Special Chapter
(Lady Arthisa’s POV)
"Lady Arthisa, ayon sa nakalap naming impormasyon ni Ysmael ay tuluyan ng napunta ang Dyosang si Cassimiere sa lugar ng kawalan. Paniguradong hindi na siya makakaalis pa roon lalo pa't hinihigop ng lugar na iyon ang maramdamang kapangyarihan sa paligid."
Natigil ako sa pagsilip sa bintana ng aking silid-aklatan nang dumating si Seraphine at sinabi nga iyong balitang iyon. Humarap ako sa kaniya at saka siya tinanguan.
"Masyado ng maraming gulo ang idinulot ni Cassimiere, hindi lang sa buhay ko kundi sa maraming tao. Sa tingin ko ay nararapat lamang iyon sa kaniya," sagot ko rito at tinanguan naman niya.
"Ngayon ay naghahanap na ang tatlong Dyosa para sa ipapalit na bagong Dyosa ng mga Puti," aniya. "... at sa pagkakaalam ko rin ay tuluyan ng aalisin ang kaisa-isang batas na nagbabawal sa pag-iibigan ng Puti at ng Itim," dugtong niya sa sinasabi. Napangiti ako dahil sa ibinalita niya.
Ang aking ina, si Acresia, ay tuluyan na ngang tinanggap na hindi na masusunod pa ang batas na ginawa nila noon dahil sa aming dalawa ni Harry. Ngayon pa at magkakaanak na kami.
Humingi na rin siya ng tawad sa akin dahil sa pag-aalis ng aking memorya ngunit hindi naman ako ganoon kasama para hindi siya patawarin.
Ngayon ay namumuhay kami ni Harry sa mundo kung saan ako lumaki, sa mundo ng mga tao.
Hindi namin inaalis sa sarili namin ang aming mga responsibilidad bilang Dyosa ng Itim at Disipulo ng Puti ngunit gusto rin naman naming mamuhay ng payapa kasama ang mga magiging anak namin.
At sa tingin ko ay hindi na rin magtatagal sa akin ang pagiging Dyosa ng Itim dahil nararamdaman kong may papalit na rin sa akin kalaunan.
"Salamat sa mga balita, Seraphine," nakangiting sabi ko sa kaniya. Tipid lamang itong ngumiti at saka yumuko at umalis na rin ng silid-aklatan.
Maraming nagbago sa buhay ko simula nang umalis kami ng Alphera. Hindi ko hinayaan na mangibabaw ang pagiging masama sa akin o ang pagiging isa kong Itim. Ang pera ng itinuring kong pamilya noon ang ginamit ko upang makapagpatayo ng mga establisimyento na maaaring makatulong sa mga tao. Isa na roon ay ang Balay ng Lipi kung saan nakita ko nga muli si Cassimiere.
Pagkatapos niya maglaho na parang bula sa bahay ampunan ay bumalik sa normal ang lahat at tila walang Cassimiere na nanatili roon. Ang hinihiling ko na lamang ngayon ay hindi na nga siya makaalis sa lugar ng kawalan.
Muli kong ibinalik ang paningin sa labas ng bintana ng aking silid-aklatan. Malakas ang buhos ng ulan at kitang kita ang mga kidlat na nagpapaliwanag sa kalangitan. Rinig na rinig din ang mga kulog na tila may nag-aaway sa langit.
Hinaplos ko ang malaking tiyan at saka ngumiti ng mapait.
"I miss your father already," bulong ko sa hangin habang nangingilid ang luha. I may be strong on the outside but I'm vulnerable on the inside.
Hindi man lamang dumaan sa isip ko na maaaring ang huling araw na kasama ko na lamang pala si Harry ay noong araw na nagpunta kami sa bahay-ampunan. Naglaho nga si Cassimiere ngunit noong araw din na iyon, namatay si Harry dahil sa isang car accident. He never bid a goodbye. Walang pasabi siyang umalis. Nakaligtas ako pero hindi naman siya!
Akala ko ay sa oras na matalo na namin si Cassimiere at maipaglaban na namin ang relasyon namin ni Harry ay okay na ang lahat. Hindi ko naisip na isa nga palang Disipulo si Harry. Hindi sila imortal kagaya ko na isang Dyosa. May limitasyon ang buhay niya lalo pa at hindi rin naman siya nag-reincarnate kagaya ko kaya tuloy-tuloy ang buhay niya. At ngayon nga ay wala na siya. Umalis na siya na hindi man lamang niya nalalaman na may anak kami. Saka ko lamang rin nalaman ng paggising ko sa hospital ay naroon ang nagkatawang tao na si Goddess Acresia at sinabing buntis ako.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa akin ngunit wala akong nagawa kung hindi ang magpatuloy. Hindi ko kayang pabayaan ang sarili ko dahil tanging ang mga anak na lamang namin ni Harry ang ala-ala ko sa kaniya. It was my biggest downfall. Hindi ko alam kung paano ko nakaya, pero heto ako ngayon at hinihintay na lamang na lumabas ang aming kambal na anak.
