CHAPTER 24
Isang araw na ng mag-isa lang siya sa malaking bahay. Hindi naman totally mag-isa dahil sinusundo at hatid siya ng babaeng driver na dating naging driver niya noong wala rin si Xion. Ngayon niya nga lang ulit naalala ang contract husband niya. Hindi niya alam kung paano kinakausap ito ng binata.
Medyo na-bothered din siya dahil gumagawa siya ng kasalanan sa likod ng asawa niya. Kahit hindi niya ito kilala pakiramdam niya kasalanan pa rin ang ginagawa niya dahil kasal pa rin sila kahit sa papel lang.
Napabuga siya ng hangin at pinagpatuloy ang paglilinis ng lamesa. Nasa restaurant kasi siya at kasalukuyang naka-duty. Nagbigay na rin siya ng resignation letter. Nakapagdesisyon na siya na bumalik na lang sa pagbi-business dahil mas malaki ang kita roon.
Ang bilis ng panahon at mag a-apat na buwan alakna siya roon. Malaki na ang ipon niya dahil idagdag mo pa ang sweldo niya sa contract husband niya na hindi niya nababawasan dahil sa sweldo niya sa restaurant at allowance pa sa living expenses niya.
“Paano ba ‘yan? Hanggang linggo ka na lang pala rito, siguraduhin mong magkikita pa rin tayo ha?” sambit sa kaniya ni Dianne nang makabalik siya sa counter.
Ngumiti siya rito at tumango. “Oo naman! Bibisita pa rin ako rito paminsan.”
“Tiyaka pag nakapagbenta ka na ulit ng cosmetics, alukin mo ako at bibili ako. Mag-aalok din ako sa mga kakilala ko para naman may benta ka kaagad!”
“Salamat sa suporta, Dianne,” pagpapasalamat niya rito. Mami-miss niya talaga ang mga tao sa restaurant na ‘to. Swerte na talaga siya dahil walang toxic na ka-trabaho siya rito. Lahat ay mababait at maintindihin pag may emergency ka at hindi ka makakapasok. Pati na rin ang owner na manager pa na si Ms. Sharron. Wala siyang masabi na masama sa restaurant at mga empleyado. Kung malapit lang si Maceh dito ay ipapasok niya ito sa restaurant na ‘to.
Bumati siya nang may pumasok na customer pero natigilan din siya kaagad nang makita si Lloyd na papasok. Kahapon din ay pumunta rin ito at may dalang bulaklak para sa kaniya. Ayaw niyang ipahiya ito sa iba kaya wala siyang nagawa kun’di tanggapin.
“Good evening. Ikaw na ulit ang bahala kung ano ang dapat kung kainin para sa hapunan,” ngiting sambit nito sa kaniya sabay abot ng tatlong pirasong bulaklak.
“’Di ba sabi ko sa’yo na ‘wag mo na akong dadalhan ng bulaklak? May asawa ako, Lloyd,” bulong niya rito. Parang wala lang ang sinabi niya rito dahil ngumiti lang ito at nagkibitbalikat.
“I like you, that’s why I’m giving you a flower and a chocolate,” kaswal na ani nito.
“Kasal ako. May asawa ako.”
“I know. And I can get you from him,” ngisi nito. Nainis siya sa sinabi nito at nayabangan na rin.
“Ano ba ang problema mo? Gusto kong intindihin ka pero hindi ka na nakakatuwa,” mariin na sambit niya sa mahinang boses. Mabuti na lang ay kaunti lang ang tao at nasa dulo umupo si Lloyd.
“The problem is I already like you but when I found out that you’re that asshole’s wife… Hmm… I kinda want to mess him a lot? Well, I still like you, so I’ll do what I want,” mahabang sambit nito. Straightforward ito magsalita at parang wala lang ang mga sinasabi nito, hindi man lang nahiya o ano.
“Tumigil ka na Lloyd. Wala kang mapapala sa akin,” ani niya at tinalikuran na ito. Wala siyang oras para makipaglokohan dito, inaaksaya lang nito ang oras niya. Dumeretso siya kay Dianne para sabihin na ito ang umasikaso kay Lloyd.
“Ginugulo ka na ba niya? O sadiyang ayaw mo lang talaga magpaligaw?” bulong ni Dianne sa kaniya. Alam niyang napapansin naman na ng lahat ang ginagawa ni Lloyd sa kaniya.
“May asawa na ako, Dianne at ang kapatid niya ang asawa ko,” sambit niya rito na ikinagulat ng kaibigan. Hindi niya naman kasi sinasabi ang tungkol sa bagay na ‘yon pero kung matutulungan siya ng kaibigan para mapalayo kay Lloyd ay sasabihin niya na kahit kasinungalingan pa ang bagay na ‘yon.
Kailangan niyang panindigan ang pagiging mag-asawa nila ni Xion para lang sa binata.
“K-kasal ka na?!” gulat na tanong nito at napatakip pa sa bibig. Napabuntong hininga siya at tiyaka tumango.
