Chapter 12

GF ni Zeus" Don Patricio ? Ang gara naman ng pangalan. Talagang mayayayaman sila. Ehhh nay Linda asan po yong mama ni sir zeus?" Tanong ko sa kaniya ulit dahil nahihiwagaan kasi ako bat si Zeus lang yong nandon sa mansion

"Ang Ina ni Zeus nasa america na sumama sa pangalawang asawa niya, Simula kasi nung nalaman ni Zeus na may galaw ang kaniyang ina Hindi na niya ito tinuring na ina" kwento niya ulit sa akin "teka bat ba parang enteresado kang malaman ang tungkol sa pamilya ni Zeus hija" tanong niya sa akin na may pagtataka

"Eh kasi namn nanay Linda Simula kasi matongtong ako sa mansion eh wala akong ibang makita kundi mga kasambahay at mga bodyguards niya kaya nagtataka rin ako kung bat wala yong mga magulang niya ehhh sa laki ng mansion niya ilang pamilya na ang pwedeng manirahan doon" sagot ko sa tanong niya at

Hindi pa talaga ako nakuntinto at nag tanong ulit ako

"Pero nay Linda ganun ba talaga ugali ni sir Zeus ? At saka wala ba siyang gf what ?" Ayan na tanong ko na tuloy curious lang ako Baka wala pang gf ehhh pwede ako mag apply charrrr alipin lang pala niya ako

"Ai nako hija ako ang nagpalaki sa batang yan kaya alam ko din na talagang mabait siya, at tungol naman sa Kasintahan niya kamo si Andrea bihira lang niya ipasyal sa mansion at isa pa medyo matagal tagal na rin ang relasyon nila nako kung makikita mo lang ang kasintahan ni Zeus maganda namn siya kaso nga lang nay kaartihan" sagot niya sa tanong ko Napaisip ako sa sinabi ni nay Linda na mabait na bata si Zeus pero bat parang mamamatay tao siya.

Matapos naming mamalengke at mag grocery umuwi din agad kami. Nadatnan naming si sir Zeus na may kausap sa sala na mga lalaki siguro mga katrabaho or mga kaibigan niya. Dumiritso kami ni nay Linda sa kusina para I ayos at ilagay sa mga tamang lalagyan ang mga pinamili naming. Inutusan ako ni nanay Linda na dalhan ng pagkain / meryenda/ mangangatngat yong mga bisita

"Sam hija dalhin mo ito sa sala para may makain yong mga kaibigan ni zeus doon at Hindi lang sila nakatutok sa mga gadget nila" utos sa akin ni nay Linda siya dapat ang mag dadala kaso bigla saw siyang nahilo kaya tumango na lang ako bilang sagot at ako na nga ang nag dala ng pagkain.

"Sir zeus pinapasabi po ni nay Linda ito po yong meryenda niyo " sabi ko sa mahinahong salita Baka kasi sigawan na namn ako nito.

"Just go, then" malamig na bigkas niya sa akin habang nakatitig sa akin .

Wala nang ibang sumbat at dali dali ko na rin silang iniwan at nag punta sa kusina para iligpit pa ang mga natitirang pinamili kanina.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang maramdaman Kong may bumulong sa likuran ko na siyang nagpatayo sa balahibo ko sa takot

"Go to the guest room, hintayin mo ko don , wag kang lalabas" bulong ni zeus sa akin na parang boses ng panganib at agad na naglakad papunta sa sala kung saan andoon mga kaibigan niya. jusko mukang may kasalanan na namn ata ako.