Chapter 2 His Weird Offer

ERA’S POV

“Nasu-suffocate ako kapag maraming tao. I personally thank the designer of your classrooms kasi medyo malayo ang space ng student sa platform ng instructors.”

Nag-oopen ba sya sakin?! Teka, bakit sakin?! Estudyante nya lang naman ako ah? Dapat sa co-faculty nya sinasabi ‘to. Nakakafrustrate ah? Sa totoo lang.

“How ‘bout you? I notice you don’t belong to your group.”

Natigil ako sa pagsubo ng kanin. Tama. Bakit nya alam yon? Sikretong malupet yun. Bakit alam nya kung anong nararamdam ko?

“Sir? Bakit ho sa’kin kayo nagpasama? Pwede mo namang ayain yung mga co-faculty mo— “

“Me too. I don’t belong to the group either.”

Matamlay ang pagsasalita nya. Pinaglalaruan ang pagkain. Gusto ko pang magtanong at uriratin ang kondisyon nya pero parang ako rin ata ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito.

“Sorry po, nabanggit ko pa ata sa inyo yon.”

“No, it’s okay. Besides we’re on the same ship so we’re quits.”

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi nya. Aba, tangina neto ah. Pati ba naman ako paglalaruan? Ang hirap pa namang espelengin ng tao kapag hindi mo kilala. Nagmumukha akong tanga dito.

“Sir, di naman sa pagiging chismosa, pero bat ako?”

Ah. Alam ko na isasagot nya sakin. Na kesyo no choice sya, walang ibang mapagsabihan, kesyo wala syang ibang kaclose. Eto ba yung feeling na option ka lang?

Bakit ka ba nagtataka Era kung matagal ka nang option lang ng mga kaibigan mo ngayon?

“Almost a year na ‘kong lisensyado pero wala pa rin akong kaibigan. I chose to teach college students kasi alam kong malawak na ang pag-unawa nila and also to overcome my personal problem. Pero wala eh, ‘di ko pa rin talaga kaya.”

“Sir, nagve-vent po ba kayo sakin?”

Bakit sa’kin?! I mean, ang pogi nya, tas professor pa sya kaya bakit sa’kin sya makikipag-usap?!

Isang malutong na tawa ang pinakawalan nya. Ha? Ano na namang kasalanan ko? Sabi na nga ba eh, nagmumukha lang akong tanga dito.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang pisilin ang magkabila kong pisnge habang humahalakhak pa rin sya. Shet, ang init ng kamay nya talaga. Nababato na ‘ko.

“You’re so cute when you’re puzzled. You look so innocent. Plus, you’re blushing.”

Natapik ko nalang ang kamay nya. Grabe, hiyang hiya na ko. Dumadami na rin ang tao.

“You should tell me about your problem. Maybe I can help you.”

“Makikinig ka ba sakin?”

Ngumiti sya sakin, “Of course. I’m all ears.”

Sinabi ko sa kanya ang problema sa bahay. Hindi sya kumakain, nakatingin lang sya sakin habang nakapangalumbaba. Naaaligaga ako kasi may mga estudyante na rin na pumapasok at nagtetable.

Pinaling nya lang naman ang mukha ko paharap sa kanya. Shet, ang awkward.

“I see. So, your brother is still having his on-the-job training and your father has a pneumonia due to tuberculosis. Who’s the breadwinner?”

Binalot ng pagkabahala ang mukha ko sa tanong nya. Parang below the belt na yun ah.

“I have a proposal for you, Era. Do you mind?”

Umiling ako. Hindi ko alam kung naexcite ba ‘ko sa sasabihin nya. Gusto kong malaman kung anong sasabihin nya pero biglang pumasok sa eksena sina Crad na naghahanap ng upuan.

Hindi ako makahinga nang bigla nyang hatakin ang kamay at gamit ko paakyat sa second-floor ng fastfood restaurant. Nakalagay pa ang kadena na tarangka at sinandal nya ‘ko sa pader ng hagdanan.

“S-Sir?”

“You will be my maid. I’ll provide you your tuition, your allowance alongside your income. I will also help your father.”

Teka. Networking ba ‘to? Kasapi ba si Sir doon? Iniinvite nya ba kong sumali?

