Chapter 3: Transferee
After the shoot we had ay umuwi na rin ako sa bahay. And as expected ay wala pa rin sina mommy kahit na medyo late na akong dumating.
"Kelzy, kanina pa labas ng eskwelahan mo ahh, saan kayo galing?"
"Ahh, sa shoot po"
I also kinda feel tipsy dahil sa nangyaring party kanina. Hindi na yon bago sa akin, dahil nuon pa man ay mahilig na akong uminom. But of course without my parents approval, and hindi naman nila malalaman yon.
"Uminom ka ba iha? Susmaryosep kang bata ka. Nasa loob ang mommy mo!"
W-what?! I thought wala pa sila!
Oh my gosh.
Relax Z. Composed yourself! Act like nothing happened! You can do this.
"Z! Where have you been?"
Grabe yung kabog ng dibdib ko. Bakit ba andito ngayon si mommy? Buti na lang talaga, lagi akong nagcacandy bago umuwi.
"Iha. Come here. How's school? Wala pa ang dad mo, pero darating din siya mamaya."
Oh god! Did I smell like alcohol? Or mukha ba kong sabog? Shit!
"A-ahh. Okay lang naman po yung school. I made a lot of friends. And also I've experienced a lot"
My mom, Ivy Marquez Herrera was a good actress in her time. Sabi ni Nay Sabel noon, nakilala ni mom si dad sa party. Because my mom is a party girl. They're both got drunk and eventually, they have me. I was the unplanned child.
But despite that nakikita ko namang mahal nila ang isa't isa.
"That's great. Alam mo kaya din ako pumayag na lumipat ka ng school. Dahil alam kong makakasama mo sina sy, hannah, Mori and Bea. Siguro naman ngayon, hindi kana gagawa ng gulo"
Wow! Grabe naman yung gulo! How many times do I have to defend my self na hindi nga ako yung nang-gulo dati! It was my crazy bitch classmates fault!
"I didn't do anythi--"
"Z! Enough. Go upstairs ipapatawag na lang kita kay Nay Sabel kapag dumating na ang dad mo"
Hayy. Hanggang ngayon parang ako pa rin yung may kasalanan ng lahat. Can't she see? I was doing my best to reached people's expectation as her only daughter!
"Hello Z. What happened? Nag-away na naman ba kayo ng mom mo?"
"So close bea. You know mom, palagi na lang niyang inuungkat yung noon. Ehh sa wala nga akong kasalanan! Infact I did my best pa nga para maayos yung gulo."
"Let's go na lang, sa bgc? You want?"
No. Itutulog ko na lang to.
"Sorry girl, I'm tired, maybe next time. I'll set the date na lang. Byee"
"Okay. Don't think too much. Byee"
Ever since that incident happened hindi na naging maayos ang relationship namin ni mommy. For god sake, she's still not move on about it. Matagal na yon.
I was about to go in bed when my phone beeps. It was from my university tweets.
Guys did you heard the news? There's a beautiful trasferee in Creative Arts and Design department. Do you know her?
What is this? Oh my! Si Mr. Jerick! So talagang hinahanap niya ang social media accounts ko.
Aww. He's so sweet. Note the sarcasm.
And guess what! Nangunguna pang nagcomment si Sy. And she mentioned me. Anong trip niya?
@misskelzy. He's finding you. Notice him!
Oh god! And now he know it! Kukulitin na naman ako ni Mr. Jerick!
"Kelzy, andyan na ang dad mo. Magdidinner na daw kayo"
"Opo nay. I'm gonna change my clothes po muna"
I was wearing my skirt, just above my knee and a blazer with polo blouse underneath.
Gosh! I felt sticky!
After I've done my rituals ay bumaba na rin ako para kumain ng dinner. Kahit naman palagi silang busy ay may oras pa rin sila para sabayan ako sa pagkain.
Yun nga lang. Kung hindi sermon, ay iko-compared na naman nila ako sa iba. That's why sometimes ay gumagawa na lang ako ng excuses para hindi ko sila makasabay.
"Hi Z. Let's eat. How's school?"
I immediately kissed dad's cheeks before I sit down to the vacant seat.
"Okay naman po dad. Don't worry, I'm not into trouble."
Kailan kaya mababago ang pagtingin nila sakin? That I'm not a troublemaker. I've changed, alot.
