Chapter 5: Facts about her

Our family car stopped infront of an exclusive restaurant, the waiter greeted us, as we quietly followed him.

Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang impluwensya ng mga magulang ko. Dahil kahit itong restaurant ay nagawa nilang ipasara.

I'm not surprised, after all it was for their business. And hindi ko naman alam kung anong purpose ko dito. Siguro para lang may kasama silang maganda.

"Mr. And Mrs. Herrera, I'm glad you came. Have a seat"

Psh. So ano ako nakatayo? I expected pa naman na hunk yung business partner ni dad.

"Thank you Mr. Li. By the way, this is my daughter, Kelzy Herrera."

I immediately plastered a small smile as he hold my hand tightly. Oh my! Did he just, ugh! Chansing yon ahh!

"Your daughter was so beautiful. I bet she will be a great actress or model someday. Just like you Mrs. Herrera"

No one was asking!

"Of course Mr. Li, but no. We won't allowed Z to take modeling."

Tsk. Kailangan bang sirain yung mood ko! Haler. Andito po ako dad!

"Why? I mean she had the potential"

WAHH! He's kind pala, I didn't expect.

"Mr. Li, we came here for business. So shall we start?"

Ayts. Hindi ko talaga magets si dad. Bakit ba ayaw na ayaw nila na mag-model ako?! For their reputation? Dahil alam nilang kapag pumasok ako sa industry ay madudungisan ko lang ang apelyidong Herrera.

Wow. I felt love! Note the sarcasm!

"So, you need our help to build your stall"

"Yes Mr. Herrera. But don't worry we already had the location. We just need your influence as an artist, and your connections in business. You're the backer and I'm the bunker how was it?"

Wait. Ganon ba sadya yung business partner. As in protection and advertisement lang yung habol niya kay dad.

"Is that what you really need, Mr. Li?. I mean, it was so easy. You surprised me"

"Yah. That's all, so are you in or out?"

Hayy. I don't want to associate with them anymore. Nakakasakit ng ulo! And bakit ba napakadali lang ng gusto ni Mr. Li?. I don't know but I have this feeling na hindi siya pwedeng pagkatiwalaan.

"I won't rush things, Mr. Herrera. I'll give you some time to decide. Anyway, the food was now ready. Let's eat"

He's right. I'm hungry na. Psh. Namiss ko tuloy yung mga foods sa street.

"Ms. Kelzy right? Do you have, boyfriend?"

What?! Napakapersonal naman. And why is he so interested?

"Don't get me wrong, I just want to asked because of my son. You see, he has a thing for you"

Son? At sino namang ponchio pilato yon aber!

"Mr. Li, we won't allow suitors for my daughter, she's still young for that"

"Is that so? Ohh hey. He's here. I invited my son for dinner. Is it okay Mr and Mrs Herrera?"

"Ahh yeah, of course"

May anak pala siya. Pero kung makahaplos kanina wagas. Wow. Binabawi ko na, he's not that kind.

"Hello dad. Hello po Mr. and Mrs Herrera"

Wait! I know that voice!

"Mr. Di---, I mean anak ka ni Mr. Li?"

Oh shit! Why is he here?! Ngayon pa lang ay gusto ko ng umuwi.

"Hi Kelzy. By the way dad she's my schoolmate. And hindi pa ako nakakapagpakilala sa kanya, iniiwasan niya kasi ako sa school. Anyways, I'm Drake not Mr. Di---"

"Nice to meet you hehe. Maupo ka"

Shit! At talagang sasabihin niya yung word na Dick! God! He's really an asshole!

"We can be friends, besides magkasosyo na naman sa negosyo si dad at ang dad mo. Hindi yung lagi kang nakabuntot sa baboy na yon"

What the hell! Paano niya nagawang sabihin yon sa harapan ko, ni dad and ni mom! Javier wasn't just my friend! He's my companion, in everything!

"Excuse me"

I felt guilty, for Jose. Hindi niya deserve ang mga masasamang salitang yon.

"Mang Tonyo, dyan na lang po ako sa car. Ayoko na po kasi sa loob"

"Ma'am. Okay ka lang ba?"

