CHAPTER 35

Hindi niya maitago ang ngiti niya nang makitang nagluto talaga ng almusal ang asawa para sa kaniya. Maaga itong umalis dahil may trabaho pa ito. Marami itong kailangan na asikasuhin at naiintindihan niya iyon. Lalo na noong magkaaway sila ay lagi lang itong nasa bahay nagta-trabaho.

Ilanga raw ang lumipas at kahit ayos na sila ay nililigawan pa rin siya nito. Pinaparamdam nito kung gaano siya nito kamahal at dahil doon ay mas lalo siyang nahuhulog sa asawa. Parang naging extra sweet pa ito sa kaniya ngayon.

Late na rin siya nakabangon dahil pinuyat siya nito kagabi, mabuti na lang na hindi sila inabot ng umaga dahil kailangan pa nito matulog dahil sa trabaho. Kung hindi ito aalis panigurado siya hanggang umaga talaga sila, literal na palitaw na ang araw.

Alam niya kung gaano kataas ang stamina nito pagdating sa bagay na ‘yon. Napapangiti na lang siya at animo’y baliw dahil kinikilig. She feels so delighted.

Habang kumakain ay tumunog naman ang cellphone niya at si Xion iyon kaya agad niyang sinagot.

“Baby, I miss you,” salubong agad nito sa kaniya. Walang tunog siyang tumawa dahil kinikilig. “Kakatapos lang ng pangalawa kong meeting. What are you doing now? I’m sorry, I didn’t wake you up earlier because I know you’re tired.”

Uminom siya ng tubig bago magsalita. “Sakto lang, kumakain ako ngayon ng niluto mo,” sambit niya.

“Open your camera, let’s have a video call,” utos nito na agad niyang sinunod. Binuksan niya ang camera at sinandal ang cellphone sa may baso. Ngumiti siya nang makita ang asawa na nakaupo sa swivel chair. Pinagpatuloy niya ang pagkain niya habang tumitingin tingin dito.

“Anong oras ang uwi mo?” tanong niya.

“My last meeting for today would be end at 4:30 pm. It’s just a 30 minutes meeting to a new client. I am free at 2 to 3:55 pm, want to come here in my office?” he wiggle his eyebrow.

“Tumigil ka!” bulalas niya dahil alam niya ang pinapahiwatig nito.

“What? I just want to hug you for an hour.”

“Sigurado kang yakap lang ‘yan?” natatawang wika niya rito. Tinapos niya ang kinakain niya at umabot ng panibagong baso para makainom ng tubig.

“Maybe a kiss and a little bit of touch?” Inirapan niya ito at pinipigilan ang ngiti sa labi. “I want a child with you, baby.”

Nasamid naman siya sa tubig na iniinom niya. Napatayo siya dahil sa sunod sunod na pag-ubo.

“Are you okay?” natatarantang tanong sa kaniya ni Xion sa kabilang linya. Tango lang ang tugon niya dahil hindi pa siya makapagsalita. Muli siyang uminom ng tubig bago magsalita rito.

“Kung ano-ano ang pinagsasabi mo.” Kumunot ang noo nito at seryosong tumingin sa kaniya.

“I’m serious. We’re married so that is okay, well if you just want. I want a little you and me. One of my employees brought her child here in the office because no one will look at the child. I suddenly think of you and our future,” he smiled sincerely. Tinitigan niya ang mukha ni Xion sa screen ng cellphone niya. Xion is straightforward especially what he wants, alam niyang seryoso ito sa bagay na ‘yon.

Sa kaniya naman ay okay na okay magkaroon sila ng anak. She wants a child too, she wants to be a mom especially the father of her future child is Xion. Sadiyang nagulat lang siya dahil ito ang unang nag sabi tungkol sa bagay na ‘yon.

Bigla niya rin naisip na possible talagang mabuntis siya dahil ilang beses na silang gumagawa ng walang kahit ano na proteksyon.

