Chapter 4: Peryahan
"Mang Tonyo, dyan na po. Magtetext na lang ho si sungit sa inyo kapag uuwi na siya."
Wait. What place is this? Atsaka hindi ba niya ko ipapahamak?
"Jose ha alagaan mo si ma'am. Kailangan bago mag alas kwatro ay nakauwi na kami. Siguraduhin mong hindi yan mapapahamak"
"Pinapangako ko Mang Tonyo. Tsaka hindi naman na ho baby tong ma'am niyo. Sakit sa ulo nga ho ehh"
Wow! I protected him kaya kanina! Tapos hindi pa niya naappreciate! Grabeng kakapalan na yon!
"Hey! Saan mo ba ako dadalhin? Don't tell me sindikato ka?"
"Sindikato? Ni hindi ka nga maibebenta sa black market ehh. Baka dagdag problemahin ka pa"
"Am I really a burden? Ganyan din yun--"
"Syempre joke lang. Ito naman. Wag ka ng malungkot. Gagawa nga tayo ng experiences mo diba? Kaya dinala kita dito!"
Wow. Ano yan? Ahh ferris wheel! Nadadaanan namin to ni Mang Tonyo before ehh. Ano nga bang tawag dito.
Ahh. I know na!
"PERYAHAN!"
We both shouted and then we laughed. He really had this humor na matatawa kana lang talaga.
"Pano? Tara? Saan mo gustong sumakay?"
Oh my! This is my first time and I really don't know how to react. Yung taas nong ferris wheel, hindi ba kami mahuhulog dyan? God! Marami pa akong plano sa life ko!
"Hoy! Takot ka noh?! Weak ka pala ehh. Ohh dito kana lang sa carousel."
"Sinong weak? Ehh ikaw nga tong hindi marunong lumaban para sa rights mo. Let's go sa ferris wheel"
"Mayabang ka ding sungit ka. Wait, Kuya, dalawa nga po. Thank you boss"
Psh. Normal ba talaga sa kanya ang maging Mr. Friendship. O talagang madaldal lang siya?
"Eto na nakabayad na ko. Kung sino ang masusuka at mahihilo, may parusa"
What?! That's not fair! First time ko kaya. Of course matatalo ako!
"Hoy Javier. Experiences nga diba? Bakit may consequences?!"
"Ohh akala ko ba hindi ka weak? Tsaka may first timer naman na hindi nagsusuka at naliliyo. Ano? Talo na?"
He's really full of himself! And ako magpapatalo? Sa kanya? Duh! Si Kelzy ata to!
"Dami mong sinasabi. Let's go. Humanda kana sa pagkatalo mo!"
"Asus miss sungit. Watch and learn!"
Habang nagmamayabang pa si loser ay iniwan ko na siya sa kinatatayuan namin para sumakay sa nakabukas na gate ng ferris wheel. Tss. Dami kasing dada ehh. Konting konti na lang talaga ay nagiging gay na siya sa paningin ko.
"Hoy. Nagmamadali ka ahh. Atat na atat kang matalo."
"Talk to my hand Mr. Javier."
"Bakit? Nanginginig kana ba?"
Ako? Manginginig? Of course... Not!
"FYI Mr. Javier sanay na sanay na akong paikutin ng mga gago kong ex. And eto. Wala to. Yakang yaka"
"Nagka ex ka na pala? Siguro nakahinga na ang mga yon ng maluwag"
Wow! Ang kapal. The hell with my ex's! Walang pinapagana kundi ulo sa baba!
"Funny"
I rolled my eyes at him at nang unti-unti ng umaandar pataas ang ferris wheel ay hindi ko mapigilang kabahan. Duh! First time ko kaya.
"So? Ano bang kwentong ex mo? Iniwan mo ba sila? Pinaiyak?"
"No. It was the other way around. They dumped me. I cried.. a lot. Pero matagal na naman yon. Hindi na ulit ako magpapakatanga sa pag-ibig. Ikaw? May ex kaba? Nagkaex kana ba?"
"Alam mo ikaw napakajudgemental mo sungit! Anyways, tingnan mo yung view ohh. Ang ganda"
Hindi ko man lang namalayang nasa tuktok na pala kami. See? I survive. After all, riding a ferris wheel wasn't that bad. As long as may kasama akong madaldal. He shifted my fears into excitement.
"Yah. A beautiful scenery."
"Alam mo. May kwento daw ang araw at ang dagat."
Kwento? Baka parabola or some cheesy story naman yan?!
