CHAPTER 81
Paglapit ni Mike sa akin ay agad niya akong hinalikan sa labi. "Hey what happened to you are you okay?" Tanong ko Mike na halatang may pag-aalala ang tono ng kaniyang pananalita.
"Yeah I'm fine. Ayos lang naman ako," maikling sagot ko sa kanya sabay ngumiti kahit habang palihim na nagkukunwari at napipilitan lang.
"I called you many times but hindi mo man lang sinasagot kahit na isang tawag ko. Is there something wrong?"
"No! I mean there's nothing wrong with me. Sobrang busy ko lang kasi kanina roon sa pinapatayo kung building at may ibang inasikaso pa," pakunwari ko pa sa kanya sabay iwas sa bawat tingin niya sa akin.
"Wait, you look like_," biglang napahinto siya sa kaniyang pagsabi dahil sa biglang sumulpot ako.
"Anyway pumasok na muna tayo sa loob. Insakto at may inihain ako. Kumain kana muna, "
Nang makapasok kami sa loob ay agad na tinanong ako ni Mike sa isang bagay kung bakit nga ba hindi ako sumipot sa kanya kanina roon sa simbahan upang sabay kaming magsimba.
"By the way hindi mo pa pinapaliwanag sa akun kung bakit hindi mo man lang ako sinipot doon sa simbahan. Mahigit isang oras din akong naghintay sa iyo roon na dumating. And then tinatawagan kita kanina lang subalit hindi mo pa rin sinasagot ang tawag ko at pati text message ko. Para naman yatang kataka-kata iyang kinikilos mo," sabi ni Mike sa akin dahilan upang ako'y mapahinto sa paglakad papuntang kusina.
Napalingon naman ako sa kanya.
"I told you earlier that I was busy. Na lowbat kasi 'yung phone ko kaya't nag charge ako. Hindi ko narinig 'yung tawag at mga text mo dahil sa busy ako sa pagluluto kanina. At sa hindi ako sumipot sa iyo doon sa simbahan ay dahil sa bigla na lamang sumama ang aking pakiramdam. Ang pagkakamali ko lang ay hindi ako nagsabi sa iyo nang maaga iyan tuloy naghintay ka pa sa wala. I'm sorry for that," pagkukunwari ko pa sa kanya sabay huminga ng malalim.
"Your explanation cannot convince me to believe you," maikling sabi niya sabay napatingin sa akin habang may kaka-ibang reaksyon na makikita sa kaniyang mukha.
Napatigil naman ako habang nabigla sa kaniyang sinabi. "What do you mean by? Hindi ka naniniwala sa akin? So, pinapamukha mo na sinungaling ako at hindi nagsasabi ng totoo o nagtatago ng sekrito? Well, sino nga ba talaga sa ating dalawa itong hindi nagsasabi ng totoo at nagtatago ng sekreto?" Palakas na boses na pagsabi ko habang pinaparinggan siya.
"Ano ang ibig mong sabihin? Tila yata parang kaka-iba ang boses ng iyong pananalita gayon din ang at parang may malalim na kahulugan iyang sinasabi mo?" Sabay nagtaka si Mike habang napakamot sa kaniyang ulo.
"Sabihin na nga natin na tama ka. May malalim nga na kahulugan ang mga sinabi ko," pataray na pagsabi ko sabay tingin sa sala habang napapaisip. "Deritsohin mo nga ako Mike. Mahal mo ba talaga ako?" Sabay tinitigan siya sa kaniyang mukha.
"What? Yes of course I love you so much! Ano ba iyang mga tanong mo na 'yan of course I love you!" Agad na lumapit sa akin si Mike at hinawakan ang aking mukha habang nagbabalak na halikan ako sa aking labi.
Bigla naman akong umiwas o umilag mung kaya't hindi nagawa ni Mike ang halikan ako.
Umusog ako ng kunti at dumistansya mula sa kaniyang kinatatuyaan.
Nabigla naman at nagtaka si Mike sa aking ginawa. "What's wrong with you Kristina? Is there something wrong with you?" Tanong niya.
"There's nothing wrong with me Mike but for you? I think meron," sabay huminga ako ng malalim tsaka pumunta sa kusina at uminom ng tubig.
"Wait, what? Ano ba ang nangyayari sa iyo bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba iyang mga sinsabi mo at bakit sobrang layo sa pinag-uusapan natin? At bakit tila bigla-bigla na lang nag-iba ang iyong pagkilos ngayon? The way you talk to me and the way you treat me ay parang nakapagtaka at nakakapagduda. Mayroon ba akong hindi nalalaman?" Ani pa niya sabay sunod sa akin sa kusina habang pinupukol ako ng tingin.
Napalunok naman ako ng laway ko habang inilalapag sa mesa ang baso.
"Oh wow what a very nice question. Mabuti na lang at inunahan mo ako sa topic na iyan and now I will ask you the same question. Mayroon pa ba akong hindi nalalaman sa iyo Mike? Tell me the truth!"
"What? I can't understand you Kristina? Alam mo para akong tanga na panay ang kakatanong sa iyo subalit hindi ko naman makuha o malaman ang mga sagot mo sa tanong ko. Can you point out what you want to say?"
"Stop it Mike. Gusto mo ba talagang malaman ang punto ng mga sinasabi ko? Well, to tell you prankly ay nag-usap kami kanina sa sinasabi mong ex-girlfriend mo na si Savannah. I think may nakapagturo sa kanya kung saan ako nakatira kung kaya't nagkita kami kanina sa daan habang palabas ako ng village papuntang mall. I mean, hinarang niya pala ako sa daraanan ko kanina. And you know may natuklasan ako at nalaman mula sa kanya. May mga sinasabi siya sa akin patungkol sa inyong relasyon na siyang hindi mo sinabi sa akin o sadyang gusto mo lang na itago ito sa akin. So, ngayon gusto mo ba na malaman kung ano itong aking natuklasan? O baka gusto mo ikaw mismo ang magsabi nito sa akin," palakas na boses na pagsabi ko habang pinipigilan ko lamang ang aking sarili na maging emosyonal sa harapan niya kahit na nilamon na ako ng galit ko.
"I told you many times na wala na kami ni Savannah it's been a long time Kristina. Wala na iyon at wala na rin akong nararamdaman pa na pagmamahal sa kanya. She is already my ex-girlfriend and you're my present girlfriend right now. Obviously I will choose you over her. So, ano pa ba ang dapat kong ipaliwanag sa iyo bagkos ay naipaliwanag ko naman ito sa iyo simula pa man," paliwanag pa niya habang nababalisa sa kaniyang sarili.