I could feel his simpathy but for now ay ayoko munang pag-usapan iyon.

While on the car ay naisipan kong tawagan si Jose para naman mawala ang sama ng loob na nararamdaman ko.

Luckily he's online so i immediately click the video call button. I was about to end the call dahil mukhang busy ata siya nang biglang nag-appeared ang nakangiti nitong mukha.

"Hey sungit. Miss me?"

He laughed and it lessen the heaviness I felt.

"Of course not. Kapal muks. Anyways, where are you? Ang ingay ng background mo"

"Nasa bahay. Diba sabi ko sayo nagluto si nanay, so yan chibugan na. Ikaw? Akala ko ba nasa dinner ka?"

"Hello po"

"Shh otep wag kang malikot"

"Uyy si kuya may jowa na"

Wait. Who's that boy. He's so cute.

"Javier sino yan? Can I see him?"

"Si otep. Ohh. Ayusin mo ahh"

A little cute guy appeared on the camera and sa tingin ko ay 5 or 6 years old lang siya.

"Hi po ate ganda. Ako po si otep. Pero palayaw ko lang po yon. Kayo po?"

"You can call me ate Z. I'm your kuya's friend"

"Ahh hindi po kayo jowa ni kuya? Sayang ang ganda niyo pa naman po"

"Hoy diba sabi ko sayo ayusin mo!"

"Wag kang maingay kuya!"

They're so cute. I mean magkatulad sila ng personality. Gosh! I can't wait to meet him.

"Ate Z. Ikaw po pala si miss sungit. Lagi ka pong kinukwento ni kuya. Siguro may gusto po si--"

What happened?! Bakit namatay yung video call. Did they ended it? Tsk. Paepal talaga si Javier!

I was about to call him again, when the door to the car open. And I could feel dad's anger habang nasa daan kami pauwi.

I know naman na hindi niya ako maiintindihan kahit pa mag-explain ako sa kanila. It was that damn Drake fault!

"Z! Kelzy! Hindi ko nagustuhan ang naging asal mo kanina. He's our client! Malaking project ang makukuha ng pamilya natin sa mga Li!"

I don't care. Una chinansingan ako ni Mr. Li. And now his son! God! Napakayabang talaga!

"Kinakausap kita! Z--"

"Jill. Hayaan mo na si Z. I know it was a bit hard for her na makibagay sa business world. We should give her some time to think."

This was the first time na ipinagtanggol ako ni mom. At I know na alam niyang binastos ako kanina ni Mr. Li. And my dad? Nabulag na ata siya ng ambisyon niya. He's now far from the dad I knew when I was a kid.

Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagdadrawing. This was my pastime before. And it was also the reason why I took Creative Arts and Design.

I sometimes draw a environment scenery. And this time it was all about me and Javier in the ferris wheel with a breathaking beautiful sunset.

Days turn into weeks and weeks into months. Mas lalo lang lumalim ang samahan namin ni Jose. I couldn't pictured myself without him on it. But of course hindi ko naman sinasanay na palagi siyang nasa tabi ko.

At habang tumatagal ay napapalapit ang loob ko sa kanya. He even helped me for the surprised Enzo made for Sy.

Finally, after years ay officially mag-on na sila. We waited for this to happen. At ngayon ko lang narealized na hindi pala nakakatuwa. Nakakahigh blood. Charr.

"Hoy! Umayos ka nga. Sabi ko post ka ng naka-fierce, bakit ka tumatawa?"

"Your face kasi ehh. It distracted me. Pwede bang iba na lang? I can't help it"

"Tsk. Umayos ka bibigwasan kita"

"Psh. Javier! Break muna. Mukhang masarap ang food na dala mo ohh"

We're here at mount paraiso. He said kasi na kailangan niya ng picture for his reference sa inaapplyan niyang photo studio. And of course bilang napakaganda niyang kaibigan. Sino ba naman ako para tumanggi.

"Ang takaw mo noh. Pinapakain ka ba sa inyo?"

"Grabe ka Javier! Parang makikikain lang eh."

"Number 10. Happy food, happy Z."

