Chapter 34 Pio Delacerna
I woke up late at night and si Javier agad ang hinanap ng mga mata ko. He's probably in his bed right now, but I was wrong ng makita ko siyang nakahiga sa sofa.
Its weird smelling a girl's perfume. Even my room smells like Sy? Or Bea? I can't tell. It was like their perfumes mixed up. Maglalakad na sana ako papunta sa kusina nang makita kong nakasiwang ang pinto ng kwarto ni Javier.
"Oh. They are here"
The girls were here. Hindi ko man lang namalayang dumating sila. I haven't eaten anything yet kaya nagtungo na ako sa kitchen. I just get a glass of milk and a sandwich from the store, we bought yesterday.
Wala ako sa mood kumain sa kitchen that's why I decided na magtungo na lang sa veranda. Ibababa ko pa sana ang foods na dala-dala ko nang makita kong bukas na ang sliding door papuntang veranda.
I was trying to slide it even wider nang may makita akong kamay na humawak din doon.
"Mori!"
Oh god! She scared me! Agad akong pumasok sa loob at sumalubong sa akin ang malakas na ihip ng hangin. As much as I don't want talk about the past ay ayokong ilihim kay Mori yung nalaman ko kanina.
She's just standing near the railings and mukhang malalim na naman ang iniisip niya.
"Mori, someone called me. And, I.. I think may kinalaman ako sa pagkamatay ng captain nang FIS"
That's what I feel. Hindi ko lang alam kung ano, bakit at paano ko nagawa.
Hindi ako naghihintay nang paliwanag galing kay Mori, but when she face me ay kusang bumukas ang mga labi nito.
"Pio Delacerna, FIS captain. Third year Engineer. Nanalo sa Sports fest. I don't know kung paano siya napunta sa victory party nyo, but I also get the information na Axel, one of his members was cousin of JD."
She handed me a picture of that guy and unti-unting nanlaki ang mga mata ko, realizing kung saan ko siya nakita noon.
Pio Delacerna.
~
Kababalik ko lang ng manila and hindi ko agad nagustuhan ang pag-uwi ko. My parents were gone for weeks. I thought they missed me, yet I know exactly na pinauwi lang nila ako for their business campaign.
I was just chilling and feeling the vibe here in the club's rooftop when I heard a guy screaming.
"FUCK THIS WHOLE LIFE! WALA KAYONG GINAWANG MAGANDA KUNDI ANG PAHIRAPAN AKO. I DID MY PART, NAGTRABAHO AKO FOR MY FAMILY'S EXPENSES. I JUST ONLY WISHED ONE THING, AT KINUHA NYO PA SIYA SAKI---"
God! Really, ang sakit niya sa tenga!
"*Hang ingay naman dito. You jerk, what's wrong with you? Khung tathalon ka dyan gawin mo na. Hang ingay mo"
Kalalaking tao takot sa problema. Bakit hindi niya ako gayanin. I am the most bravest and beautiful girl in this world. Nothing can beat me, except this guy na tatalon and magiging witness pa ata ako.
"Hoy! Ikaw!"
Gosh! Can't he give me peace?!
"Me?"
"Oo, ang arte mo ahh. Bakit sayo ba to?"
Ako? Maarte? Fyi, kung hindi siya sumigaw na parang galit na galit sa mundo, hindi sana masisira yung pag-eemote ko. And I don't care kung tumalon man siya. I just cared for his family, magkaiba yon!
"Hindi! Just go, do whatever you want. But please tumalon ka ng tahimik."
Peace of mind please comeback!
I'm setting up my mood again, when I saw him walking to my direction. Medyo madilim sa part na kinauupuan ko, kaya nasisilaw ako sa mukha ni kuyang suicidal. Damn! Bakit ba nakatapat sa kanya yung lights!
"Hep hep! What are you doing? I said tumalon ka ng tahimik hindi lumapit sakin!"
It's difficult comforting someone kung alam mo sa sarili mong may problema ka ding kailangang harapin. Baka makadagdag lang lalo ako sa problema niya!
