Chapter 2 New School
"Or else you'll lose head."
Dinig ko pa rin ang bantang iyon ng kapatid ko sa aking isipan.
Nandito ako sa veranda ng aking kwarto. Nakaupo habang pinapanuod ang mga tauhan namin na nagbabantay sa paligid ng mansion.
I sipped my coffee. It's 11 in the evening yet here I am, drinking my frustrations out. At sino ba naman ang makakatulog pagkatapos kang bigyan ng misyon at consequences na nakakahibang?
I will be send to school, iyon ang sabi ng kapatid ko. Kaya nga ako nag ho-home schooling dahil ayaw kong makihalu-bilo sa mga tao pero heto at itatapon niya ako sa paaralan? Bilib na talaga ako sa galing ng kapatid ko. Pupunta raw ako doon sa ayaw at sa gusto ko.
Isang buwan na ang lumipas simula ng pasukan kaya bukas na bukas din ay ihahatid na ako ni Kuya. Base sa curriculum na kinukuha ko ngayon, I should be a fourth year college kung papasok ako doon pero iniayon nila ang edad ko kaya sa third year ako. I'm taking business management kasi iyon naman talaga ang dapat. Kailangan kong tulungan si Kuya sa pamamalakad ng mga businesses namin.
Tiningnan ko ang school invitation na bigay ng kapatid ko kanina. It looks enchanted, kinda expensive for a simple invitation.
Mula sa gold na envelope, it was wrapped with a dark veins and sealed with infinity snake symbol. That insignia. I can't be mistaken, ito ang markang nakita ko sa left wrist ng mga taong umatake sa head quarters namin. Ang pinagkaiba lang ay yung kulay nila. Red snake itong nasa seal habang black naman doon sa mga bangkay. Hindi naman pwedeng nagkataon lang. I have a photographic memory at kung ihahambing, bawat anggulo at detalye ay magkaparehas sila. At hindi ako papupuntahin ng aking kapatid doon kung wala itong koneksyon diba?
Sa likuran ng envelope nakatatak ang I🔱S University. Hmmm. Maybe 'I' stands for Infinity and 'S' for Snake? Nagkibit balikat ako.
Pero bakit isang paaralan at ano ang kinalaman nito sa pagkakanakaw ng mata ni Dad?
Napabuntong hininga ako. Our family came from the long line of Prometheus. Not the Titan okay? It's Prometheus Cromello. My great great great... I don't know how many great but he's our great grandfather.
Aside sa story ng mga ninuno namin, Prometheus was a poor farm boy. Mag isa lang itong nakatira sa kagubatan. Then isang gabi habang naglalakad siya pauwi, may nakita siyang hubot hubad na babae na walang malay at punong-puno ng sugat at galos ang buong katawan. Dinala niya ito sa kanyang kubo. Nanatili doon ang babae habang nagpapagaling. The woman is a goddess at hindi napigilan ni Prometheus ang umibig dito at ganun na din si Eba dahil bukod sa mabait, magandang lalaki din si Prometheus.
They were leaving happily until one day, ginabi ng uwi si Prometheus dahil pinatigil muna niya ang bagyo sa isang kweba. Nag-aalala siya kay Eba pero kahit gustuhin man niya ang umuwi na ay wala siyang makita sa lakas ng ulan at hangin. Natatakot din siya na baka tamaan siya ng kidlat.
Nang humupa na ang bagyo, nagpasya na siyang umuwi. Gabi na at naaaninag na mula sa kanyang pwesto ang ilaw ng lampara sa kanyang kubo. Malamang kanina pa naghihintay sa kanya si Eba. Napangiti siya sa kanyang naisip pero nabura rin iyon nang narinig niya ang malakas na pagsigaw nito.
Dali-dali siyang tumakbo at doon, mula sa pintuan, nakita niya si Eba na nakahiga sa lamesa, umaagos ang masaganang dugo mula sa kanyang ulo at walang malay habang nagpapakasasa ang isang lalaki sa katawan nito. Nagtatawanan ang mga kasamahan nito, nasisiyahan sa nakikita.
