Kabanata 3: Plano
Erika's POV
[Taong 1891]
Nakaupo ako ngayon sa tapat ng salamin at pinagmamasdan ang mukha ni Ysabella. Hindi ako makapaniwala na nasa katauhan ako ng great-great-grandmother ni Rhys. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Nakatira ako ngayon sa isang mansyon na daraanan ng ilang henerasyon at mananatiling nakatayo ng daang taon.
Tumayo na ako at kinuha ang pamaypay na nasa ibabaw ng drawer table. Tinotoo talaga ni Ate Estella ang sinabi nya kahapon na magpapaalam kaming mamasyal kaya ngayon ay nakasuot ako ng magarbong baro't saya.
Binuksan ko ito at ipinaypay sa sarili ko ng mahinhin, ala Maria Clara. Isang beses lang akong nakapagsuot ng ganito bilang Erika, noong nag-perform kami ng cariñosa sa subject na MAPEH. At dahil feel na feel ko ngayon ang costume ko, unti-unti ko nang iginalaw ang katawan ko para sumayaw.
Pinapanood ko ang sarili ko sa salamin habang sinasabayan ang tugtog sa isip. Sumusunod din sa galaw ko ang maalon na buhok ni Ysabella na abot hanggang balakang. Ang galing nyang mag-alaga ng buhok. Hanggang lagpas balikat lang kasi ang gupit ko palagi dahil tamad akong magsuklay.
"Ysabella?"
Kumakatok si Ate Estella. Humarap pa muna ulit ako sa salamin para damhin na ako si Ysabella bago naglakad at pinagbuksan sya ng pinto. Bigla naman akong kinabahan kasi nakatitig lang sya sa akin. Sumabay pa yung pagtulo ng pawis sa noo ko.
"B-Bakit?" kabado kong tanong.
"Wala naman." Sinilip nya ang loob ng kwarto at nagtaka siya nang humarang ako sa kanya. Bakit nga ba ako humarang? Wala naman akong itinatago. "Naririnig ko kasi mula rito sa labas ang tunog ng iyong bakya. Ano ang iyong ginagawa sa loob? Nagsasayaw ka?" sabay labas ng nang-eechos na ngiti.
"Ahh... nagpa-practice lang." Nagsalubong ang mga kilay nya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi ko at naihampas sa bibig ang pamaypay na hawak. "A-Ang ibig kong sabihin, nag-eensayo lang ako, hehe." Tumango-tango na lang sya, pagkatapos ay inaya na akong umalis. Wews.
Pagbaba namin ng hagdan ay naabutan naming nakaupo sa salas si Donya Eleanor at nagbabasa ng nobela. Mas tasa rin ng tsaa sa lamesita.
Kaninang agahan ko lang sya nakita dahil nakatulog na ako kagabi bago sila nakauwi ni Don Joaquin. Nagduda pa ako kung nanay ba talaga sya nina Ysabella at Ate Estella dahil ang bata nya pang tignan. Mid-forty na sya pero hindi halata. Mula sa libro ay umangat ang tingin nya sa amin.
"Aalis na kayo?"
"Opo, Ina. Hindi mo po ba talaga nais na sumama sa amin?" tanong ni Ate Estella.
"Hindi na. Baka mapagkamalan akong isa pa ring binibini kung kasama ko kayo."
Natawa kami ni Ate Estella. Hindi ko naman magawa ang normal kong tawa na labas ang ngalangala dahil kailangang mahinhin na gawin iyon dito.
Natigilan kami nang marinig ang pagbaba ni Don Joaquin sa hagdan. Nakasuot sya ng itim na americano at sumbrero, mukhang paalis din.
"Maghiwalay na tayo ng kalesang gagamitin. Si Dante ang maghahatid sa inyo," wika nya habang isinasara ang butones ng coat.
"Sige po, Ama."
