Chapter 51 Meet her first love
Binuhat ni Aj si Sandra papasok sa banyo nang hindi inaalis ang pagkakabaon dito.
Baka makahirit pa siya ng 3rd round!
Isinandal niya ito sa may pader.
"Mr. Villaflor, put me down and get my clothes," utos nito sa kanya.
"What if I don't like? My c*ck still needs you, maybe another round." Nanlaki ang chinita nitong mga mata.
Magsasalita pa sana ito nang makarinig sila ng katok.
"Ughhhh! Istorbo!"
"Put me down, Aj and get my clothes. Nakakahiya! Shit." Ito na ang kusang humiwalay sa kanya habang siya ay mabilis na lumabas at pinulot ang mga damit nila.
"Just stay here, ok," wika niya rito habang mabilis na nagbibihis dahil hindi na tumigil ang kumakatok.
Bago siya lumabas ay hinalikan niya pa ito sa mga labi. Hindi talaga siya makatiis.
Isinara niya ang pintuan ng banyo at nagtungo sa pintuan para buksan.
Pagkabukas niya ay bumungad ang mommy at daddy niya.
"Why did you take so long to open the door?" nakataas kilay na tanong ng mommy niya.
"I was in the bathroom," sabay iwas niya ng tingin rito.
Pumasok naman ang mga ito sa loob pero nakita niyang natigilan ang mga ito.
Nang dumako ang tingin niya sa tinitignan ng mga ito ay napasapo na lang siya sa noo.
"Parang dinaanan ng malakas na bagyo ang opisina mo, anak," nakangising turan ng daddy niya.
"Ah, may hinahanap po kasi akong files, yeah, files kaso di ko mahanap," pagdadahilan niya.
"How about Sandra? Where she is?" muli pa ring tanong ng mommy niya.
"Inutusan ko sa marketing," mabilis niyang sagot.
Nakita niyang tiningnan siya ng makahulugan ng mga ito.
Naglakad na siya palapit sa kanyang mesa at itinayo ang kawawang swivel chair.
"Dumaan lang kami ng mommy mo para sabihin sayo na pupunta kami sa Italy. We stay one week there." Napalingon siya sa sinabi ng daddy niya. "I also want to remind you for the coming Christmas party, ask Sandra to help you," dugtong pa nito.
Oo nga pala, one month na lang at magpapalit na naman ng taon.
"Sure dad, enjoy kayo ni mommy. Baka maihabol pa ako ng kapatid," biro niya.
"Sure son, gusto mo ba ng twins?" Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ng mommy niya.
Kahit kelan talaga, talo siya sa mommy niya.
Sumimangot siya na ikinatawa naman ng mga magulang.
"Don't messed with your mom, you know you can't win over her," his daddy said.
"Sige na po baka ma-late pa kayo. Ingat po kayo," pagtataboy niya sa mga ito.
Nakatingin siya sa mga ito palabas ng opisina niya ng lumingon muli ang mommy niya na malapad ang ngiti.
"Son, make sure you will get her pregnant before the year end. Patunayan mong hindi pa expire 'yang sperm mo!" Napangiti na lang siya sa sinabi ng mommy niya.
"Papunta ka palang, anak. Pabalik na kami ng mommy mo. Next time lock the elevator so no one will disturb you." Nakangising wika ng daddy niya at tuluyan nang lumabas.
Mabilis niyang pinuntahan si Sandra sa banyo.
Naabutan niya itong nakasandal sa may sink.
Nilapitan niya ito at niyakap.
"Uhmmmm, smell so good baby girl," sininghot-singhot niya pa ito. Nakakaadik talaga ang amoy nito.
"Tigilan mo ko, Aj! May meeting ka ng ten am." Inalis nito ang pagkakayakap niya at iniwanan siya.
......
Pagsapit ng lunch ay sa canteen kumain si Sandra dahil may lunch meeting si Aj at ayaw niya sumama. Namimiss na rin niya kasi ang mga kaibigan.
Mabilis niyang nakita ang mga ito kaya pagkatapos mag-order ay lumapit siya sa mga ito.
"Uh-oh, may naliligaw yata," maarteng wika ni Jayson.
Tumabi siya kay Jayson dahil magkatabi si Sarah at Raymond.
Inirapan niya lang ito
"Anong meron? Hiwalay na agad?" tanong ni Sarah.
"Kumain lang dito, hiwalay na agad! Di ba pwedeng namiss ko kayo," nakangiti niyang wika.
"Sus! Namiss raw, halos hindi ka na nga magpakita sa amin," nagtatampong wika ni Jayson.
Niyakap niya tuloy ito.
"Iwwn, girl, hindi tayo talo kahit anong gawin mo!" Kumakawala ito sa yakap niya.
Natawa na lang siya rito bago pinakawalan.