"Your problem sucks. Hayaan mo, kapag nagkita ulit tayo, tutulungan kita. But for now, sabay na lang nating takbuhan ang lahat ng yon"
I already mastered scaping. And it was nice knowing na may kasama na akong tumakas sa lahat.
Hindi naman siya mukhang bad guy. Actually, I enjoyed talking with him. At least nakatulong ako sa kanya, same as him to me.
I don't want to leave him yet, but Sy called me na nag-aalala na daw si Nay Sabel. God! Ilang hours na din pala akong nawala and hindi pa ako nagpaalam sa kanila.
"HOY, ANONG PANGALAN MO?"
Should I tell him? Damn! Bahala na.
"KELZY"
Habang pababa ng hagdan ay inaayos ko na rin ang nagulo kong buhok dahil sa lakas ng hangin sa taas. Argh! I forgot my comb!
"Kelzy? Kelzy right?"
A man plastering a wide smile approach me, and his with a guy also na tinutulak pa ito palapit sa akin.
"Yung crush mo"
"Tsk. Tumahimik ka nga"
Are they arguing? Geez. Nagmamadali ako.
"Ahm. Excuse me, pwede bang makiraan, if you don't mind"
He's blushing. And naiilang na ako sa mga tingin niya.
"Wait lang miss beautiful. Gusto lang magpakilala nitong kaibigan ko"
"Hoy dex. Wag kang magulo"
"Sige na dali. Pagkakataon mo na ohh"
My phone keeps ringing and I know na nasa labas na si Mang Tonyo para sunduin ako.
"Kelzy. I'm Kelzy, nice to meet you....?"
"Pio. Pio Delacerna"
~
"Murder case. Hindi pa matukoy kung sino, pero nang pumunta ako sa mga pulis ito ang nakuha ko."
Documents. Nabalik lang ako sa reyalidad ng ibagsak ni Mori ang isang folder. Sobrang kapal nito, don't tell me pinag-aralan niya lahat ng to?!
She's just looking at me, and I could feel na may alam na si Mori. Nanginginig na isa isa kong binuksan ang pahina ng documents, and pictures of Pio's lifeless body was also captured in this file.
"That guy, its either kamag-anak o kaibigan niya yung nagbabanta sayo"
His teammates. Sila lang ang alam kong malapit sa kanya.
I don't know, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Wala akong nakitang kakaiba sa ikinikilos nila. Or maybe it was his family? Or his other friends? Pero bakit ako?!
"Here. Information about Pio Delacerna. His age, family, location, anything na magagamit natin sa imbestigasyon"
She gone to this far!
Name: Pio T. Delacerna
Age: 21
Address: Tondo, Manila
Family: Imelda Delacerna
Tirso Delacerna
Patrick Delacerna
"His brother, Patrick. May lead kana ba sa kanya?"
I just know you once, Pio. And I didn't expect na ang makilala ka ang maglalagay naman sa akin sa kapahamakan. I didn't regret na makilala ka. Nanghihinayang lang ako dahil hindi kita mas nakilala pa. I should have know you more, for that, makakaya kong idefend ang sarili ko.
"Yes. Matagal na siyang nanirahan sa ibang bansa kasama ang parents nila. Si Pio lang ang naiwan sa manila. At pagkatapos ng libing nito muling bumalik sila sa New York at hanggang ngayon hindi pa bumabalik"
New York?! So there's a possibility na magkita kami?! Pwede ko ba silang makilala.
Gusto kong malaman kung anong buhay meron si Pio noon. His likes and dislikes. Sinong mga naging kaaway niya na maaaring gumawa non sa kanya.
"I.. I don't think makakatulong sayo ang puntahan sila. Mailap sa ganyang usapin si Mrs. Delacerna at ang pamilya niya. Wala kang makukuha sa kanila believe me"
"Walang mangyayari kung hindi ko susubukan Mori! Pio's case was still on going, bakit parang kinalimutan na nila?! I don't know him that much but I have a heart. Looking at this pictures, hindi pwedeng wala akong gawin!"