“Si Xion ang asawa ko. Magkapatid sila ni Lloyd,” deretsong sambit niya na parang hindi siya nagsisinungaling sa kaibigan. Gusto niyang manghingi ng tawad dahil sa sinasabi niyang kasinungalingan pero hindi naman kasi niya puwedeng ilaglag ang relasyon nilang dalawa.
Hindi niya puwedeng sabihin na bodyguard niya si Xion at may asawa talaga siya na hindi niya pa nakikilala.
“Iyong… Iyong guwapo na laging hatid sundo ka?!” Pinanlakihan niya ng mata si Dianne dahil mas napalakas ang boses nito. “S-sorry! Nadala lang! Grabe naman kasi… Ikaw lang ba anak ni lord? Bakit ang guwapo ng mga nakapaligid sa’yo?!” She sighed because of Dianne said. Napailing na lang siya dahil nagawa pa nitong magbiro.
“O siya, sige, dahil alam ko na ang tungkol diyan ay tutulungan kita. Akon na ang mag-aasikaso riyan kay sir Lloyd.” Hinawakan niya ang kamay ni Dianne at ngumiti rito.
“Babawi ako sa’yo, salamat!”
“No problem! Bigyan mo na lang ako ng lalaki,” ani nito at kinindatan siya. “Guwapo si sir Lloyd pero medyo creepy, alam mo ‘yon?” ngiwing sambit nito.
Hindi na siya nakapagsalita dahil hindi niya alam kung a-agree ba siya sa kaibigan o hindi. Hindi niya pa kasi talaga tuluyang nakikilala ang lalaki kaya hindi niya alam kung ano ang dapat ihusga rito.
***
Alora is in the paris right now. Sinundan niya lang naman si Xion para lang mapalapit dito at magawa ang plano nila ni Lloyd. She needs a picture with him so she can send it to the woman, Aj. Xion will attend a party later. Party iyon sa isang big client ng kompanya ni Xion at ito pa mismo ang architect ng agency building ng client nito.
Xion is like a Greek god and a perfect man. Guwapo ito at maraming ipagmamalaki pero kay Lloyd pa rin ang puso at pagkatao niya. Lloyd is like a hot man that can make you scream in different ways. She’s totally into Lloyd and the moment she knew that her heart belongs to him, she already marked him as her. Walang makakuha sa binata at mas lalong hindi niya hahayaan na mahulog ito sa ibang babae.
Magagawa niya ang inuutos sa kaniya ng binata at sisiguraduhin niyang papakasalan siya nito. Lloyd is for her.
Dumating ang pina-order niyang sexy dress para sa party mamayang gabi dahil mayroon din siyang invitation. Nakahanda na rin ang photographer na binayaran niya para kumuha ng pictures nila ni Xion. Kung hindi niya magagawang humiwalay si Xion sa babaeng iyon, siya ang gagawa ng paraan para umayaw si Aj sa asawa.
“I’m Alora, a woman who is irresistible and alluring. No man will reject my beauty and sexy body,” she murmured to herself.
“Ma’am, all the jewelry, bag, dress and shoes are ready.” She just nodded to her assistant. Sakto namang tumunog ang cellphone niya at nakita niya ang larawan na sinend ng lalaking tauhan niya. Pinapasundan niya kasi si Lloyd dahil madalang niya na lang ito makausap at kung makakausap niya lamang ay puro tungkol lang sa plano ang sinasabi nito.
Uminit ang ulo niya nang makita niya si Lloyd na nakatitig sa asawa ni Xion. He was holding a flower while looking intently to the woman who was working.
“This is his plan… yes, it’s part of a plan,” bulong niya sa sarili. Pero hindi niya pa rin maiwasan mainis dahil iba ang nakikita niya sa mga mata ng binata. Tinawagan niya ang tauhan niya para alamin pa ang nangyayari sa pilipinas.
“Sabihin mo sa akin lahat ng ginagawa ni Lloyd ngayon din,” deretsong sambit niya.
“Kahapon po ay lagi siyang nakasunod sa babae, madam. May dala rin po siyang bulaklak at tsokolate para ibigay sa babae. Pagkatapos niya po dumalaw sa restaurant ay bumabalik siya sa office niya pero mayamaya ay lalabas din at pagsinusundan ko po nakasunod na naman siya sa babae. Sa tingin ko po ay binabantayan niya kung nakauwi na po ito sa bahay,” mahabang ani nito.
Napahigpit ang hawak niya sa wine glass at wala sa sariling ininom ang lahat ng laman ng baso. Napapansin niya na rin naman talaga, hindi niya lang matukoy kung parte ba ito sa plano o hindi. Mas lalong uminit ang ulo niya sa babaeng iyon. Mas lalong nagkaroon siya ng lakas na loob para sirain ito at durugin.
Her creepy smile flashed on her face.
“Aimar Joyce Balansag… make sure you’ll guard your heart because the prettiest bitch is ready to fuck your life upside down.”