Tumingin si Ate Estella sa akin at sumenyas gamit ang ulo na umalis na kami. Sumunod ako sa kanya, pero bago tuluyang makalabas ng bahay ay lumingon ako sa loob at nakitang tinutulungan ni Donya Eleanor si Don Joaquin sa pag-aayos ng suot. Hindi ko maiwasang maalala sina Papa at Mama.
* * *
"May nais ka bang bilhin o kainin?"
"W-Wala, Ate."
Nagpatuloy na ulit sya sa pagtingin ng alahas habang ako naman ay kaliwa't kanan ang lingon sa paligid. Nag-a-adjust pa rin ang mga mata ko sa nakikita. Nakakapanibago talaga.
Malawak ang kalsadang dinaraanan ng mga kalesa at tao. Sa magkabilang gilid ng daan ay nakatayo ang mga pwesto na may samu't saring paninda. Mayroong street foods, alahas, mga kakanin, basta iba-iba.
Kalapit lang din nitong plaza ang palengke kung saan mga gulay, prutas, isda, karne, supplies, at damit ang ibinibenta. Halos kalahating kilometrong layo mula rito ang kinaroroonan naman ng nag-iisang simbahan ng katolika rito sa Ciudad Sagrada. Malinis at nasa ayos ang lahat.
Biglang nahagip ng paningin ko ang isang lalaking tumatakbo. Gaya kahapon ay parang bumbilyang nagliwanag sa isip ko ang pangalan nito. Francisco. Sinundan ko ito ng tingin at kagyat na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan ito papunta. Kay Rhys.
"Alejandro!"
Natanaw ko syang nagtutulak ng kariton na may lamang mga gulay. May kasunod syang lalaki sa likod na may tulak ding kariton. Biglang sumikip ang dibdib ko nang makita ang kalagayan nya.
Pulang kamiso at brown na pantalon ang damit nya. Huminto sya sa pagtutulak nang makalapit sa kanya si Francisco saka kinuha ang suot na sumbrerong nipa sa ulo para ipamaypay. Tagaktak ang pawis nya sa mukha. Bakit hindi nya sinabi sa akin na ganito pala ang nararanasan nya rito? Hindi naman sya sanay.
"Ysabelle, ano sa tingin mo? Maganda ba? Ysabelle."
Bigla akong natauhan nang hawakan ako ni Ate Estella sa balikat. Paglingon ko sa kanya ay nakatingin na rin sya sa kinaroroonan ni Rhys. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa'kin ng may malungkot na ngiti.
May alam si Ate Estella sa sikretong relasyon noon nina Alejandro at Ysabella. Kasabwat sya sa mga lihim na pagkikita ng dalawa. Pero wala siyang alam sa pagkikita nila kahapon at sa pagtanggap nila sa misyon. Ang alam din ng mga kaibigan ni Ysabella na tumulong sa kanya kaya sya nakipagkita kay Alejandro ay para tuluyan nang tapusin ang kanilang ugnayan.
"Umm, 'yan na ba ang napili mo? M-Maganda," tukoy ko sa hawak nyang kwintas para baguhin ang usapan. Kinuha ko pa iyon sa kanya at kinabit sa kanyang leeg. "Bagay sa'yo."
"Talaga? Hindi mo ito maaring hiramin sa akin," pagsakay nya saka pinilit na maglabas ng masayang ngiti.
Binayaran na nya sa tindera ang kwintas pero bago kami makaalis sa pwesto ay nakita kong nakatingin na rin sa gawi namin si Rhys. Tinapik sya sa balikat ni Francisco para ilihis sa akin ang atensyon nya, at kahit malayo ay tanaw ko ang inis nitong pagtitig sa akin. Naging kaibigan ni Ysabella si Francisco pero sumama ang loob nito sa kanya dahil sa nangyari sa relasyon nila ni Alejandro na matalik nyang kaibigan.