Tinakpan ko ang aking bibig ng aking kamay upang hindi kumawala ang nagbabadyang paghikbi. Gabi-gabi na lamang akong ganito. Iniisip na sana nandito pa rin si Harry sa tabi ko, hinahaplos ang tiyan ko at kinakausap ang mga anak namin. Masyadong masakit ang pagkawala ni Harry lalo na kung kailan nabigyan na kaming dalawa ng pagkakataon na magkasama.
Kung kailan okay na, saka naman may umaalis! Kahit kailan talaga ay hindi patas ang mundo.
Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa pisngi ko nang biglang bumukas ang pintuan ng silid-aklatan at dumating si Seraphine.
"Bakit?" Tanong ko rito, basag pa rin ang boses dahil sa ginawang pag-iyak.
"Lumalalim na ang gabi, Lady Arthisa. Kailangan n'yo na pong uminom ng gatas at magpahinga," aniya. Alam kong pansin niya ang namumula kong mata at ilong ngunit wala siyang sinasabi. Alam na niya kung bakit ako ganito.
"Sige. Susunod ako," sagot ko rito na siyang tinanguan na lang niya. Sinarado na niya ang pinto ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang sakit at awang nakarehistro sa kaniyang mga mata. Siguro ay nasasaktan siya dahil sa estado ko.
Pinipilit kong maging matatag kahit pa gusto ko na ring sabihin sa tatlong Dyosa na kuhanin na ang buhay ko. Harry is my only love! Ang hirap umusad kung ang taong nagparamdam sa'yo ng lahat ang mawawala! Doble 'yong sakit lalo pa at hindi man lamang niya nalaman ang tungkol sa kambal at lalong lalo na at hindi man lamang niya makikita ang kaniyang mga anak.
Umalis na ako ng silid-aklatan pagkalipas ng ilang minuto at nagtungo na sa aking kwarto. May nakahanda na roong gatas kaya ininom ko na iyon bago nahiga sa kama.
Kasabay ng mas lalong pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagbuhos din ng aking mga luha, hindi na nakayanan pa ang pagpipigil ng nararamdaman.
Sa mga panahong ganitong nag-iisa ako ay hindi ko maiwasang isipin kung paano ako sobrang nangungulila kay Harry. Sobrang sakit na parang pinapatay na rin ako.
"Ang daya mo naman, e. Umalis ka agad," I whispered to the wind as I cried myself hard.
I felt the sudden drowsiness invading my system until I felt myself fall into a deep slumber.
* * *
"Lady Arthisa..."
A gentle voice woke me up from my sleep. Pupungas-pungas akong napatingin sa paligid at nang mapagtantong nasa kaharian ako ng tatlong Dyosa ay tuluyang nawala ang antok ko.
Nangunot ang noo ko nang makita ang tatlong Dyosa na matamang nakatingin sa akin.
"Why am I here?" I asked, wondering. Tumayo ang nakaupong si Goddess Acresia at saka lumapit sa akin at hinaplos ang aking malaking tiyan na anumang oras ay malapit ng lumabas ang nasa loob no'n.
"Nandito ka para malaman ang balita," kalmadong sabi niya habang nakatingin sa aking tiyan. Lumayo ako sa kaniya dahil naiilang ako sa pagkakatitig niya sa malaking tiyan ko. May palagay na ako kung anong balita ang sinasabi niya ngunit gusto ko pa ring makasigurado.
"Anong balita?"
Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata dahil sa nagbabadyang pagluha. 'Wag naman sana ito ang iniisip ko.
She sighed. "Ang propesiya na ang nagsabi kung sino ang papalit bilang Dyosa ng mga Puti..." Aniya at tinitigan ako, tinatantya kung ano ang magiging reaksyon ko. "... at pati na ang magiging tagapagmana ng trono mo bilang Dyosa ng mga Itim," dugtong niya kaya natigilan ako. Hindi maaari...
Ibig sabihin...
"Ang iyong kambal na anak ang siyang magmamana ng trono ng Puti at Itim ngunit... may mabubuong bagong sisira ng kapayapaan sa dalawang mundo," seryosong sabi niya na mas lalong nagpatigil sa akin. Magtatanong pa sana ako kung ano pa ang nilalaman ng propesiya ngunit naramdaman ko na lamang ang sarili ko na nilalamon na naman ng antok.
At ang huling nakita ko ay ang nag-aalalang si Goddess Acresia katabi si Greaculo at si Drufa.
* * *
Nagising ako dahil sa hindi maintindihang sakit na nararamdaman sa may tiyan ko. Naramdaman kong basa ang hinihigaan ko kaya naramdaman kong manganganak na ako.
