Chapter 7: Taksil na Asawa

ERVIN'S POV.

Nang makita ko si Sheila ay kaagad nagsalubong ang kilay ko.

“Oh, babe? How are you? Kanina ka pa nandito?” malandi niyang tanong sa akin.

“Pwede ba? Huwag ka ngang tumatawag sa akin kapag nagsasarili ka. Ang tagal ko na 'yang sinasabi sa iyo, Sheila!"

“Why? I miss you. Hindi ko napigilan,” aniya at pinaliguan ng halik ang buong mukha ko.

Nandito ako sa subdivision kung saan siya nakatira. Dito ako natulog kagabi pero wala siya. Nasa Cebu siya noon at ngayon lang nakauwi nang malaman niyang pinalayas ako ng asawa ko.

Isang hapit na hapit na sexy dress ang suot niya. Halos lumitaw ang namimilog at naglalakihang mga bundok sa dibdib niya. Kitang-kita pa ang mahaba at napakakinis na hita niya. Hindi ko maintindihan pero may nagwewelga na naman na bagay na nagtatago sa loob ng pantalon ko. Unti-unti kong nararamdaman ang pagtigas nito dahil sa ginagawa niya.

Malandi ang bawat paghawak niya sa dibdib ko. Pinuno niya ng halik ang mukha ko habang tinatanggal ang pagkakabitones ng damit ko. Napakagat ako sa labi nang tuluyan niyang mahawakan ang matigas na tiyan ko.

I really like what she does. F*ck! I need her!

Walang pasabi ko siyang binuhat at dinala sa kaniyang silid. Doon ay nagpaibabaw ako sa kaniya at pinili kong gapangin ang maling daan para lang makuha ang bagay na alam kong magbibigay ligaya sa akin.

Parehas naming pinuno ng maiingay na halinghingan ang apat na sulok ng kwarto niya bago namin naabot ang sukdulan sa ibabaw ng kama. Nananatiling nasa loob niya ang kaselanan ko nang biglang pumasok sa isip ko ang tunay kong asawa.

“H-Hindi. M-Mali ‘to.”

“Ha?” kumunot ang noo niya nang tanungin ako at napahiyaw pa nang bigla kong hugutin sa kaniya ang sarili kong sandata.

Kumilos ako nang mabilis at nagsuot ng brief at pantalon. Isinuot ko ring muli ang polo ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay nanginginig ang braso ko habang nagbibihis.

“Babe, what the hell are you doing? I’m not done yet. I want more!” nagwewelga niyang reklamo.

“Magaling kang magsarili, hindi ba? Gawin mo ulit hanggang sa labasan ka,” sarkastikong sagot ko at nagmadaling kinuha ang mga gamit ko.

“Babe, ano ba?! Bumyahe ako ng ilang oras para lang makasama ka tapos bibitinin mo ako? Bumalik ka rito!” utos niyang ngisi lang ang isinagot ko.

Lumabas na ako nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Nang maisara ko na ang pinto ay narinig kong muli ang pagdadabog niya. Aalis na sana ako nang marinig ko na naman ang pag-ungol niya. Napangisi ako.

Ibang klase rin talaga ang libog niya.

Nang makalabas ako ng bahay niya, tumakbo ako palabas ng subdivision. Hindi ko dala ang kotse ko dahil tumirik kagabi. Kailangan ko pang ipagawa mamaya nang magamit muli.

Sa paglabas ko ng subdivision ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita kong nagngangalit sa pagsasalubong ang mga kilay ng misis ko. Napalunok ako ng malapot na laway dulot ng matinding kaba.

P-Paano siya napunta rito?

Tinignan ko ang sarili ko. Hindi pantay ang pagkakasara ng polo ko at nakabukas pa ang zipper ko. Nakalimutan ko ring palitan ang tsinelas na suot ko. Iyong sapatos ko ay naiwan ko pala sa kwarto ni Sheila.

Napasapo ako ng noo sa katangahan ko. Halatang-halata kung ano ang pinasok ko. Muli kong tinignan si Yvonne na ngayon ay parang demonyong sinasapian na ng masamang kaluluwa.

“H-Honey, m-magpapaliwanag ako,” taas kamay kong sabi na para bang sumusuko sa mga pulis na ano mang oras ay aarestuhin ako ngunit sa oras na ito, siguradong mapapatay na ako ng asawa ko.

“Tatagain kita, Ervin! Bwisit ka!" sigaw niya kasabay ang pagdampot sa itak na nasa tabi lang pala niya. Hinabol niya ako kaya nanlaki ang mga mata kong tumakbo palayo sa kaniya habang siya naman ay hinahabol ng mga security guard na nagbabantay sa harap ng subdivision.