Hindi kami nagkita ni Rhys pagbalik namin sa present. Magkalayo kasi ang mga barangay namin at magtataka rin sina Tito at Tita kung bakit pa kami magkikita eh magkasama naman na kami kahapon. Pero hindi ko nakalimutan ang paglilihim nya sa akin kaya inaway ko sya.
Sinabi nya sa'kin ang dumating sa kanilang balita, na namatay ang Tita ni Tita Ingrid na nasa Las Tierras, yung nakatira sa mansyon ng mga Madriñan. Kaya bukas ay luluwas sila para makiramay. Ang sabi ni Tita Ingrid ay sumunod ako bago ang libing para makasama sa paglilibot, pinayagan naman ako ng Tita ko.
* * *
Maaga akong ginising ni Ate Estella kinabukasan. Nakabalik na raw ang pamilya Suarez na nanggaling sa Batangas at ngayong araw ay bibisita sila. Pinag-ayos nila ako dahil lalabas kami ni Lorenzo. Shuta magda-date kami!
Mabuti na lang dahil may mga naisip na akong idea habang nasa present. Ang plano ko ay kailangang ma-turn off sya sa akin para hindi na nya gustuhin pa na mapangasawa ako. Nakagawa na nga ako ng list eh. Saktong-sakto para sa date namin.
.
Oplan: Patayin sa sindak si Lorenzo
1. Dumihan ang damit nya.
2. Sungitan sya.
3. Maglamira sa pagkain.
4. Mangulangot sa harap nya.
5. Magpapangit.
.
Nandito ako ngayon sa may hagdan at pinagmamasdan ang portraits ng mga Madriñan na nakasabit sa pader. Nasa salas sila at naghihintay sa pagdating ng mga Suarez.
Katatapos ko naman gumayak at pababa na sana ako nang mapansin ang mga ipinintang larawan nila. Magkasama sa iisang litrato sina Don Joaquin at Donya Eleanor. Katabi ng portrait nila ang kay Ate Estella at kasunod naman ang kay Ysabella. Kumusta na kaya ang mga ito sa modernong panahon?
Biglang natigil ang pagmumuni-muni ko nang makarinig ng ingay mula sa ibaba. Hindi ko sila makita pero alam ko na nakarating na ang mga Suarez. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Keri ko 'to.
"Oh, anong ginagawa mo dyan? Nasa ibaba na si Ginoong Lorenzo," sambit ni Donya Eleanor nang makitang nakatayo lang ako rito. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang pangalan ng lalaking 'yon.
"O-Opo, Ina."
Inilahad ni Donya Eleanor ang kamay nya upang sabay na kaming bumaba. Humakbang na ako pababa at inabot na ang kamay ni Ina nang mapalingon ako sa ibaba at matanaw na nakatayo si Lorenzo sa dulo ng hagdan. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuan nya. Shocks ang gwapo!
Parang nawala ako sa sarili ko. Hindi ko na namalayang napalaki pala ako ng hakbang kung kaya't dumulas ang paa ko sa baitang ng hagdan. Huli na nang ma-realize kong wala na akong tinatapakan.
Gumawa ng malakas na kalabog ang nangyari. Buti na lang dahil nakahawak na ako sa kamay ni Ina at napigilan nya akong magtuluy-tuloy na sumubsob at magpagulung-gulong. Dali-daling umakyat papunta sa amin si Lorenzo.
"Ayos ka lang?" nag-aalala nyang tanong sabay hawak sa isa ko pang kamay.
"O-Oo."
Sya na ang umalalay sa akin pababa. Hindi tuloy maalis ang paningin ko sa mga kamay namin na magkahawak. Hindi ko malaman kung babawiin ko ba o hahayaan lang. Ugh! Rhys, tulong!
"Mukhang masyadong namangha si Binibining Ysabella sa iyong ayos, anak," tukso ng isang babae. Si Donya Elvira 'yon, nanay ni Lorenzo. Teka, ano raw?!