“B-but if you don’t want, I’m okay. Just don’t leave me.” Napatingin siya rito dahil nautal pa ito na parang kinabahan. Matagal ata siyang napatulala, akala siguro talaga nito ay ayaw niya.

“Gusto ko.” Ngumiti siya rito ng matamis. Tumayo siya at nilipat ang cellphone malapit sa lababo para makapag-hugas na siya ng pinagkainan niya.

“Talaga? Why did you zone out?” usisa nito sa kaniya.

“Nagulat lang ako sa’yo! ‘wag kang kabahan diyan , mahal na mahal kaya kita,” kinindatan niya ito ng pabiro.

“I love you too, baby,” nakangiting sambit nito sa kaniya. Nag-usap lang sila habang wala pa itong ginagawa. Umabot ata ng isang oras ang pag-uusap nila, kung hindi lang nag-text sa kaniya ang supplier niya ng mga cosmetics ay siguro hahaba pa ang pagvi-video call nila ni Xion.

Nagpaalam siya sa binata na lalabas lang siya saglit papuntang mall para i-meet ang supplier. Kilala niya na iyon dahil nakuhaan niya rin ito dati ng mga cosmetics. Ito ang na-contact niya ulit dahil nasa manila ito at malapit lapit lang.

“Papuntahin ko si Cheska para ipagmaneho ka,” tukoy nito sa babaeng driver niya palagi pag umaalis at wala ito.

“Huwag na, ang lapit lapit lang ng mall, isa pa’t saglit lang ako. May dadalhin kasi siyang mga new shades ng lipstick para ma-check ko na rin sa personal kung mabebenta ko ba.”

“Fine, just ride a taxi. Update me when you get there when you met your supplier and wherever you’ll do outside. For safety reasons, baby,” seryosong sambit nito. Tumango naman siya rito bilang pagsangayon.

“Okay, okay. Bye na at maliligo lang ako saglit para makaalis na. I love you!” ngumuso siya na parang hinahalikan ito.

“I love you too, baby. Ingat sa labas. I’ll kiss you for real later,” he chuckled. Nagpaalam na siya rito at kumaway pa bago ibaba ang tawag.

Kala mo’y matagal na silang hindi nagkikita dahil sa pag-video call, eh ilang oras pa lang naman ang nakalipas.

Naligo siya ng mabilisan lang at nag-ayos ng simple. She wore a plain blouse, jeans and a sandals. Nag-taxi siya papuntang mall kung saan napag-usapan nila ng supplier. Pagkarating niya roon, hinanap niya agad ang food court dahil iyon ang meeting place nila.

Hindi naman siya nahirapan dahil nakita niya ang sign kung nasaan ang food court. Kumaway agad siya sa supplier niya nang makita niya ito.

“Ate Charm!” bati niya rito nang makita niya itong nakaupo sa isang bakanteng table. Niyakap niya ito at tiyaka umupo sa harapan nito.

“Kumusta ka? Kailan ka pa lumipat sa manila?” tanong nito sa kaniya.

“Matagal-tagal na, nagtrabaho ako sa restaurant pero nag-resign na rin ako para mag-business na lang ulit,” paliwanag niya. Nilabas nito ang mga shades ng lipstick at ibang sample ng makeup.

“Bali ipapadala ko na lang sa’yo lahat pag nakapili ka na kung ano ang mga ibebenta mo.” Tumango siya habang seryosong na tumitingin sa mga makeup. Gusto niya kasi magaganda ang shade ng ibebenta niya, ‘yong ayon sa trending ngayon.

Halos isang oras lang sila nag-usap at nagkwentuhan habang namimili siya at nililista nito ang mga orders niya. Nagpaalam din siya kaagad dahil uuwi na siya. In-update niya muli si Xion na uuwi na rin siya pagkatapos niya sa grocery.

