CHAPTER 3

[ ALEXA ]

"Samahan na kitang kumuha ng uniform mo."

Napalingon ako habang naglalakad, kakatapos ko lang kumain at sobrang busog na busog ako. Naubos ko lahat ng pagkain kaya dahan-dahan lang akong naglalakad.

"Ok," sagot ko lang si justin pala.

Magkasabay na naglalakad kami at pansin ko lahat napapalingon at napapahinto ang mga nasasalubong namin.

"Huwag mo na lang pansinin nagtataka lang sila may kasama akong babae maglakad." Nakangiting mahinang sabi niya.

"Sus, ok gwapo ka naman." Sagot ko lang at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Siya nga pala kung may mga tanong o nais mo malaman, magtanong ka lang sa akin."

"May girlfriend ka na ba?" Tanong ko sa kanya at bahagyang nagulat siya. "Ok, sana pala hindi na ako nagtanong kahit alam ko namang wala." sabi ko pa.

"Paano mong nalaman? Halata ba sa akin na hindi pa ako nagkakaroon ng crush o girlfriend?" Nakangusong sabi niya.

"Alam mo ang ganda pala talaga dito at kailangan kong pahalagahan ang bawat oras. Tama ba? Sandali saan ba ang daan?" Humintong tanong ko at balak ko sana pumuhit paharap kay Justin, ngunit natigilan ako dahil itong gwapong mayabang na naman ang nakita ko.

"Ikaw pala, Cross."

Cross pala name niya, ok bagay na bagay.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko at saglit ko lang sinulyapa si Cross at naglakad ako. "Humangin kasi bigla naramdaman mo ba?" Lingon ko na tanong ko kay Justin.

"Ha? Wala naman akong naramdaman." Takang sagot ni Justin, naglakad naman ng dire-diretso 'yung Cross.

Hays! Kahit nakakainis siya bakit ang cool niya pala lalo dahil sa biglang alis niya. Nakakainis.

"Siya si Cross, kaklase natin siya. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo iwasan mo siya dahil magugulo lang buhay mo. Tahimik lang 'yan pero kapag 'yan gumawa ng aksyon, siguradong hindi mo magugustuhan."

Natahimik ako habang naiisip ang sinabi ni, Justin.

"Ok lang sanay na ako sa gulo, huwag lang nila akong guguluhin." Sagot ko lang at nagpatuloy kami maglakad.

"Nandito na tayo."

Nakatingin ako sa sinabi ni Justin, may nakasulat sa itaas ng shop na 'yon. Yung pangalan ng school, yung style niya parang pang sinaunang panahon, pero hinaluan ng makabagong desinyo. Salamin ang bintana at ang pinton tulad sa mga napapanood ko na kapag pumasok ka tumutunog.

Pagpasok namin sa loob grabe ang ganda, para akong nasa isang mamahalin na shop na damit. Mga nakalagay sa cabinet na may salamin ang bawat uniform. Pati ang mga sapatos maayos na nakahilera, may brown na sopa na mukhang ang lalambot.

"Uniform para kay, Ms. Braganza." Wika ni, Justin.

"Sandali lang po kukunin ko." Sabi ng babae na naka-uniform na kulay pink na may line na brown.

"Narito po limang pares po iyan at ito naman po ang sapatos." Abot ng babae kay Justin.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang dalawang paper bag, sinilip ko laman no'n. Ang ganda ng uniform, hindi ko gaano napansin ang suot ng iba kanina dahil maraming magulo sa pagpasok ko kanina.

Parang pang-korean lang ang peg ng uniform, above the knee ang palda na kulay dark blue. Kulay blue rin ang pang itaas na long sleeve at puti ang loob, may neck tie na kulay maroon at may logo sa kaliwang dibdib. Yung sapatos ang ganda at parang sa tingin ko lang kasya na ito sa akin, may mahaba na medyas at maikli. May name tag rin na nasa gilid.

"Expensive ang uniform na 'yan ngunit maganda."

Nilingon ko si Justin, tumatango ako pero napalingon ako sa biglang pumasok. Yung isang lalaki na una kong nakita na sinira agad ang araw ko.

"Isang set." Maangas na sabi nito at sinulayapan ako sabay ngisi.

"Tara na, pumanget ang pakiramdam ko dito." Aya ko kay, Justin.

"Talagang new student ka pala dito, kung ganun welcome." Nakangising sabi niya sa akin.

"Salamat." Ngising demonyo na sagot ko rin at naglakad na ako papunta sa pinto.

"Nakilala mo na pala si, Drake."

"Drake pala ang gago na 'yon, salamat at sinabi mo ang name niya." Nakangiting sabi ko.

"Mas lalong iwasan mo si, Drake." Mat pag-aalala sa mukhang sabi ni, Justin.

"Ano ka ba relax, ok?" Natatawang sabi ko at nakakita ako ng c. r.

"Pahawak muna magpapalit na ako ng uniform, excited na akong isuot 'to." Nakangiting binigay ko ang paper sa kanya.

"S-sige."

Nagtuloy-tuloy na ako sa loob at wala namang tao sa loob kaya dali-dali na akong nagpalit. Mabilisan ang kilos at matapos 'yon humarap ako sa salamin, nilugay ko ang buhok ko na natural na straight.

"Magmake-up pa ba ako? Siguro pulbo at manipis na lipstick lang." Wika ko at naglagay nga ako.

