KABANATA 38

DAMIAN FONTANILLA

"I hope your 20 years of revenge is all worth it dad--no. Damian." Puno ng hinanakit na saad ng anak kong si Leo.

Lumabas siya sa opisina ko at iniwanan akong mag isa doon.

Napa pikit ako ng madiin saka ibinaba ang baso ng alak na hawak ko.

Tila dinudurog ang puso ko sa nakikita kong asta ng mga anak ko ngayon. The last thing that i ever wanted is for them to discover this bullshit truth.

I loved their Mom. I really did. But not as much as i love Celixa.

****************************************************************************************

FLASHBACK 22 YEARS AGO

"Damn! Bakit ka aalis? Hindi mo ako puwedeng iwan Celixa!" ubod ng lakas kong sigaw sa itinuran niya.

Umiiyak niya akong tinignan ng may galit sa mga mata. Punong puno ng hinanakit iyon.

"At bakit hindi Damian? I trusted you! I abandoned my own and my only family just to be with you! You promise to love me and cherish me Damian... and i trusted your words." Saad niya ng umiiyak.

Napa sabunot ako sa sarili ko. Damn it! I hate seeing her cry like that! I hate it! Nilapitan ko siya at nag tangkang yakapin siya pero umiwas siya sa akin at galoit akong tinignan.

"Cel, i'm sorry. please giv eme another chance. Hindi ko sinasadya." Pag mamaka awa ko sa kaniya pero tumawa lang siya ng mapait.

Hinubad niya ang naka tabon sa katawan niyang jacket at tumambad sa akin ang mga pasa niya sa katawan. Hindi ako nakapag salita sa nakita kong iyon.

"Another chnace? to some of this? I'm your girlfriend Damian i am not just your bitch! I deserve better!" Saad niya sa akin na nag mamaka awa na palayain ko na siya.

Nasuntok ko ang pader dahil sa galit ko sa sarili ko. Bakit ko ba ito nagagawa? HIndi ko siya gustong saktan dahil sobrang mahal na mahal ko siya pero sa tuwing nagagalit ako ay nasasaktan ko siya. Hindi ko alam pero tila isa akong demonyo kapag nagagalit ako at nag seselos kay Artemis. Kaibigan ko siya pero nagagalit ako sa tuwing lumalapit siya kay Celixa.

"I loved you Damian. Alam kong mahal mo din ako pero... nakakalimutan mo kasing mahal mo ako kapag nagagalit ka." Saad niya ska pinahid ang luhang bumabasa sa pisngi niya.

She loved me? loved. Nai kuyom ko ang kamao ko dahil sa narinig kong iyon. Loved, Celixa? Damn!

Matalim ko siyang tinignan. Pinangungunagan na naman ako ng galit ko. Sinubkan kong ikalma ang sarili ko para hindi ko na naman siya pag buhatan ng kamay. Ayokong mawala siya ayoko.

"Cel, please." Pakiusap ko habang naka tungo.

"No. I'm leaving Damian." Saad niya saka kinuha ang bag niya at nag lakad paalis.

Hindi na ako naka galaw. Nanginig lang ang buong katawan ko dahil sa pag alis niya at wala sa sarili no na namang hinanap ang isang bagay na maaari kong pag buntungan ng galit.

"Celixa!" Malaks kong sigaw habang isa isang ibinabato at binabasag ang mga bagay sa paligid.

I hate myself for being like this. kapag nagagalait ako ay kailangan ko ng mapag bubuntunan. Madalas ay nagiging si Celixa ang nagiging bagay na iyon. Kapag nagagalit ako at kapag nag seselos ako sa lahat ng lalaking nasa paligid niya.

Mahal na mahla ko siyia at ayokong may iabng lumalapit sa girlfriend ko. Kahit ang kaibigan kong si Artemis ay pinag seselosan ko. Alam kong ang ugali kong ito ang pinaka hindi ka tanggap tanggap. Mahal ako ni Celixa dahil nagawa niyang mag tiis ng isang taon sa akin kahit na ganito akong tao.

Madaming beses na siyang umalis pero dahil mahal niya ako ay bumabalik siya. Ngayon ay ang tanging magagawa ko na lang kaysa amgapaka galit ay ang mag hinatay na bumalik siya. Babalik siya. Alam ko.

Sinisisi ko din ang Ama kong nagpa laki sa akin. Lumaki akong bugbog sarado sa pangalawang asawa ng nanay ko kaya siguro naging ganito ako ka walang hiyang tao. Minahal ko si Celixa dahil siya lang ang tanging babae na tinanggap ako ng buo. Tiniis niya ako at inintindi. Pero hindi mahagip ng utak ko na lahat ng umiintindi ay pwede ding mapagod, lalo na kapag masakit na.

Umiyak lang ako doon sa sakit ng parehong pagka iwan at ang katotohanang paulit ulit ko siyang nasasaktan.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan. Walang Celixa ang bumalik sa akin. Pinilit kong alamin ang lahat pro nagulat ako sa nalaman ko.