She sighed heavily, and I know na hindi niya ako mapipigilan. Mori knows me more than I do. Alam kong may alam na siya. At kung ano man yon, bakit niya ako hinaharangang malaman ang totoo?!
Why can't she speak it straight to my face. Ano bang meron kay Pio? If it is not about him then anong meron sa mga taong nakapalibot sa kanya?!
"I'll take this with me. Thanks Mori."
I immediately get the documents and folders before walking out the veranda. Now she looks bothered.
I was slowly walking through my room, when I heard Javier's husky voice.
"Z?"
He's still asleep yet he's talking. Nilagay ko lang sa drawer ko ang mga documents bago lumabas muli.
"Z"
Dahan dahan akong umupo sa baba ng sofa, I can clearly see his face. A handsome one. I missed our cuddles, and I can't wait to be with him in New York.
"Hey. I'm here"
I softly caress his face, while showering him small kisses. I don't care and I'm not afraid if may makakita man sa aming dalawa. I know it's weird but it feels normal.
"Hmm?"
Now he's totally awake. Gosh! We're in the middle of the night yet ginising ko pa siya para matulog ulit. What was that!
"I was craving for ice cream. Can we buy one? or Two?"
Tsk. What a lame excuse. Kunot ang noong tumingin ito sa orasan sa taas bago muling tumingin sa akin. Damn! I'm now ready to be scold.
"Really sungit? Are you hungry?"
Parang batang dahan dahang akong napatango ng mapagtanto kong kaunti lang ang nakain ko kanina sa veranda.
"Hayy. Okay. Wait me here mag Ccr lang ako"
Oh my god! Did I just wake him up for an ice cream! He lazily open the bathroom's door and I know na tulog pa ang diwa niya ngayon.
I'm sorry Jav.
I was secretly smiling nang biglang bumukas ang veranda at iniluwa nito si Mori. She's weirdly looking at me and nang mapalingon ito sa sofa na kinahihigaan kanina ni Javier ay parang nasagot ang katanungan nito.
Dire-diretso lang itong pumasok sa kwarto ni Javier. And hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si Javier sa bathroom dala-dala ang jacket nito na palagi niyang iniiwan sa loob.
"Wear this. Malamig sa labas."
What? I thought sa kanya to.
"I have one sa closet ko, you don't have to gi---"
"No. Suotin mo na. Kailangan mo ng kumain. Let's go"
Mabilis nitong ipinulupot sa katawan ko ang jacket bago ako hinigit patayo. He encircled his arms to my waist habang nilalaro nito ang susing kinuha pa nito sa drawer.
We drove off to the convenient store and he immediately bought my favorite ice cream. I thought babalik na ito sa table na kinauupuan ko nang may kinuha pa ito sa isang stall.
Nang matapos nitong mabayaran ay agad itong lumapit sa akin at hindi lang ice cream ang dala-dala nito. He's holding so much foods!
"Eat up."
He demanded, and hindi na lang ako nagcomplain. After I finished the foods he bought ay nag ikot ikot pa kami sa iba't ibang store to buy snacks naman para sa trip mamaya.
Mag-uumaga na ng mapagpasyahan naming bumalik sa condo, we spent the night at the park. Hugging and feeling each other's presence.
Kabubukas pa lang namin ng pinto nang magsilingunan sa amin sina Sy, Hannah, Bea and Mori. They were sipping coffee while watching romance movie.
"Sa kwarto lang ako"
Javier whispered, and I nodded in response. Our relationship was different, only both of us can understand. And I know maiintindihan din nila kami.
"Hmm. Breakfast? We take out foods"
I said breaking the silence, and kumuha na rin ako ng plate sa kitchen para ilagay ang mga pagkain duon.
"You and Jose. Kayo ba?"
God, Bea! I was preparing the food infront of them, my heart was beating so fast. And I feel like, I'm just a teenager who was a newbie to this thing called love!