Ngiting-ngiti ako dahil sa nakikita ko sa salamin, hindi mo aakalain na ang dating eskwater area, ngayon ay nakasuot ng mamahalin na uniform at nag-aaaral sa magandang eskwelahan.

Ok na 'to hindi kailangan super ganda dahila mas maganda pa rin ang natural lang.

May nagpasukan na dalawang babae at kapwa natigilan ng makita ako. Hindi ko sila pinansin at naglakad na ako.

"Ang ganda naman niya."

"Oo nga."

Napangiti lang ako sa narinig ako bag ako makalabas ng pinto.

"Akin salamat sa paghawak, mamaya treat kita ng lunch." Nakangiting sabi ko pero tulala itong si Justin.

"Ha? O-oo, tara na." Iling niyang sabi.

Hindi ko na siya pinansin naglakad na kaming dalawa.

"Sino yang kasama ni, Justin?"

"OMG! Girlfriend kaya niya?"

"Ang ganda niya new student?"

Mga naririnig ko habang naglalakad kami sa corridor.

"Yung mga makakasama mo tulad mo ay galing sa mayayamang pamilya. Tayo sa section natin ang star ng school na 'to. Kahit walang alam sa klase kasama, matalino at walang alam ang magkakasama sa klase natin."

"Ganun ba? Ang cool pala ng section natin, mas mag-eenjoy ata ako dito." Masayang sabi ko.

"Masaya ka talaga?"

"Oo naman, kaya tara na dali!" Nagmamadali ang bawat hakbang ko at may mga nadaanan kami na mga room na may mga studyante na sa loob.

Mga naglabasan sila sa pinto at ang iba naman ay nasa bintana nakasilip.

"Siya ba 'yung babae kanina na nakita natin?"

"Hindi napakalayo tingnan mo naman ang ganda niya."

Nilingon ko yung dalawang babae na nag-uusap at walang iba kung hindi 'yung pinagkamalan akong janitress. Lumakad ako palapit sa kanila at nanlalaki ang mga mata nila.

"Mukhang may makakalaban na si Stella at Dianne."

Hindi ko pinansin ang sinabi ng isang babae.

"Anong balak mo?" Sunod sa akin ni Justin.

"Wala naman gusto ko lang magpakilala." Ngising sabi ko at nasa tapat na nga ako nitong dalawang babae.

"Sino kaya 'yan?"

"Hi, miss. Can i know your name-"

"Tumabi ka nga diyan." Hawi ko sa kamay nitong piling pogi na lalaki na ang lakas magpakilala sa akin. Nagtawanan naman ang iba.

"Hi, Alexa Braganza nga pala." Matamis ang ngiting lahad ng kamay ko sa dalawang 'to na napangnga.

"H-ha? A-Alexa B-Braganza ba ka-kamo?" Namimilog ang matang wika nitong kulot ang buhok.

Tumango ako ng nakangiti at dahan-dahan nilang inabot ang kamay ko na nanginginig. Pero kaagad na binawi ko ang kamay ko.

"Nangalay na ako." Sabi ko at tumalikod na ako.

"Braganza?"

"Braganza, meaning magkapatid sila ni, Stella?"

"Woah!"

"Paanong nagkaroon pa ng kapatid si, Stella?"

"Anak sa labas ganun."

Hind ko na pinansin ang mga sinabi nila pumasok na ako sa loob ng room namin. Lahat napalingon sa akin kaya bahagyang nagulat ako pero, nagkibit balikat ako at dire-diretsong pumasok sa loob, naghanap ang mata ko ng bakante na upuan.

May nakita ako banda sa pangalawang hanay sa kaliwa, pinatong ko na ang bag ko.

"Humanap ka ng ibang upuan."

Napalingon ako sa gilid ko dahil sa nagsalita, napangisi ako dahil si Cross pala.

"Kung ayaw ko?" Matapang na sagot ko at tingnan niya ako ng maigi. "Bakit ayaw mo akong makita?" Natatawang sabi ko.

"Ok class, good morning sa inyong lahat."

Nag-upuan bigla ang lahat at natuwa ako dahil wala ng magagawa si Cross, lumibot ang mata ko sa paligid. Hanggang sa makita ko si Stella, nakatingin siya sa akin pero agad na inalis ang tingin niya sa akin.

Grabe ang cool ng mga tao dito.

"Bago ang lahat gusto ko lang ipakilala ang bago-"

"Aa, sir. Ako ng bahala," nakangiting sabi ko agad at sabay tayo. "Hi, Alexa Braganza." pakilala ko at sabay upo.

"O-ok," tanging nasabi ni teacher.

"Wow, ang cool mo naman."

Napangiti ako dito sa babae na nagsabi na ang cool ko daw, ang cute pa niya ang ganda ng pisngi niya medyo maumbok.

"Thanks." Sagot ko lang sabay hawi sa buhok ko.

"Kapatid mo siya, Stella?"

Nadinig kong may nagtanong mula sa unang row.

"May kapatid pa pala si Stella, ang ganda naman." Sabi naman ng isang lalaki.

"Hindi naman maganda." Dinig kong salita sa likuran ko.

Nilingon ko sa likod yung nagsalita, magandang babae. Curly ang bawat gilid ng buhok niya at mahaba ito, pero itsura pa lang mataray na.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at umayos na ang upo, narinig ko pa ang bulong niya. Napatingin naman ako sa gilid ko, si  Cross seryoso na nagsusulat.

Hays! Pati kamay niya ang ganda ang kinis halatang hindi nakakaranas maglaba at maghugas ng pinggan.