"Sabi ng Lola ko. Kaya daw lumulubog ang araw dahil humahalik ito sa dagat. Noon daw kasi magkasintahan si araw at dagat. Kaso nagkalabuan sila. Ehh itong si araw mahal na mahal si dagat. Kaso nga lang matigas si dagat ayaw tanggapin yung sorry ni araw, kaya hanggang ngayon nagliligawan pa rin sila"
Really? Sobrang cheesy ha. Pero in fairness, nakuha niya ang atensyon ko.
"Corny man pakinggan. Pero naniniwala ako don. Na kapag mahal mo, tatyagain mo. Kahit matagal"
I wonder. Madami na kaya siyang experience sa paghahandle ng relationship? Did someone broke his heart? Or katulad ni araw ay may unfinished relationship rin siya? Argh! Grabeng curiosity na to!
"Hoy! Dyan kana ba? Mukhang nagustuhan mong sumakay ahh. Tara na. Tapos na oyy!"
What?!
"Geh kuya paandarin niyo na ho kayo na ang bahala sa babaeng maarte na yan"
"Wait. Wait. STOP. Javier! Gago ka"
At talagang iiwan niya ko! Wala talaga siyang puso!
"Gago ka ba! At talagang iiwan mo ko!"
"Hoy easy. Joke lang naman ehh. Ohh, bakit ka umiiyak? Akala ko ba hindi ka takot?"
Abnoy na lalaki! Siya kaya ang iwan ko sa ferris wheel. Ewan ko na lang kung hindi ka maiyak!
"I just don't want the feeling of being left behind."
Kung ayaw mo talagang magalit ako to the max! Ayoko ng iniiwan ako, ginoghost! O kahit ano pa yan!
"Shh. Sorry. Ngayon alam ko na. Number 3. Don't leave her."
Huh? Ano yon? List?
"Javier. Patingin. Ano yan?"
"Teka wag kang malikot. List yan. Sa cellphone ko. Para hindi ko makalimutan"
Am I that important to him? Hindi ko ine-expect ah. Akala ko kasi puro kalokohan lang alam niya.
"I'm curious. Ano yung number one and two?"
"Number one. She's fragile. Nang una kitang makilala, akala ko matapang ka. Malakas, but despite that, doon ko lang din narealized na defense mechanism mo lang pala yon para hindi ka masaktan.
Number 2. Show her what the world is. Tandang tanda mo na kulang ka pa rin sa experience!"
Aww. Nakakatouch at nakakasura naman yung explanations niya! But anyways, I appreciated it. Ngayon ko lang naramdamang mahalaga ako.
I couldn't help but to hugged him tightly, in the middle of chaotic peryahan.
"Hoy sungit. Bitaw na, hindi ako pillow ha! Tsaka bakit ka ba nangyayakap?! Chansing din"
Tsk. Here I am appreciating him! Tapos yon lang sasabihin niya. Akala mo naman gustong gusto ko siyang yakapin!
"Che! Let's eat. Libre mo right?"
"Nawiwili kana din sa libre ahh."
"Of course. Simula ngayon magtitipid na ako."
"Magtitipid para san?"
"Para may allowance tayo sa pagbuo ng experiences ko. Right? God! Javier. Ang brilliant ko talaga"
"Tsk. Ohh ambag ko"
"Twenty, for what?"
"Para sa experiences mo. Tara. Sa balot tayo"
Sigurado talaga siya sa number 2 list niya. I mean, it excites me, big time.
"Kuya dalawang balot nga ho. Yung maliit ang sisiw. Eto ho kasing kasama ko maarte. Baka hindi kainin."
Gustong gusto talaga niya na pinalalandakan ang kaartehan ko noh! How rude!
"Ohh. Hanapin mo yung maitim na part. Tapos yon ang buksan mo"
"Ano to? Rotten egg?"
"Anong rotten egg, sinasabi mo! Nakakain pa yan oyy."
"It smells like one."
"Akin na nga ako na ang magbubukas."
He spoiled me na. Hayy. Ayokong masanay baka iwan niya din ako.
"Ohh. Lagyan mo ng asin at suka bago mo higupin yung sabaw."
He was guiding me the whole time. And after I ate the whole egg. Ay ganon pala yung lasa niya, sobrang fishy nong amoy. And the moment na nakita ko yung baby duck parang bigla akong naawa.
Tapos itong si Javier, sarap na sarap pa. Like what the fuck, wala talaga siyang puso.
"Okay ka lang? Para kang nakamurder ahh"
"Psh. Nothing. Let's just buy another food. Hindi ako nabusog sa balot"
"Ayy kaya pala nakasibangot, bitin. Ano bang gusto mo?"