Masaya na siya kay Artemis. Sa best friend ko.

Matagl na niya akong pinayuhan a alagaan si Celixa dahil hidni naman lingid sa kaalaman kong gusto niya din ang babaeng mahal ko. Pero hindi ko matanggap na iniwanan ako ni Celixa para ipag palit sa matalik kong kaibigan.

Ang nasa isip ko lang, traydor si Artemis. Siya siguro ang dahilan ng pag iwan sa akin ni Celixa at ginawa lang na alibi ni Celixa ang pagiging bayolente ko.

Gusto kong sisishin ang sarili ko pero nadadala ako ng isip kong hindi ko kasalanan iyon. Nabulag ako sa paniniwalang plinano ito nni Artemis at matagal na silang may relasyon.

Hindi ako mapalagay, gabi gabi akong umiinom at doon dumating sabuhay ko ang ina ng mga anak ko ngayon. Si Felicity.

Hindi sinasadyang may nangyari sa amin dahil sa sobrang kalasingan at ibinunga noon ang panganay kong si Max. Wala akong alam pero isang araw ay bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko at sinabing buntis siya at ako ang ama.

Naisip ko kaagad si Celixa noon, pero nang maalala kong masaya na siya kay Artemis, sa kaibigan ko na mayaman, at mayroon ng lahat ay kumukulo na ang dugo ko. Nalaman kong mula sa isang makapang yariahang pamilya si Felicity. Isang bigating sindikato ang pinapatakbo ng pamiya niya at isang maimpluwensyang politiko ang ama niya.

Ginamit ko ang pagkaakaroon namin ng anak para makamkam ang kapangyarihang meron sila at matumbasan ang legal na yaman ni Artemis. Nagpa kasal kami ni Felicity at nagka roon pa ng dalawang anak.

Isang taon noon ang bunso kong si Ace nanag malaman kong kasal na sina Artemis at Celixa. HIndi ko pa din iyon matanaggpa kahit na apat na taon na ang nakaka lipas. Mahla ko pa din si Celixa pero mahal ko na din ang asawa ko. Gayun paman, mas naka hihigit pa din ang pagmamahal na mayroon ako para kay Celixa. Lam kong ang pagmamahal ko sa asawa kong si Felicity ay obligasyon lamang.

Walang alam ang asawa ko sa lahat, maging sa naka raan koat kay Celixa.

Walong buwan ang anak nilang si Sheii noong puntahan ko si Artemis at Celixa. Dala ko anag galit ko sa matalik kong kaibigan at sa dati kong nobya.

Ganoon pa din ang sakit na sila pang dalawa ang mananakit s aakin ng ganito.

"Of all people. Hindi ko inakaang ikaw Artemis ang tatraydor sa akin. Itinuring kitang kapatid." Saad ko ng mariin habang naka tutok ang baril sa dati kong kaibigan.

"Hindi siya mawawala sa iyo kung inalagaan mo siya ng tama, Damian. Kapatid na dina ng turing ko sa iyob pero hindi ko kayang makitang ibinabasura mo at sinasaktan ang babaeng pinapangarap ko!" Sigaw sin a akin pabalik ni Artemis na ikina inis ko.

Bakit kailangang siya na lang palagi ang bida? Siya ang magaling? Siya ang perperkto? Siya ang lahat!

Umiyak ang anak nila at nadako doon ang paningin ko. Babae ang anak nila at kamukhang kamukha siya ni Celixa. Napaka gandang bata. Akin sana siya. Anak ko sana siya pero dahil sa lalaking ito ay napunta na nama sa kaniya ang pangarap ko.

Nagsiklab lalo ang galit ko nang tumingin ang bata sa akin. Kamukha siya ng kanyang ina pero ang mga mata niya ay kay Artemis, bagay na ikinagaloit ko ng sobra.

Wala sa sarili kong itinutok sa bata ang baril at madaling inalabit ang gatilyo. Niyakap ni celixa ang anak niya at tumama sa kaniyang likod na katapat ng puso ang balang nag mula s abaril na hawak ko.

"Celixa!" Tarantang sigaw ni Artemis at agad na tinakbo ang distansya mula sa kaniya at s akaniyang mag ina.

Tila tinakasan ako ng lakas ko. What have i done? Nanginginig ang mga kamay kong nilisan ang lugar na iyon. Celixa... i killed Celixa. Damn!

Nag maneho ako paalis na hindi alam ang gagawin. I kiiled her. I killed the love of my life.

Dahil pa din sa galit kaya hindi ko magawang sisihin ang sarili ko, bagkus ay sinisi ko si Artemis. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ito mangyayari.

Umuwi ako noong hindi alam ang gagawin. Walang pagsisisi akong nararamdaman. purong galit lang sa dati kong kaibigan .

