Chapter 6
"What the..." Unti-unti akong lumingon sa pinaggalingan ng boses na iyon. "Orion."
"Hey," he flirtatiously said. Sa inis ko ay nahila ko ang buhok sa may tenga niya.
"Aguy, aguy," he groaned. Napikit ang mata niya sa hapdi.
Sa takot na baka umiyak ang lalaking 'to ay binitiwan ko nalang ang buhok niya. I couldn't help but to scoff when he looked like he wasn't hurt and even managed smirk at me.
"Bakit ka ba andito? Were you following me?" Napameywang ako. He looked at me as if I'm someone delusional. I'm not gonna lie that was offensive.
"Asa ka tanga. A classmate lived nearby, may groupings kami, galing lang ako ron. I saw you walking ever-so-lonely here kaya napapasok ako sa park. Ganito ba ibabalik sa mapagmalasakit mong pinsan Gaia? Nananambunot ka na?"
"Well maybe if you stopped acting like a freak for once I might just actually like you and we'd be buddies." I sarcastically smiled at him.
Tinalikuran ko siya at naglakad na papalayo. Napairap ako sa kawalan nang marinig ko ang mga pahabol niya. Nakakainis. Muntik na sana siyang mamatay kaninang tanghali dahil kay Astraeus tapos ganyan pa rin siya. Ang bobong 'to wala pa ring kadala-dala.
"Wait so you hate me?" Hinabol niya ako. Nagpapaawa ang mukha niya pero hindi naman nakakaawa, mas masarap ngang basagan ng hollow blocks ang mukha niya.
"No." His face brightened. "Don't hate you, I just don't like you," I proudly said and walked by him again.
Sa pagkakataong 'to ay hindi na niya sinubukan pang pantayan ako sa paglalakad. All I knew was that he was walking behind me and murmuring weird words.
"She doesn't hate me, but she doesn't like me as well. Isn't that dislike?" He groaned in frustration. I giggled and shook my head.
Nangunot ang noo ko nang nandito na ako sa intayan ng jeep ay nasa tabi ko pa rin siya. I looked at him with a dark aura, I am so done having him piss me off. Namumuro na eh.
"Kanina pa dumadaan 'yung mga jeep papunta sa subdivision? Ano bang trip mo?" I spat.
"Samahan na kita, bored ako eh, wala naman si Ate sa bahay. Sa'n ba punta mo?"
I pouted. The look on my face clearly disagreed with him coming with me. Ukulele niya nga ang kukunin ko tapos sasama pa siya.
"Or are you getting my ukulele? It's alright, kunware hindi ko nalang alam."
"Excuse me?" I couldn't believe what I had just heard. I needed to hear that twice just to be sure I wasn't hearing things.
"Ah wala." I drove me nuts how he just looked elsewhere and had this devilish grin plastered on his face. I had the sudden urge to give him a beating.
I clenched my jaw and fisted my hands into tight balls. Napabuntong-hininga ako at umiwas rin ng tingin sa kan'ya. "Fine. Just for once stop being a drag, Orion, I'll tell your girlfriend." I was simply threatening him.
"Bet." Wala rin atang balak na urungan ako ni Orion.
After finally getting the right jeep to the school Orion quietly followed me like my loyal dog. Sinadya ko talagang hindi tumabi sa kanya. Nasa bukana siya ng jeep habang nasa bandang gitna naman ako. This asshole wasn't even planning on paying for his ride.
"Bayad nga po, dalawa," I said with gritted teeth and looked at him violently.
"Wala akong barya," palusot niya. As if I'm buying it.
Hindi ko naman siya pinsansin buong byahe--well it's not like malayo ang eskwelahan, kung ie-estimate ay siguro mga five minutes lang din ang tanagal noon.
"ID mo, Totoy." Napatigil ako sa pagpasok ng gate nang harangin si Orion. I massaged my temples and looked at him, helpless and trying to make dumb excuses.
"Manong kasama ko po'yan." Nginitian ko ang guard. Lumiwanag bigla ang kaninang masungit niyang mukha at tumango sa akin.
Pinapasok niya si Orion habang matalim ang mga titig rito.
"Bakit ba naman kasi sumama ka pa, sayang 'yung sampong piso ko. Bayaran mo ako mamaya ah," aniya ko habang nakapameywang at sinermonan siya. Mas lalo lang akong nairita nung mukhang hindi naman ata interesado ang isang 'to na makinig sa mga pasabi ko.
I shut my mouth when I realiized that I was just being as nagging as Elly.
Tahimik ang hallway. I could hear the collision of sneakers and the gym floor, siguro ay may practice ang mga basketball players. Napadaan ako sa pinto na karugtong ang open field, it was slightly open so I could see that there were athletes running laps.
Nakapagtataka lang dahil hindi nabanggit ni Elly na may practice pala sila ngayon. That girl...she probably called in sick.
Finally, malapit na ako sa hagdan papuntang 2nd floor, doon kasi banda ang student council office. I looked at Orion before turning the knob. He raised to thumbs up and nodded his head aggresively.