"Magdrive Tru na lan--"
"Oops. Oops. No no no. Experience nga diba? Tara dito tayo"
Pag talaga sa food madami siyang alam. Siguro kaya ganyan yung features ng katawan niya. Hindi naman siya ganon ka chubby katulad ng mga nakikita ko sa social media. His body suits him. Besides matangkad din naman siya, so okay lang.
"Dito. Ihaw ihaw. Kumakain ka nito?"
Ito na yon? Ehh favorite ko toh way back in high school. Sa Batangas. I remembered pa nga those days na kalaban ko si Sy bilang Ms. Prom ehh.
Tapos eventually naging magkaibigan kami. Ang lonely niya kayang tingnan. Tapos binubully din siya noon. But of course, Enzo, his bebeloves was always to the rescue. Kaya nga naiinggit ako sa kanila. As in ang tatag lang ng relationship nila kahit wala pang label.
"That's my favorite. Alam mo, nong nasa Batangas ako, lagi akong nagpupurchase niyan. Kaso nalaman nina mommy. So pinagbawalan nila ako."
Jose was looking at me intently, and disbelief was written all over his face. I know naman na, he experienced a lot. Buti siya walang bawal, hindi kontrolado. Minsan nga, I wished na sana may kapatid na lang ako, para hindi ako yung laging nakikita nina mommy.
Kaso wala ehh. They're always busy.
"Matanong ko lang. Naging masaya ka ba? Yan ang hirap kapag mayaman ehh. Hindi mabili ng pera ang saya. Kaya kung ako sayo, kumuha kana dito tapos kumain na tayo!"
I thought ijujudge na naman niya ako. But he was right. Hindi nabibili ng pera ang saya. And this, this moment is what I treasured the most.
"Adidas ohh. Yayamanin."
Gago. Ginawa ba namang laruan yung chicken feet. Lakas ng tama!
Sa buong maghapon ay wala kaming ginawa kundi kumain, tumawa and maglaro. We also tried to play peryahan games. Yung coins na ihahagis sa box tapos kung saan lumanding, yun ang prize mo. Kaso may balat ata sa pwet si Javier kasi ni isa wala kaming nakuha.
But of course I enjoyed his company, ayoko pa ngang umuwi kaso mag fofour na din and hindi na ako pwedeng malate ng uwi ngayon. Dahil baka magduda na sina mom.
"Paano? Kita na lang tayo sa school. Mang Tonyo bahala na ho kayo"
"Thank you Javier. Next time gagawa na ako ng bucket list ko. Wait. Hatid kana namin sa house mo"
"Ahh. Hindi na. Malapit lang dito ang bahay namin. Magtatricycle na lang ako. Tsaka kailangan mo ng umuwi baka hanapin kana sa inyo."
"O-okay. Bye. Take care"
"Ingat din."
He immediately closed the cars door. At nang umandar na ang sasakyan ay kumaway lang ako sa nakabukas na bintana.
I really admired his gentleness and honest attitude. Indeed, he's a good guy. At siguradong magugustuhan din nina mommy ang personality niya.
After a minute of driving ay nakarating na din kami sa bahay. And luckily ay wala ngayon sina mom and dad. So I just busied myself by doing my stuff in school.
Nang matapos kong gawin ang mga assignments ko ay nagscroll- scroll muna ako sa ig. To see if there's a new update sa inaabangan kong opening ng modeling agency.
I was really amazed by some models na naging successful and kilala na ngayon worldwide. Because of international modeling. And soon. Magiging top model din ako.
I was now busy watching model's ramped nang biglang may nag-appeared na notification sa phone ko, it was from my new follower's in ig named JoseJavier_jr. And that excites me.
So I immediately followed him back and waited for his dm pero hanggang sa dumating na sina mommy ay hindi man lang ito nagchat. Psh. I wasted hours for that asshole!
"Z. After your class tommorow, we will have a dinner with my business partners. Ayoko ng malalate. Susunduin kita sa school"
WHAT!! No. I have shoot! Gosh. Bakit ngayon pa!
"Dad, pwede naman pong si Mang Tonyo na lang. Besides mag-aayos pa rin naman po kayo para sa dinner right?"
Shit! Sumang-ayon ka please.
"Okay then. Mang Tonyo, make sure na makakauwi agad si Z. Ayoko ng trouble this time"
"Sige po sir."
"Iha. Promise me"
"Yes dad"
Hayy. Wala na talaga silang bukang-bibig kung hindi ang salitang trouble. God!
Sina sy, Bea, Mori and hannah lang ang naniniwala sa kakayahan ko ehh.
