Chapter 4

[ STELLA ]

Kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Alexa, iniisip ko baka mamaya kung anu-ano ang gawin niya dito. Pagpasok nga niya dito sa loob ng room, kayabangan agad ang pinakita niya. Hindi na ako magtataka dahil laki siya sa magulong lugar.

Napabuntong hininga ako dahil lahat ngayon alam na may kapatid ako na tulad niya. Nakakainis lang magkakaroon na ako agad ng kaagaw pagdating kay papa.

"Hey, Stella. Seryoso kapatid mo siya? Paanong nangyari?"

Nilingon ko si Amy, ang best friend ko at saglit na nag-isip bago sumagot at isa pa nasa klase kami.

"Yes." Walang ganang sagot ko.

"So, totoo nga talaga. Hindi ba wala naman anak ang daddy mo doon sa namatay niyang asawa?"

"Can you shut up?" Pigil ang inis na sabi ko dahil ayoko na mga tanong tungkol kay, Alexa.

"Ok, relax ang init ng ulo."

Hindi ko na pinansin si Amy, nagsulat na ako pero hindi mawala sa isip ko ang mga usapin ngayon sa buong school ang pagkakaroon ko bigla ng kapatid.

"Ok class, se you tomorrow."

"Saan tayo?"

Nagliligpit ako ng gamit ko na tanong ni, Amy.

"Sa tambayan na lang." Walang ganang sagot ko.

"Stella, may kapatid ka pa lang maganda pakilala mo naman ako."

Inis na tiningnan ko si Joey ang piling gwapo at napakayabang at nakakainis na nakakulitan.

"Bakit hindi siya ang lapitan mo?" Sagot ko at sinabayan ng tayo, nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagatayo ni Alexa.

Lumabas lang siya at parang walang nakita o kilala.

"Grabe, hindi ka man lang binati? Sandali war ba kayo?" Tanong ni Amy.

Hindi ko siya nasagot kasi padaan si Cross.

"Cross, pupunta ka ba doon? Sabay na tayo." Bati ko kay Cross at humarang ako sa daraanan niya.

"Hindi." Sagot lang niya at nilampasan ako.

"Alam mo since pagbalik ni Cross dito, naging cold na siya lalo at bihira na makipag-usap." Sabi ni, Amy.

"You know naman dahil sa pagkawala ng mama niya." Sagot ko at kahit dalawang taon na ang lumipas simula ng mamatay ang mama ni Cross, dahil sa isang aksidente. Naging ganito na si Cross, umalis siya at nag-aral sa state pero isang taon matapos bumalik siya ulit dito.

"Matagal na 'yon hindi pa rin ba siya nakaka-move on? Pero sabagay kasi papa na lang ang mayroon siya dahil wala naman siyang kapatid." Malungkot na sabi ni, Amy.

"Sa cafeteria na lang tayo." Aya ko kay Amy, dahil baka nandoon si Cross.

Second year high school ako dito sa Carmella high school unang nakita ko si Cross, doon pa lang ay talagang sobrang crush at gusto ko na siya talaga. Natuwa ako dahil close ang papa ni Cross kay papa kaya nasa isip ko magiging malapit kami, pero kapag kausap niya ako saglit lang lagi siyang malayo.

Napahinto ako sa paglakad kasi si Drake nakahinto at nakapamulsang nakatingin sa akin. Gwapo rin itong si Drake, pero laging hindi kumpleto ang araw niya kung wala siyang binubully.

"Totoo pala na may kapatid ka." Sabi niya habang nakasunod maglakad sa amin ni, Amy.

"Tama ka Drake, at ang yabang grabe hindi namamansin." Inis na sabi ni, Amy.

Bigla naman tumawa si Drake kaya nagtataka na nilingon ko siya.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sa kanya at huminto siya sa pagtawa.

"Wala naman natutuwa lang ako sa kapatid mo, sa tingin niyo magkakasunod kaya kami?" Nakangiting sabi ni, Drake.

"Teka, huwag mo sabihin type mo yung kapatid ni Stella na mayabang?" Hindi makapaniwalang sabi ni, Amy.

"Hindi ko alam pero malay natin baka magustuhan ko na siya." Nakakalokong sagot ni, Drake.

Napahigpit ang hawak ko sa libro na bit-bit ko dahil sa sinabi ni, Drake. Ngayon ko lang narinig sa bibig ni Drake na interesado siya sa babae, ako kahit na maganda hindi nagustuhan ni, Drake. Marami rin nagkakagusto sa kanya kahit palagi itong nakikipag-away at nambu-bully sa mga studyante dito.

"Nababaliw ka na, Drake." may inis sa tono ng boses ni Amy.