Sinabi niya ring ipagluluto niya ito at siguraduhin na uuwi kaagad. Masaya naman siya dahil sa sinabi nito na pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay uuwi ito kaagad.

Kumuha siya ng cart at tumungo sa mga pagkain na kailangan niyang bilhin. Kumuha na rin siya ng mga snacks dahil wala na masiyado sa bahay. Marami-rami ang binili niya para madagdagan ang stock sa bahay. Pagkatapos niya sa may grocery ay lumabas na siya roon.

Pero bago pa siya tuluyang makalabas sa mall ay nakita niya ang pamilyar na lalaki na papalapit sa kaniya. Napaikot siya ng mata at napabuga ng hangin.

“Nandito ka pala, talagang tadhana nga naman,” ani nito nang makalapit sa kaniya. Halata pa ang mga sugat nito na pagaling na.

“Anong kailangan mo?” nag-isang linya ang labi niya. Ayaw niya makipag-usap pero nakaharang ito sa harapan niya.

“Ikaw. Ikaw ang kailangan ko, gusto kong makipagbalikan sa’yo,” kaswal na wika nito na ikinatawa niya ng malakas. May napatingin pa sa kaniyang mga taong dumadaan. Talagang natawa siya sa sinabi nito, naluha pa siya dahil hindi siya makatigil sa kakatawa.

“Anong nakakatawa? ‘di ba patay na patay ka sa akin? Ngayon makikipagbalikan na ako sa’yo, pasalamat ka—”

“Pasalamat? Pasalamat na alin? May sira ka ba sa utak? Mayroon na akong asawa at kahit wala pa ay hinding hindi ako babalik sa katulad mong manloloko!” Literal na umawang ang labi niya at napailing dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

“Wow! Porket umangat ka lang dahil sa mayaman mong asawa masiyado ka ng mataas? ‘wag mong kalimutan na galing ka rin sa lupa!”

“Hindi ako makapaniwalang naging boyfriend kita. Anong klaseng ugali mayroon ka? Alam mo kung paano ako magmahal, hindi ako tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao kaya nga ‘di ba nagustuhan kita? Ang kaso lang wala ka palang kwenta dahil hindi ka totoo, magaling ka lang mambola pero ang habol mo lang pala sa babae ay pera at tawag ng laman!” Hindi niya mapigilan na punain ito at makipagtalo. Talagang sumabog siya sa sinabi nito.

Bakit ako nagkagusto sa walang kwentang tao na ‘to? Kahit sinong babae ay hindi deserve ang ganitong klaseng lalaki.

Nilagpasan niya ito pero hinawakan nito ang braso niya.

“Sa tingin mo ay hindi magsasawa sa’yo ang asawa mo? Ako nga napagod sa’yo dahil wala ka namang kwenta sa maraming bagay—”

“For your information, hindi siya kailanman nagsawa sa akin, kasi kung nagsawa siya sa akin bakit lagi kaming inuumaga?” Tinaasan niya ito ng kilay at nagkibitbalikat. Ayaw niyang magyabang dito ng kung ano pero kung ito lang ang magpapatigil sa lalaking ito ay sasabihin niya na.

“Isa pa’t hindi ka mukhang masarap, para kang panis na pagkain at siya naman bagong luto, fresh na putahe, ikaw bulok!” Singhal niya at mabilis na nilagpasan ito. Naiwan itong tulala marahil iniisip pa nito kung ano ang tinutukoy niya.

Mabuti na lang talaga na hindi niya binigay ang birhen niya rito, dahil talagang magsisisi siya.

Pagkalabas niya ng mall ay pumara agad siya ng taxi. Narinig niya pa ang boses ni Hendrix na sumisigaw at tinatawag ang pangalan niya.

“Manong tara na po,” ani niya sa driver. Tiningnan niya si Hendrix na tumatakbo papunta sa gawi niya pero dahil naka-taxi na siya hindi na siya nito nahabol.