Nang magising ako kinabukasan ay naghanda na agad ako para sa pagpasok. I even curl my hair para may style naman siya. And then I bun it. Mula kagabi ay naghintay pa rin ako sa chat ni Jose but it seems like wala siyang planong magchat sa 'kin.
Psh. Bakit ko nga ba hinhintay ang chat ng damuhong yon?!
"Ma'am andito na ho tayo. Aral ng mabuti"
"Salamat po Mang Tonyo"
I was walking happily to my room nang bigla kong nakita ang nakangising pagmumukha ni Javier sa may corridor.
Wait. Anong ginagawa niya dito?!
"Good morning miss sungit. Agang aga nakakunot na agad ang noo mo. Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Napagalitan ka ba sa inyo?"
I don't know why pero naiirita ako ngayon sa kanya.
"You followed me on ig right?"
"A-ahh oo bakit? Bawal ba?"
Tsk. He fucking followed me! Tapos hindi man lang niya ko chinat. We're friends na nga diba!
"Nope. Excuse me, magsisimula na yung first subject ko. Tabi!"
God! Kelzy Hillary Marquez Herrera, ano yon?! What the hell is wrong with you!
"Good morning class. Alam kong three days pa lang ang nakakaraan simula ng magbukas ang university. But I wanted you all to know the activities you need to comply in my subject.. Blah blah blah.."
Nag-groupings lang kami for the activities and after that ay dinismiss na rin kami. And ang next subject ko ay p. e, so I expected na magkikita kami ni Javier.
While walking to my locker, I saw a guy intensely looking at me. At nang mapagtanto kong si Mr. Dick yon. The guy in the engineering department ay agad akong umiwas ng tingin at lumiko.
God! Ilang beses na rin niya akong kinulit sa text's and dm's. I forgot lang talaga na magpalit ng sim card. At iboblock ko na din ito sa ig. Gosh. He's stressing me out.
"Kelzy! Wait. Iniiwasan mo ba ako? Akala ko ba itetext at ichachat mo ko? You fooled me!"
What? Anong iniiwasan? My god! I didn't even know his name, his personality, all about him. Yet he demanded na parang matagal na kaming magkakilala.
"Look mister. I have classes to attend too. So please excuse me."
Hayy. Ang hirap kasi sa boys lahat na lang akala nila kaya nilang makuha. And lahat ng bagay gusto laging may kapalit. Katulad ng mga gago kong ex and ni Mr. Dick.
"Sungit! Dito."
Jose's voice echoed to the room ni hindi man lang niya namalayang nakatingin na sa amin ang mga kaklase namin. So I just rolled my eyes at him, at nang makabawi ay padabog akong umupo sa tabi nito.
"Ohh problema mo? Kanina pa yan ahh, di ka pa rin tapos?"
"Don't talk to me!"
"Ayy ang sungit. Ano ba yon? May problema ka ba?"
Psh. I busied myself by just writing some words na hindi ko naman naiintindihan. While Jose's still staring at me. God! Nakakadistract ang pangit niyang mukha!
"Jose! Can't you see nagfofocus ako ohh. Don't stare! It bothered me!"
"Bakit? Ano bang nararamdaman mo sa tingin ko?"
What? Tinatanong pa ba yon. Kung sa kanya ko kaya gawin. Ewan ko na lang kung hindi siya mailang!
"Javier stop staring! Nagdidiscuss si Sir LV!"
"Ano naman? Edi magturo siya. Kaya ko namang tumingin sayo habang nakikinig kay sir."
Tsk. He's unbelievable! Sa susunod talaga ay hindi na ako uupo sa tabi niya.
"Ano ba talagang kailangan mo Javier?
"I dm you earlier. Hindi mo ba nakita?"
Really? Too bad, hindi pa ako nagbubukas ng social media account mula pa kanina.
"Free ka ba mamaya? Kinukwento kasi kita kay nanay. Baka lang gusto mong pumunta sa bahay? Gusto niya ding makilala ka. Sa bahay ka na din mag lunch nagluto si nanay ng specialty niya"
Really?!
"Ahm I'm not free Jose ehh. May shoot kami mamaya and after non may dinner kami with dad's business partner."
"Ahh ganon ba. Sige, may next time pa naman."
"If you want pwede ko namang iresched--"
"Wag na sungit. Baka mapagalitan ka pa sa inyo. Next time na lang. Pano? Okay na tayo? Hindi kana magsusungit?"
"I'll think about it"
I teased him. Pero pagkaraan ng ilang segundo ay hindi ko rin natiis na hindi ngumiti dahil sa hitsura niyang nakasibangot. He looks like a crying pig.
