CHAPTER ONE
MALAKAS AKONG pumalakpak habang umaakyat sa stage ang best friend ko para kunin ang kanyang dimplona. Hindi ko napigilan ang maging emosiyonal dahil isa ako sa mga saksi sa mga paghihirap niya makatapos lang mula sa pag-aaral. Naging sandalan niya ako sa oras ng kahirapan, taga punas ng mga luha niya, naging pahingaan at pinapatawa siya.
Erina Chaves, our soon-to-be accountant and my one and only best friend kaya minsan sinispoil ko yan. She’s the only one I have right now and I don’t want to lose her. My parents are still alive but I’m not close to them, not living with them anymore. Nakatira ako sa isang condominium na bigay sa akin ng ama ko nung kinuha niya ako mula sa pangangalaga ni mama.
Hindi lang naman ako ang nandito na siyang sumusuporta sa kanya, bukod sa mga magulang niya ay nasa tabi ko rin ang tatlo pa niyang mga kaibigan na naging kaibigan ko rin.
I gave her two thumbs up as her eyes landed on mine and mouthed 'congratulations.'
She mouthed 'thank you' too at nagflying kiss pa.
Sa aming lima ay ako na lang ang hindi pa nakakapag graduate, I stop for a year because I lack from my financial support but now that I am in my father's custody, I don't need to worry about my tuition fee anymore. Hindi kasi kayang iafford ni mama ang gastusin ko noon, mahal kasi kapag university lalo na’t mahal pa ang kursong kinuha ko. Hindi mataas ang sahod ni mama sa kanyang trabaho kaya wala akong ibang pagpipilian noon kundi ang magtrabaho para makatulong sa gastusin at magtiis ng gutom para lang hindi makapaglabas ng pera pero iba na ang buhay ko ngayon. I’m living like a princess, hindina ako namroroblema sa pera, hindi an rin nagugutom at mas lalo pang nakapag focus sa pag-aaral. Nagmamay-ari kasi ng isang kompanya ang ama ko.
Nang matapos ang seremonya ay agad naming nilapitan si Erina na maiyak-iyak habang hawak ang kanyang diploma. Matapos makapag papicture kasama ang pamilya ay kami naman ang sumunod, naka ilang take kami nung magsimulang humagulhol si Erina.
"Wala namang ganyanan, nung grumaduate ako last week hindi naman ako umiyak--aray!"
Maya hit Spencer using the empty bottle. "Babae kami kaya normal lang na maging emosiyonal."
"Babae rin naman ako ah,"
"Mangarap ka!" Me, Erina, Hazel and Maya said in chorus and stuck our tongue out.
Ngumuso siya at padabog na umalis pero bumalik din naman nung hindi namin sinuyo. Napailing na lang ako sa kadramahan niya sa buhay.
Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay nagkaayayan silang pumunta ng bar mamayang gabi. Nung tinanong nila ako kung pupunta ba ako ay agad akong tumanggi. I'm not a girl who's into a party and I prefer to be in my unit tonight, reading my books.
As I expected, I heard mixed complaints from them that leads me to shake my head.
"Such a killjoy."
"What kind of boring life you have Yasmin."
"I pity you."
"Hindi boring ang buhay ko noh, ang saya kaya." Ang sayang magpakabaliw sa pag-aaral pero at least, hindi sa maling tao. "Sige na, may gagawin pa ako eh."
"Hindi ka manlang sasama sa amin na kumain ng lunch?" malungkot na tanong ni Erina.
Niyakap ko siya. "Libre na lang kita bukas."
Humakbang ako paatras at kinawayan sila bago tumalikod. Tinawag pa nila ang pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon. Baka masira pa nila ang plano ko ngayong araw, lalo na ni Erina. Masiyado akong marupok sa isang yun. Hindi ko siya magawang matiis lalo na kapag nagpupumilit talaga siya.
Buong araw lang akong nasa condo, gumawa ng mga requirements at nagreview. Gabi na at nagbabasa ako ng libro nang tumunog ang cellphone ko, ibinaba ko ang highlighter na hawak at napanguso nang makita ang pangalan ni Maya.