"Z, me and your mom wants the best for you. Ayokong pumasok ka sa gulo dahil--"
"Dad, I'm hungry. Can we just eat peacefully? I'm tired from school"
I don't want to hear his reasonings again. Dahil masasaktan lang ako. I know naman na nadadala ko ang pangalan nila kapag gumagawa ako ng mali. They controlled me for the sake of their reputation. Nothing more, nothing less. Just purely for their names.
"Okay iha. Eat up."
My dad sighed heavily as he lightly touched his temple.
Did I stressed him out?
I didn't mean to be rude, ayoko lang talagang makaparinig pa ng kahit anong judgements galing sa kanila.
You know, it hurts. Masakit marinig na walang bilib yung magulang mo sayo.
When the morning came I feel like it was my first day attending in school again. Ngayon lang ulit ako naexcite pumasok. Ganito siguro sadya kapag gustong-gusto mo yung ginagawa mo.
"Mang Tonyo let's go na po."
"Ang saya mo ngayon ma'am ahh. Hindi ka ba napagalitan?"
Tss. They really knew my parents. Anyways, wala munang bad vibes ngayon. Gusto ko munang sulitin yung ganitong feeling.
"Hindi naman po yun mawawala Mang Tonyo. But of course I need to live my life. And good vibes lang po dapat ngayon"
"Ganon ba? O sige tara na."
Habang nasa byahe patungong school ay dumaan muna kami sa drive thru dahil hindi pa ako nagbebreakfast. I also added Jose's breakfast dahil naalala ko siya.
Hayy. Naguilty talaga ako kahapon sa pares. You know, may puso din naman ako. Duh!
Nang makarating sa school ay dumiretso na agad ako sa engineering department.
Wait. Is he here? Baka naman hindi pa yon dumarating, ayoko ngang maghintay ng matagal. He's not that important.
'Yan yung transferee sa arts dept'
'Grabe. Tama nga sila. Pare maganda!'
'Shh wag kang maingay dadaan ata dito'
Yung totoo? Are they whispering? Rinig na rinig ko ahh.
"Ahh miss. Naliligaw ka ata. Sinong sadya mo?"
Hayy. They're blocking my way. Nagmamadali na nga ako ehh. Psh.
"Ahm. Kay Jose. Do you know him?"
Andidito na din naman sila, might as well ask them about Jose's room.
"Yung mataba ba? Bakit hanap mo yung lampang yon? May atraso ba sayo? Upakan na ba namin"
What?! Anong upakan? Don't tell me may galit sila kay Jose?
"No. Just tell me his room. Or ako na lang ang maghahanap, padaanin niyo na lang ako"
Shit! Malapit na ang next subject ko! I needed to find him now, ASAP!
"Sa dulo. Yun ang room niya."
"Sige sige. Thank you"
"Oops. Miss, may kapalit yon syempre. Kahit number mo lang."
Really? What's wrong with them! Ano bang meron sa number ko, ehh hindi naman ako mahilig magreply!
Hayy. I didn't expect na ganito kahirap magbigay ng pagkain kay Jose. Gosh, I even sacrificed my peaceful days, just to entertain that dick, earlier!
"Ahm. Excuse me. Andyan ba si Mr. Javier?"
"Mr. Javier? Ahh. Si Jose! Ayun ohh. Tawagin ko. Jose! Jose may naghahanap sayo"
After a second ay nakita ko din si Jose, he's busy doing a miniature house at mukhang nakakaabala pa ako sa kanya.
"Yo, ikaw pala miss sungit. Anong meron?"
"A-ahm. A-ano. Happy meal? Nag-drop by kasi kami kanina sa drive thru and then I remembered you."
Oh god! This was my first time giving a meal for the guy! It's.. it's awkward!
"Ito ba? Thank you. Sakto nagugutom na nga ako. Hindi ko to tatanggihan ahh. Teka, magfifirst class na ahh. Tara. Hatid na kita sa room mo"
"No. I mean, kaya ko na. Besides first period niyo din diba? Bye"
"Oyy teka--"
Shit! I run, faster. So awkward! Imagine ako, nagbigay ng food sa guy! This is not me! I mean, sa sobrang guilty ko lang talaga kahapon. Kung anu-ano ng kabaliwan ang ginagawa ko.
So ang ending, lutang ako buong period. As in walang pumapasok na knowledge sa utak ko. I was like awake but absent minded. Gosh!
