Chapter 18: Nakaw na Sandali
ERVIN'S POV.
Nananabik akong naghihintay sa pagdating ni Sheila. Napakatagal naman kasi niya. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko nang maglabas ng init ng katawan.
"Babe, nasaan ka na?" lumalambing na tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Malapit na, babe. Ikaw talaga. Excited ka na naman," pilyong sagot niya na halata kong kinikilig habang nagsasalita.
"Syempre naman. Ikaw 'yan, e."
"Oh, sige na. Malapit na ako. Hintayin mo lang ako."
Hindi na ako nakapagsalita pa nang ibaba na niya ang telepono.
Nakatayo ako sa gilid ng front desk kung saan ko hinihintay ang pagdating ni Sheila. Isang motel ang pinuntahan namin para maglibang at kalimutan ang problema.
Galing siya ng Cebu at halos dalawang linggo roon kaya't parehas kaming sabik na sabik sa isa't isa. Susunduin ko sana siya sa kanila pero pinagbawalan niya ako. Dito na lang daw kami magkita para mas makapaghanda raw siyang ikinatuwa ko naman.
Habang lilinga-linga sa paligid, isang anghel na kumakaway ang nakita ko. Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ko.
Nakasuot siya ng itim na dress, bagong kulay ang buhok niya, may suot na black sunglasses, at napakataas na heels. Lalong nangibabaw ang mistisang katawan niya sa suot niyang damit. Hindi pa man ay nararamdaman ko na ang pagtigas ng kaselanang nagtatago sa pantalon ko. Nananabik ng sobra sa kaniya. Sa halik, buong katawan, at kaluluwa niya.
"Hi, babe! I'm here!" sigaw niya habang kumakaway. Hindi naman ako nagdalawang isip na salubungin siya at mahigpit siyang niyakap.
"I miss you!" dugtong niyang naramdaman kong may halo nang kakaiba na mas lalong nagpapalaki sa ngiti ko.
Hinalikan ko siya sa labi at kinuha ang mga dala niya. Nakaakbay ako sa kaniya nang maglakad kami sa harap ng front desk para kumuha ng isang kwarto.
"Miss, isa," nakangiting wika ko roon sa isang baabeng alam kong kilalang-kilala na kami. Madalas ba naman kaming dito mag-check in, e.
Alam na rin niya kung anong kwarto ang kukuhanin ko. Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko para magbayad nang bigla akong napakunot ng noo.
Parang kulang yata ang laman ng wallet ko?
Kinuha ko ang lahat ng cash na laman ng wallet at binilang ko iyon.
Napamura ako nang mahina ng kulang iyon ng limang libo.
"Babe, okay ka lang? May problema ba?" tanong niya na nagugulumihanan.
"A-Ah, w-wala."
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at chinat si Yvonne. Ilang ulit ko siyang tinanong kung kinuha ba niya ang pera ko at nang umamin siya, mas lalo akong napamalatak ng bibig.
Bwisit!
"Pang-mo-motel ko iyon, e!" naiinis kong bulong.
Tinignan ko si Sheila. Kunot pa rin ang noo niya at mukhang kanina pa nagtataka.
"Argh, nevermind!"
Nagbayad na lang ako gamit ang natitira ko pang cash. Pambayad ko dapat ang pera na ito sa in-order ko na gold necklace para kay Sheila, e. Kulang pa nga ito at mag-wi-withdraw pa ako mamaya.
Nakakainis ang asawa ko. Kukuha ng pera, hindi man lang marunong magpaalam. Nakakasira ng araw!
Pumasok na kami sa kwarto nang matunton namin iyon. Katulad ng dati ay malinis at maaliwalas iyon. May nakahanda na ring mga robe na susuutin namin mamaya.
Humiga agad ako sa kama para sandaling magpahinga. Naiinis pa rin ako kay Yvonne. Bigla namang lumapit si Sheila sa akin at malandi na akong hinahawakan na nagpabago ng mood ko at nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Mula sa gilid ko ay pinatay ko ang ilaw. Naging madilim sa kabuuan ng kwarto at tanging ang katawan lang niya ang nakikita ko.
Wala nang sali-salita pa at inumpisahan na namin ang pakay sa isa't isa.
Naging mainit at mapusok kami. Hindi na inisip pa ang mga bagay na maaaring gumulo sa isip namin. Parehas naming inangkin ang katawan at kaluluwa ng isa't isa.
"Ugh..." umuungol na sabi ni Sheila na mas lalong nagpapagana sa akin. Mas lalong tumatayo at tumitigas ang bagay na gustong pumasok sa isang maliit na kweba.
