Chapter 41
(Lady Arthisa’s POV)
"I love you, Harry. I love you, forever," I whisper. Isang mabagal na palakpak ang siyang nagpatigil sa aming lahat. We almost forgot her.
"I warned you, Harry! I warned you! Now, taste my wrath!" Cassimiere exclaimed. She sways her staff and white smoke come out from it. At ang mga usok na iyon ay nagpormang hugis ng tao. Looks like her followers.
"Kill them. Kill them all!" She command. We alerted all our senses nang magsikibuan ang kaniyang mga alagad.
Agad na may lumapit na tatlong alagad sa akin at akma akong sasaksakin nang masalag ko ito at nasipa siya palayo. Ang isa'y sasaksakin sana ako sa likod ngunit naunahan ko siyang itarak ang aking espada sa kaniyang dibdib kaya agaran siyang naging abo. Bumangon ang sinipa ko kanina kaya dalawa na muli ang kaharap ko. Sabay silang sumugod pero dahil parehas nakataas ang mga kamay nila dahil kumukuha sila ng pwersa sa itaas, nagkaroon ako ng tsansa na masaksak sila parehas sa tiyan dahil iyon ang open area. Mabilis na naging abo ang dalawa kaya tiningnan ko ang mga kasamahan ko. Ubos na lahat ng alagad ni Cassimiere at hingal na hingal naman ang aking mga kasamahan.
Nang tingnan ko si Cassimiere at walang emosyon ang mukha nito. It's far from what I've expected. Akala ko ay magpupuyos siya sa galit dahil natalo ang hukbo niya. Unti unti ay sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.
"Akala n'yo ba ay matatalo ninyo na lamang ako ng basta basta? May isa pa akong alas. At sinisiguro kong hinding hindi kayo magiging masayang dalawa!" Muli niyang ikinumpas ang kaniyang baston at nahihinuha kong tinatawag niya ang tatlong guardian.
Nararamdaman kong nag-iinit ang loob ng katawan ko sa hindi malamang dahilan. Parang sinusunog ang aking mga kalamnan. Ang init. Nakakapaso.
"Arghh!" Hiyaw ko dahil sa sakit. Mabilis na naglapitan sa akin ang aking mga kasama at agad akong tinanong ng kung ano ano ngunit wala akong maintindihan.
"Ahh! Tama na! It hurts! It f*cking hurts!" Hiyaw ko dahil sa sakit. Maging si Cassimiere ay walang ideya kung anong nangyayari sakin ngunit ipinagpapatuloy niya ang pagtawag sa tatlong guardian.
"What the hell are you doing, Cassimiere?!" Sigaw ni Harry sa kaniya ngunit maski siya ay nagtataka. Alam kong hindi si Cassimiere ang may dahilan nito. Merong iba.
I forcibly tore my clothes and there, I saw the mark of the bats who bit me.
"W-what is that?" Rieka asked.
"That is the mark of those baleful bats. Only powerful beings especially the one who created that bat can cure it." Czarina answered. There's only one. And that is Professor Haidie.
Unti-unti ng nabubuo ang tatlong pigura. Muli ko na namang makikita ang tatlong guardian. At mukhang mangyayari na naman ang nangyari noon.
Hinihingal na ako dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. I want to kill myself dahil sa nararamdaman ko sa mismong loob ng katawan ko.
"Cassimiere..."
Tila nawala ng panandalian ang iniinda kong sakit nang marinig ko ang boses ni Acresia. Inihanda ko na ang sarili ko sa maaaring ibigay niyang parusa.
"Ipagpaumanhin ninyo ang aking biglaang pagtawag, Goddesses. Muli na namang nauulit ang nakaraan. Ang ikalawang buhay na ibinigay ninyo sa Dyosang si Serene ay muli na namang umibig sa aking taga-sunod," ani Cassiemiere.
Naramdaman ko ang pagbaling ng tatlong Dyosang taga-bantay sa akin ngunit hindi ko na sinambot ang mga tingin nila. Bukod sa nanghihina na ako ay hindi ko rin kayang makita ang magiging reaksyon nila.