Pinanindigan niya talaga ahh.

"I'm curious ano na yung number 4-9?"

Hindi kasi niya pinapakita sakin yung list. He always said na soon kapag napuno na yung numbers. Pero sobrang tagal naman non.

"Alam mo sungit. Sampong beses ka atang ipinanganak."

"You're so madaldal. Dali na. Ano yung number 4?"

"Tsk. Oo eto na. Number 4 small things matters. Para ka kasing laging nabubundok."

"Thank you sa complement"

Hayy. Imbes na matuwa ako, mas lalo akong nasusura.

"Number 5 support her at all cost. Kahit pag-gawa ng assignment ako pa minsan!"

"Foul yon Javier! Hindi kaya. Sometimes lang kapag busy sa shoot!"

"Ano ba sabi ko? Sabi ko 'minsan', gulo ng isip mo"

Argh! Bully!

"Number 6 don't force her to do the things she dislike. Ang arte kasi"

"Nah ahh. Ang bait ko kaya Javier!"

"Psh. Yon lang. Sa kabilang araw na ulit yung tatlo. Lumalaki na yung ulo mo ohh"

Ang sarap niya kausap. Nakakatanga lang.

"Javier ask ko lang. Makakalimutan mo kaya ako?"

"Hindi. Malabo yon. Kahit ata isang milyon na sungit ang iharap sa akin. Makikilala at makikilala pa rin kita. Ikaw ba? Makakalimutan mo kaya ako?"

Siguro. Because until now ay wala pa rin akong alam about sa kanya.

"I don't know. Maybe yes. Maybe not."

"Ang labo mo. Kumain kana lang baka gutom yan"

"Do you want? Share tayo"

"Wag na. Sayo yan"

"Come on, I don't have virus naman"

"Tsk. Sure ka?"

"Oo."

I was happy dahil magshishare kami, nang makita kong halos 1/8 lang ata ng food ang natira sa akin. Gosh! He's so makapal!

"Javier!"

"Ano? 60/40. Baka matiyan lang ako kapag kakaunti. Sabi mo sure ka?"

"Grabe talaga yang fats mo. Anyways it's okay, as long as ililibre mo ako ng pares"

"Wow. Sa bucket list mo saan na tayo?"

Speaking of my bucket list, madami na din kaming nagawa ni Javier. Nag beach na kami, patentero, piko, tumbang preso, and many more different indigenous games na nilalaro ng typical na bata.

And for now, it says camping. But I know na bawal akong magpagabi. Except kung sina sy ang magpapaalam sa akin. WAHH! Thanks god!

"Camping, Javier sa Batangas tayo!"

"Oo na. Kahit saan. Teka okay ba sa parents mo?"

"Of course it will"

After we ate the food Jose prepared ay nagsimula na ulit kami sa shoot. Pagkatapos kasi ng klase namin kanina ay dito na kami dumiretso. Luckily ay wala akong shoot sa freelance and siya naman ay nagpalipat ng shift.

"Okay na. Ganda ng background"

"Javier! Ang kapal mo"

"By the way, horse back riding gusto mo?"

Oo nga noh. Kanina ko pa ring nakikita yung ibang tao na may dala-dalang horse.

"Do you know how to ride it? I mean, baka mahulog lang tayo"

"Don't worry, at least sabay tayong mahuhulog. Ano? Tara"

Ano daw? Is it about the horse right? Hayts. Napakalabo niya talagang kausap.

"Kuya magkano ang isang oras?"

"300 na lang. Pauwi na rin kami ehh"

"Ang mahal naman. Wala bang tawad para sa masungit na kasama ko"

Hayy. Palagi na lang niya kong pinapa'in. Okay lang naman yung 300 ahh. Besides makakatulong na rin kami kay kuya.

"Here kuya, keep the change"

"Naku! Salamat ma'am. Talagang hulog ka nga ng langit. Ohh buko juice sa inyo na lang. Enjoy kayo."

Kuya's smile looks genuine. So worth it ang perang binigay ko.

"Hoy sungit. 500? Sa isang oras? Grabe ka. Magkano ba allowance mo?"