"Seraphine!" Sigaw ko. Narinig ko ang mga yabag sa labas ng kwarto ko hanggang sa bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok doon si Seraphine may nag-aalalang mukha.
Mabilis siyang lumapit sa akin nang makitang nahihirapan ako at manganganak na.
"Lady Arthisa, sandali lamang. Darating na si Ysmael," natatarantang sabi niya habang inaalu ako. Umiling iling ako at saka tiningnan ang aking tiyan.
"Manganganak na ko Seraphine. Hindi ko na kaya," kinakapos ang hiningang sabi ko. Kinakabahan si Seraphine na nagtungo sa may paanan ko at tiningnan kung ano na bang kalagayan ko.
"Lalabas na ang bata!" Aniya. Wala na siyang nagawa kundi hawakan ang tuktok ng tiyan ko para mas makalabas ang bata.
"Push, Lady Arthisa! Push!"
Umiri ako nang malakas at naramdaman ko agad ang paglabas ng kung ano sa akin. Sa tingin ko ay iyong isa sa kambal.
"Isa pa, Lady Arthisa! Push!" Pangungumbinse ni Seraphine kaya kahit kinakapos ng paghinga ay umiri muli ako. Muli kong naramdaman na may lumabas sa akin kaya napabagsak ako pagkatapos, hindi na nakayanan ang pagod.
"They're both beautiful," ani Seraphine habang nililinisan ang dalawa. "Hindi ka na nila sobrang pinahirapan sa pagpapaanak," nakangiting dugtong niya. Napangiti na rin ako sa sinabi niya hanggang sa unti-unti na naman akong nilamon ng antok at ang huli kong narinig ay ang iyak ng kambal.
* * *
"Mommy!"
Napatingin ako sa batang babae na tumawag sa akin at napangiti nang makitang ang isa sa mga kambal ko iyon. Si Aerisa.
Nag indian sit ako sa sahig at hinintay na makatakbo siya sa akin na siyang ginawa naman niya pagkakita sa ginawa ko.
"Why baby? Where's your sister?" Malamyos na tanong ko habang inaalis ang mga dumikit na buhok sa mukha niya dahil sa pawis.
Aerisa and Ariesa lighten my dark world just like how their father did to me many years ago. They save me from sadness and longing caused by Harry's death. Sobra akong nasaktan noong nawala si Harry pero dahil dumating ang kambal ay nabawasan ang sakit na dulot ng pagkawala niya.
"Mommy, we have a new friend! They are our new neighbors!" She exclaimed, excited because of the news. I smiled because of her reaction. I managed to accept the fate of my twins. Ayoko man na silang dalawa ang magmana ng trono ng magkaibang mundo ay wala akong magagawa kundi tanggapin na lamang iyon.
"Really? Where?" Tanong ko. Umalis naman siya sa pagkakasandal sa akin kaya tumayo na rin ako. Hinawakan ng maliit niyang kamay ang aking kamay at saka ako hinila kaya tumatawa akong sumunod sa kaniya.
Lumabas kaming dalawa ni Aerisa ng bakuran at nakita ko sa labas ng bahay namin si Ariesa na nakaharap sa gawi namin at may kausap na isang bata na nakatalikod naman sa amin.
Magkaiba ang ugali ng kambal. Aerisa is jolly while Ariesa is serious and fierce. They are identical twins but you can identify who Ariesa and Aerisa are. By just looking at their face and personality. Si Aerisa ay laging nakangiti at iyon namang isa ay laging seryoso.
"Sera!" Tawag ni Aerisa sa tingin ko ay ang tinutukoy niyang bagong kaibigan nila. Napatingin sa amin si Ariesa at nakita ko kung paano gumuhit ang pagkabahala sa bata niyang mukha. Nangunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon ng anak ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil humarap na ang kausap nito na ngayon ay nakangisi.
"Mommy!" Sigaw ni Ariesa at nagulat na lang ako nang gamitin nito ang teleportation niya at humarang sa harapan ko para doon sa batang sa tingin ko ay mas matanda sa kanila ng ilang taon.
"Anak, why?" Bulong ko sa kaniya, nagtataka sa ikinikilos. Nakaharang ang dalawa niyang kamay sa aming dalawa ni Aerisa kaya nakakapagtaka.
"She's an enemy, mommy. I could sense a dark aura from her," seryosong sabi ng anak kaya gulat akong napatingin sa batang ngayon ay nakangisi pa rin.
"Kamusta, Lady Arthisa?"
Ikinumpas ni Ariesa ang kaniyang kamay ngunit hindi pa man siya nakakagawa ng kahit ano ay bigla na lamang naglaho na parang bula iyong bata.
At ang huling narinig namin ay ang sigaw nito na dumadagundong sa buong lugar.
"I'll destroy everything and you will never be happy!"