Chapter One Bestfriend
ISANG MALAKAS NA PAGTILI ANG pinakawalan ni Aireen nang mabasa niya ang text message sa kanya ni Gerald. Halos himatayin na siya sa sobrang kilig dahil after so many years na pagkagusto niya sa binata ay ngayon lang siya nitong niyayang lumabas!
Five 'o clock daw ng hapon, magmi-meet sila sa dating coffee shop na madalas nilang pinagtatambayan noong magbabarkada.
Super excited na nga siya, eh! Tanghali palang ay inayos na niya ang kanyang susuotin. Maski ang magiging line at actions niya ay prina-practice na rin niya.
Pero nasira ang moment niya nang makatanggap siya ng text message mula kay Ryu.
"Don't forget, may gig tayo tonight!"
Natigilan siya at dali-dali niyang tinignan ang calendar application sa cellphone niya. At ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makita niyang may gig nga pala sila ni Ryu sa isang Resto Bar sa Malate.
Isa siyang vocalist sa bandang tinatag ni Ryu. At si Ryu lang din ang loyal sa bandang iyon. Dahil kada-taon na lang ay nagpapalit sila ng member.
Ewan nga ba niya, madalang na lang ang loyal na tao ngayon.
Pinakiusapan na nga lang siya ni Ryu na pansamantalang maging bokalista sa banda nito. Maganda daw kasi ang boses niya. At dahil ang goal lang niya noon ay ang mapansin ni Gerald, tinanggap niya ang pagiging vocalist.
Mahirap ang pagbabanda.
Mahina ang pasok ng pera.
Pa-swertehan lang.
Pero kahit ganoon, umiikot ang buhay ni Ryu sa Music.
Samantalang siya, ginagawa lang niya itong sideline.
Tapos siya sa kursong Hotel and Restaurant Management o HRM. Pero naisipan pa niyang mag-aral ng culinary. Dahil alam niya balang-araw, isa siya sa magmamana ng restaurant na pinalalakad ngayon ng kanyang Daddy.
Gusto rin niyang maging isang Chef katulad nito. Kaya hindi niya masyadong sineseryoso ang pagbabanda. Hindi katulad ni Ryu, halos itaya na nito ang buhay para sa musika.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang muli siyang nakatanggap ng text message mula kay Ryu.
"Magkita tayo ng seven for rehersial!"
"Wwwwwhhhhaaatt?" nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang kanyang bibig sa pagkabigla.
Gusto niyang ibato ang kanyang cellphone sa pagkainis.
Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kanyang kuwarto. Hindi pwedeng isawalang bahala ang text message ni Ryu, pero lalong hindi naman pwedeng balewalahin niya ang text message ni Gerald.
Once in the blue moon lang mangyayari na yayain siya ni Gerald na makipagmeet.
She need to choose.
Gerald or Ryu?
Bestfriend or lovelife?
Okey, final answer - lovelife!
Kahit harangin pa siya ng sibat ni Ryu, walang makakapigil sa kanya sa hangarin niyang magka-lovelife ngayong taon! Twenty-three na siya, hello! Gusto rin niyang maranasan ang magka-jowa!
Pero kilala niya si Ryu. Alam niyang basta pagdating sa pinakamamahal nitong banda, hindi ito basta-basta matitinag. Kaya naman, kailangan lang niya ng konting lambing para payagan siya nitong hindi umattend ng gig mamayang gabi.
Ang solusyon?
Ang paborito nitong lasagna! Ipagbi-bake niya ito. Alam niyang kahinaan ni Ryu ang pagkaing iyon!
Ngayon palang ay magse-celebrate na siya ng kanyang tagumpay!
Patapos na siya sa kanyang niluluto nang dumating sa kanilang kusina ang kasambahay nilang si Ate Ging.
"Wow, ang bango ah! Patikim, 'dhay!" Saka mabilis na kumuha ng kutsara si Ate Ging. Aktong sasandok na ito ng lasagna nang mabilis niya iyong inilag.
"Hindi 'to para sa'yo," aniya.
"Tsk..." react nito saka padabog na nilapag ang kutsara sa lamesa, "... H'wag mong sabihing kay Ryulito na naman 'yan?"
Bahagya siyang natawa.
'Ryulito' kasi ang real name ni Ryu. Iyan din ang tinatawag nilang lahat sa binata para asarin ito.
"Nand'yan kaya siya?" tanong niya kay Ate Ging.
"Malay ko...." napakibit-balikat ito, "... Pero parang nakita ko 'yung kotse niya kani-kanina lang."
"Okey, sige!" binalot niya ang kanyang niluto, "Titignan ko na lang!"
Tumango na lang si Ate Ging.
Nakangiting lumabas na siya ng bahay.