"Ano bang masama sa pagmamahal? Sabihin mo nga sa akin, Cassimiere, bakit ba napakalaking bagay para sa inyo ang pag-iibigan ni Mistress Serene at ng Disciple mong si Harry? Anong mali do'n? Sigurado akong kung ikaw din ang nasa posisyon nila, gagawin mo rin kung anong ginagawa nila ngayon." Bahagya akong natigilan nang marinig ko lahat ng sinabi ni Czarina. Mistress? Dalawang tao lang ang tumatawag sakin noon. Iyon ay walang iba kundi si Ysmael at si Seraphine.
Napatingin ako sa gawi ni Czarina at nakita ko ang unti unting pagbabago ng kaniyang anyo. Mula sa mataray na mukha ni Czarina ay unti-unting lumambot ang ekspresyon nito hanggang sa maging mukha ito ni Seraphine.
"W-what? Seraphine? Why are you here? W-where's Czarina?" I asked full of wonder. Nginitian niya lang ako bago muling ibinaling sa mga kausap ang paningin.
"Tell us, Cassimiere. Bakit nga ba gustong gusto mo na mawala o maparusahan si Mistress Serene?" Pang iintriga ni Seraphine.
Nagulat ako nang unti unti ay nangilid ang kaniyang luha at naging mas matindi ang galit na ekspresyon.
"Bakit?! Dahil inagaw na niya sa akin ang lahat!" Cassimiere shouted.
My forehead wrinkle. Sa pagkakaalam ko ay wala pa akong naaagaw sa kaniya maliban sa isa. Si Harry, ang kaniyang Disciple.
"Wala akong inaagaw sa'yo, Cassimiere. Sa pagkakaalam ko, ikaw ang pilit na umaagaw sa mga kagustuhan ko. Bakit nga ba?"
Pagak na napatawa si Cassimiere kasabay ng pagbuhos ng kaniyang luha.
"Because you took everything from me! From the love of our mother, from my Disciple, from everyone's attention and even my love! You took him from me!" She cried out loud. Napansin ko ang paglapit ni Venice kay Cassimiere at inalu ito. Hindi ko napansin ang kaniyang pagdating.
Ngunit ang hindi ko maintindihan ay ang sinabi ni Cassimiere na inagaw ko ang pagmamahal ng ina namin sa kaniya. Ina? Namin? And what the hell is she talking about I took 'him' from her?
"N-nahihibang ka na siguro. D-dyosa tayo kaya bakit tayo magkakaina?" Nahihirapang sabi ko.
"Oo nga pala. Hindi mo nga pala alam," nakangising sagot niya.
"Cassimiere, tama na," singit ni Goddess Acresia sa usapan namin. Napatingin si Cassimiere dito nang may bahid ng sakit at pagkadismaya sa mukha nito.
"Naramdaman mo na ba ang pakiramdam ng parang pinagkakaisahan? Naramdaman mo na ba ang pakiramdam na ang sarili mong ina, kahit pa sabihing pinarusahan ang isang anak, hindi pa rin maiitanggi na hindi ang kaukulang parusa ang ipinataw dito. Bakit? Bakit ba lagi na lang si Serene?! Bakit ba lahat na lang si Serene?! Kailan naman magiging ako? Paano naman ako?" She cried.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya pinilit kong makatayo at tiningnan ang dalawa.
"W-what are you talking about?"
"That you and I are sisters and Goddess Acresia is our mother!" She exclaimed. Naging tahimik ang buong paligid. Wala ni isang gustong umimik. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan ng bawat isa.
Napatawa ako sa sinabi niya kaya nagsitinginan ang lahat sa akin. Kalokohan!
"S-stop playing around, w-will you?" Seryosong sabi ko sa kaniya. Pero tiningnan niya lang ako at saka inulit ang sinabi ko.