"Gumaganda ka girl, iba na talaga pag may dilig," nang-aasar na wika ni Sarah.
Pakiramdam niya ay namula siya sa sinabi nito.
Halatang guilty aketch, haha
"She's blushing, so talagang isinuko na?" singit ni Raymond.
Inismiran niya lang ito.
"Daks ba girl? Balita ko na ospital ka? Ganun kalaki?" usisa ni Jayson.
Napaubo tuloy siya. "Hinaan mo nga 'yang boses mo!" sita niya rito.
"Feeling virgin, hindi na naman. So, daks nga ba?" patuloy nito.
"Ma o-ospital ba ako kung hindi? May gosh, umabot yata sa balunbalunan ko," pakikisakay niya rito.
"Ay! Bongga! Kaya pala ang blooming!" Pumalakpak pa si Jayson.
"'Yung kay Sir Dominic kaya daks din?" singit ni Sarah na tila nag daydream pa.
"'Yung akin daks, babe!" sagot ni Raymond dito. Natawa tuloy sila ni Jayson nang irapan lang ito ni Sarah.
"Wala pa rin kayong label na dalawa?" tanong niya.
"Paano magkakalabel pareho mataas ang pride," ngising-ngising turan ni Jayson.
Napailing na lang siya sa mga ito. Habang sina Raymond at Sarah na nag-umpisa ng magbangayan.
Darating din ang araw na ibaba nila ang kanilang pride. Dahil mas mahalaga ang makasama mo ang taong mahal mo.
She admit she loves Aj. Pero never niya pang nasabi 'yun, maging ito ay di pa binabanggit 'yun. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka pag nagsawa na ito ay iwanan siya.
Natatakot siya masaktan ulit.
Natatakot siyang maiwanan ulit.
.....
Nasa Manila bay sila ngayon ni Sandra. It's Saturday at usapan nila ang sabado ay para sa kanila kahit halos araw-araw na silang magkasama.
Kanina nga kung nakakamatay lang ang tingin baka pinaglalamayan na siya sa talim ng tingin ng kambal sa kanya.
Sinundo niya kasi si Sandra sa bahay nito. Iniwanan nila ang kanyang kotse na hiniram naman ng kambal. Ayos lang naman sa kanya. Para pampadagdag points haha.
Nagmotor sila papunta rito. Namiss niya kasi sumakay sa motor habang kayakap ito.
"Sabi nila sa paglubog ng araw ay paniguradong may bagong umaga. Parang sa buhay lang. Sa bawat madilim na nakaraan
, mayroong darating na liwanag." Nabalik siya sa sarili nang marinig ito nagsalita.
Napatingin siya rito na nananatiling nakatingin sa papalubog na araw.
She's is so beautiful. Sabi nila nobody is perfect in this world but he doubt it. Because the woman beside him is a image of a perfect person. Siguro nga walang perpekto pero nagiging perpekto sila sa tingin mo dahil tanggap mo lahat sa kanya.
"Staring is rude, baby boy." Isinandal nito ang ulo sa balikat niya.
"Then I'm willing to be rude because I can't stop staring the most beautiful woman I met."
"Kinikilig ako, pero sumbong kita kay tita," biro nito.
"Ofcourse mom, lola and tita is excepted. You know what I mean," depensa niya rito.
"Oo na, biro lang naman." Kinuha nito ang kanang kamay at pinagsalikop ang kanilang mga kamay.
"Thank you for accepting me." Napangiti siya sa sinabi nito.
"No, baby. Thank you for coming." Namayani muli ang katahimikan sa pagitan nila.
"Did you fall inlove before?" pagbasag niya sa katahimikan.
Naramdaman niyang natigilan ito. Hindi na muna siya nagsalita, kung hindi ito handang sabihin, maiintindihan niya.
"Yes, there is no reason for me to lie. I was seven years old when I met him. He saved me." Nanatili siyang tahimik sabay nang paghigpit niya sa pagkakahawak sa kamay ni Sandra.
"I am standing beside a river, watching the calmness of it. Habang umiiyak ako. Nagpunta ako dun dahil gusto ko mapag-isa. Pakiramdam ko kasi wala na akong lugar sa pamilya ko. Bata pa ako nun kaya natural naghahanap pa ako ng aruga. Limang taon na ako lang ang inaasikaso tapos bigla magkakapatid ako hindi lang isa dalawa pa," bahagya itong tumawa, "simula nun, nawalan na ng time sila mommy at daddy sa akin. Puro na lang ang kambal. I feel unloved. Pakiramdam ko ayaw na nila sa akin. Then, one day my feet brought me in that place. Iniyak ko lahat, gusto ko na nga magpaanog sa agos ng tubig. Then he came from somewhere.
"Alam mo anong sabi niya? Sabi niya sa akin 'hoy panget, anong iniiyak mo dyan?'. Hinanap ko 'ung nagsalita, andun siya nakaupo sa may batuhan. Walang damit akala naman niya macho siya." Muli itong tumawa nang mahina pero pumipiyok na ang boses nito.