"Ayan. Ngayon naman tumatawa kana. Lakas din ng tama mo sa utak noh"
"You're so ugly kasi. Para kang gigilitan na ba--"
*Click *Click
"What's that? Stop Javier!"
"Ms. Herrera and Mr. Javier! May problema ba dyan sa likod? Baka pwede niyo kaming isali sa tawanan niyo!"
Shit! Saan niya nakuha yung camera?!
"Ahh wala po sir."
Javier acted like he didn't laughed earlier. God! At talagang sinama pa niya ko sa katarantaduhan niya!
"Okay. Let's move on, as I was saying magkakaroon kayo ng cheerdance competition sa sports day. I expected your full cooperation in this event. Is that clear?"
"Yes sir."
Hindi na ulit kami nag-usap pa ni Javier sa buong duration ng p. e class. But of course, hindi nawawala sa isip ko yung picture. Gosh. Baka haggard pa ko don!
"Javier! Akin na nga yung camera mo! Bakit ba bigla bigla ka na lang nagpipicture?! I'm not prepared!"
"Wag na. Okay lang yung picture baka Idelete mo pa"
"No! Javier!"
"Maganda ka nga don! Happy? Una na ko sayo. May next subject pa ako"
Hayy. He's really so stubborn! Sa kanya lang ako hindi makapagreklamo dahil mas maattitude pa siya sakin!
And dahil wala na naman akong mapapala kay Jose ay naglakad na ako papunta sa next subject ko.
It was a tiring and boring subject, ever since talaga ay hindi ako interesado sa science. Except sa reproductive system. Charr!
Buti na lang din, it was my last subject. So meaning ay pwede na akong pumunta sa shoot.
I was now happily walking through the school's gate nang makasalubong ko na naman si Jose.
Bakas sa mukha nito ang kasiyahan habang nakatingin sa camera niya. Shit! I knew it! Siguro mukha ko yung tinatawanan niya!
"Javier! Pinagtatawanan mo ba ko?! Akin na nga yan, patingin"
"Ano? Hindi ahh. Iba to. Tsaka wag ka ngang malikot baka masira yung camera ko!"
"Patingin nga lang Javier!"
"Wag na. Wait, dyan ka lang. Bro, pwede mo ba kaming picturan?"
"Sige ba"
"Ayun sakto. Salamat"
Ha? Ano na naman yang gimik niya?!
"Hoy babae ayusin mo ha. Ohh lapit ka sakin. Ano toh one seat apart?!"
Psh. Napakademanding! If I know ay gusto niya lang makapagpapicture sakin.
"One, two, three, smile."
"Brad wacky naman"
"Sige sige"
Nagulat naman ako ng bigla nitong hapitin ang bewang ko palapit sa kanya.
What the hell!
"Ayos na? Salamat Brad"
T-tapos na? Why do I feel like ang init init ng pisngi ko.
"Ohh ganda ng shots ohh. Maliban lang dito sa isa. Diba sabi ko wacky? Bakit parang may nakita kang multo?"
God! I needed some air to breath!
"Sungit! Saan ka pupunta? Aalis kana? Pasabay. Sa fast food ulit"
Agad naman naming nakita si Mang Tonyo sa parking lot at nang makasakay kami sa kotse ay hindi ako makatingin at makalapit sa kanya.
I feel like anytime soon ay pwede akong himatayin. Gosh. Sobrang init!
"Dito na po ulit ako Mang Tonyo. Salamat ho. Sungit, salamat. Ingat kayo"
I just nodded at him, at hindi ako sigurado kung pilit na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya.
Breathe. Z. Wala na siya!
"Ma'am nandito na ho tayo. Sunduin ko na lang ho kayo mamaya."
Buong shoot ay lutang na lutang ako. I was very distracted by his touched. Gosh. First time kong nawalan ng focus at ang result ay hindi din namin natapos ang shoot dahil wala talaga ako sa huwisyo.
I didn't expect na ganito ang epekto ni Jose sa akin. Nakakatakot!
Tumambay muna ako sa isang coffee shop at nang mag-alas kuwatro ay sinundo na ako ni Mang Tonyo para makapaghanda sa dinner.
Mom and dad was now busy doing their stuff. And ngayon ko lang din nabuksan ang dm ni Javier.
"Hi miss sungit. May camera akong nakita sa bahay pwede ba kitang maging subject?"
Gosh. Kaya ba niya ako pinicturan? Ang ganda naman ng subject niya.
MissKelzy: sure. Where and when?
I couldn't help but to secretly smile, dahil alam kong nakahanap na naman ako ng kakampi.