Chapter 67 (Special Chapter 2)
"Sandrew, bumaba ka dyan!" sigaw ni Aj sa anak na lalaki. Paano ba naman kasi ay umakyat sa may railings ng hagdan at naglambitin.
"Daddy, look I feed snoopy." Nanlaki ang mga mata niya ng makitang punong-puno ang bunganga ng pinabili nitong aso na ang breed ay Chihuahua kahit na ayaw niya. Wala siyang nagawa dahil nagwala ito at sinang- ayunan naman ni Sandra.
"Lyna! Snoopy will die if you continue to feed him." Sabi niya habang itinatabi ang nakahanda pang pagkain nito.
"Daddy!! help! help! I'm gonna die!" Mabilis naman niyang dinaluhan si Sandrew na nakakapit sa pangatlong baitang ng railings ng hagdan.
Dinala niya ito sa tabi ni Lyna at namaywang siya sa harapan ng dalawa. "Can you please behave, tatlong taon pa lang kayo pero sobrang lilikot n'yo na! Isusumbong ko kayo sa mommy n'yo!" sermon niya sa kambal.
Tatlong taon na ang kambal nila ni Sandra. Sobrang saya niya dahil talaga namang nagbigay kulay ang tatlo sa buhay niya. Pero hindi niya akalain na ang kambal ay sumobra 'ata sa vitamins at sa edad na tatlong taon ay diretso na magsalita at magaling mangatwiran. Minsan iniisip niya na kina Sammy at Samuel nagmana ang mga ito.
"What's happening, kids? Pinapagalitan na naman ba kayo ni daddy?"
"Mommy!" sabay na tawag ng kambal at tumayo upang salubungin si Sandra na kakarating lang sa check up nito. Yes, she is pregnant to their 3rd babies. Gusto niya sana samahan ito pero sigurado sasama rin ang kambal kaya mas pinili na lang nila maiwan siya para hindi magpumilit ang kambal.
"Mommy, daddy is galit. I'm just feeding snoopy. You said Snoopy needs to eat right? So, he will become bigger and stronger." Napa-irap na lang siya sa sumbong ni Lyna.
"Mommy, pasalubong?" sabi naman ni Sandrew.
Nangingiti naman si Sandra na ibinigay ang tig-isang paper bag sa dalawa.
Naglakad na ang kambal paupo sa may carpet habang tinitingnan ang laman ng paper bag.
Habang siya ay lumapit kay Sandra at mabilis itong hinalikan sa mga labi. "How's the check up? How's the babies? Ang mga vitamins nakabili ka na ba? I can b-"
Hinalikan siya nito sa mga labi dahilan para maputol ang mga sasabihin niya. Mabilis na halik lang 'yun.
"First, ayos naman ang check up. Second, Babies talaga? Hindi ba pwedeng baby lang? And third, complete na lahat ng vitamins na kailangan namin ni baby. Four weeks pregnant na ako," masaya nitong pahayag.
Nayakap niya na lang si Sandra dahil sa sayang nararamdaman.
Another blessing. Lumalaki na ang pamilya nila. At hinding-hindi siya nagsisisi. Having them in his life give him more reason to live.
Naramdaman niya ang pagtapik ni Sandra sa balikat niya. "Ano na naman iniisip mo? Kung kalokohan 'yan, tigilan mo ako, baby boy!" Kumawala ito sa pagkakayakap niya at lumapit sa kambal na masaya nang kumakain ng paboritong pagkain.
"Mommy, thank you so much. Your really the best mom in the universe!" masiglang pagmamalaki ni Lyna.
"Yes! And the most beautiful Mommy!" segunda naman ni Sandrew.
"How about me?" kunwaring nagtatampo niyang sabad sa mga ito.
Nagkatinginan ang kambal sabay kibit- balikat at ipinagpatuloy ang pagkain.
Like seriously?