"Secret. Baka ijudge mo na naman ako. Anyways, marunong ka ba talagang magpatakbo nito?"

"Oo naman. Ohh gear isuot mo"

Gear?

"Paano ba to isuot? Hindi ko pa kasi natatry mag-horse back riding. Bawal daw kasi sabi ni Mamu baka magkapeklat ako."

"Tsk. Arte talaga. Taas ang paa. Ang tawag dito chaps, para maprotektahan ang bako-bako mong binti"

"Hindi ka talaga attracted sakin noh. Kaya best friend kita ehh. You know how to put yourself in the line."

Kaya din siguro magaan yung loob ko sa kanya. Because I know, our friendship would last forever. And walang kahit anong makakasira non.

"Syempre! Ako pa ba. Yung mga tipo ko hindi masungit na kagaya mo. Tara na nga, sayang yung one hour."

I wonder, paano ba siya magmahal? Is he a Don Romantico?

"Javier hindi ba talaga ako mahuhulog dyan?"

"Hindi. Ohh ang bait ng kabayo. Tara na. Tung-tong ka dito tapos hihilahin kita pataas"

"Sure ka dyan ha"

"Oo nga, ang kulit"

I just followed what he said, at nang makaupo na ako sa horse ay agad akong napalundag sa saya.

"Hoy wag ka ngang malikot! Baka biglang tumakbo!"

"WAHH Javier! Bucket list toh!"

"Ohh kapit ka lang dito. Ako na ang bahalang magpatakbo."

He was seated infront of me and when the horse started to walk ay talagang napakapit ako ng mahigpit kay Jose.

Feeling ko mahuhulog ako, ano mang oras!

"Javier!"

"Relax. Ang sarap kaya ng hangin."

My nervousness melt when I saw the beautiful sunset. So now, nanliligaw na naman si araw.

"Jose. Can I ask you something?"

"Hmm?"

"Nagmahal kana ba?"

Palagi kasi naming pinag-uusapan yung lovelife ko yet niisa ay wala pa siyang nababanggit sa akin about sa past niya.

"Oo naman. Mahal ko si otep, si nanay, yung tatay ko. Yung iba ko pang kapatid"

"E! Seryoso kasi Javier! Nagka girlfriend kana ba?"

"Ano ba to? Hot seat? Si boy abunda kaba. Tsaka matagal na yon."

"Siguro you're not still over with that girl. Hindi mo pa ba siya malet go?"

"Hoy, saan galing yon?! Wag ka ng mag-conclude sungit. Mali mali ka"

Hayy. Ang damot naman. Parang information lang ehh.

"You're still a stranger to me Javier. Who's that girl ba? Is she pretty?"

"Wala na yon sungit. Tara na. Ihahatid na kita sa inyo"

Whatt? Anong ihahatid?

"I called Mang Tonyo earlier, hindi mo naman ako kailangang ihatid"

"Ganon ba? Sige. Kuya eto na ho ang kabayo niyo."

After niyang maisoli yung kabayo ay naglakad na rin kami patungong kalsada. Mang Tonyo texted me na andodon na siya, so we need to hurry dahil baka hinahanap na ako sa amin.

"Sungit"

"Bakit?"

"After nating mapuno ang bucket list mo, ipapakilala ko na siya sayo"

"So, hindi ka pa nga nakakaget-over sa kanya?"

We stared at each other for about a minute nang biglang bumusina si Mang Tonyo.

Oh my! Mag fofour na!

"Javier let's go. Malalate na ko sa pag-uwi!"

"Hindi. Mauna kana. May dadaanan pa kasi ako. Ingat Mang Tonyo, sungit"

What's wrong with him? Is it about his girl? For some reason ay naiinggit ako sakanya dahil maswerte siya kay Javier.

"Ma'am. Nandito na ho tayo"

Hindi pa kami nag-uusap ni dad after the dinner. Naging busy kasi sila ni mom sa opening ng business nila. And after that dinner ay hindi na nila ako sinama sa kahit anong related sa business.

It's okay. After all wala din naman akong interest sa business and iniiwasan ko din si dad.

"Nay Sabel, si mom po?"