"H-hmm. C-can we j-just don't talk about it now. I.. I don't know either"
Silence. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming lahat, habang tahimik lang silang nagbebreakfast. Hindi na sila nagtanong pa ng kahit ano. I felt relieved, but deep inside, I know it is not healthy having unsure relationship with Javier.
"Thank you girls for dropping by. I'll surely miss y'all kapag nasa New York na ako"
First work and travel ko abroad. Ngayon pa lang nag-iisip na ako ng pasalubong sa kanila.
"Take care Z. Update us"
Unang lumapit at yumakap sa akin si Sy bago pa nagsisunuran yung iba. Mori was obviously the last in the line, and hindi katulad kanina ay maaliwalas na ang mukha nitong nakatingin sa akin.
"Hold this. Mrs. Delacerna was waiting for you. Good luck"
A calling card. Naguguluhang napatingin ako kay Mori, she was just smiling kaya hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit.
"Thank you."
I can't wait to meet Mrs. Delacerna. Alam kong matutulungan niya akong maayos ang pangalan ko. She just need to hear my side then everything will be the same again.
"Sungit tumawag si Mamu. Kailangan na nating maghanda"
I nodded, kissing the girl's cheeks for good bye. Nang makasakay na sila sa kani-kanilang sasakyan ay agad akong lumapit kay Javier. He's patiently waiting for me kanina pa and agad kong naramdaman ang pagpulupot ng braso nito sa bewang ko.
"Let's go"
He said smiling and I couldn't help but to kiss his cheeks for being cute.
"Ayy. Chansing. Crush mo ko noh?"
Tsk. If it is not for my pride baka ngayon pa lang nagconfess na ko sa kanya. But no, I'll wait for him to do that. Hindi ako ang mag-aadjust sa aming dalawa.
"Asa."
I rolled my eyes, at nagsimula na ulit akong maglakad papasok sa condo habang nasa likod ko naman si Javier.
May mga ilang gamit na akong nakalagay sa maleta, dahil yung iba ay hindi ko pa talaga naililipat sa cabinet ko. Tatayo na sana ako para kuhanin ang pouch ko sa vanity mirror nang may pumatak na bagay galing sa pantalon ko and ngayon ko lang naalala ang calling card na binigay ni Mori.
Reading Mrs. Delacerna's name made me realize how much I missed my mom. Hindi ko man lang nasabi sa kanila ang tungkol sa New York. I don't really tried to call them, dahil ayoko ng rejections. Maybe after this.
"Sungit ready ka na?"
Isang malawak na ngiti ang bumungad sa akin habang hila hila ko ang ilan sa mga damit na dadalhin ko abroad. Kahit ang mga documents na binigay ni Mori ay dala-dala ko rin para kahit magharap kami ng pamilya Delacerna ay maipagtatanggol ko ang aking sarili. That caller was right, everyone can betrayed me. Even the person I don't expected to be.
"ALAGAAAAAAAA!"
Oh my gosh. Why they didn't tell me na ganito karami ang mag-aabang sa airport!
"Ayan na si Ms. Kelzy!"
"KELZY! WHOA. I'M YOUR FAN!"
"WAHH! SHE'S WEARING THE FAMOUS DAVIS MASTERPIECE!"
"WE LOVE YOU KELZY HERRERA!"
Hindi na aakalaing airport ang lugar dahil nagmistula na itong concert sa dami ng tao. Everyone was shouting my name. And I couldn't help but to be grateful, and proud to this people na nagtyagang mag-abang sa akin.
"Z. This way, naghihintay na ang eroplanong sasakyan natin"
Kahit sobrang dami ng tao, ay mahigpit din naman ang seguridad sa lugar. Kahit saan ako tumingin ay may mga guard na pumipigil sa mga tao and I feel bad na hindi ko sila malapitan lahat.
I don't know why hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko kahit na panay ang hila sa akin ni Javier. Part of me was praying and hoping na makikita ko sina mom. But it's impossible knowing na baka hindi naman nakarating sa kanila ang balita nang pag-alis ko.