"Can you act like a normal person? Please?" Pinagsabihan ko siya. I shook my head as I opened the door. "Diyan ka lang sa labas."
"Yes."
Pagpasok ko ay agad nanibago ang balat ko sa lamig ng AC. Talagang sinusulit ng mga student council officers ang privelleges nila at full blast ang AC ah.
"Uhm...si Agatha?" I asked a random girl that was wiping the whiteboard. Napalingon siya sa'kin at natigil.
"Bathroom," tipid niyang sabi at tinuro ang pinto sa kanan. She then pressumed to what she was doing.
"Thanks." I smiled. I clasped my hands together and looked around.
Kaunti lang ang tao sa student council ngayon ah. Sabagay parang katatatapos lang nila ng meeting dahil sa binubura nung babae sa whiteboard. She didn't look familiar though. Sinundan ko siya nang tingin nang matapos siya sa pagpunas ng white board, she went to the long table and picked up her sling bag, sunod naman at makapal na pinagpatong na mga papeles. She didn't even excuse herself and just left.
"Bye--" napapikit ako sa ingay na ginawa ng pagsara niya ng pinto. "Well, someone's in a rush." Nagkibit-balikat ako.
"Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa CR. A distressed Agatha popped out, suot ang PE uniform namin habang naglalagay ng alcohol sa kamay.
"Uhm... your friend just left." Tinuro ko ang pinto at ngumiti sa kanya.
Napaawang ang bibig niya. I can't blame the surprised expression all over her face since I came here without notice. Marahan siyang tumango sa akin at nilapitan ako.
"Flores...ba't ka andito?" Inusisa niya ako. Tinagilid niya ang ulo niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa, I noticed how her brow rose when she saw my attire.
"Ah..." Napakamot ako ng pisngi. Ngayon ako tinablan ng hiya na talagang ginambala ko pa siya at hindi nalang nagpabukas para hingin ang ukulele ni Orion sa kan'ya.
In the first place; why did I even bother lending Orion's ukulele eh may sapak sa ulo ang isang 'yon?
"Hmm?"
"'Yung ukulele?" Nahihiya kong tanong.
"Ah 'yung ukulele," napaisip siya. "Naiwan ko ata sa bahay, Flores? P'wede bukas na lang? Pupuntahan nalang kita sa classroom niyo ng maaga or ihatid ko sa'yo agad after ng flag ceremony."
Napakagat ako ng labi at tumango. " Sige ayos lang. Maglilinis ka pa ba rito?" Pareho naming nilibot ng tingin ang kabubuuan ng silid. Iit was a bit shaken-like.
"A-Ah oo. Sorry kung makalat. Ilang araw din namin hindi nalinis eh. Sige, Flores, una ka na med'yo matagal pa'ko rito." Sinimulan na niyang magwalis. Lumapit siya sa desk at kinuha ang remote ng AC, and then resumed sweeping the floor.
"Tulungan na kita," I offered. I had nothing to do anyways, Madilim na rin sa labas, baka kung siya lang maglinis dito abutin siya ng madaling araw.
"H-Hala 'wag na! Nakakahiya." I chucked when the peaks of her cheeks turned into ripe cherries. Inayos niya ang pagkakatali ng buhok niya at nagpulot ng mga crumpled paper sa sahig.
I ignored her and opened the exit's door. Nilusot ko ang ulo ron at nabigla sa akin si Orion.
"Oh, tapos ka na? Uwi na tayo, Gaia. Gutom na'ko--"
Hinila ko siya papasok sa loob.
"Tulungan mo kami rito maglinis." I wasn't asking for a favor, I was very much commanding him to clean.
He gulped and nodded--no questions asked. He knew very well that I wouldn't take a no for an answer. I would yeet his ass if as he would.
"H-Hi," Agatha was polite enough to greet Orion. Napaawang ang bibig ng kasama ko at binati rin siya.
Orion carried the heavy boxes inside their storage room. Medyo namangha pa ako nung may binuhat din siyang dalawang balde ng pintura.
I shrugged.
Well maybe they were planning on renovating.
Napatingin ako kay Agatha na agad-agad lumapit sa akin nang makapasok sa storage room si Orion. She tiptoed towards me in a fast way while holding onto her broom as if it was the only thing that drives her to wake up each morning.
"Flores..." tawag niya sa akin.
"Hmm?"
"Sino ba 'yon? 'Wag na natin patulungin nakakahiya naman. Actually umuwi na kayo malinis na oh ako na bahala sa natira." Sinubukan niyang agawin sa aking ang hawak kong basahan na pinampupunas ko sa mga desk at cabinet kaya nilagay ko iyon sa likod ko.
"Oh trust me this is the most useful he can get. Hayaan mo na the more the merrier." I was a few centimeters taller than Agatha, kaya hindi mahirap na itaas lang ang mga basahan para hindi niya maiabot.
"Oh, tapos na kayo? Ang haharot na ah." Naningkit ang mata ng kalalabas lang na si Orion.
I saw how Agatha froze and quickly picked up the broom that was lying on the cold tiled floor.
"Oh eto." Si Orion na ang kumuha at inabot sa kanya.