Patuloy akong humalik sa ibabaw niya na siya namang pagsabunot niya sa akin. Mabilis naming tinanggal ang damit na tumatabing sa aming mga katawan at patuloy na inangkin ang bawat nakaw na sandali.
Tama nga sila at hindi ko iyon maitatanggi. Napakasarap ng bawal. Lalo na kung ganito kaganda. Sobrang ganda kasi ni Sheila. Matangkad siya at sobrang mistisa. Napakalinis din niya sa katawan. Wala ka ngang makikita na kahit anong buhok sa kaselanan niya. Malayong-malayo ang katawan at tindig niya kung ikukumpara sa asawa kong si Yvonne. Kahit na sa kabilang linya ko lang kausap si Sheila, pakiramdam ko'y tumitigas na ang dapat tumigas.
"Sh*t!" malutong na mura ko at parehas na nilamas ang dibdib niyang aaminin ko ay mas malusog kumpara sa dibdib ng asawa ko.
Kabilaan kong pinaglaruan iyon gamit ang dila ko na lalong ikinalakas ng halinghing niya at pagsabunot sa akin.
"Gusto mo ng ganito, ah?" nakangisi kong sabi sa isip ko at mas ibinuka ang bibig upang kahit ang kalahati man lang ng kaniyang hinaharap ay manamnam ng aking bibig.
Ilang sandali ko pang pinuno ng laway iyon. Kinapa ko ang nakabukaka niyang mga hita at sa gitna iyon ay naramdam kong sumasabaw na iyon sa pagbabasa. Pinaglaruan ng daliri ko ang kaselanan niyang mas ikinalakas ng pag-ungol niya bago ko ipinasok ang kargada kong kanina pa nagwawala.
"Ugh!" sabay na ungol naming dalawa at mas nilakasan ang pagsasalpukan ng dalawang katawan na naghahabol sa rurok ng kaligayahan.
"Sh*t! Napakasikip!" nakamurang sabi ko na naramdaman kong mas ikinabuka ng mga hita niya.
Lalo akong tinitigasan sa loob niya dahil sa ekspresyon ng pawis na pawis na mukha niya at kapwa paghahabol ng kaligayahan sa ibabaw ng kama.
"B-Babe, u-ugh..." umuutal na ungol niya. Nararamdaman kong malapit na siyang labasan kaya't mas binilisan ko ang pagbayo.
Ilang sandali pa ay tumirik ang mga mata ko sa ibabaw niya at patuloy na lumabas ang mga semilyang nais nang lumangoy sa kalooban niya. Nang matapos ako ay naramdaman ko rin ang likidong lumabas sa kaniya. Kahit na masakit na sa ari ko ay dahan-dahan ko pa rin siyang binabayo at kapwa kami umungol nang tuluyang maabot ang rurok ng kaligayahan at kamunduhan.
Tumutulo ang pawis kong hinugot sa kaniya ang kaselanan ko. Kapwa kami nanghihina nang magtitigan. Niyakap niya ako mula sa batok ko at mapusok na hinalikan. Walang lakas akong napadapa sa hubad niyang katawan.
"Ang galing mo talaga," kinikilig na may halong pang-aasar na sabi niya.
"Syempre. Mas lalo akong gumagaling kapag ikaw ang t******a ko." Kinindatan ko siya bago hinalikan sa noo.
Hindi ako umalis sa pagkakahiga sa lumalagkit na pawis niyang katawan. Nakayakap ang dalawang kamay at paa niya sa katawan ko habang ako ay wala nang kalakas-lakas.
"Babe, may itatanong ako," panimula niya.
Napipikit at inaantok naman akong sumagot, "Ano 'yon?"
"Kailan mo ba hihiwalayan ang asawa mo? Tayo na lang ang magsama. Kaya kong ibigay ang lahat nang hindi kayang ibigay sa 'yo ng asawa mo."
Sandali akong natahimik habang nakadilat.
"Sandali na lang, Babe. Maghintay ka lang. Tumityempo lang ako," sagot ko nang hindi sigurado.
Mahal ko ang asawa ko pero mahal ko rin ang katawan ni Sheila. Kung bakit ba naman kasi hindi kagaya ng katawan ng asawa ko ang katawan ng babaeng kayakap ko ngayon. Hindi siguro ako maghahanap ng iba kung inaalagaan niya lang ang sarili niya.
Bukod sa pumapangit na si Yvonne, mabunganga at nakakasakal pa siya.
Hay! Alam kong mali ito pero t*ng *na, sa lahat ng mali, ito ang pinakamasarap na hindi ko kayang ipagpalit sa kahit ano o sino man.