"Playing around, huh? Why don't you ask her?" Napatingin na ako kay Goddess Acresia na ngayon ay mas lalo na atang nawalan ng emosyon.
"Serene... that's all true," aniya na siyang nagpatigil sa akin. Parang nag-echo sa utak ko ang kaniyang tinuran.
That's all true.
That's all true.
"No... No! Paano mangyayari 'yon eh wala akong matandaan? Alam ko niloloko ninyo lang ako!"
"Because she erased your memory! Dahil nakasulat sa propesiya na ang may kapangyarihan ng itim ang siyang iibig sa isang Puti! At ngayon, oo, nangyayari na! Nangyari na at muli na namang nangyayari!" That hit me. Hindi ko na namalayang nakaluhod na pala ako. I can't take all the words that she said. Nakakapanlumo. Nakakapanghina.
"And that f*cking punishment, huh? That's unfair," walang emosyong saad ni Cassimiere. Muli na namang nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What else is a lie?
"What punishment?" Humarap ang galit na mata ni Cassimiere sa akin at pagkatapos ay ikinumpas ang kaniyang baston. Lumitaw ang isang kasulatan at siya na mismo ang nagbasa nito.
"Ang kung anuman na paglabag sa kaisa-isang batas ng mga Dyosa ay makakatanggap ng isang malagim na kamatayan sa kaniyang katawan at walang hanggang sakit para sa kaniyang kaluluwa." Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay kay Goddess Acresia o sa aming ina.
"It'll always be her, right?" Matigas na tanong niya ngunit may bahid ng sakit. Hindi umimik si Goddess Acresia at iniiwas lamang ang paningin niya kay Cassimiere.
Hindi na nakayanan ni Cassimiere ang lahat. Napaluhod na siya at tuloy-tuloy na umagos ang luha habang pigil na humihikbi.
"Why is it always her? Bakit lagi na lang si Serene? Even Harry. Even my love. Paano naman ako?" Mahinang sabi niya pero hindi nakaligtas sa akin ang mga pahuling salitang sinabi niya.
Even Harry? Even her love?
She loves... Harry?
"Oh, I am right! I knew it!" Napatingin ang lahat sa biglaang dumating na si Miss Haidie. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata niya nang makita ako.
"Lady Arthisa, nawawalan ka na ng dugo!" Sigaw niya. Agad na napatingin ang lahat sa akin at gulat na gulat ang ekspresyon nila. Iniangat ko ang aking kamay at halos manghina ako lalo nang makitang puting puti na ito na parang nawalan na talaga ng dugo.
"Miss Haidie, quick, pagalingin mo siya!" Sigaw ni Seraphine. Agad na tumalima si Miss Haidie at lumapit sa akin.
May mga sinabi siyang inkantasyon na hindi ko na masyadong narinig dahil sa panghihina.
Ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay unti-unting gumiginhawa ang aking pakiramdam. Tiningnan ko ang palad ko at nakita kong bumabalik na ito sa dating kulay niya.
"You need to rest, Lady Arthisa. Muntik ka nang mamatay kanina kaya hindi mo agad mababawi ang lakas mo," ani Miss Haidie. Tumango ako sa kaniya at inalalayan akong tumayo.
Maglalakad na sana kami paalis ng biglang nagwala si Cassimiere.
"Hindi pa tayo tapos! Kailangan mo pang mamatay!" Sigaw niya habang nangingilid na naman ang luha.
Akmang maglalabas siya ng kapangyarihan mula sa baston niya nang bigla siyang sinugod ng monster puffball at nagulat kaming lahat nang kinain ito ng puffball at sa isang iglap ay bigla itong nawala.
"Saan sila napunta?" Tanong ni Rieka.
No one dared to answer dahil maski kami, hindi namin alam. Nanindig ang balahibo sa buong katawan ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Harry sa bewang ko.
"True love wins," bulong nito sa akin kaya napangiti ako. Indeed.
He softly landed a kiss on my forehead and hugged me tightly.
"I love you, my Queen. The Goddess of my world."