Napatingin siya kay Sandra upang humingi ng saklolo pero maging ito ay inabala ang sarili sa pag-aasikaso kay snoopy.
"I feel love," nasambit niya na lang.
Narinig niyang sabay na tumawa ang tatlo.
"Come here, baby boy," tawag sa kanya ni Sandra.
Bagsak ang balikat na lumapit siya rito at umupo sa tabi nito.
"I love you, daddy." Napangiti siya sa binigkas ni Sandra. Kahit kelan talaga ang bilis niya lumambot kapag binigkas na nito ang tatlong katagang 'yun.
"I love you, too, daddy!" sabay na sambit rin ng kambal.
Tuluyan na siyang napangiti at ibinuka ang mga kamay upang humingi ng yakap sa dalawang makukulit na anak.
Mabilis naman lumapit ang dalawa at yumakap sa kanya. Yumakap rin si Sandra sa may gilid nila.
"Wow! What a perfect family! Sali kami, group hug!" Napadako ang tingin nila sa pinanggalingan ng boses.
It was Samuel, wearing a business suit mukhang hindi pa umuuwi sa bahay nito. Nagdesisyon kasi itong humiwalay na sa kanila dahil raw hindi siya makapagbabae. Baliw talaga. Maging si Sammy ay ganun din. Ang alam niya magkasama ang dalawa sa bahay na ipinatayo ni Samuel.
"Sali rin ako sa group hug!" biglang sulpot naman ni Sammy.
Nagawa niya ng makilala ang kambal sa ayos ng damit nila ngayon. Sammy is wearing a blue polo shirt paired with trousers.
"Dada Sammy!" sigaw ni Lyna.
"Dada Samuel!" sigaw rin ni Sandrew at nagtatakbo na ang kambal sa dalawa ring kambal.
Dada ang gusto nilang itawag imbes na tito. Dahil daw second daddy daw nila ang mga ito. Kahit kina Anthony at kevin ay ganun rin.
Napapailing na lang siya ng pumasok ang dalawang katulong na may dala-dalang mga plastic. Sigurado siya na mga laruan na naman ang mga 'yun. Sobrang spoiled ng kambal sa mga ito.
"Wow! Is that for us?" excited na tanong ni Lyna habang buhat siya ni Sammy.
"Yes, baby," sagot naman ni Sammy.
"I have also, Dada Samuel?" tanong naman ni Sandrew.
"Ofcourse, kiddo. For you and for Lyna," nakangiting sabi ni Samuel. "Come, dun n'yo buksan."
Inilapag ng dalawang katulong sa harap nila ang mga plastic at ang iba ay paper bag na halatang mga branded.
Mabilis na kumilos ang dalawa at inisa-isa nang buksan ito.
Inalalayan niyang tumayo si Sandra upang bumati sa kambal. Binati niya rin ang mga ito habang si Sandra ay humalik sa kambal.
"Bakit parang tumaba ka, ate?" tanong ni Samuel.
Inutusan niya naman ang katulong na dalhan sila ng makakain.
Nakaupo na si Sandra sa may mahabang sofa habang ang kambal ay nakiupo sa dalawang bata na tuwang-tuwa sa mga bagong laruan, damit, libro na pasalubong ng kambal.
Tumabi siya kay Sandra. Hinihintay kung ano ang isasagot sa kambal na kapatid.
"I'm pregnant," tugon niya.
"What?" sabay pang tanong ng kambal.
Parang mga tanga lang. Gulat na gulat. Parang hindi kapani-paniwala. Kung hindi lang sila nagkontrol ni Sandra baka nga wala pang isang taon ang kambal na anak ay buntis na naman ito.
"Tatlong taon palang ang kambal? Tapos buntis ka na naman?" sabi ni Sammy. "Ouch! Samuel!" Sinapok kasi ito ni Samuel.
"Ano problema dun? Nasa tamang pagitan na naman para sundan ang kambal. Doctor ba talaga ang kinukuha mo?" Humarap si Samuel sa kanila. " Congratulation, another baby or babies? Alam na ba nila tita?"