"WAHH! We're complete! Saan tayo? Cafeteria? O sa labas?"
After ng subject namin ay nagtext sakin si Sy. Na mag-meet up kami ngayon. We're now here at the benches near our department nang bigla kong nakita si Jose.
He's like finding someone and when his eyes met mine. I couldn't help but to smile a little. Ano namang ginagawa niya dito? I thought he's busy.
"Hey miss sungit. Break time niyo? Tara libre kita."
'Z sino yan? Bebe mo?'
'Ayiee. HAHA'
Tsk. Ang galing, bumulong pa sila ehh pakinig din ni Jose! They really want to pissed me off.
"No. He's my classmate. Javier this is Syrill, Beatrice, Hannah Lissa and Morissette."
"Grabe sa pagkaformal Z. You can call me sy."
"Bea na lang"
"Mori"
"Hello. Nice too meet you. I'm Hannah."
Hannah babes was so cute. I want to hug her na.
"A-ahh. Hello sa inyo. Ako si Joselito Javier Jr. Sa engineering department."
"Do you want to join us? Tara sa cafeteria"
Agad tumingin sa akin si Jose para humingi ng approval. And wala naman akong magagawa if he wants to join. Besides si Hannah babes na ang nagrequest. Baka maging minus 1 pa ako sa langit pagtumutol ako diba?!
"So, let's go, don't mind Z."
Jose volunteered to get our orders but we refused to. Kaya naman naming umorder and besides hindi naman niya trabaho yon.
"Hoy sungit. Libre ko. May napili kana?"
"What? Umoo ba ko sayo? No! Keep the money. Next time mo na lang ako ilibre. For now, kkb"
"KKB?"
"Kanya Kanyang Bili! Gosh Jose. Saang planeta ka galing?!"
"Pwede ba tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Jose! Joseph na lang"
Joseph? Wala naman akong narinig na Joseph sa pangalan niya. Tss.
"No. I preferred Jose na!"
"Woi. Ang duga!"
"Two spaghetti nga po, then one box of pizza and two soda. Yung pizza po beef flavor. Thank you"
"Hey! Akala ko ba KKB?"
"Ang daldal mo kasi, let's go"
He's so madaldal talaga. Kahit sa pila hindi humihinto yung bibig niya.
"Ako na dyan. Umupo kana don. Ako na ang magdadala nito"
In fairness, gentleman.
"Pst Z. Ang bait ng friend mo ahh. Anyways, pinapunta ko dito si Enzo. May pinagawa pa daw kasi yung prof nila"
"Buti nga namoved yung firing sched namin ehh. Ikaw ba Mori? Hindi ka busy sa buss. ad?"
"A little. May ila-launch kaming product sa sports day, punta kayo"
"Sports days? Moriii! Ako na lang magseset-up, pwede ba?"
Hannah was really fun of doing set ups. Hayy. Kailan ko kaya mararanasang masurprise. Charr. As if naman hindi pa ako nasusurprise ng mga gago kong ex.
"Sungit. Ito na. Nakakahiya naman sa mga kasamahan mo, nilibre mo pa ako"
"It's okay. Let's eat na. Nagugutom na ko"
"Bakit nga pala beef flavor tong pizza. Ehh hindi ka naman kumakain nito"
"How did you know?"
"Halatang halata kaya. Ako pa niloko mo"
"Tss. I preferred this. Diba paborito mo yung pares? Para masabayan kita kumain non"
Ohh. Too much effort na ha. Ako na ang mag-aadjust! And tsaka para masanay na din akong kumain ng beef. Nakakahiya naman sa kanya.
"Palagi kang gutom ahh. Pero hindi ka nagkakalaman. Anong sekreto mo?"
"Easy. Just poop it"
"Ganon ba yon? Bat di effective sakin"
"I don't know, just shut up na. Can't you see nakatingin na sila satin!"
Gosh. Is he dense? Sobrang weird kayang makipag-usap tapos bumubulong bulong pa siya sakin!
If I know ay naiintriga na ang mga chismosa kong kaibigan.
"Ehem. Ehem. Excuse me. Pwede ba akong magtanong Jose?"
Oh my. I knew it, napaka-mausisa talaga ni Bea!
"O-oo naman. Ano ba yon?"