Nagkatinginan kami ni Lorenzo at nahihiya syang ngumiti sa akin. Todo nga ang porma nya. Itim ang suot nyang coat at puting-puti ang pantalon na para bang naka-ariel. At... ang bango. Shuta 'wag kang magpadala sa kagwapuhan nya, Erika! Gawin mo ang misyon!
"Nakakamangha rin naman ang ayos ni Binibining Ysabella."
Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi nya. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilang mapangiti. Gusto ko pa sanang ilagay ang buhok sa likuran ng tainga. Ang init ng pisngi ko at feeling ko ay pulang-pula na. Enebe!
"Halika't kumain muna tayo ng tanghalian bago lumabas ang mga bata," anyaya ni Don Joaquin. Katabi nya si Don Felipe na ayon kay Lola Esperanza ay isang Cabeza de Barangay o Kapitan.
Isa-isa kong pinagmasdan ang pamilya Suarez. Buhay na buhay nga sa dugo nila ang pagiging espanyol. Ang sabi rin si Lola Esperanza ay nabibilang sila sa mga Insulares.
Sa wakas ay nasolo ko na ulit ang kamay ko nang magsimula kaming kumain. Akala ko ay mapapayapa na ako pero maya't maya naman ang pagsulyap ni Lorenzo. Ang tagal tuloy bago ko naubos ang pagkain ko dahil halos nakayuko lang ako at makakasubo lang kapag hindi na sya nakatingin.
* * *
"Kumusta ka na, Binibining Ysabella?"
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Lorenzo sa garden ng masyon. Katatapos lang naming kumain pero mukhang atat na atat na talaga syang maka-date ako kaya pinagtulakan na ako sa kanya.
Grabe akala ko naman ay kung saang park nya ako dadalhin para mag-date. Dito lang din pala sa paligid ng bahay. Sabagay. Maganda at malawak kasi ang lupain ng mga Madriñan. Parang mini park na kung tutuusin.
"A-Ayos naman. Ikaw? Kumusta ang... pagpunta nyo sa Batangas? Maganda ba roon?"
"Hmm, mabuti naman. Maganda? Oo... pero mas maganda pa rin ang binalikan ko rito," sabay tingin sa'kin.
Yumuko ako at napakagat sa ibabang labi. Malapit na yata akong mautot kakapigil ng tawa. Uso na pala ang pambobola sa panahong 'to.
"Alam mo, Ginoo, hindi mo na dapat sinasabi pa kung halata naman."
"Inaamin mo na maganda ka, ganoon ba?"
"Sa pagkakatanda ko, hindi sa akin unang nanggaling 'yan," ngisi ko. Hindi ko akalin na mabibiro ko sya ng ganito.
Tumigil sya sa paglakad at humarap sa akin. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako roon dahil kanina pa ako bigat na bigat sa bakya. Hindi ko naman sya magawang tignan lalo na ngayong abot tainga ang ngiti nya. Bakit ang gwapo?
"Marami ka yatang nasasambit ngayon. Nakakatuwa."
"Ahh... eh paano ba ako magsalita dati?" Dapat ba tahimik lang ako?
"Hmm, hindi naman na mahalaga ang nakaraan," sabay ngiti ulit.
"Ahh, past is past ganern."
"Ano iyon? Past... is past ganern?"
Nanlaki ang mga mata ko sabay takip ng pamaypay sa bibig. Gusto ko sanang matawa kasi ginaya nya rin yung beki accent ko sa ganern haha! Pero mas kinabahan na ako dahil sa aksidente kong pagsasalita ng english. Hindi pa pala language dito 'yon.
"N-Nabasa ko lang kung saan. W-Wala iyon."
"Eh... bakit hindi ka makatingin sa akin?"
Napalunok ako. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Gawin ko na kaya yung plano? Hays! Para ko namang inalisan ng dignidad si Ysabella kapag ginawa ko 'yon. Tatatak sa history ng Pilipinas ang dugyot nyang pagkatao.
"Ysabella?"