"They are out of the country. Pagdating na lang nila namin ibabalita," sagot niya.
"Congratulation, masaya ako pero pagkatapos niya tama na muna, ah-aray! Nakakarami ka na Samuel!" inis na sabi ni Sammy.
"Kung makabawal ka kasi sa kanila parang ikaw ang magluluwal, ah. Hanggang may mabubuo, go lang!" Natawa siya sa katwiran ni Samuel. Pero lingid sa kaalaman ng kambal ay napagdesisyunan na niya at ni Sandra na huli na 'yun. Okey na sila sa tatlo o kung papalarin ulit na kambal, di sa apat. Basta huling pagbubuntis na ni Sandra ito.
"Ate, you know what, may binabahay si samuel-aray!" Natuon ang atensyon nila kay Samuel na masama ang tingin kay Sammy.
"Is that true? Samuel? Binahay talaga?" seryosong tanong ni Sandra.
"Ate, huwag kang maniwala kay Sammy! Wala namang alam 'yan!" depensa ni Samuel.
Magsasalita pa sana si Sammy ng panlakihan ito ng mga mata ni Samuel na hindi nakaligtas kay Sandra.
"Samuel, malaki ka na. Pero kung seryoso ka naman sa kanya. Pakasalan mo na," suhetsyon ni Sandra.
Bago pa makasagot si Samuel ay nagsalita si Lyna. Kaya natuon na rito ang kanilang atensyon.
"Dada Sammy, I want cat, buy me please," pakiusap ni Lyna at nagpuppy eyes pa ito kay Sammy.
"What? Ca-cat? No way!" Natawa sila ni Sandra dahil ayaw na ayaw ni Sammy sa mga pusa. Sabi ni Sandra nakalmot raw ito noon kaya simula nun ayaw na nito sa pusa.
"But I want one, para may kalaro si snoopy." Hinila pa nito ang dulo ng damit ni Sammy.
"What the f-"
"Your words, Sammy!" mabilis na saway ni Sandra rito.
"Ooooops. Pero, baby Lyna, hindi dapat pusa ang maging kalaro ni snoopy. Mortal enemy kaya sila," paliwanag nito kay Lyna.
"They can't be best friend? But I want one, please. I promise I will talk to them to be good friend," inosenteng sambit ni Lyna.
Tumingin sa kanila si Sammy na tila humihingi ng tulong habang si Samuel naman ay pinipigilan ang matawa.
"Lyna, stop bullying your Dada Sammy. I know what your doing. Dada Sammy, doesn't like cat. Once you have cat here, Dada Sammy will not come here. Do you like that?" sabi ni Sandra kay Lyna.
Mabilis namang umiling si Lyna at niyakap si Sammy. "Sorry Dada Sammy. I won't asked for it. Just always visit us. I love you." Hinalikan pa nito sa pisngi si Sammy.
"Awwwnnn, so sweet my baby Lyna. Don't worry, Dada Sammy always be here to check your mommy because she's going to have another baby." Nanlaki ang mga mata ni Lyna. Hindi pa pala nila nasabi sa kambal at mukhang hindi rin narinig ang usapan nila kanina dahil busy sa mga pasalubong.
"You mean, I'm going to be ate? And Sandrew, kuya?"
"It is real, mommy, daddy?"tanong rin ni Sandrew.
Sabay naman silang tumango ni Sandra.
"Yehey! Yehey!" Nagtatalon sa tuwa ang kambal at nagyakapan pa.
"I want a girl!" Lyna said.
"No, it's a boy," kontra ni Sandrew.
"No! It's a girl."
"No! a boy."
"Ok, let's bet then, whose gonna win?" Hamon ni Lyna kay Sandrew.
Halos malaglag naman ang panga niya dahil sa sinabi nito. Saan nila natutuhan ang magpustahan.
