week na kasal namin ni Lynelle.”
Tumango naman si Galen nang hindi nag-iisip.
Isang murder case ang hawak niya ngayon. Mayaman ang kliyente niya.
Hindi mawala ang tingin niya sa pangalan ng kalaban nila sa korte.
Vhallerine Tamara Estrella.
She… She murdered a sixty eight year old Filipino woman.
It’s her mom.
Vanessa Marquez Estrella.
She murdered her mom because of it’s abusive behavior since she was a kid. She was hurting her, and… Her little brother who also passed away because of abortion. Noon ay natitiis pa nito ang pananakit ng ina pero dahil nadamay ang kapatid niya ay hindi na nakapagpigil.
You know what’s more?
Her mom murdered her husband after the abortion. Vhallerine’s father. She’s on drugs.
Pero bakit pinatay ni Vhal ang dalawang bata at isang ina sa France?
Nagkatitigan silang dalawa. Tumutulo ang luha ni Vhallerine habang nakatingin sa kanya. Nakangiti ito kahit puno ng sakit ang mga mata.
Naka-handcuff ang kamay ni Vhallerine, magulo ang buhok at naka-kulay kahel na kasuotan. That’s not the uniform Galen expected her to wear… That’s not a Doctor’s gown, or a medical official’s uniform… That’s a prisoner’s uniform.
‘Inmate.’ Pagbasa niya sa nakasulat dito.
Pasikretong pinuntahan ni Galen si Vhal sa kulungan. Nahuli pala ito sa France kaya hindi niya nakita roon, tapos pinadala rito.
“Anong ginagawa mo rito?” Walang ganang tanong ni Vhallerine sa kaya. Nakayakap lang ito sa kanyang tuhod habang nakasiksik sa pinakagilid ng kulungan. Nag-iisa lang sa loob ng selda.
“Gusto kitang kumustahin---”
“Abogado ka, ‘di ba?” Putol nito sa kanya. “Magkalaban tayo sa korte. Bakit mo ‘ko kinakausap, Atty. Zaldien?” Napangiti pa si Vhal sa pagkakasabi sa huling salita kung saan tinawag niyang attorney si Galen.
“P-Paano ka nagkaganito?” Hindi malaman ni Galen kung saan magsisimula ang tanong niya kay Vhal.
What he remembers is that time when he was 14 and Vhal was 12. It’s the first time Galen saw Vanessa’s rage.
“Lumayo ka rito, Galen! Papatayin kita!” Nanlaki ang mga mata ni Vanessa habang nakatutok ang kutsilyo sa ulo ni Galen. “Vhallerine, lumapit ka ritong punyeta kang bata ka!”
“M-Mommy, no…” Unti-unting inilusot ni Vhallerine ang kanyang braso sa bewang ni Galen at yumakap sa kaibigan para magtago sa likod nito. “Don’t hurt me… Don’t hurt Galen! Ayaw ko pa pong mamatay, mommy!” Pagmamakaawa niya sa ina habang nakalubog ang mukha sa likuran ni Galen habang umiiyak.
“Galen!” Ang sigaw naman ng ina ni Galen ang umalingawngaw. “Anong ginagawa mo sa anak mo’t anak ko, Vanessa!? Nababaliw la na ba?!” Sigaw nito at itinago sa likuran ang dalawang bata.
“Umalis ka riyan, Gina!”
“Ayoko. Sasaktan mo ang mga bata! Paano ka nakatakas sa rehab center?! Tumigil ka na sa droga para sa anak mo!”
Mahigpit na niyakap ni Galen si Vhallerine at hinalikan ang ulunan.
“Po-protektahan kita palagi, V-Vhal. Nandito lang ako kahit anong mangyari. Hindi kita iiwan.” Mas humigpit pa ang yakap ng binatilyo sa babaeng gustong-gusto niya.
“Wala akong panahon para sa ‘yo, Galen. Hindi ko kailangan ng awa mo.” Nakita ni Galen ang marahas na pagpunas ni Vhallerine ng luha niyang naglalandas sa pisngi. “Lumayas ka na rito!”
“Vhallerine, maniniwala ako sa ‘yo… Papakinggan kita. Sabihin mo sa ‘kin, anong nangyari, ha?” Tanong niya. “Nangako ako sa ‘yo dati, ‘di ba? Po-protektahan kita---”
“Galen, hindi ko kailangan ng tulong mo. Umalis ka na lang, please…” Puno ng hinanakit ni Vhallerine at unti-unting lumapit kay Galen, ang tanging pagitan nila ay ang bakal.
“Ayoko, magpaliwanag ka sa ‘kin.”
“I don’t owe you anything!” Tumaas ang boses ng dalaga, hindi na naitago ang naglalandas na luha.
“I-I…” Galen tried to find his words. “I wonder… I wonder how much did she hurt you just for you to turn like that, Vhallerine.”
“Na ano? Magnanakaw? Mamatay tao?” Pinunasan ulit ni Vhal ang luha gamit ang likod ng kanyang kamay tsaka sarkastikong tumawa. “Tarantado ka rin, eh ‘no?”
“Hindi… To turn like that… You used to be so jolly. Kahit alam nating dalawa na parehas tayong kino-kontrol ng mga magulang natin, wala kang pakialam. I wonder what they did to you for that jolly girl to disappear.”
“I’m not that girl, Zaldien.” Matigas na sabi nito.
“You’re that girl, Vhal…” Kalmadong sabi ni Galen. “You know what? Nevermind. Itatakas kita rito. Huwag kang mag-alala, pinagbigyan tayo ng pagkakataon. Ako ang napili para maging kalaban mo sa korte, pero kakampi mo ‘ko, Vhal. Makakaalis ka rito. Wala kang kasalanan.”
Tiningnan lamang siya ni Vhal. “B-Bakit… ka pa bumalik?”
Natahimik doon si Galen. He tried to speak but couldn’t.
Ipinikit ni Vhallerine ang mga mata, hinahayaang tumulo ang luha.
“You don’t have to be guilty for leaving me. It’s for your dream, Galen. You’re just guilty. You don’t understand---”
“I’ll try to understand, Vhal… Kilala mo ‘ko, iintindihin kita.”
“I killed my mom and you’re helping me to get out of here? Nababaliw ka na ba? Nakapatay ako ng tao, hindi mo maintindihan?” Mahinang tanong ng dalaga sa kanya.
“Ang naiintindihan ko lang… You did that to protect yourself. She’s on drugs, why didn’t you tell your lawyer---”
“Ano ba!” Sigaw nito. “I killed her!”
“Kilala kita, alam kong may dahilan ka palagi!” Tumaas din ang boses ni Galen dahil sa frustration. “Look, I understand if you’re not ready to say everything to me. Gagawa ako ng paraan. Itatakas kita rito.”
Tumayo siya roon. Nanlalabo na ang mga mata ni Galen dahil nalulungkot siya para kay Vhal.
And now… He’s planning to help his girl to get out of the prison. To make her live her best life, at least… A life she couldn’t experience because of her abusive family.
Bukas, may trial. Magpapatalo siya para manalo si Vhallerine.