Pumikit ako. Sasabihin ko ba sa kanya na 'wag na naming ituloy ang kasal? Pero masasaktan sya. Baka iyakan ako nito. Mahabagin pa naman ako.
"Lorenzo, kasi..."
Humarap ako sa kanya pero parang may something akong natapakan. Pagtingin ko sa ibaba, biglang... sapatos nya!
"Shuta hindi ko sinasadya! Sorry!"
Lumuhod ako tapos pinunasan yung sapatos nya gamit ang kamay ko. Hindi naman ganoon kalala ang dumi dahil itim pero halata. Shocks.
"Anong ginagawa mo? Binibini, tumindig ka." Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at pinipilit akong tumayo. "Hindi mo na kailangang gawin 'yan."
"Sandali. Ayan, malinis na." Tumayo rin ako kaagad pero bigla na lang akong nauntog. "Aray!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mukha nya pala ang natamaan ko! Napapikit sya sa sobrang sakit at napatakip ng ilong. Muntik pang maalis sa ulo nya ang itim na sumbrero sa lakas ng tama. Bakit kasi sya nakayuko?!
"Lorenzo, okay ka lang? Dumugo ba? Sorry, sorry talaga!"
"A-Ayos lang ako."
"Patingin nga."
Inalis ko ang pagkakahawak nya sa mukha saka hinawakan sa magkabilang pisngi. Itiningala ko ang ulo nya para masilip ang loob ng ilong. Mabuti na lang dahil hindi dumugo pero pulang-pula sya ngayon.
In fairness, sobrang tangos ng ilong nya. Purong espanyol eh. Saka amoy na amoy ko ngayon ang pabango nya. Nakakaadik.
"Y-Ysabella?"
Ramdam ko ang biglaang pag-init ng mukha nya. Idiniretso nya ang tingin sa akin tapos nagkatitigan kami. Natauhan na lang ako nang hawakan nya ang kamay ko na nasa pisngi nya pa rin pala. Bigla akong napabitiw. Shit! Anong ginagawa mo, Erika?!
"Ahh... a-ayos naman pala yung ilong mo. H-Hindi dumugo."
"Pero... masakit pa rin eh." Humawak ulit sya sa ilong na halata namang pag-iinarte lang.
"Tigilan mo 'yan." Umiwas ako ng tingin. Makatitig kasi sya wagas.
Napansin ko na parang napangiti sya. Siraulo. Sabihin ko kaya na ayaw kong magpakasal sa kanya, tignan ko lang kung magagawa nya pang ngumiti.
"Sana ay maging ganito tayo palagi."
Napatingin ako sa kanya. Actually, feeling ko ay mabait naman sya. Magaan na nga ang loob ko sa kanya eh kahit nakaka-annoy sya tumitig. Nakikita ko na mahal nya talaga si Ysabella. Hindi nya kaya nagawang ibigin si Lorenzo kahit kaunti noong nagsasama na sila?
"Alam mo ba, naiisip ko na ang itsura ng ating magiging pamilya. Nais ko na maabutan natin ng magkasama ang ating magiging mga apo mula sa ating mga anak. Ilang henerasyon kaya ang makakaalala pa sa atin?"
Natigilan ako sa sinabi nya. Ewan ko pero may bigla akong naisip. Si Rhys, si Tita Ingrid, si Ate Sam, mula sila sa salinlahi nina Lorenzo at Ysabella. Dugo ni Lorenzo ang nananalaytay sa kanila kaya kung hindi sila magkakatuluyan, si Rhys ay... hindi.
"May problema ba? Ysabella?"
Napatitig ako sa kanya. Sa totoo lang ay may kaunting hawig ang mga mata nila ni Rhys. Nagsimula nang mamuo ang luha ko. Posible.
"K-Kailangan kong umalis."
"Ha? S-Saan ka pupunta?"