Dahil sa nasaksihan at poot na nararamdaman, nagdilim ang kanyang paningin. Hinawakan ang itak na nakasabit sa kanyang bewang at dahan-dahang tinanggal sa lalagyan nito. Kumislap ito nang masinagan ng ilaw ng buwan.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa mga lalaking makakatikim ngayon ng talim ng kanyang itak. Lumingon ang mga lalaki sa kanya at bago pa sila makapalag ay sinimulan na niya ang mga itong pagtatatagain!
Nagtilamsikan ang mga dugo at parte ng katawan ng tao.
"H-Huwag!" Pagmamakaawa ng lalaking humalay sa babaeng mahal niya pero parang nabingi na siya. Hindi siya makapag-isip. Kinain na siya ng kadiliman. At tulad ng isang taong nangangatay ng baboy, kinatay niya ang anim na kalalakihan pagkatapos ay tinapon sa rumaragasang ilog.
Kasama ng mga lalaki, nasawi rin ang babaeng kanyang minamahal dahil sa pagkakauntog ng ulo nito ng maraming beses. Lahat iyon ay nasaksihan ng diwata. Diwata ng kasamaan. Nasiyahan ito sa nakitang karahasan ni Prometheus kaya sinumpa niya ito.
"You amazed me human. Your unmerciful killing satisfied my hunger. So from now on, I will give you the power to rule the world. With the devil's eye that I will give to you, you and your bloodline will gain everything in this world, everything, all except for the woman that you love."
After that, Prometheus built his empire and got married to a woman named Eve with the same face as Eba's. They've been together for five years and as soon as their second baby was born on the last date of the year, Eve died.
Iyon ang alam ko. Though para sa akin, hindi naman ata yun sumpa kundi family business, illegal nga lang.
Binuksan ko ang envelope at binasa ang mga terms and conditions na nakalista. It was written in a cursive letter at masasabi kong magaan ang pagkakasulat.
Maganda siguro ang nagsulat nito.
Napangisi ako at binasa muli ang nasa papel. Kabisado ko na ito pero binasa ko muli kasi parang ang hirap paniwalaan ang mga nakasaad dito.
Who wouldn't be fascinated kung habang nag-aaral ka eh kumikita ka rin ng pera? And that money depends on your grade. Kung pagbubutihin mo lang ang pag aaral mo, tiyak na yayaman ka.
Everything was free. From foods, to supply of clothes, bar hopping, liquors, as in everything. You don't need to spend any single cent. You can do anything you want. Waste your life and get fucked up doesn't matter as long as you don't kill. Naiisip ko tuloy kung anong klaseng paaralan ito.
And for me to enter that prestigious school, all I need to do is to sign the paper as a confirmation that I have agreed on the said agreement and I'm good to go.
Kinuha ko ang ballpen na kanina pa nag-aantay na damputin ko at walang pagdadalawang isip na isinulat ang pangalan at pirma ko sa papel.
Tutal hindi naman ako makatulog, tumayo ako at nag umpisa nang mag-impake ng mga damit at gamit na aking dadalhin. Kaunti lang ang kinuha kong damit dahil hindi naman ako pupunta doon upang rumampa.
Inilagay ko ang passcode at bumukas ang pader kung saan nandun ang aking mini armory. I get my two favorite guns with my initials ingraved on it. Pinasadya ang baril na ito ayon sa kalibre na gusto ko with the help of our scientist and engineers. Ito lang ang kinuha kong baril at ilang bala. I also get some knives, explosives and other devices that I'll be needing.
Inilapag ko lahat ang mga iyon sa ibabaw ng kama habang nakapamewang, iniisip kung pano ito maikukubli dahil paniguradong mahigpit ang security doon.
May kumatok sa pintuan.
"Bree? Still up?" boses yun ng Kuya ko.
"Yeah," maikli kong tugon habang sinisimulan nang ayusin ang mga gamit. Papatungan ko na lang ng mga damit ang mga armas. Pumasok ang aking kapatid at pinanuod ako sa pag iempake.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Bukas mo na lang gawin 'yan."