Masama niyang tiningnan ang kambal na kapatid ni Sandra.
"Ui, wala akong alam dyan!" natatawang sabi ni Samuel.
"Ako din! Inosente ako. Si Kevin tanungin mo!" segunda naman ni Sammy.
Patuloy na nagtatalo ang kambal na anak.
"Baby girl, talk to them. Masama magpustahan!" reklamo niya.
"Masama? Pero pinagpustahan n'yo si Kevin at si Anthony nung mga panahon na naghihirap ang dalawa sa lovelife nila! Ikaw, kumausap sa mga anak mo!" sabay irap nito sa kanya.
Napahilamos na lang siya ng mukha.
"Twins, come here," tawag niya sa dalawa.
Lumapit naman ang dalawa sa kanya.
"Saan n'yo natutunan 'yan? Alam n'yo bang masama 'yan?" tanong niya sa mga ito.
Nagkatinginan ang kambal sabay tingin sa kanya at sinabing, "Sayo, daddy."
Gulat na gulat siya sa sinagot ng dalawa. "Wh-what?"
Narinig niya ang malakas na pagtawa nina Sammy at Samuel habang si Sandra ay pinalo siya sa braso.
"Paano sa akin?"
"You forget daddy? Remember when Dada Anthony and Dada Kevin here. You said like uhmmm... What he said, Sandrew? "
"Daddy, you three said that who will first get a baby this year will win. But I don't know what is the prize." Nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang pustahan ng mga pinsan at wala sa sariling napasuntok sa hangin.
"Yes! Yes! I won!" Nagsasaya pa siya ng maramdaman niya ang matalim na titig at sigurado siya kung sino nagma-may-ari nito.
Napangiwi siya ng makita si Sandra na nakataas ang kilay.
"Kids, let's go to the garden, let's play there." Rinig niyang aya ni Sammy sa kambal.
"Para hindi tayo madamay sa galit ni mommy, let's go! Good Luck Andrew!" sigaw pa ni Samuel habang papalabas.
"So, mind to share about this?" seryosong saad ni Sandra habang nakahalukipkip.
Mabilis siyang lumapit rito at niyakap. " Baby girl, wala naman 'yun. Nagbibiruan lang naman kami," lambing niya rito.
"Tapos ang lakas ng loob mong magtanong saan natutunan ng mga anak mo 'yun? At ano ang pinagpustahan n'yo?"
Naisubsob niya ang mukha sa leeg nito.
"Tell me, Aj. Kung ayaw mo palayasin kita."
"Baby girl naman, palalayasin mo talaga ko? It's me, your baby boy," pinalungkot niya pa ang boses.
"I don't care. Kaya sabihin mo na, ano pinagpustahan n'yo, huwag mong sabihing bente pesos 'yan?" pamimilit nito.
Natawa siya sa sinabi nito at wala na siyang choice kungdi sabihin rito kung ayaw niya mapalayas.
"Well, it's one week vacation in any country the winner wants. Lahat sagot ng natalo." He wiggled his eyebrows. "Is not wonderful, baby girl? We will have time to complete our baby in your tummy and have a vacation for free." Nagmamalaki niyang sabi.
"Para mong sinabi na hindi mo kayang gumastos para sa bakasyon natin!"
"Baby girl, hindi ganun, pero syempre iba pa rin pag libre. Only you and me, iwan natin kina mommy ang kambal. So, I can make love to you, until you pass out."
Hinampas siya nito pero alam niyang gusto rin nito. Buti nga nakabuo pa siya sa mga nakaw na sandali nila, istorbo kasi ang kambal.
Tumayo si Sandra at naglakad patungo sa garden.
Lumingon ito sa kanya. "Inform me when, so, I can prepare myself and ask my doctor the do's and don't."
Napatalon siya sa saya! He will make sure that they will have a great moment especially in bed. But before that he will call first his two loser cousins!