"B-Basta. May kailangan lang akong linawin. I-Ikaw na ang b-bahalang magsabi sa kanila," saka ako mabilis na tumakbo.
"Binibining Ysabella!"
Lumabas ako ng gate. Sunud-sunod ang pagtulo ng luha ko. Bakit ngayon ko lang ito naisip? Kung totoo man itong nalalaman ko... hindi ko iyon hahayaang mangyari. Isasakripisyo ko ang sarili ko, mabuhay lang sila.
"Ayaw mo bang hilingin na sana ay hindi nagkaroon ng malubhang sakit ang iyong ina at nakakasama mo pa rin sya? Maaari mo ring mabago ang iyong kapalaran."
Mabilis na bumagsak ang mga tuhod ko sa lupa at napahagulgol ng iyak. Hindi ko malaman ang gagawin. Ayokong maniwala. Bakit kailangan kong pumili sa mga taong importante sa akin?
Nakarinig ako ng kaluskos malapit sa akin at paglingon ko ay nakita ko syang nagtatago sa isang puno. Nag-aalala at tinatawag ako ng mga mata nya.
"Rhys!" Dali-dali akong tumakbo at dagli syang niyakap.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Rhys. Rhys, makinig ka." Hinawakan ko sya sa mukha, tuluy-tuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. "K-Kailangang matuloy ang kasal. Hindi tayo... hindi tayo pwedeng magtagumpay dito sa misyon. N-Naguguluhan ako sa maaaring mangyari. Ewan ko kung totoo itong naiisip ko pero... pwedeng hindi ka mag-exist k-kapag pinilit nating baguhin ang kapalaran, Rhys."
* * *
Nandito kami ngayon sa kubo sa may gulayan ng pamilya ni Alejandro. Malapit lang ito sa bahay nila pero dito na lang namin piniling magpunta.
"Ang isang Tangonan ay hindi kailanman magbubunga ng isang Suarez. 'Yan ang sinabi sa'kin ni Lola Esperanza kahapon. T-Totoo na mawawala ako kapag hindi natuloy ang kasal."
"Alam mo na pala ang tungkol doon pero hindi mo man lang sinabi sa'kin? Bakit?"
"Dahil alam ko kung gaano kahalaga sa'yo na magawa ang misyon na 'to."
"Shit naman, Rhys! Hindi ako selfish na mas pipiliing mawala kayo para lang mabuhay si Mama! Oo, mahal ko si Mama pero mahal ko rin kayo! Shit. Matagal ko nang natanggap na wala na sya. Nagkaroon lang ako ng pag-asa dahil sa misyon. P-Pero kung buhay nyo naman ang dapat maging kapalit, mas mabuti nang hindi tayo magtagumpay."
Napayuko sya kasabay ng mabilis na pagkawala ng luha. Agad nya itong pinunasan pagkatapos ay yumakap sa'kin. Yumakap ako pabalik at hindi na rin napigilang umiyak. Nakakainis sya. Nag-decide sya agad para sa akin.
"I'm sorry." Naramdaman ko ang paghalik nya sa side ng noo ko.
Sabay kaming kumawala sa yakap at hinawakan ang kamay ng isa't isa. Wala kami sa tunay naming katauhan pero wala kaming pakialam.
"Kaya mo bang... maikasal kay Lorenzo?"
"Mabuting tao si Lorenzo. May iba pa naman siguro tayong magagawa para sa kanila. Pwedeng... mapigilan natin ang pagkamatay ng mga Madriñan."
Ngumiti na lang kami ng bahagya. Inilagay nya ang buhok ko sa likod ng tainga pagkatapos ay muli akong hinalikan sa noo.
"Alejandro."
Bigla kaming napabitaw at lumingon sa nagsalita. Sina Tito Emiliano at Tita Laura, mga magulang ni Alejandro. Kinabahan ako dahil baka nakita nila ang ginagawa namin kanina. Gulat sila nang malipat ang tingin sa akin.
"B-Binibining Ysabella?"