"Umalis iha. Kasama ang dad mo. Ang bilin sa 'kin sa makalawa na daw makakabalik. May, anong tawag don. Yung picture picture--"

"Shoot po?"

"Oo. Yan nga. Ipapaskil ata sa kabubukas lang na business. Yung parang sa tv--"

"Advertisement po?"

"Oo. Teka ipaghahayin kita."

"Sa room lang po ako nay. Mag-chachange lang po ako ng clothes."

And now, I'm alone. Just like that aalis sila nang walang paalam. But of course, wala nang kaso sa akin yon. I'm used to it na naman.

Wait. Sina sy! I know na masasamahan nila ako!

"Hey sy! Are you free?

"Yes Z bakit?"

"Pwede ka bang magsleep over sa bahay? Umalis kasi sina mom. Please"

"Okay okay. Sasabihan ko na din sina Bea. See you girl"

"See you. Byeyi"

WAHH! This is exciting!

"Nay, can you cook for 4 person. Mag ssleep over po kasi yung mga friends ko"

"Sige iha. Lilinisin ko na rin ang guest room"

"Ahh nay wag na po. Sa room ko na lang po sila magsstay. Thank you po"

She just nodded, so nagpasama naman ako kay Mang Tonyo, to buy some chips and beer dahil naubusan na ng stocks sa ref.

I waited minutes for them to arrived. And now they're rocking our house like it was a bar.

Really? Namiss talaga nila yung house namin.

"Z! Grabe ang tagal na pala nating hindi gumigimik. After that incident, hindi kapa rin ba pinapayagan nina Tito?"

Hayy. Isa yon sa problema ko. I'm still grounded gumawa pa nga sila ng curfew hours! Tss. Wait. Why don't we use this opportunity para mag bar? Oh my! I'm so brilliant!

"Girls! Alam niyo ba ang naiisip ko?"

Hannah looked at me confused, habang walang imik na umiiling lang si Mori.

"Bar! Bar! Bar!"

Bea nonchalantly said that makes us all laughed.

"Let's go na. Magpapahatid tayo kay Mang Tonyo"

"Z. Hindi ka ba pagagalitan ng dad mo? Magpaalam ka kaya muna?"

"Gosh Hannah babes. Mas lalo akong malalagot kapag nagpaalam pa ako. You know my dad. He's very strict"

She's so innocent talaga. I wonder ilang plus na kaya siya sa langit.

"Mang Tonyo can you do me a favor?"

He's busy texting at mukhang kinikilig pa ito. Oh my! Naabala ko ata siya.

"Ano yon ma'am?"

"Pwede mo po ba kaming ihatid sa bgc. And then mga midnight niyo na po kami sunduin"

I know naman na loyal sakin si Mang Tonyo. Aww.

So I trusted him na hindi niya ito sasabihin kayna mom and dad.

"Naku ma'am. Baka malaman nina sir. Lagot tayo"

"Mang Tonyo hindi naman po nila malalaman. Besides I'm with my friends naman po ehh. Kilala niyo naman po sina Bea right?"

"Ayun na nga yung problema ma'am. Puro kayo babae. At si Ms. Mori lang ang maasahan ko sa inyo"

Shit! I remembered nga pala, last time sa bgc. Lahat kami knocked out except kay Mori. Nagka-phobia na ata si Mang Tonyo.

"Sige na po Mang Tonyo. I promised, hindi po kami magpapakalasing"

"Ayy nako. Yan kana naman ma'am. Pero sige. Tara na ho. Bahala na"

"Yay. Thanks Mang Tonyo!"

Wala talagang nakakaresist ng charm ko.

"Girls let's go na."

"Okay. Nagpaalam na ako kay Enzo"

"Me too. Kay mom. Busy si dad sa Campo eh"

"Wag hard drinks ha. Paalam ko kasi kay mom magssleep over tayo ehh"

"It's okay Hannah babes. Kami bahala sayo.. I mean si Mori."

We all laughed habang umingos lang si Mori, na mukhang bad trip na agad sa amin.

Too bad, pasimuno pa naman ako.

Here we go bgc! Let's get wasted!