Nang sagutin ko ang tawag niya ay ang ingay sa bar ang una kong narinig at ang malakas na tawa ni Spencer.
Kanina pa nila ako pinipilit na humabol sa kanila at ilang beses ko na ring sinabi na ayoko. Masaya na naman sila kaya hindi na nila ako kailangan doon at ano naman ang gagawin ko sa lugar na yun? Tiyak na tatahimik lang ako sa upuan.
("Yas--" )
"It's a no, Maya."
At pinatay ko ang tawag. Nagpatuloy ako sa ginagawa nang sunod-sunod na nila akong tinawagan. Ang panghuli ay si Erina.
Napipilitan kong sinagot iyon.
("Ang kj talaga. Sumunod na ka na rito,") pamimilit niya at bakas sa kanyang boses na lasing na siya.
"May ginagawa nga ako--"
("Bawal bang bukas mo na lang gawin yan? Sige na, graduation ko kaya ngayon. Kaibigan kita di ba? Kaya pumunta ka rito,") she demanded.
"Sorry but I won't," then I ended the call without saying a goodbye. I laugh imagining Erina throwing tantrums as of this moment. Lagi naman siyang ganun kapag tinatanggihan.
Dahil nabulabog na nila ako at nagsisimulang mawalan ng ganang magbasa ay napagdesisyunan ko na lang ang lumabas. It's still 9 pm and I'm sure stalls are still open at this hour. Hindi ko na pinalitan pa ang suot kong pajama at tinapalan na lang ng jacket ang sando. Kinuha ang wallet staka umalis ng condo.
Naghahanap ako nang makakainan at napadpad ako sa 7/11. Habang pumipili ng makakain ay bigla na lang akong nabunggo sa isang lalake kadahilanan na mahulog ko ang mga chichirya na hawak.
"Sorry," hingi niya ng paumanhin.
Mabilis akong sumukot at pinulot ang mga chichirya at tumulong naman siya. Nung matapos ay sabay pa kaming tumayo at inabot iyon sa akin.
Nag-angat ako ng tingin at saglit akong natigilan sa kaguwapuhan niyang taglay.
He's wearing a grey round neck shirt and black pants. His muscles and abs are bit visible even it is covered, you can see how masculine he is. His hair is in dishevelled, thick eyebrows, long lashes, dark color of eyes, pointed nose and kissable lips. His jaws are well carve and he look so handsome.
Pero hindi naman ako marupok sa mga guwapo hindi rin ako natagalan sa pagiging tulala. Ako ang pumutol sa titigan namin at tumikhim. Kinuha ko sa kanya ang mga napulot niyang chichirya.
"Sorry," he apologize.
I give him a small smile. "It's okay. Hindi rin naman ako tumitingin sa dinadaanan ko."
I excuse myself to leave and didn't turn back.
Bago pumunta sa counter ay bumili na rin ako ng hotdog with bun staka noodles. Nang matapos magbayad ay naupo ako sa isa sa mga lamesa na nasa labas.
Masarap kasing kumain sa labas dahil malamig ang simoy ng hangin, ang tahimik din ng paligid at tanging mga pagdaan lang ng sasakyan ang iyong mga maririnig.
Di naman nagtagal ay napansin kong umupo yung lalaking nakabungguan ko kanina sa katabing lamesa at magkatapat kami sa isa't-isa.
Nagkatinginan kaming dalawa at ako ang unang bumaba ng mga mata.
I received a text from my best friend.
Erina:
Hoy! Why are you not answering my texts? Walang prepaid? Mayaman ang ama mo di ba? Humingi ka ng pera.
Mahina akong natawa. Habang bumibili kasi ay panay ang text niya sa akin na hindi ko naman pinapansin.
Napagdesisyunan kong replayan na lang siya. Kawawa naman kasi.
Me:
As you can see, nag-aaral po ako. Pasalamat ka kasi ikaw graduated na.
I lie.
Erina:
Wow. Edi sorry kung graduate na ako. Ano ang gusto mo? Bumalik ulit ng fourt year college para masamahan ka?