Doon nag simula ang lahat. Ginusto ko siyang patayin at saktan gamit ang anak niya. Matagal ko iyong plinano pero hindi ko maisa katuparan dahil sa asawa ko.

Gagawin ko ang bagy na iyon ng hindi malalaman ng pamilya ko. Mahal ko din sila. Pakiramdam ko lang ay hindi ako matatahimik hanggat alam kong humihinga si Artemis at ang anak niya. Iyon lang ang tangi kong alam na paran para mabitawan na ang lahat mula sa nakaraan. Ang patayin ang pamilya ni Artemis.

9 years passed, My wife was diagnosed with lukemia. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang humingi ng tawad dahil sa pagkaka tali ko sa kaniya. Inamin niya sa akin na sinadya niya akong lapitan dahil gusto niya ako. Plinano niyang mabuntis para matali ako sa kaniya.

Alam niyang wlaa akong pagmamahal para sa kaniya pero hindi iyon mahalaga sa kaniya. MAsaya siyang nagka roon kami ng tatlong supling na kamuha ko. Doon ko lang na realize na hindi si Celixa ang tanging babae na nagtiis sa ugali ko at sa pagka tao ko.

Felicity is also my battered wife. Kagaya ng nagagawa ko kay Celixa ay nagagawa ko din sa kaniya ng mas malala dahil wala akoang nararamdaman para sa kaniya. Doon ko naisip ang kahalagahan ng asawa ko sa akin. Siya ang tanging tao na pinili ako kahit na kasuko suko na ako.

Sa unang pagkaka taon, sinisi ko ang sarili ko dahil sa pangalawang pagakaka taon. Naiwala ko ang pangalawang taong nagpakita ng totoong pagmamahal sa akin. Hindi ko manlang naipakita sa kaniya ang dapat na ipakita ng isanag mabuting asawa.

Masyado akong bulay kay Celixa na hindi ko manlang napasaya si Felicity habang may pagkakataon pa.

Patay na ang asawa ko at dala ko ang pag sisisi na iyon. Tanging ang mga anak ko na lang ang natitira pero hindi pa din nawawala ang galit ko.

Itinuloy ko ang plano ng pag patay kay Artemis at Sheii dahil doon, alam kong mabibitawan ko na si Celixa kapag nagawa ko na iyon. Gusto kong lumaya sa kaniya para ibuhos ang pagmamahal sa mga anak ko pero hindi umayon ang lahat sa gusto ko.

I abducted Sheii 10 years ago. Mas lalo siyang naging ka mukha ng kanyang ina. Peor kagaya ng dati ay kapag nakikita ko ang mga mata ni Artemis sa mga mata niya ay pinupuno ako ng galit. Dadil sa pagtataksil ng mga magulang niya sa akin ay hindi ko na napag tuunan ng pansin si Felicity. Nawala ang asawa ko ng ganoon na lang.

Isinisi ko sa kay Artmeis ang lahat.

I gave Sheii my name. And called her Xena Calyza. Alinsunod sa pangalan ni Celixa. Ng nanay niya. Everytime i look at Xena, nakikita ko si Celixa. pero ang mga mata niya ang nag papa alala sa akin ng lahat ng galit ko.

I wish i could stop and just move on, pero hindi ko alam kung bait hindi ko magawa. Para sa akain ay ninakaw ni Artemis lahat ng pagkaka taon ko.

I lived a life full of hatred. Gusto kong tapusin ang lahat pero walang umamayon sa gusto ko. Alam kong mahal ng mga anak ko si Xena. Isang dahilan kung bakit hindi ko magawang patayin na lang siya.

I wanted my son to live a life differnt from mine. I trained them at a young age dahil ayokong tapakan sila kagaya ng ginawa ng amain ko sa akin noong bata pa ako. I taught them how to be heartless para hindi sila manipulahin ng pesteng pag mamahal na iyan.

Pero iyon nga siguro ang pinaka malaking kalaban ng isang tao.

-END-

I wanted freedom from hatred, kaya kailangan ko na itong tapusin.

Isang magandang plano. Magagaling na mga tauhan. At ang perpektong alas laban sa taong punot dulo ng lahat, Matatapos ko ito ng wala nang ka hirap hirap.

Gutuhin ko mag hayaan ka na lang Artemis, pero hanggat ikaw ang sinsisisi ko ay hindi ko magagawang mabuhay na lang ng sarili ko kasama ang mga anak ko sa isiping dahil s apag tataksil niyo ni Celixa ay naging patapon na ang buhay ko.

Kung hindi siguro kita kaibigan ay magagawa ko pang patawarin na lang si Celixa at mabuhay ng masaya kasama si Felicity. Pero dahil dalwa akayong mahalagang tao sa buhay ko na gumawa nito ay hindi ko magawang kalimutan.

Ipaparamdam ko sa iyo ang pait ng mawalan ng lahat.

Doon, lalaya ako sa impyernong kinahulugan ko dahil sa kataksilan ninyong dalawa.