"Naghahanap ka ba ng sideline? Pwede ba kitang mainvite. Ito ohh. Magsesend ako ng link sayo tapos ilagay mo yung code ko, para dumagdag sa coins ko. Try mo. Sabi nila legit daw to ehh. Ipasa mo na din sa iba, tapos yung code mo naman yung ilagay mo. Thank you"
W-what?!
Isa na naman ba to sa raket niya?! Last time she invited me about this meeting. And huli na ng malaman kong nagbebenta pala siya ng bahay at lupa ng isang real state.
"A-ahh. Sige sige. Dm mo sakin. JoseJavier_jr username ko."
"Sige sige. Follow back mo ko ahh"
Gosh. May narecruit na naman si Bea sa kabaliwan niya.
She was the raketera in our group. Hindi na nga niya need yon ehh, but of course her motto is 'Sino ba naman ako para tumaggi sa grasya'. Her Lolo is a general kaya. So creepy.
We're now enjoying our food, when a group of guys stopped infront of our table. Who the fuck they are, a god?! At bakit sila nandidito sa table namin?
"Tingnan mo pre si Jose, kasama ang mga babae. Sabi sayo ehh bakla talaga to"
"Ahh baklang mataba pala yan ehh. Teka girls hindi niyo ba alam, nagpapataba kayo ng ahas."
What are they talking about?!
"Oyy Jose magkano ba ang isang gabi mo? 150?"
They all laughed habang nakatingin lang ako sa reaksyon ni Javier. He seems unbothered. Para ngang wala siyang naririnig ehh. Wait. Don't tell me okay lang sa kanya na ipahiya siya ng mga gagong to sa harap ng maraming tao?!
Pwes ako hindi! I can sue them for that!
"Hoy ugly tigitig guy, what's your problem? Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan si Javier. You don't know him!"
"Bakit miss beautiful? Kilala mo ba yan? Ehh transferee ka lang diba? Atsaka matapang ka pala. Ayos pre nahanap ko na ata ang forever ko. Ito ohh maarte na tapos maganda pa. Ikaw miss, magkano ang isang gabi?"
Aba gago to ahh!
"Asshole!"
I slapped his face. Hard. Really really hard na pati aso mahihiyang makipagpalit ng mukha sa kanya.
"Woooohhhhh"
Madami ng estudyante ang lumalapit sa table namin. At kahit sina Sy, ay hindi mapipigilan ang galit ko sa lalaking to. How dare him to disrespect me?! Kahit anak pa siya ng demonyo hindi ako matatakot sa kanya!
"Ang sakit non ahh. Tara na. May araw ka din sakin"
Psh. Takot pala siya ehh! Gago! Walang binatbat!
"Okay tapos na po ang show. Close na po. Limang piso lang"
"Bea! Anong ginagawa mo?!"
"Sayang naman yung show kung hindi pagkakakitaan. Sy dito ka sa portion na to tapos ako dito. Limang piso lang. "
Seriously? Gosh. Hindi ba nila ako icocomfort?!
"Z okay ka lang ba? Do you want ice cream sayo na lang ohh"
Shit! Buti pa si Hannah may concerned sakin. Si Mori.? She's still busy on her food. Tapos yung dalawang gaga pinagkakakitaan na ako! Huhu!
"Sungit. Bakit pinatulan mo pa?"
"Gago kaba?. Pinagtutulungan ka nila ohh. What do you expect me to do? Watch and chill? You're so tanga"
"Ahh excuse me. Miss Herrera right? Pinapatawag ka ni Dean"
What?! Why me? Ehh sila naman yung nanguna. Oh god! Not again! Not again!
"Sungit. Sasama ako sayo"
"No! Wag na Jose. Kung hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mo. Paano mo pa ako madedefend sa harap ni Dean, right?"
Sana lang this is not serious. I mean, wag na sana itong makarating kay mom and dad.
"I heard about the commotion y'all done in cafeteria. What happened? Ms. Herrera? Mr. Dimapasok, Mr. Pautan and Mr. Pasajol?"
"Dean they did it first. Hindi naman po sana magkakagulo kung hindi po nila pinagsalitaan ng masama si Jose. They even treated me as a whore."
So ngayon hindi kayo makatingin sa akin? Serves you idiots! Hindi porke transferee ako ay magpapasindak na ako sa inyo!.