Hindi ako nagsalita, pagpasok namin sa entrance ng cafeteria mga nagtabihan agad ang iba dahil syempre kasama namin si, Drake.

"Nakakasawa rin pala ang ganitong ginagawa ko, pakiramdam ko magkakaroon na ako ng bagong adventure."

Napaangat ang tingin ko at nakita ko na may tinitingnan si Drake, sinundan ko ang mata niya. Sa may gitna si Alexa nandoon kasama si Justin.

Si Justin, close niya na rin?

Isip ko dahil naiinis ako ngayon sa nararamdaman ko, napansin ko na malapit din doon si Cross. Wala siyang kasama sa table kaya hinatak ko si Amy. Lumapit na rin si Drake sa puwesto nila, Justin.

"Hi, dito na lang kami wala ka naman kasama." Nakangiting ani ko kay Cross, sinulyapan niya lang ako saglit pero hindi siya sumagot.

Naupo na kami ni Amy, hindi naman siya nagsabi na ayaw niya kaya umupo na kami.

"Ako na ang oorder." Paalam ni Amy, tumango lang ako.

Naiwan kaming dalawa ni Cross, umiinom siya ng ice tea habang hawak ang phone niya.

"May bakante na upuan dito na lang ako, press."

Lumingon ako sa puwesto nila Justin, nandoon si Drake at naupo.

"Ang daming bakante na upuan, dito mo talaga gusto?"

Dinig kong sagot ni Alexa, pati pagsasalita niya hindi maganda.

"Aa, Cross. Si Alexa, kapati-"

"Hindi ko tinatanong." Cold na bigkas niya.

"Ok," sagot ko lang at natahimik.

Narinig ko ang pagtawa ni Drake, ayoko na sila pansinin dahil nag-iisip ako ng puwede namin pag-usapan ni Cross.

"Siya nga pala." Natigil ako sa pagsalita dahil nakita ko na nakatingin si Cross kila, Alexa. Pero mayamaya'y inalis niya ang tingin doon at napatingin sa akin.

"Nakagawa ka na sa project natin sa science?" Tanong ko sa kanya.

"Wala pa." Muling sagot niya at sumipsip ulit ng ice tea.

"Kapag nakita ko kayo dito, lagi akong uupo sa tabi niyo. Malinaw ba press?" Litanya ni, Drake.

"Kung wala kang ibang mapag-tripan, huwag kami." Si Alexa.

Hindi ko maiwasan na hindi mapalingon kila Drake, mga nakatingin rin sa kanila ang ibang kumakain dito.

"Nakakainis pati ako kinukulit ng mga lalaki na ipakilala ko si Alexa sa kanila kasi best friend daw kita."

Napatingin ako kay Amy dahil sa sinabi niya, binaba niya yung tray may lamang snack.

"Huwag mo na lang silang pansinin." Sagot ko lang.

"Kahit na ang kukulit kaya, saka bakit napakaganda ba niya? Wala nga siyang kaayos-ayos sa sarili niya." Litanya pa ni, Amy.

Bigla naman tumayo si Cross, naglakad na ito palayo sa amin sinundan ko na lang siya tingin habang papalayo.

"Hanggang ngayon ba gusto mo pa rin si, Cross?"

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Amy, alam niya kasi na gusto ko si Cross pero nanatili akong tahimik at nililihim lang 'yon.

"Bakit kasi hindi ka umamin at hindi makita yon ni Cross, bagay nga kayong dalawa. Kaysa naman kay Dianne."

"Anong problema mo sa akin?"

"Nako po 'yung devil nandito." Mahinang bulong ni, Amy.

"Wala may pinag-uusapan lang kaming dalawa." Sagot ko dahil iniiwasan ko na makalaban si Dianne, dahil oras na patalon mo siya marami ang makakaaway mo.

"Stella, 'yang kapatid mo saan ba 'yan nangaling?"

Umupo si Dianne sa inupuan ni Cross, mabuti na lang hindi sila nag-abot ni Cross dito, dahil alam ko naman ma may gusto si Dianne kay Cross din.

"Anak siya ni papa sa ibang babae." Sagot at may naisip ako.

Napaangat ang kilay ni Dianne at lumingon kila Alexa, tumayo na sila at mukhang aalis na.

"Yes, totoo ang narinig mo. Alam kong hindi mo siya gusto na nandito kaya gawin mo ang lahat para mapaalis siya." Sabi ko at napatingin sa akin si, Amy.

"Hindi rin kita gusto, pero uunahin ko muna ang babae na 'yan." Tukoy ni Dianne kay Alexa.

Napangiti lang ako dahil sa sinabi ni Dianne, hindi ko na kailangan gumawa ng kung ano dahil gagamitin ko si Dianne para mapaalis o mapalipat ng school si, Alexa.