Me:
That's a good idea. Sige ba.
Bahayang umalog ang balikat ko sa pagtawa dahil tiyak na nagtataray na ito ngayon pero napatigil din nang mapansing nakatingin sa akin yung katapat kong lalake.
Tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo.
I continued texting Erina to divert my attention and act like I'm not being suspicious because the guy still staring me.
Gusto ko siyang komprontahin sa kung ano ang kailan niya pero pinigilan ko ang sarili.
Iniisip ko na lang na baka nagagandahan siya sa akin. Maganda rin naman kasi ako, hindi naman sa pagmamayabang pero kasi iyon ang totoo. Marami ang nagsasabi sa akin nun.
Erina:
Pupuntahan na lang kita riyan sa unit mo.
Napaubo ako nang mabasa ang mensahe ni Erina.
Hindi ko tinuloy ang pagsubo ng noodles at nagmamadaling umalis.
Hindi puwedeng pumunta si Erina sa unit ko. Tiyak na masasaktan siya.
Tumakbo ako pabalik ng condominium habang sinusubukang tawagan ang bff ko.
"Nasaan ka ngayon?" hinihingal kong tanong nang sagutin niya ang tawag. Agad akong sumakay ng elevator nang bumukas iyon.
["I'm on my way.” ]
Sh*t. I curse inside my head.
"Are you out of your mind? Nakainom---"
["Hindi pa naman ako lasing.]
"Kahit na!" I hissed.
Malilintikan talaga sa akin ang babaeng ito. Ilang beses ko na siyang pinagsasabihan na huwag magmaneho kapag lasing pero ang kulit.
Agad akong pumili sa cabinet nang susuotin ko ngayong gabi nang makarating sa unit.
I have no choice but to go in the bar and have fun with them. Ayokong magtagal pa siya o makaakyat lang naman sa building dahil baka kung ano pa ang makita niya.
Masaya ang araw na 'to para sa kanya kaya ayaw kong masira iyon.
"Hintayin mo na lang ako sa labas ng building. Pupunta na ako sa bar... nagbibihis na. Sa baba ka lang, okay?"
Nakahinga ako nang maluwag nung magsalita siya ng 'oo.' Ibinaba ko na ang tawag at nagbihis na ng damit.
Nakabusangot ako habang naghihintay sa kanya sa labas. I'm wearing a magenta, fitted off shoulder dress. Showing my curves and how bless I am with my breast. Di naman yun malaki, tama lang naman. Tinapalan ko rin iyon ng denim na jacket dahil malamig sa labas at nakasuot din ako ng black three inches heels.
Erina's car finally arrive and she wave at me. Imbes na sa passenger seat ako umupo ay ako ang nagboluntaryo sa kanya na magmaneho.
Hindi naman siya umangal at masunuring sumunod habang malaki ang ngisi sa labi.
"Bibigay din pala, tama talaga akong gawing panakot sa'yo na pupunta ako sa unit mo."
Sinimulan kong paandarin ang makina ng sasakyan at tumulak na kami paalis.
"Bakit ba ayaw mo akong paakyatin manlang sa building? Sina Spencer, Hazel at Maya ay okay lang naman pero bakit ako hindi? Are you hiding something from me?" naghihinala niyang tanong.
Kinakabahan akong umiling. "Of course not. Ano naman ang itatago ko sa'yo?"
"Pero bakit di mo ako pinapasok?"
Agad akong nag-isip ng mairarason at nainis na lang sa sarili dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. "Basta! Huwag ka na ngang magtanong," naiinis kong sabi at nagkunwaring nakapokus ang atensiyon sa daan.
I heard her sigh. "I know you're hiding--"
"Erina!"
"Pero hindi kita pipilitin na sabihin 'yon sa akin, may tiwala ako sa'yo." Ngumiti siya ng matamis at hindi ko iyon magawang gantihan.
Inabot niya ang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga daliri. "You're my best friend Yasmin. I know keeping that secret is for my own good."
Napangiti ako. I'm glad that she understand me.
"Thank you, Erina. I will tell you once na kaya mo na."
She nodded.