"Is it true, Mr. Dimapasok, Mr. Pautan and Mr. Pasajol?"
"Dean sinampal niya po ako--"
"So Ms. Herrera was right! Mr. Dimapasok, hindi tino-tolerate ng university ang ganyang pag-uugali! With that seven days kayong mag-gagardening. Is that clear?"
"Pero dean--"
"You may go now. Bukas kayo magsisimula. Also humingin kayo ng despensa kay Ms. Herrera at Mr. Javier!"
"What?"
"Do it now! Kung ayaw niyong ipatawag ko ang parents niyo"
Ha! See? Nasa akin ang huling halakhak!
"Sorry"
"Ano? Mukhang hindi sincere Dean ehh."
"Mr. Dimapasok say it again!"
In fairness ha, gusto ko ng makipaglaro sa kanila. Should I record it, for remembrance, perhaps.
"Sorry, hindi na mauulit"
"Perfect! Apology accepted! Wait. Picture muna tayo. Okay na diba?. Dean lapit ka samin. Yan. Okay, one, two, three smile. Wow. Ang cute. Hashtag friends to enemies. Anong ig nyo tag ko kayo"
"Dimapasok. jervy"
"Sakin ay 123_mahalqhoe"
What? Is that even a surname? Ang bantot ha.
"Pasajolkatol yung akin"
Really? Katol? I knew it, mga adik nga sila!
"How about you Dean?"
"Spare me Ms. Herrera. Wala akong ig account. Mabuti pa bumalik na kayo sa klase nyo. Dismissed!"
Ang attitude naman ni sir. Siguro wala siyang lovelife kaya siya ganyan.
After that katarantaduhan moment namin sa office ay bumalik na rin ako sa room ko.
And now ay nagfocus naman ako sa acads para wala ng masabi pa si mom and dad. I wonder, binubully ba si Jose dito and he just chose to shut up na lang para wala ng gulo?
He's really pa-mysterious.
And ano ba yung meaning ng pinapatabang ahas? May dapat ba akong malaman or they just said it to pissed him off? Ugh! Ang hirap namang intindihin ni Javier!
Pagkatapos ng last period namin ay agad akong lumabas ng room. And I was shocked nang makita ko si Jose sa corridor.
Unti-unti ay nakikilala ko na siya. Alam kong hindi siya mahina, something is just off about him.
"Sungit! Hoy! Tulala ka. Anong nangyari sa office?"
"A-ahh. Wala. We're all okay na. Nagsorry na ba sila sayo?"
"Hindi. Hindi naman tumitino yung mga yon ehh. Wait. Bakit ka ba nagmamadali? May shoot kayo?"
Naiinis kasi ako sa kanya. Bakit hindi siya lumaban right? I mean, nasa tama naman siya. Katulad ko, maiintindihan din siya ni Dean!
"Pasabay ako ha. Sa fast food ulit. Teka galit ka ba? Sabi ko naman sayo ehh dapat hindi mo na pinatulan sina jervy. Kulang lang sila sa pansin"
Psh. Pansin my ass! For now, ayoko muna siyang makausap. He's weak. At ayoko sa lahat yung mahina. Dahil at the end of the day talo ka pa rin. Madadaig ka ng mga challenges sa buhay!
"Hoy sungit. Parang tanga na ako ohh. Hindi ka ba talaga magsasalita?"
"Hoy. Sorry. Okay, ano ba talaga yon? Pst!"
"KELZY!"
What? Did he called my name? For the first time?
"Ohh yon lang pala ang makakapagpahinto sayo ehh."
"Tsk. Gago ka kasi. Atsaka hindi ka parang tanga. Tanga ka sadya! Let's go. Naghihintay na si Mang Tonyo"
"Asus. Bati na ba tayo?"
"Oo na"
"Parang galit ka pa ehh"
"No. Not really"
"Not really. Not really ka pang nalalaman. Tara, ililibre kita. Ano bang comfort food mo?"
Comfort food ahm. Ang hirap, lahat naman kinakain ko. Charr. Syempre except sa mga exotic food.
"Ah alam ko na. Tara. Gusto mo ng experiences diba?"
"What?"
"Basta. Wag ng maraming tanong. Mang Tonyo tara ho"
Wow. Kung makapag-utos sa driver ko, wagas!?
Psh, makikilala din kita Javier. But for now, let's escape each other's misery.