Alexa and Cross (Carmella High School)

Alexa and Cross (Carmella High School)

By: BM_BLACK301

4.3K
views
21
Chapters
Ongoing
Status

Alexa and Cross (Carmella High School) is an ongoing young adult novel by BM_BLACK301 with 21 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added February 11, 2023.

Synopsis

Si Alexa, anak sa labas ng isang bilyonaryo. Kinuha siya ngayon ng kaniyang tunay na ama at dinala sa mansyon kung saan ay makakasama niya si Stella, ang ampon ng kaniyang ama at ang mama nito na kinakasama ng kaniyang ama. Kahit dama ni Alexa na hindi siya welcome sa bahay ng kaniyang ama dahil sa mag-ina na Stella at Luisa, balewala iyon kay Alexa, dahil sa isip niya mas may karapatan siya.

Papasukin rin ni Alexa ang school kung saan naroon ang lahat ng klase ng tao, mayaman at mahirap ngunit mas marami ang mayayamang nag-aaral doon sa Carmella High School. Magkakagulo dahil sa pagdating ni Alexa, may maiinis at matutuwa sa kanya. Pero isang lalaki ang nakabihag sa puso ni Alexa, si Cross ang pinakagwapong lalaki na yata na nakita niya at kahit ang cold nito sa lahat ay nagawang mapalapit ni Alexa kay Cross, na hindi nagustuhan ng iba lalo na si, Stella.

Sundan ang nakakatuwa at nakakainis, nakakaiyak at nakakalig na magiging buhay ni Alexa bilang nag-iisang anak ng Braganza Family. Sabay sabay tayong ma-Inlove ulit 😍

Read the first chapter

Chapter 1

AN: Hello guys! Pasensya na sa matagal na pagkawala at pananahimik. Busy si author maghanap ng pera charr! 😅 pero i miss you all guys! Kaya naman ito ang regalo ko sa mga readers ko, bagong magpapa-inlove sa inyong lahat. ❤

One note: Old story po ito nasa draft ko lang kaya maraming error dito saka ako yung author na tamad mag-edit 😅 sorry na agad pa-kiss isa 😘

___________

_______

[ ALEXA ]

"Ok na ang transfer mo sa new school at sana'y mag-enjoy ka doon. I'm sure naman dahil sigurado akong marami kang magiging kaibigan."

"Hindi ako interesado." Tipid na sagot ko at binitiwan ko na ang kutsura dahil ayoko ng kumain.

"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?"

Tiningnan ko lang siya at walang iba kung hindi ang ama ko raw, kasi nga seventeen na ako ngayon at ngayon ko lang rin nalaman siya pala ang tatay ko.

"Masarap, napakasarap nga lahat." Sabi ko at nilingon ko ang napakaramaing pagkain sa lamesa, pero nahinto ang mata ko dahil sa dalawang babae na kasalo namin ngayon dito.

"Mabuti naman kung ganun, kung mayroon ka pang gustong kainin magsabi ka lang."

"Hon, napakarami na ito at isa pa parang wala naman siyang ganang kumain."

Napaangat ang kilay ko dahil sa pag-epal nitong babae na 'to, kahapon pa silang mag-ina sa akin inis na inis na talaga ako sa kanila.

"It's ok." Sagot ni papa.

"Ngayon lang ako nakakita at nakakain ng ganyang karaming pagkain kaya hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Siguro kung matagal mo na akong kinuha malamang sawa na ako sa ganyan."

"Gumalang ka naman sa ama mo."

Nilingon ko itong si Luisa, hindi naman sila legal na mag-asawa ni papa pero kung umasta real wife.

"Tama na 'yan, Stella. Sabay na kayo ni Alexa sa pagpasok-"

"Hindi na kaya kong mag-isa at isa pa mukhang hindi naman niya feel na makasama ako at ganun rin naman ako." Sagot ko at tumalikod na ako dala ang bag ko nakita ko pa ang pagkainis sa mukha ni, Stella.

"Aba't ang basto-"

"Tama na 'yan hayaan mo na siya."

Dinig ko pa na usapan nila pero hindi na ako nagabala pa na huminto, nagpatuloy ako maglakad. Tinali ko ang buhok ko paitaas at nilagay ang headset sa magkabilaang tenga ko. Dire-diretso ako palabas ng bahay at napahinto ako dahil may kotse sa labas na parang may hininhintay at may lalaki rin sa gilid.

"Maam, good morning po. Ako si Ramon, ang magiging driver niyo po sa tuwing papasok kayo sa school." Nakangiting pakilala niya sa akin, nadinig ko dahil hindi ko pa napatugtog ang sound ko.

"Ok," sagot ko lang at pinagbuksan niya ako ng pinto doon banda sa likuran.

Ang sarap sa loob ang lambot at ang bango ang lamig rin, kumportable ako habang nakaupo. Ganito pala kapag mayaman ka at ngayon ko lang naranasan 'to, kung hindi pa namatay si mama hindi ako kukunin ng tatay ko na 'yon.

Hinayaan niya kami maghirap at magkasakit ang mama ko pagkatapos niya galawin at pagsawaan si mama. Kaya ngayon, gagawin ko lahat ng gusto at mga kulang mo sa akin simula ng pinganak ako.

Una, nagalit talaga ako pero sa huli ay naisip ko na wala na akong ibang mapupuntahan at isa pa. Matitikman ko ang magandang buhay pero hindi mawawala ang galit ko sa ama ko dahil sa ginawa niya. Ngayon gagawin ko ang lahat ng gusto ko at wala akong pakialam lalo na sa mag-inang Luisa at Stella.

"Ma'am nandito na po tayo."

Natigilan ako at napalingon hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Sumilip ako sa bintana, marami ang nagbabaan na mga naka-uniform sa mga kotse at may ilang rin na naglalakad lang.

More by BM_BLACK301

View all

You may also like

Young Adult

Sign in to join the discussion