"Hindi kasi ako makatulog," maikli kong tugon. Bumuntong hininga siya bago lumapit at umupo sa aking kama. Hindi ko siya tiningnan at nagpatuloy lang sa ginagawa.
"I'm sorry Bree doon sa mga nasabi ko kanina. Pagod akong umuwi tapos yun pa yung madadatnan kong balita kaya hindi ko na naisip yung mga salitang binitawan ko," paliwanag niya sa kalmadong boses.
I looked at him and saw sadness and guilt in his eyes. That was new. Lander Cromello doesn't show any emotions aside from being serious and angry, so I don't know what are those emotions for.
Kuya held my hand and stared at me. "I never say this before but the world knows how much I love you. I might be a bad person but I cannot hurt my little sister."
I can see the sincerity in his eyes. Never kong narinig ang salitang iyon sa tanang buhay ko pati na rin kay Dad. Love is nowhere to be found between the three of us. We're just civil to each other and that's fine with me. That's fine...
Nagbikig ang lalamunan ko. Kinabig niya ako at niyakap habang masuyong hinahaplos ang buhok ko.
"Kuya.. " yun lang ang tangi kong nasabi habang humihikbi. Bakit ganun siya magsalita, parang nagpapaalam na.
"Malapit ka na bang mamatay at namamaalam ka na?" hindi ko napigilang itanong.
Kumalas siya saka kinutusan ako ng malakas.
"Aray! Bakit ba?!" inis kong tanong, hawak hawak ang ulo. Ang sakit nun ah.
"Eh kung pilipitin ko kaya yang leeg mo?" Beast mode na siya ngayon.
"Joke lang naman yun Kuya. Payakap pa nga." Akmang yayakapin ko ulit siya nang bigla siyang tumayo at naglakad palayo sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo," bulong pa niya bago ibinalibag ang pinto pasara. Tumatawa akong humiga sa kama. But honestly, kakaiba ngayon ang kapatid ko. Mayron kaya siyang problema?
Kinabukassan..
Tahimik at seryoso ang aking kapatid habang nagmamaneho na parang hindi nag emo-emo sa akin kagabi. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang malalim na pag-iisip at tumingin sa labas ng bintana, pinapanuod ang mga matatayog na punong aming nadadaanan.
We've been traveling for hours now pero mukhang malayo pa kami. Ito ang una kong punta sa lugar na ito since hindi ako mahilig sa mga kagubatan. Sabi kanina ni Kuya ay nasa pinakadulong parte raw ng kagubatang ito ang paaralan.
Sa pag iisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa munting tapik sa aking balikat.
"Bree. Nandito na tayo," tawag ng kapatid ko.
Nagmulat ako ng mata at umayos ng upo. Tumingin ako sa labas at sa harap namin ay isang makapal na black gate na gawa sa purong bakal. Hindi ko makita kung gano ito kataas dahil nandito pa ako sa loob ng sasakyan. Akmang lalabas na ako nang pigilan ako ni Kuya.
Napatingin ako sa kamay niyang sumasakal sa braso ko at sa mukha niyang deretso ang tingin.
"Kuya you're hurting me," sabi ko na kasi parang wala siya sa sarili.
Bumaling siya sa akin at binitawan ang aking braso. Sumandal ulit ako sa upuan at pinagmasdan siya habang hinihintay kung ano man ang sasabihin niya.
"Mag iingat ka lagi. This school is no ordinary. Marami kang makikitang klase ng panlilinlang pero alam kong hindi ka ganun kahina. Tinuruan kita kung paano maging matatag at lagi mo yung tatandaan dahil once na maging marupok ka, hinding-hindi ka na makakalabas sa paaralang ito. If you are being lured, always remember why you are here," bilin niya habang nakatingin sa gate sa aming harapan.
Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin pero tumango na lang ako. Ilan pang mga bilin at iniwan na niya ako dito, nakaharap sa gate ng paaralan na magiging tahanan ko sa mga susunod na buwan.