Matagal nang magkaibigan ang pamilya niya at pamilya ni Ryu. At sa sobrang close ng kanilang mga magulang ay sa iisang village lang din sila nakatira at magkatapat pa ang kanilang mga bahay. Kaya isang kembot lang niya, narating na niya ang bahay ng mga Martinez.
Bitbit ang lasagna'ng kanyang niluto, pumasok na siya sa loob ng bakuran na hindi naman lang siya nag-aksaya ng pagod na pindutin ang doorbell o tumawag man lang ng 'Tao po!'
Welcome na siya sa Pamilya Martinez dahil halos dito na siya lumaki. Ito na rin ang tinuturing niyang ikalawang tahanan. Sa katunayan, kapag nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang Mommy ay sa bahay na ito siya tumatakbo.
May kalakihan ang bahay ng mga Martinez. May malawak na hardin ang mga ito na halos mga rosas at orchids ang mga nakatanim, dahil iyon ang paboritong bulaklak ni Ninang Annie, ang mother ni Ryu.
May garahe rin ang mga ito kung saan naman nakaparada doon ang dalawang kotseng pagmamay-ari nila Ryu at ng asawa ni Ninang Annie na si Ninong Vicente.
Mayroon din itong katulong, si Manang Choleng. Kuwarenta-anyos na matandang dalaga, at binuhos na lamang ang buhay sa pagsisilbi sa pamilyang ito.
"Manang... Manang..." habol niya kay Manang Choleng nang maabutan niya itong nasa bakuran ng mga oras na iyon, "... Si Ninang?" tanong niya.
"Wala, eh..." tugon naman ni Manang Choleng, "... may inasikaso sa Makati, baka mamayang gabi ang uwi."
"Eh, si Ryu po? Nand'yan na?"
"Dumiretso sa kuwarto niya..." tugon muli nito, "... sige, puntahan mo lang 'dun. Mukha kasing importante 'yang sasabihin mo sa kanya."
"Sige po, salamat!" aniya saka dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay.
Pinapayagan naman siya ni Manang Choleng na pumasok roon. Kahit na ilang beses na siyang pinagsasabihan ng kanyang Mommy na hindi iyon magandang asal lalo na't kapwa na silang nagma-matured ni Ryu. Pero sadyang may katigasan ang ulo niya, eh! Heto nga't nagmamadali pa siyang umakyat ng hagdanan.
At nang marating na niya ang kuwarto ng binata ay kaagad niyang pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto.
"Ryu-"
Pero bigla rin siyang natigilan nang maabutan niyang nagbibihis ang binata at bumungad sa kanyang paningin ang hubo't hubad nitong katawan. Halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa sobrang pagkagulat.
"Get out!" singhal ni Ryu habang hindi nito alam kung papaano itatago ang buong katawan sa gilid ng kama.
"O-okey! Okey!" natataranta niyang sabi saka dali-dali na siyang lumabas ng kuwarto at sinara ang pinto.
Nang tuluyan na siyang nakalabas ay napasandal na lang siya sa pintuan. At saka na rin niya kinapa ang kanyang dibdib kung saan ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagkabog nito. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagtakbo niya kanina, o dahil sa nakita ng dalawa niyang mata?
"Pero infainess, medyo nag-improve ang pangangatawan ng lalaking iyon, huh!" pilyang bulong niya habang pinapaypayan niya ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay parang biglang uminit.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang bumukas muli ang pintuan, at dahil sa nakasandal siya roon ay bigla na lang siyang napaliyad. Muli siyang napatili dahil akala niya ay babagsak siya sa sahig pero laking-gulat niya nang may mga bisig na sumalo sa kanya. At nang nag-angat siya ng tingin ay bumungad sa kanya ang nakasimangot na mukha ng binata.
Napatayo na siya at inayos ang sarili. Nakaramdam din siya ng pangingilag rito. Kaya naman, bahagya siyang tumabi sa gilid para bigyan ito ng daan. Pero nilagpasan lang siya nito.
Ang buong akala ba nito na susuko lang siya sa ganoong kadali? Siya na hindi kayang magpatalo?
Sinundan niya si Ryu kahit saan man ito pumunta. Sa sala, sa dining area, maski sa dirty kitchen kung saan naabutan nila si Manang Choleng na naghihiwa na roon ng patatas.
Hindi pa rin siya sumusuko sa pagsunod, hanggang sa pagkuha nito ng tubig sa refrigerator, at pagkuha nito ng baso.
"Ano bang kailangan mo?" naiirita nang tanong sa kanya ni Ryu matapos nitong uminom ng tubig.
"Lasagna para sa'yo..." malambing niyang inabot ang isang Tupperware kung saan naroroon ang niluto niyang lasagna. At halos umabot hanggang tainga ang ngiti niya nang kinuha naman iyon ng binata.