“H-Honey, kumalma ka! A-Ayoko pang mamatay, honey!!” sigaw kong nagmamakaawa at parang isang batang hinahabol ng mabungangang ina.

“P*tang *na mo! Kahit makulong ako ng ilangpung taon, handa ako basta mapatay lang kitang siraulo ka!!” nakasigaw niyang sagot at patuloy pa rin akong hinahabol papunta sa loob ng subdivision.

Sa sobrang lawak nito ay hindi ko na alam kung nasaan na kami habang naririnig ko naman ang paghahabol ng mga security guard na kanina pa pumipito.

“T*ng ina kasi! Bakit ba kasi ang pasaway mo?!” Bahagya kong pinitik ang sandatang nasa pagitan ng mga hita ko. Nakakainis!

“Ervin, bumalik ka rito! Kapag nahabol kita, sisiguraduhin kong cha-chop-chop-in ko iyang maliit mong alaga at pipirutuhin ko sa kumukulong mantika!”

Mas lalo akong napahawak nang magkabilang kamay sa bagay na nagtatago sa loob ng pantalon ko.

T*ng ina! Ang mailibing sa ilalim ng lupa ng walang ari ang hindi ko kaya.

“Honey, pakiusap! Patawarin mo na ako. Promise, text man, mamatay man ako, 'di ko na uulitin 'to! Hindi na!" nagngangangawang sigaw ko at mas binilisan pa ang pagtakbo.

Para na akong malalagutan ng hininga. Hingal na hingal na ako.

“Talagang hindi mo na mauulit dahil sisiguraduhin kong hindi lulubog ang araw nang hindi kita napapatay!” bumubulusok ang usok sa ilong niyang sigaw sa akin. Sandali ko pang tinignan siya mula sa likod ko at hindi na ang mukha ng asawa ko ang nakikita ko kung hindi mukha na ng isang galit na galit na diyablo.

Kung ano ano ba naman kasing pinaggagagawa mo, Ervin!

"Honey, please! Ayoko pa pang mamatay, honey! Tama na. Pakiusap!" Tumigil ako sandali sa pagtakbo at humarap sa kaniya nang magkadikit ang dalawang mga palad ko at nagmamakaawa sa kaniya pero nataranta lang ako at muling tumakbo dahil sa itsura niya.

Magkahawig na sila ni Son Goku!

"Hayop ka! Mapapatawad lang kita kapag napatay na kita! Bumalik ka rito at tatagain na kita! Hindi ka na dapat pa magkalat ng semilya mo at baka dumami pa ang mga katulad mo!"

Ang sakit ng mga sinabi niya. Tagos hanggang kaliit-liitan ng buto ko pero mukhang totoo yata iyon.

"Pptt! Pptt! Ma'am, Sir, tama na po! Tumigil na kayong dalawa!" kanina pang sigaw ng security guard na walang kapagurang humahabol sa amin.

"Tumigil ka! Ikaw ang papatayin ko kapag nakialam ka rito! Dinidisiplina ko lang ang makating asawa ko!"

Napahinto ako sa pagtakbo at nilingon sila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong magkaharap na ang asawa ko at ang security guard na gusto lang naman kaming awatin na dalawa. Nakatutok na rin sa mukha ng security guard iyong itak na hawak ni Yvonne.

Napa-krus ako ng wala sa oras at tumakbo upang lapitan sila.

"H-Honey, k-kumalma k-ka na. H-Huwag mong idamay si manong at baka makulong ka—"

"Baka ikaw ang ipakulong kong malandi ka! Baka nakakalimutan mong kasal tayo at kayang-kaya kong ipanalo ang kaso para lang mabulok ka sa kulungan!"

Hindi na ako nakapagsalita pa at naiikom ko na lang ang labi ko kasabay ang pagtaas ng dalawang kamay ko kapantay ng ulo ko.

Dapat pala hindi na ako nagsalita pa. Nanlalaki pa ang mga mata niya. Nakakatakot talaga siya kung magalit.

Unti-unti akong humahakbang paatras habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Bago niya pa ako mataga ay muli na akong tumakbo nang napakatulin.

"Honey, huwag mo akong patayin! Honey, ipakulong mo na lang ako kaysa tagain mo ang baby ko! Wala na akong kaligayahan sa buhay kapag ginawa mo iyon. Ito lang ang nag-iisang laruan ko! Ano ba?!"

"T*ng *na ka talaga! Ang kapal mo! Demonyo ka! Bwisit!"