Nakasilip lang ako sa kanilang dalawa habang tinatapon sa recycling bin ang mga shredded paper.
"T-Thank you." The flustered Agatha abruptly snatched the broom from Orions grip.
Matapos noon ay hindi na ako ulit kinulit ni Agatha na umalis na kami. Na-realize niya sigurong hindi naman masamang humingi ng tulong paminsan-minsan--o baka naman ilang na ilang na siya sa homosapien sa kasama ko.
Tahimik lang naman kami ni Agatha. Orion on the other hand was singing non-stop. Ang nakakainis pa ay parang kambing na kinakatay ang boses niya. Hindi na siya nahiya.
"Nang ma-in love ako sa'yo 'kala ko mo ay tunay. Pero 'di rin nagtagal lumabas din ang tunay nakulay--aray!" Hindi na ako nakapagtimpi at nabato ko na siya nung maliit na basurahan na nakapatong sa study desk.
"Can you shut up for on bit. Ang init-init na nga dadagdag pa 'yang carbon dioxide na lumalabas sa bunganga mo!"
"Tanga. Sabihin mo lang hot ako kaya nag-iinit dito sa kwarto." Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at lalapitan ko na sana si Orion para sakmalin.
"Flores tapos na. Paki pasok nalang niyang basahan pati nitong dust pan at walis para makauwi na tayo. Salamat." I stopped midway from murdering my cousin. Liningon ko si Agatha na nakalahad na ang dust pan at walis sa harap ko.
Napalunok naman si Orion at pinasok na loob ang hawak niyang mop.
"Ah sige. Ito lang ba?" Kinuha ko sa kan'ya 'yung walis at dustpan at inabot iyon kay Orion na kalalabas lang ng storage room. Napakamot siya ng ulo at pinasok nalang 'yon dahil alam niyang pigtas na pigtas na ang pasensya ko sa kan'ya kanina pa.
Hinintay kong makalabas si Orion ng nakapameywang. Hindi naman nagtagal si Orion at lumabas din agad. He quickly stepped backwards when he saw me waiting for him to come outside.
"Uuwi na?" Patay-malisya niyang tanong sa akin.
"Flores mauna na kayo. Ako na bahala rito ilo-lock ko pa 'yung pinto." She dangled her keys in front of me to prove a point. Tumango ako sa kan'ya at tinawag na siya Orion.
Nauna nang lumabas sa akin si Orion at halatang iniiwasan makalapit sa akin. Before I could even step out of the room ay hinila ni Agatha ang laylayan ng sweater ko.
"Thank you," her eyes were full of gratitude.
"Don't mention it." Kinindatan ko siya.
"Gaia halika na gutom na ako." Napairap ako nang tawagin ako ni Orion. Medyo malayo na pakinggan ang boses niya kaya mukhang nauna na siyang maglakad sa akin.
"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na sumama ka ha!"
"Sino... ba 'yon?" Medyo nag-aalangin pa si Agatha nung tanungin niya sa'kin 'yon.
"Pinsan ko," I said in a disappointed tone while shaking my head.
"Gaia!" Tawag ni Orion sa akin ulit.
"Oh...akala ko boyfriend mo--"
"I'm coming!" Sigaw ko. "Agatha, I need to go na."
"S-Sure. Salamat ulit. Ingat kayo pauwi." She smiled at me.
"'Yung ukulele ah 'wag mo kalimutan bukas!" Nagsimula na'kong maglakad paalis. Paglabas ko ay nakadungaw ang ulo niya mula sa student council's office. I waved my hand at her and smiled before turning away.
"I won't!" She shouted back; her sweet voice echoed in the lonely school corridor.
Naabutan ko nalang si Orion sa labas ng eskwelahan. I saw him checking his wallet for pennies, natanto niya sigurong 'di niya na ako mauuto't malilibre siya ng pamasahe.
I walked past him and rode the jeep that stopped in front and didn't bother waiting for him and his million-dollar changes.
"Hoy gago intay--puta." Sa pagmamadali niyang makasakay na rin ng jeep ay nahulog niya ang dalawang piso niya. Napailing nalang ako sa talas ng dila niya at sumakay na.
Again. Hindi ko na siya pinansin. I slightly turned myself to see a bit from the jeep's window, hindi naman siksikan kaya ayos lang siguro.
The atmosphere was in an ocean blue tint already. Hindi ko in-expect na med'yo nagtagal pala kami ni Orion sa school. I coud see how people were flooding barbeque stands and vendors emptying their trays of meats and fish. My mouth watered, who know wiping down tables could make me this hungry.
Sabay kami ni Orion na naglakad papasok sa subdivision. Tahimik lang naman siya--which was a miracle. Marunong pala siyang manahimik.
"Sige Orion dito na ako--"
"Mariella." Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pigura ng isang malaking engkanto na nakaupo sa pavement.
"Uy pre," bati ni Orion. Astraeus looked at him for a split second and ignored his invite for a high five to come towards me.
"Astreaus," I said with wide eyes. "What are you doing here?" That last phrase came out as a whisper.
"To see you. What took you so long?" He said with creased forehead and a face full of blue tinted shadows.