Chapter 8

"Halika ka na nga at malibre mo ako ng lunch." Natawa na lang ako sa kanya habang hinila na ako para makabili ng pagkain. Dumiretso na kami sa usual table namin ng makita namin si Tyron na maganda ang upo at sobrang daming pagkain sa table.

"Hey girls! Halina kayo at kumain na tayo." Naunang maupo si Rezzy sa bakanteng upuan sa harap ni Tyron, uupo sana ako sa tabi ni Rezzy ng nilagay niya ang bag sa uupuan ko dapat kaya wala akong choice kundi tumabi kay Tyron ngayon.

"Anong meron?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa dami niyang pagkain na binili, dapat pala hindi na lang ako nanlibre kay Rezzy at nagpalibre na lang kami kay Tyron.

"Wala lang, nagutom din ako at kayo din ata." Sabi ni Tyron at ngumuso sa dami din ng binili namin pagkain. Puno pareho ang tray namin ni Rezzy na kinatawa ko naman, tigdalawang balot ng rice kami ni Rezzy.

Nagsimula na kaming kumain ng mapalingon ako sa kaliwa ko ng narinig ko ang mga bulong-bulungan ng mga studyante sa paligid. Kakapasok lang ni Renzo kasama ang mga kaibigan niyang mga lalaki, parang wala itong naririnig sa paligid, patay malisya sa lahat.

Napadako ang tingin ni Renzo sa direksyon sa akin, parang biglang tumigil ang mundo ng magkatitigan kaming dalawa sa malayo. Parang nakita ko ang concern sa mata niya pero agad iyon nawala, baka namalikmata lang ako. Hindi nga ako sigurado kung concern siya sa akin. Binawi din agad niya ang tingin sa akin ng biglang may kumapit sa braso niya, sino pa kundi ang atribidang si Heidi.

"Biglang umasim yang mukha mo?" Tanong ni Tyron sa akin kaya napatingin naman ako sa kanya. Napangiti ako ng pinagpalit niya ang hindi pa hiwang steak ko sa steak niyang hiwa na.

"May nakain lang akong hindi maganda. Oy salamat ah, kumain ka na din." Ngumiti lang si Tyron sa akin, naghiwala uli ng steak at pinagpalit naman iyong sa kanya at kay Rezzy.

"O nakitang hindi maganda, thanks Tyron akala ko si S lang hihiwaan mo." Tinignan ko ng masama si Rezzy at nagtaas lang ito ng kamay habang pinapatuloy ang pagkain ng steak na hiniwa ni Tyron.

Everything went okay the whole day pero nagsisinungaling lang ako kung sasabihin kong okay lang ang lahat sa araw na ito. Hindi okay na sabihan ka ng kapwa mo studyante ng slut, whore and bitch. Hindi okay na sabihan ka na sinungaling dahil hindi naman ako nagsinungaling in the first place at mag-asawa naman talaga kami ni Renzo.

Hindi okay ang maging topic o maging bulong-bulungan sa lahat ng sides sa campus. Hindi okay ang mabigyan ng death glares dahil siguro kung kutsilyo pa ang iyon patay na ako kanina pa.

At mas lalong hindi okay na makita kong nakikipaghalikan ang asawa ko sa isang bathroom ng pambabae sa loob ng cubicle na dapat gagamitin ko.

NAPABUNTONG HININGA ako habang nakatingin sa dalawa kong flat na gulong sa likuran. Halatang sinadya ang nangyari sa kotse ko ngayon, napaikot na lang mga mata ko sa asar.

Pati ba naman kotse ko pinagtripan nila?

Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon, papaano ako makakauwi ngayon kung hindi ko magagamit ang kotse ko?

Wala namang masakyan na taxi o kahit jeep man lang sa labasan ng school dahil masukal ang papasok sa school na ito at kung gusto kong makasakay ng taxi ay malayo pa ang lalakarin ko.

Hindi naman ako maihatid ni Rezzy dahil nauna na palang umuwi ang bruha. Ngayong mga nakaraang araw ay ang dami niyang ginagawa, siguro puro photoshoot. Nababalitaan ko na lang via text galing sa kanya at nakikita ko siya sa social media sites.

Ayoko ring makisakay kay Renzo lalo na at nasaksihan ko kanina sa comfort room ang pakikipaglampungan niya sa pesteng si Heidi.

Ayoko na talaga umasa kahit konti na magbabago siya dahil alam ko naman sa sarili ko na di iyon mangyayari. At kahit hindi na ako umaasa ay patuloy pa rin akong nasasaktan pag may kasama siyang iba, hindi ko mapigilang masaktan at kahit nasasaktan ako ay mahal ko pa rin siya.

Mahal na mahal ko siya kahit bugbog na bugbog na ang puso ko sa lahat ng sinapit ko sa kanya. Ang sakit lang talaga.

"Serena?" Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin dahil baka mas lalong lumakas ang iyak ko, kaya pinunasan ko muna ang mga luha ko sa pisngi na dumadaloy pa din.

Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala si Tyron at nakatitig sa akin. He held my face and wiped my tears away.

"Shh, it's gonna be alright." Bigla niya akong niyakap kaya mas lalo akong naiyak. Inilabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko sa lahat ng nangyari sa araw na na ito. Nakakapagod din magtago ng nararamdaman, iyong magpatay malisya pero sa loob-loob mo ay para kang tinurukan ng kutsilyo.

"It will never be alright." Mahina kong sambit sa kanya. Unti-unti na ring humupa ang pag-iyak ko at lumayo na ako ng kaunti kay Tyron. Pinahid ko ang ilang luha sa aking mga pisngi sa pamamagitan ng panyong pinahiram ni Tyron sa akin.

TYRON'S POV

She was crying so hard, she looked sad and tired. And all I wanted was to comfort her.

Hindi ko alam kong anong nangyari sa kanya. O kung dahil ba ito sa kumakalat na balita sa campus na narinig ko lang kanina pero hindi ko binigyan ng pansin. Malamang kasi hindi naman totoo ang mga chismis, I didn't really like this school but I have no choice because she is here, my love is here. This school is the typical kind where the rich are at the top, halos lahat ng studyante dito ay mayayabang at maarte kasi mga anak mayaman.

Kanina ng makita ko siya nakayuko at nakaharap sa kotse niya akala ko may tinitignan lang siya iyon pala ng makalapit ako umiiyak na siya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Serena dahil parati nga siyang masungit sa akin. Sa labas ay mukha siyang matapang pero ngayon na nakita kong siyang ganito ay parang gusto ko siya aluin at sabihing magiging maayos din ang lahat kahit hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

"Dou feel better now?" Lumayo ng kaunti si Serena sa akin at tumango siya. Tumingin siya sa akin at pinilit na ngumiti para lang maipakita sa akin na ok na siya pero kitang kita ko na sobrang namumulang mga mata niya ang lungkot.

Napatingin ako sa likuran ni Serena dahil napansin ko ang isang bulto ng lalaki. Nakatingin sa amin si Devon at alam kong nakita niya ang lahat ng nangyari dahil sa kanina pa ito nakatayo doon at pinapanood kami.

"Yeah." Sagot ni Serena sa akin kaya napatingin ako sa kanya pero nas akotse ang atensyon niya kaya napatingin rin ako sa tinitignan niya. Flat ang dalawang gulong sa likuran ng kotse ni Serena, may ideya na akong may gumawa nito.

"Halika na, ihahatid na lang kita sa inyo." Hindi ko na siya hinitay na sumagot at agad kong hinawakan ko ang kaliwang braso niya papunta sa kotse ko.

Nakikita ko sa glid ng mga mata ko na nakatingin pa din si Devon kay Serena. Nadaanan namin siya ng mapatigil si Serena sa paglalakad, napatingin ako sa mukha niya na biglang0bigla ng makita si Devon. Napansin ko ding nakahawak si Devon sa kabilang braso ni Serena para pigilan kaming dalawa.

"Halika na." Nakatingin pa rin si Serena kay Devon, mababasa sa mukha niya ang pagkalito.

Is Devon the reason why she was crying and looking so broken?

"Ako na ang maghahatid sa kanya." matigas kong sabi kaya naman ay nagsukatan kami ng tingin ni Devon. Walang gustong magpatalo sa aming dalawa.

"Si Tyron na ang maghahatid sa akin." narinig kong tugon ni Serena kahit mahina ang boses niya ay pareho naming narinig iyon.

Hindi pa rin binibitawan ni Devonang braso ni Serena na para bang gusto nitong ipalabas na hindi siya bibitaw hanggat hindi sasama s akanya si Serena.

"Let go Pare. Ayaw nga niya sayo," sabi ko rito. Dapat hindi nito pinagpipilitan ang sarili kay Serena.

"She's my responsibility. Whether she likes it or not, ako ang maghahatid sa kanya." Diretso nitong sabi sa akin at tumingin kay Serena.

"Pare ayaw niya sayo. Hindi mo ba yun naiintindihan?" Ang kapal rin ng lalaking 'to.

"Ayaw sa akin? Iyan ba ang sinabi niya sayo?" He smiled sarcastically. "Last time I checked she wants me so bad that we end up being married. Oh yeah, I'm his husband, so back off." Napasinghap ako sa sinabi nito kaya bigla kong nabitawan ang pagkakahawak sa braso ni Serena.

Dahil doon ay mabilis na nahila ni Devon si Serena papunta sa kotse nito habang ako ay wala ng nagawa dahil sa pagkabigla sa nalaman ko. Ni hindi ko magalaw yung katawan ko dahil pakiramdam ko namanhid na ito. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa nawala na sila sa piningin ko.

They are married. They are husband and wife.

The only girl that I loved for so many years is now married. The only girl that I dreamed to be with is now in someone's arm.