Chapter 10 Ang 'nangyari' kina Jeremy at Katrina
HINDI pa man nag-uumpisa ang laro nila ni Jeremy ay nakakaramdam na si Katrina ng matinding pagkahilo. Kung bakit ba naman kasi sinunod-sunod niya ang pagtungga ng beer gayung may low tolerance siya sa alcohol at hindi naman talaga siya umiinom ng alak. Nangako kasi siya noon kay Jeremy na hindi siya titikim ng anumang inuming nakakalasing kapag hindi ito ang kasama niya. Kaya, tatlong taon na ang nakakaraan ng may alcohol na sumayad sa kanyang lalamunan.
“Sumalampak tayo sa sahig para talagang magka-level ang beautiful eyes natin,” wika ni Katrina sabay hagikgik. Para kasing umiikot na talaga ang tingin niya sa paligid. “Hindi man tayo mga indian pero mas maiging naka-indian sit tayo.”
“Easy,” wika ni Jeremy sa kanya.
Nagdu-doble na ang tingin niya sa mesa kaya nang itukod niya ang kamay ay muntik na siyang mapasubsob. Mabuti na lang at agad siyang inalalayan ni Jeremy tapos ginaya din nito ang pwesto niya.
“Taga-Meralco ka ba?” malambing niyang tanong kay Jeremy pagkaraan.
Natawa ito. “Hindi, bakit?”
“Nakuryente kasi ako sa’yo nu’ng hawakan mo ako. Kapag siguro huminto ang tibok ng puso ko, kailangang nandoon ka. Sure kasing mari-revive mo ako. Ang cute mo talaga,” wika niya sabay hagikgik. Dinutdot pa niya ang mukha ni Jeremy. “Hindi ka naman babae pero nagba-blush ka.”
“Ang cheesy mo kasi.”
“Kaya nga, paulit-ulit mo akong tinikman noon,” pilya niyang sabi sabay hagikgik. Kahit hindi na niya magawang makontrol ang kanyang mga sinasabi, nakapagtatakang tuwid pa rin ang pagsasalita niya. “Dahil feeling mo, cheese ako.”
“Masyado ka ng maraming nainom kanina kaya ako na ang unang magtatanong pero hindi ka pa pwedeng uminom ulit. Sigurado kasing nakayakap pa sa’yo ang espirito ng alak kaya masasagot mo ng totoo ang mga itatanong ko sa’yo.”
“Basta, huwag Math.” hirit pa niya.
“Bakit ginusto mong pakasalan si Flaviano Samonte?” marahang tanong ni Jeremy sa kanya.
“Dahil nag-propose siya sa akin.” Kahit bahagya ng siyang nahihilo sa kalasingan ay nagawa pa niyang sitahin ang kanyang sarili kung bakit hindi niya sinabing pakakasalan niya si Flaviano dahil mahal niya ito. Napahagikgik siya ng sabihin pa niyang, “Masama ang magsinungaling kaya nahihirapan akong sabihin sa’yong mahal ko siya kaya gusto ko siyang pakasalan.”
“Nag-propose lang siya sa’yo, nag-’yes’ ka na kahit hindi mo alam kung anong klaseng pagkatao mayroon siya at kung magagawa mo siyang mahalin habambuhay,” anitong titig na titig sa kanya.
Kahit na namumungay na ang kanyang mga mata ay hindi niya nagawang ialis dito ang kanyang tingin. Ayaw kasi niyang isipin nito na kasinungalingan lang ang kanyang sinasabi. “Mahal niya ako . Sapat na iyon para pakasalan ko siya.”
“Hindi ba dapat ang pakakasalan ay ang taong mahal mo?”
Dala ng kalasingan, hindi niya napigilan ang sariling magmura. Matalim na matalim ang tingin niya kay Jeremy nang sagutin niya ito. “Paano ko pakakasalan ang taong mahal ko kung iniwan mo ako? H-hindi mo alam k-kung gaanong sakit ang naramdaman ko nang sabihin mong ayaw mo akong m-maging ina ng anak mo. Na hindi mo ako mahal. Ibinigay ko naman ang lahat sa’yo pero, bakit hindi pa rin sapat?” Sa puntong iyon ay hindi na niya nakaya ang bigat na nararamdaman ng kanyang dibdib. Hindi na niya napigilan ang paghagulgol.