Kung susumahin, masyadong kapit sa patalim. Masyadong too good to be true ang offer nya sa’kin. Dapat ko bang kagatin? Pero ano namang kapalit?

“M-Maid lang ba talaga ako?”

“Of course. A medical allied professional is always busy kaya lagi rin akong wala sa bahay. You have nothing to worry about awkwardness. Baka dito nalang tayo sa school magkita if ever.”

“Stay in?”

“Yeah. You’re my maid, remember?” Ngisi nya na nagpakaba nang malala sa’kin. Maid?! Hindi pa nga ako umooo sa kanya, inaangkin na nya agad. Kagaguhan.

“Isama mo ‘ko sa inyo mamaya. Ako na ang mag-eexplain.”

“Sir! Hindi pa po open ang second floor.”

Tinulak nya ‘ko paupo sa hagdan para sya lang ang makita ng crew. Nakapamulsa syang ngumiti pababa. Sumilip muna ako pero nakita ko na sya na kausap sila Fina kaya hindi muna ako bumaba. Shit! Buti nalang kinuha nya yung gamit ko.

‘Hintayin mo ‘ko sa parking lot ng school after ng class mo.’

Teka?! Hindi pa ‘ko pumapayag tapos ganun lang yon?! Ano nalang ang sasabihin nila Papa sakin?! Tangina, baka kalbuhin nya ‘ko! Aah! Bakit ba ganito ang buhay ko?!

Laboratory namin. Wala namang experiment na gagawin pero pinagsuot kami ng lab gown. Wala ring prof na pumapasok. Walang text sakin si Ma’am Can kung ano nang gagawin namin.

“Pres, di pa ba kami pwedeng umuwi?”

“Twenty minutes na. Tagal naman ni Ma’am.”

“Sige, guys. Pupunta muna ako sa faculty baka nandun sya.”

Hindi na ako nagpaalam kina Isa dahil masyado silang busy na makipag-ututang dila sa isa’t isa. Ugh, nakakabwiset. Hindi manlang nila ako sinasali sa usapan nila. Kaya kahit nasa iisang grupo ako, hindi ko naman alam kung ano nang nangyayari.

Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Nung una, labcoat lang ang nakita ko na nakahanger. Pero nung pumasok na ko, nakita ko si Sir na may sinusulat. Ugh! Bakit ba lagi ko syang nakikita ngayong araw?!

“Miss Ponciano? Out mo na ba? Let’s go— “

Wah. Bakit ba masyado syang atat?

“Hi-Hindi pa po! Hinahanap ko lang po si Ma’am Can. Wala pa po kasi sya sa lab.”

“Alam ko nasa meeting sya ngayon. Hindi ko pala nasabi sayo kanina. Just get your classmates’ signs then you may go.”

Binigyan nya ako ng isang attendance sheet. Hindi naman siguro sinasadya na mahawakan nya ang kamay kong nakaumang pero... may sudden jolt. Siguro malakas lang talaga ang kuryente sa katawan ko. Kaninang umaga pa ‘to eh.

Pero bakit yung iba kong nahawakan na tao hindi naman ganito kalakas yung epekto sakin?

“Pumunta ka nalang sa parking lot. I’ll wait you there— “

“Sir... sigurado ba talaga kayo sa sinasabi nyo? Hindi ba kayo naaaning lang o kung ano? Kasi suntok sa buwan makahanap ng mababaw na trabaho na may mabigat na sweldo. Aminin mo nga Sir, may extra pa ba akong gagawin?”

Mas mabuti nang deretsahan. Natatakot ako sa offer nya eh. Nakakapangilabot. Sinong galanteng tao ang maglalaan ng ganong pera sa isang hampaslupang gaya ko?

“Extra? Bakit? Gusto mo ba?” Parang may kung ano na nagpatayo ng balahibo ko dahil sa sinabi nya. May bahid ng kaba ang pagtawa ko sa kanya. Haha… nakakapraning ka naman, Sir.

“N-Nako Sir ha? Wag ka namang ganyan...”

“Why would I demand such thing? I just asked you to clean my house, to cook food, to separate garbage, to wash dishes like a maid would do. Why are you expecting such dirty doings?”