Chapter 33
(Lady Arthisa’s POV)
Darkness is my favorite. Why? Because in the darkness I can do everything I want without people knowing it. I can cry and cry until I become numb. I can shout whenever I want until my voice becomes hoarse.
Kadiliman ang saksi sa mga palihim kong pahikbi-hikbi sa tuwing nilalapatan ako ng mga magulang ko ng kaparusahan dahil sa pangingialam ko sa mga gawain nila. Kadiliman ang tangi kong karamay sa mga panahong nag-iisa ako. At kadiliman ang yumayakap sa akin sa tuwing wala akong malapitan.
But why most people hate darkness? They say darkness means monsters. Darkness means death. No, for me darkness is the only thing that can comfort you. Darkness is the only companion you have when the persons you love forsake you. Only darkness.
Tumigil ako sa paglalakad nang may maaninag akong lumiliwanag sa may bandang gitna. Pakiramdam ko ay malapit na malapit na ako sa kung anong bagay na nasa gitna nito. Pakiramdam ko ay ang kung ano mang makikita ko doon ay may kinalaman sa akin.
Mas binilisan ko ang paglalakad at ang paghahanap ng daan. Gustong gusto ko nang malaman ang nasa gitna nito.
But then, walang paglalakbay na walang darating na sagabal. Tumigil muli ako sa paglalakad ng maramdaman iyon. Simula pa kanina halos nakasunod na iyon sa bawat puntahan at gawin ko. Hindi ko siya pinapansin pero nakakairita na.
"If I were you hindi na ako susunod pa," I seriously said.
Tahimik ang paligid. I cannot sense any danger towards that 'thing' but I need to be alert all the time. Mahirap kalaban ang isang anino.
Mas naging alerto ako nang unti-unti itong lumalapit sa akin. Inihanda ko ang aking sarili sa maaaring pagpapalabas ng espada at naghintay ng maaaring gawin ng aninong iyon. Ngunit tila may gusto lamang siyang ibulong sa akin dahil sa gilid ko siya lumapit at malapit siya sa tenga ko.
"Lady Arthisa..." ang buo at pamilyar na boses na iyon ang nagpakunot ng noo ko.
Bakit siya naririto?
"Ang lahat ng sagot ay nasa gitna ng labyrinth na ito," anito bago biglang nawala. Tumahimik ang paligid kaya mas tinalasan ko ang aking pakiramdam. Minutes had been passed pero wala namang nangyayari kaya umayos na ako ng tayo at nagdesisyong ipagpatuloy ang paglalakad.
Questions are playing in my head. Naglalaro ang mga tanong sa aking utak kung paano, bakit at ano ang ginagawa niya sa lugar na ito? Is he also an Alpha? What the heck? I thought he was just my ordinary member!
Francis, what are you doing here? Damn! I am so fucking frustrated!
But those questions have gone when I finally reached the end of this labyrinth. The luminous thing I saw earlier is a book! Ang librong iyon ay nakalutang at lumiliwanag.
Nagulat ako nang unti-unti ay nararamdaman ko ang paglabas ng espada sa aking katawan. Parang hinihila ng librong iyon ang espada patungo sa kinalulugaran nito.
Hinayaan kong mapapunta ang espada ko sa kung nasaan ang libro at nang magsama ang dalawa ay mas lalo itong lumiwanag dahil parehas na sila ngayon na nagliliwanag.
The book and my sword floated in the air and sway like it's dancing. Umiikot ang dalawang bagay na iyon bago unti-unti ay palapit sa isa't isa na parang magsasama.
I tried to walk towards the two things but I cannot move my feet. It feels like, I'm stuck.
"Shit," I cursed nang magsimula ng lumiyab ang dalawa dahil sa pagsasamang nagaganap. Patuloy ang pag-aapoy nito at patuloy din ang ginagawa kong pag-ibo sa kinatatayuan ko. Fck! What the hell is happening to me? It's not fcking funny!
Mas lumakas ang apoy at unti-unti ay nakakaramdam ako ng pagkaantok. I tried to resist the drowsiness but my body can't take it anymore.
And before I realized everything, my eyes shut down.