“Honey…”
“Shhh…” wika niya sabay takip sa sarili niyang bibig. “H-hindi mo na kailangang ma-guilty dahil alam ko... namang s-sinabi mo lang kung ano talaga ang... nararamdaman mo. You don’t love me. K-kung sabagay, ako lang... naman talaga ang nagpilit, di ba? U-unang kita ko pa lang kasi sa’yo, mahal na mahal na kita. Siguro nga naging tayo lang dahil pinagbigyan mo lang ang kabaliwan ko.”
“Let me explain please.”
Binato niya ito ng nagaraya. “H-huwag kang madaya dahil wala pa akong tinatanong sa’yo. Shut up or else... iki-kiss kita.” Gusto sana niyang gawin ang kanyang banta pero wala na siyang lakas dahil sobra na ang kanyang pagkahilo. “Ano ang tunay na dahilan kaya mo ako kinidnap sa mismong kasal ko?”
“Because I need you…”
MASAKIT na masakit ang ulo ni Katrina nang magising kaya ayaw pa niyang bumangon. Ni hindi nga niya magawang imulat ang kanyang mga mata. Mas gusto niyang magsumiksik na lang sa kanyang unan. Ang bango kasi nito kahit na mainit at gumagalaw.
Mainit? Gumagalaw? Bigla tuloy siyang napadilat.
“Good Morning,” bati sa kanya ni Jeremy, lalo pang hunigpitan ang yakap sa kanya.
Kahit na mas gusto niyang isubsob ang mukha niya sa dibdib nito tulad ng madalas niyang gawin noon, agad bumabalik sa isipan niya kung sino ito sa kanyang buhay -- her ex-boyfriend.
“Kamusta ang pakiramdam mo?”
“Hinding-hindi na talaga ako iinom,” mariin niyang pangako sa sarili.
“Ng tubig?” nanunudyong tanong nito sa kanya.
Binato niya ito ng matalim na tingin bago niya ito sinagot. “Ng kahit na anong inuming nakakalasing, lalo na kung kasama ka,” inis niyang sabi. Hindi niya nga alam ang dahilan kung paano siya nito napapayag na mag-inuman sila gayung may iba siyang dapat na pakasalan.
“Kailangan ako ni Flaviano.” Nahagilap niyang sabi.
“Hindi mo siya mahal. Ako ang mahal mo.”
“Ang kapal mo!” defensive niyang sigaw.
“Hindi ka na pwede mag-deny sa akin dahil sinabi mong hanggang ngayon ay mahal na mahal mo pa rin ako.”
Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkalito pero agad din siyang nakabawi. “Lasing lang ako kaya kung anu-anong sinabi ko.”
“Kapag lasing ang tao saka nagsasabi ng totoo,” mariin nitong sabi sa kanya.
“O-M-G!” bulalas niya nang inalis niya ang kumot sa kanyang katawan. Ang nais niya kasi ay umalis na sa pagkakahiga pero hindi niya akalain na iyon lang pala ang nakatakip sa kanya.
“Dapat pa bang itanong ‘yan?”
Hindi niya nagawang sagutin ang tanong nito dahil nag-flash sa kanyang isipan ang naging eksena sa pagitan nila ni Jeremy.
“Halikan mo ako,” utos niya kay Jeremy.
Hindi agad nakakibo si Jeremy. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Parang pinag-aaralan kung seryoso ba siya o hindi.
“O, akala ko ba kailangan mo ako? Bakit hindi mo ako mahalikan? Obviously, pinapaasa mo lang ulit ako. Papaniwalain sa isang kasinungalingan.” Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil hinalikan na siya nito.
Mapusok.
Maalab..
Miss na miss na niya ang halik nito kaya hindi niya iyon napigilang tugunin. Dahil din sa epekto ng alak, nakalimutan niya ang tama at mali. Sa mga sandaling iyon, ang mahalaga na lang sa kanya ay ang isinisigaw ng kanyang damdamin.
“Kaya hindi na ako papayag sa sinasabi mong pupuntahan mo pa ang Flaviano Samonte na iyon. Dahil akin ka na ulit,” mariin nitong sabi sa kanya. “At hindi ako papayag na mapunta ka pa sa iba.”
Magsasalita sana siya pero biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang kanyang Daddy.