"Nakita ko na lang ang sarili kong nagkwento sa kanya. Ang mokong tinawanan pa ako. Ang sabi niya sa akin dapat daw magpasalamat ako dahil may kapatid ako, siya daw wala. Imbes daw magselos ako, alagaan ko raw at mahalin ang kambal. Dahil pagdating ng araw sila daw ang kakampi ko. Lahat ng sinabi niya sinapuso ko. Simula nun lagi na siya nagpupunta dun maging ako. 'Yun ang naging tagpuan namin. Simula din nun gumaan pakiramdam ko. Inalagaan ko ang kambal at minahal." Kita niya ang pasimpleng pagpunas nito sa gilid ng mata.
Tumikhim ito. "Until one day, he did not show up. Inisip ko baka busy. I still continue going to that place, same time. Until week pass, months and even year. He never come back." Kita niyang tuluyan na itong umiyak. Nasasaktan siya makitang umiiyak ito at ang dahilan ay ang tao sa nakaraan nito. Niyakap niya ito. Hinayaan niyang umiyak pa ito. Kasabay din nang pagdurog sa puso niya. He loves her. At masakit makitang umiiyak ito dahil sa taong minahal o mahal pa rin.
Nagpatuloy ito sa pag-iyak na tila hirap na hirap. Gaano ba talaga nito kamahal ang lalaking 'yun. Pero sa kanya na siya.
Kanya na nga ba?
"A-alam mo 'yung ma-masakit," patuloy nito kahit pumipiyok ang boses, "hindi siya nagpaalam. Kahit man lang sana saglit, kahit man lang isang salita, wala! He left me without saying anything but left a promise. Isang pangako na hindi ko nga rin alam kung matutupad pa. I want to hate him but who I am? Bata pa kami nun, magulang pa ang nagdedesiyon para sa amin. Kaya siguro wala din siya nagawa pero umasa ako na tutuparin niya ang pangako niya. I waited for twenty years, hoping that Aj will fulfill his promise. But I'm just fooling myself, twenty years is enough." Umalis ito sa pagkakasandal sa dibdib niya at pinunasan ang mga luha.
"You said Aj? Is that his name?" Narinig niya kasing binanggit nito. Nakita niya tumango ito. Bigla ay tila sumasakit ang
ulo niya.
"'Yun lang ang alam ko. Ni hindi ko nga alam totoong pangalan niya, sabi niya lang sa akin tawagin ko siyang Aj at siya naman panget tawag niya sa akin kasi lagi raw ako madungis."
"What he promise to you?" tanong niya rito pero napahawak siya sa kanyang ulo tila may mga eksenang pumapasok sa isipan niya.
"Pinangako niya na mamahalin niya ako nang walang hanggan. Tulad ng ibinigay niya sa akin na kwi-hey are you Okey?" Hinawakan nito ang kanyang mukha.
"Ughhh!" Ang tanging nasambit niya dahil sumasakit talaga ang ulo niya. Hinawakan na niya ito gamit ang dalawang kamay.
"Aj, wait. Dalhin kita sa hospital
" Patayo na sana ito ng pigilan niya.
"Ju-just stay here for a while," pakiusap niya rito habang sapo-sapo pa rin ang ulo.
Mabilis naman siya nitong niyakap at hinaplos ang kanyang buhok na tila may mahika na nagpapakalma sa kanya.
Unti-unti ay nawawala ang kirot ng kanyang ulo. Yumakap na rin siya rito at isinubsob ang ulo sa dibdib nito.
Nanatili sila sa ganung pwesto hanggang sa hampasin siya nito sa braso pero mahina lang naman.
"Aj, tsansing na 'yan ah! Di man yata masakit ulo mo, eh," sita nito sa kanya. Hindi niya kasi maiwasan ang lambot ng s*s* nito.
"Baby girl, sumakit nga talaga ulo ko. Uwi tayo sa condo ko," lambing niya rito.
Itinulak siya nito. "Ulo saan? Sa taas o sa baba?" Nakataas kilay na tanong nito.
Napakamot naman siya sa ulo. "Both baby girl–ouch! Ang bigat ng kamay mo baby girl," reklamo niya dahil hinampas na naman siya nito.
"Manyak ka talaga kahit kailan!" Tumayo na ito at iniwanan siya.
Natatawa na lang siyang sinundan ito. Nang maabutan ay hinawakan niya ang kamay nito at pinagsalikop. Nilapit niya pa ang mukha sa tenga nito at bumulong, "Pikon."
Tiningnan siya nito ng masama pero kinindatan niya lang ito.
Nakita niya napailing na lang ito.
Sabay na silang naglakad ng magkahawak kamay na may pasway sway pa.