"Sungit tara na"
One last look and that's enough. Dismayado man pero alam kong hindi rin ako matitiis nina mom. I'll call them once I get to New York.
"Sorry. Let's go"
My team was complete. Madaming dalang gamit for occasions si Mamu dahil sa mga event na aattendan ko doon. Mrs. Jones assured us na hindi pure shows ang gagawin namin sa NYC. We have two days staycation and sa isang luxury hotels kami tutuloy dahil naroroon din ang ilang models.
Sa buong duration ng flight ay mahimbing na natutulog lang kami ni Javier. Nagigising lang kami tuwing may lumalapit na flight attendant para magbigay ng foods. Hapon na nang makarating kami sa NYC. Nag-aabang sa labas ng airport ang isang tauhan ni Mrs. Jones holding a poster with my name.
"This way ma'am"
We followed him and sumalubong sa amin ang isang magarang sasakyan. Akala ko ay siya lang ang susundo sa amin pero may ilang makikisig ding kalalakihan ang lumapit sa amin para kuhanin ang mga bagaheng dala nina Mamu.
This is too much. I mean, hindi ko akalaing ganito ang magiging treatment namin pagdating. It was as if I'm the boss.
"Ms. Herrera, someone forbid us to say this but, I personally need your approval"
He looks hesitant. Pasimpleng tumitingin pa sa kanya ang mga kasamahan niyang butler and I don't know kung ano bang approval ang tinutukoy niya.
"Ahm. What approval?"
I feel nervous. Siguro dahil sa mga nangyayari sa akin these past few days. I'm afraid that someone might put my life into trouble worst pati ang mga taong malalapit sa akin.
"To be with you all throughout your journey here ma'am"
Wait. What? Does he mean kasama ko silang lahat kung saan man ako pupunta?! I'm confused. Who the hell suggested that!
Halata ang takot sa kanilang lahat. Kaya't agad kong inalis ang kunot sa noo ko nang mapagtantong ginagawa lang naman nila ang trabaho nila. Kung sino man ang nagpadala sa kanila dito, alam kong alam nang taong yon na may nagbabanta sa akin. Pero sino?
Mori!
That girl, I knew it she's into something! Kaya ba niya binigay sakin ang calling card ni Mrs. Delacerna. With these people I don't think makakagalaw ako ng ayos kung palagi ko silang kasama. Gosh!
"Sungit isang batalyon to. Hindi ka na makakachansing"
Huh? I'm not pervert compared to him! Sino ba ang mas takot sa aming dalawa? His hand was so cold, yet hindi naman ganon kalamig sa NYC.
"Can you please drag him to the car?"
"Oy gagi hindi na mabiro"
Let's see kung susundin ba ako ng mga butler na ito. They looked at me as if I'm joking. Pabalik-balik ang tingin nila sa amin ni Javier na mukhang konti na lang ay magmamakaawa na.
"Do I need to repeat myself?"
"Woi mga bossing walang ganyanan. Teka. Sungittt!"
Geez. Para siyang bata.
Nang mawala na sa paningin ko si Javier ay tumingin naman ako kina Mamu, na mabilis din namang nakuha ang gusto kong sabihin.
"Ahh ehh. Doon na lang din kami sa kotse. Alaga. Sumunod kana lang"
"Thanks Mamu"
I mouthed, and finally we're alone. Sinadya ko talagang paalisin si Javier and sina Mamu para makausap ng ayos ang butler. I needed to know who's that someone he's talking about.
"Now, sino ang nagpadala sa inyo?"
They looked at me hesitantly and ngayon ko nakumpirma na galing nga sila sa pilipinas. Tsk. What's with the corporate attires!
"M-ma'am hindi namin pw----"
"Then NO. Hindi kayo pwedeng sumama."
Madali lang akong kausap, paano ako makikipagcooperate sa mga taong hindi ko naman kilala. Tatalikod na sana ako para kuhanin si Javier at sina Mamu sa kotse nang magsalita ang pinakahead sa kanila.
"You know this person.
.
.
.
.
It's your dad"