"May kailangan ka nga!" kumpirmadong sabi nito saka inilapag ang pagkain sa ibabaw ng lamesa.
"Grabe naman..." napasimangot siya, "... Porket pinag-bake ka ng lasagna, may kailangan na ako sa'yo? Hindi ba p'wede na gusto lang kitang bigyan n'yan?"
"Eh di, thank you!" anito saka umaktong tatalikuran na siya.
"Wait! Wait!" pigil niya sabay ang pagkapit sa braso nito, "May ire-request lang ako sa'yo!"
"Sabi na nga..." isang marahas na hininga ang pinakawalan nito, "... Kilalang-kilala na kita, Marie Aileen Salazar. Halos twenty years na tayong magkasama kaya kahit ang hininga mo, kilalang-kilala ko na."
"O s'ya, sige!" pagsuko na niya, "Kilalang-kilala mo na ako. May hihilingin lang sana ako sa'yo!"
Tumaas ang isang kilay nito.
"Pwede ba..." napalunok siya. Kahit naman close sila ng lalaking ito, hindi pa rin niya maitago ang kaba kapag tungkol sa banda na ang sasabihin niya.
"What?" pagkainip nito.
"Pwede ba akong hindi sumama sa Gig mamaya?" mabilis niyang sabi.
"What?!"
Mariin siyang napapikit.
Sabi na nga ba niya. Basta usapin sa pinakamamahal nitong banda, para na itong halimaw kung makapagreact.
"Kaylan pa nawalan ng vocalist ang isang banda?" tanong nito, "Alam mong ikaw ang pinakastar sa lahat. Tapos- Tapos-"
"Please, Ryu!" pagmamakaawa niya, "Ito na ang pinakahihintay ko! After so many-many-many years na pagkakagusto ko kay Gerald, ngayon lang niya ako niyayang lumabas!"
"Si Gerald?!" napakunot ang noo nito, "Sigurado ka bang si Gerald ang imi-meet mo?"
"Oo naman!"
"Himala!" bulaslas nito saka bahagyang tumawa, "Ano'ng nakain 'nun, at naisipang makipagkita sa isip-batang katulad mo?"
"Sino'ng Isip-bata? Ako?" tinuro pa niya ang kanyang sarili habang nanlalaki ang mga mata niyang tinititigan ito.
"Bakit hindi ba?" diin ni Ryu, "Diba hanggang ngayon, iniisip mo pa rin si Gerald nga ang Prince Charming mo? Ilang taong kanang umaasang mapapansin niya, pero hanggang ngayon ay nganga ka pa rin! Ewan ko nga ba sa'yo kung ano ang nagustuhan mo sa kaibigan kong 'yun, at patay na patay ka ng ganyan!"
"Patay lang!" pilosopong ganti niya, "Di-no-bol dead mo naman ako! Ginawa mo pang botcha!"
"Isip-bata ka talaga," umiling-iling ito.
"Hindi, ah!" depensa na naman niya.
"Hindi?"
"Oo!"
"Wait nga lang, tell me..." tila paghahamon na ni Ryu at bahagya pang nilapit ang mukha nito sa mukha niya, "... asal ba ng isang twenty-three years old na babae ang basta na lang nagbubukas ng pintuan na hindi man lang kumakatok?"
Napakagat siya ng ibabang labi, meaning na guilty siya.
"Ilang beses mo nang ginagawa 'yun sa'kin?" seryosong tanong nito.
"One...? Two...? Three...?" pilosopong tugon niya at nakuha rin niyang magbilang sa pamamagitan ng kanyang mga daliri sa kamay, "... Hindi ko na alam, eh!"
Napakunot ang noo ng binata, palatandaan ang pagkadisgusto nito sa sagot niya.
"But...." Biglang bawi naman niya, "... ito naman ang unang pagkakataon na naabutan kitang full na-"
"Stop it?!" singhal na nito.
Napakislot naman siya. Bahagya rin siyang natakot nang makita niyang ang namumula at nagagalit na mukha nito. Parang gustong-gusto na siya nitong gawing bola at i-driboll. Kahit kaylan talaga, ito ang unang nang-aasar pero ito rin ang unang mapipikon.
"Alam mo, pumunta lang ako rito para paki-usapan ka ng maayos at hindi para makipag-away!" inis na rin niya, "Kung talagang ayaw mo, sabihin mo. Hindi 'yun kung saan-saan mo dinadala ang usapan!"
"Talagang hindi ka pwedeng mawala sa Gig mamaya!" diin nito saka siya tinalikuran.
Hindi na siya nakapagpasalita.
Namumula na siya sa galit. Gusto na niya itong sabunutan pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili.